Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Inspection of the National Resource Operations Center


Event Visit to Department of Social Welfare and Development - National Resource Operations Center
Location Pasay City

Ito ‘yung bago nating facility. Hindi, actually, dati na itong facility na ito pero ito ‘yung mga bagong makinarya na ginagamit natin para mapabilis at mapaganda ang ating pag-repack ng ating relief goods.

Kaya’t kadalasan nakikita lang natin ‘yung kahon-kahon. Ito ngayon – ito ngayon ‘yung laman nung mga iba’t ibang health kits, sanitary kit, family dress kit, cooking – kitchen, lahat. Ito ‘yung binibigay natin para doon sa mga – doon sa mga naging biktima pagka nagka bagyo, nagka kahit na anong klaseng disaster.

At ‘yung tinesting [testing] namin, ‘yun yung balde na mayroong filter na kahit anong klaseng tubig, ‘wag lang maalat, pero kahit na iba basta fresh water, kahit hindi masyadong malinis, puwedeng ilagay sa balde, puwedeng inumin, idadaan lang doon sa filter na ‘yun.

Ang maganda dito sa bagong makinarya na ginagamit natin, mas mapapabilis at mas mapapaganda ang ating pag-packing ng mga relief goods para ibibigay natin sa ating mga evacuees, para sa mga naging biktima.

Ngayon ay tinatanong ko sa ating kalihim ng DSWD kung handa na tayo sa Crising, mukha namang ready na tayo.

Lahat ng warehouse ng DSWD, lalo na dito sa Luzon, especially up to Northern Luzon –although mayroon nang humingi ng tulong sa Region VII, mabuti na lang may ganito rin tayo sa Cebu. Ganyan na ganyan na – halos pareho na makinarya at sila’y ginagawa rin nila kaya’t naka-ready naman tayo sa kung ano pa ang mangyayari.

Sana hindi na lumakas ‘yung bagyo. Pero kung sakali ay lalakas pa, eh naka-ready naman tayo.

At ang report ng DSWD sa akin, sa ngayon, ang naka-storage sa atin ay tatlong milyon na relief goods na pack na puwede nating ibigay.

So, siguro sapat naman ‘yun kahit ano pang mangyari.

That is – noong kami ay unang sinimulan namin ito, ang nakareserba lang para sa relief goods 500,000 na packs. Ngayon, pinataas namin naging one million, naging two million, ngayon three million na.

Kaya mabuti naman at kung anuman ang mangyari eh makakatulong tayo sa ating mga kababayan.

Sige, maraming salamat!

Thank you!

— END —