Interview

Announcement of Presidential Spokesperson Harry Roque PTV Balita Ngayon



SEC. ROQUE: [Airing starts] magkaroon ng mass gathering. Ito po ay applicable pati po sa mga religious gatherings, hanggang sampung tao lang po.

Pangalawa po, iyong mga negosyong nag-o-offer po ng personal care, aesthetic procedures and services bukod po sa mga salons at barbershop, mga gyms, fitness studios, sports facilities, testing and tutorial centers, review centers, internet cafes, drive-in cinemas, pet grooming services ay mananatili pong sarado – sarado po itong mga establisyimentong ito sa ilalim po ng GCQ.

Iyong mga dine-in restaurants, iyong mga salons and barbershops and lahat po ng mga serbisyo except full body massage ay papayagan po. Pero ang lokal na pamahalaan po ang magsasabi kung gaano po ang magiging capacity ng mga dine-in restaurants, salons at mga barberya.

Magkakaroon po tayo ng uniform na curfew ‘no, dito po sa Metro Manila. Dito po sa Metro Manila uniformed curfew from 8 P.M. to 5 P.M. Mayroon pong [mga siyudad] na hindi po masasakop nitong bagong curfew hours mamayang gabi: Ito po ang Manila, Muntinlupa at ang Pasig dahil kinakailangan po nilang amyendahan iyong kanilang ordinansa na nagsasabi ang curfew ay 10 P.M. Pero nag-commit naman po ang mga mayor at alkalde ng ating mga siyudad ng Maynila, Muntinlupa at Pasig na gagawin naman po nilang 8 to 5 din ang curfew nila. Okay.

Now bukod pa po rito, iyong pag-i-issue po ng quarantine [garbled] ng ating mga lokal na pamahalaan, siyempre po iyong mga lugar na under localized or granular lockdowns kinakailangan ng quarantine passes. Bahala na po ang LGU kung gusto nilang mag-require ng quarantine passes sa lahat ng kanilang mga mamamayan.

At lilinawin ko rin po, habang nasa GCQ po tayo allowed po ang mga motorcycle back riding. Pero allowed po ito kung ang pasahero ay APOR o iyong Authorized Persons Outside of Residence. Kung pareho po ang address nila, hindi na po kinakailangan ng barrier pero kung magkaiba po ang address nila, kinakailangan iyong angkas-type na barrier. Kinakailangan po ang driver at ang pasahero ay mayroong helmet, mayroong mask at mayroon pong face shield. At kinakailangan po pribado iyong motorsiklo at hindi po ginagamit na parang taxi.

Now iyong pagsusuot po ng face shield bukod pa po sa face mask [garbled] sa mga commercial places, sa mga workplaces at sa mga pampublikong transportasyon.

Maraming salamat po at sana po everyone remains safe and I will see you po tomorrow sa ating regular press briefing. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)