Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar

Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

Humarap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi para sa kanyang regular Talk to the People Address.  Ito ang ilan sa mga naging salient points:

Nagbigay ng pahayag ang Pangulo tungkol sa soon-to-expire COVID-19 vaccines. Ayon sa Pangulo, binili ng pamahalaan ang mga bakunang commensurate sa bilang ng mga Pilipinong dapat mabakunahan. Dagdag pa ni Presidente sa bagay na ito, either ibigay ang mga bakuna sa mga bansang wala pang bakuna o magkaroon ng programa na mag-house-to-house na pagpapabakuna sa mga barangay.

Kaugnay nito, naglabas ng joint statement ang Department of Health and National Task Force Against COVID-19 ukol sa current government inventory of government vaccines.

Unang punto, karamihan sa mga doses na mag-i-expire sa July 2022 ay donasyon mula sa ibang bansa o binili ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor. Kung inyong matatandaan, um-order ang national government, local government units at private sector ng bakuna kontra COVID-19.  At kung inyong matatandaan pa rin, noong panahon na binili ang mga nasabing bakuna, walang garantiya na madi-deliver ang ganoong karami at kung on schedule ito.

Pangalawang punto, nasa one-point fifty four-percent (1.54%) ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage.  Malayo ito sa ten percent (10%) wastage rate ng World Health Organization or WHO.

Pangatlong punto, nakikipagtulungan na ang DOH at NTF sa manufacturers na i-extend ang shelf life ng mga bakuna ayon sa pinakabagong datos sa siyensiya.

Samantala, prinisenta ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang COVID-19 trends sa ASEAN, kung saan ang Pilipinas ang isa sa may pinakamababang kaso ng COVID-19.  Nasa minimal risk case classification ang buong bansa, pati na ang mga rehiyon.

Nagbigay din ng update si Sec. Duque sa kanilang mino-monitor na emerging variants.  Ito ay ang Omicron XE variant na nai-report sa Thailand noong April 3, 2022.  Base sa mga paunang datos, nakita ng mga eksperto na nakakahawa ang XE variant ng sampung porsiyento, kumpara sa BA.2.

Sa usaping bakuna, as of April 4, 2022, nasa mahigit 71.4 million ang naka-first dose habang nasa mahigit 66.2 million naman ang nakakumpleto ng dose5 o fully vaccinated, ayon sa national COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa halos 12.2 million naman ang naka-booster shots.  Over-all, nasa mahigit 143 million na ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang taon gulang, nasa higit isang milyon na ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose hanggang disisiete anyos nasa higit nine million ang fully vaccinated, as of April 4, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa mahigit 6.6 million ang fully vaccinated seniors, as of April 4, 2022.

Binanggit naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang key challenges ng ating vaccination program.  Ang mga ito ay ang low turnout ng National Vaccination Days, pagbaba ng daily vaccination output, at low coverage ng BARMM area kung saan nasa twenty-seven point twenty four percent (27.24%) ng BARMM population ang fully vaccinated.

Kaya muli kaming nagpapaalala: Magpabakuna na po kayo.  At sa mga nabakunahan na, magpa-booster para sa dagdag proteksyon.  Ligtas, epektibo at libre ang mga ito.  Huwag magpakampante, narito pa rin ang COVID-19.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo sa Talk to the People address na nais niyang manatili sa Alert Level 1 ang bansa habang mayroon pang mga lugar na may kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, iniulat ni Department of The Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na may limang siyudad at munisipalidad na binubuo ng labing-apat na barangay ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Habang sa usaping pulitika, muling iginiit ng Pangulo na mananatili siyang neutral pagdating sa pagpili ng susunod na presidente.  Dagdag ng Pangulo, ayaw niyang isipin ng taumbayan na ginagamit niya ang government resources para sa kanyang kandidato.

On other matters, binuksan kahapon ng Pangulo ang 4-lane Binondo-Intramuros Bridge na isang joint undertaking ng pamahalaan ng Pilipinas at pamahalaan ng Tsina.  Isa na naman po itong Duterte legacy kung saan thirty-thousand (30,000) motorists na dumaraan araw-araw ang makikinabang.

Ito po ang aking opening statement.  Pumunta na tayo sa mga tanong ng MPC. Magandang hapon sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, and good afternoon, Secretary Martin at sa Malacañang Press Corps.

Ang una pong tanong mula kay Ivan Mayrina ng GMA News: Palace reaction daw po sa isang press release. Kinuwestiyon ni Senator Pangilinan ang umano’y pagmamadali sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa kabila ng matinding pagtutol ng Dumagat-Remontado Tribe sa bahagi po ng Tanay, Rizal at General Nakar sa Quezon. Bagama’t kailangan daw talaga ang mga bagong source ng tubig, sana raw ay hindi matulad ang China-funded na proyekto sa Pharmally deal na pinagkakitaan pa ang pondo ng bayan. Kailangan daw tiyakin na patas ang kontrata dahil hindi na maibabalik ang epekto sa mga komunidad at pagkasira sa kalikasan.

SEC. ANDANAR: Thank you, Ivan. Ang pagtatayo ng Kaliwa Dam ang nakikitang sagot sa problema sa tubig sa Metro Manila. Inaasahan na 600 million na litro ng tubig ang maidi-deliver sa National Capital Region at kalapit na mga probinsiya dahil sa Kaliwa Dam.

The Duterte administration prioritizes national interest and the gains of the Filipino people from this infrastructure. We assure that the Kaliwa Dam project undergoes due process noting that all… all stakeholders including the Indigenous People and the concerned local government units are involved in the negotiations.

Sisiguraduhin natin na ang makikinabang mula sa proyektong ito ay walang sinuman kung hindi ang taumbayan lamang. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong ni Ivan Mayrina, Secretary: Minamanmanan ng isang barko ng China ang isinasagawang joint military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Nagprotesta na umano ang bansa kaugnay dito dahil hindi katanggap-tanggap na manmanan ang bansa sa loob mismo ng teritoryo nito. Dagdag pa ng Kalihim, sensitibo ang lugar kung saan nakita ang Chinese vessel. Wala na umano ito sa international waters kung hindi nasa katubigan na sa loob ng bansa.

SEC. ANDANAR: Thank you again, Ivan. Following an investigation, the Department of Foreign Affairs has determined that these actions violate national sovereignty and has taken appropriate diplomatic action. The DFA summoned the Chinese Ambassador to lodge a diplomatic protest regarding this incident, and the President, while engaging in diplomacy in dealing with China will always protect our territory and uphold our national interest. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we get your reaction to Senator Gordon’s comment on President Duterte’s supporters? He said, the President is the idol of the blind and then he took a jab at PRRD’s unfulfilled campaign promises to end drug war in six months and to ride a jet ski enroute to Spratlys to plant a Philippine flag there.

SEC. ANDANAR: Thank you, MJ. As we all know, we are in the middle of the campaign season and this is part of the political noise. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, susunod na magtatanong si Mela Lesmoras ng PTV via Zoom.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon, Secretary Andanar, Usec. Rocky.

Secretary Andanar, unahin ko lang po. Sa Talk to the People kahapon ay nanindigan nga si Pangulong Duterte na hindi muna aalisin ang alert level system hangga’t may mga kaso pa ng COVID-19. Ngayong may banta po ng XE variant at nalalapit na rin iyong eleksiyon, nakikita po ba natin iyong posibilidad na magkakaroon ulit ng surge at paano po iyong ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapigilan ito?

SEC. ANDANAR: Thank you and good afternoon to you, Mela. Patuloy ang ginagawang pag-aaral sa XE bilang isang variant. Ang mahalaga ay sumunod sa minimum public health standards – mag-mask, hugas, iwas at magpabakuna.

MELA LESMORAS/PTV: At Holy Week na po kasi sa susunod na linggo, may we ask, ano po kaya iyong schedule at mga plano ni Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: I would like to believe that the President will stay in Davao City as usual. Noong mga nakaraang taon ay doon lamang siya sa kaniyang tahanan sa Davao City.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. At isang pahabol na lamang po, Secretary Andanar. Sa panahon kasi ng Holy Week, marami din tayong mga kababayan na nagbabakasyon at ginagamit nga ang panahon na ito para makapag-relax at magpunta sa iba’t ibang lugar. Ngayon ngang may banta pa rin ng XE variant, ano po iyong mga paalala ng Malacañang sa ating mga kababayan at mensahe ngayong Holy Week?

SEC. ANDANAR: The usual – maghugas, mag-mask, mag-social distancing, kung puwedeng iwasan ang malaking crowd, iwasan natin. Napakalaki ng bansang Pilipinas, we have over 7,600 islands, kung mayroon kayong mapupuntahan na outdoor, mas maganda siguro para hindi kayo nakukulong sa loob ng mga lugar, mga espasyo na kakaunti ang ventilation.

MELA LESMORAS/PTV: Okay, maraming salamat po, Secretary Andanar at Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Thank you, Mela.

USEC. IGNACIO: Thank you, Mela.

Secretary, ang tanong ay mula kay Llanesca Panti ng GMA News Online: Can we get daw po the target date or timeline for the implementation of the house-to-house vaccination as ordered by the President? What agencies will lead the rollout – DOH, DILG, LGUs?

SEC. ANDANAR: Thank you so much for the question, Llanesca. Ito ay kasalukuyang pinag-aaralan pa sa level ng National Task Force Against COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Thank you, Malacañang Press Corps.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky Ignacio at sa lahat po ng miyembro ng Malacañang Press Corps.

Dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again on our next briefing. Stay safe and healthy everyone. At dahil maulan ang panahon, stay dry.

Tandaan: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok.

##

News and Information Bureau-Data Processing Center