USEC. IGNACIO: Nagpapatuloy po ang ating paghahatid serbisyo at impormasyon ngayong araw, makakasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang umaga buong Pilipinas. Nakipag-usap pong muli kagabi ang ating Presidente sa taumbayan, at ang mga nabanggit niya ay ang mga sumusunod: Unang-una, iyong pangangailangan na bigyan ng patuloy na proteksiyon ang mga OFWs. Nakiusap po ang ating Presidente sa ating mga local government units, lalung-lalo na sa mga mayor, na hayaan nang pauwiin ang mga OFWs na sumunod na po sa protocol na testing bago sila pinauwi sa kanilang mga probinsiya.
Nagsalita rin po ang Presidente tungkol po doon sa pangangailangan na protektahan ang kalusugan ng ating mga health professionals kaya iniisip na nga po niya kung pupuwedeng pigilan sila kung sila po ay magtatrabaho sa mga high risk areas. Kinakailangan din po ang ganitong hakbang dahil kinakailangan din natin dito sa ating bayan ang serbisyo po ng ating mga kababayan.
Nagkaroon po ng presentasyon kahapon ang mga tagapagpatupad ng ating programa para sa COVID-19, at kahapon po ay nagbigay ng presentasyon si BCDA President Vince Dizon at bisita po natin siya ngayon para magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol dito sa tinatawag na Test, Test, Test.
Nagpasalamat din po ang Pangulo sa mga private sector companies na tumulong po sa panahon ng COVID-19. Napansin po natin at sinabi talaga ni Presidente na dahil nahabag ang kaniyang damdamin sa tulong na binigay ng mga tao na kung mga nakalipas panahon ay mayroon siyang harsh words ay nagpapasalamat na siya. At sinabi nga po ng Presidente ay humihingi po siya ng dispensa at inimbita niya pag-usapan na lang ng gobyerno kay Ayala Group of Companies at MVP Group of Companies kung anuman ang kanilang problema sa gobyerno.
Sinabi rin po ni Presidente na wala na pong peace talks sa panig ng gobyerno at ng CPP-NPA na pinamumunuan po ni Jose Maria Sison.
Tapos po, pinaanunsiyo rin po ng ating Pangulo na magbibigay po siya ng pabuya na hanggang P30,000 doon po sa mga whistleblowers na magsusumbong kung sinu-sinong mga lokal na opisyales ang kinukurakot ang ayuda na binibigay ng gobyerno para sa taumbayan ngayong panahon ng COVID-19.
Siyempre po, inulit niya na iyong mga LGUs po, ang pakiusap niya kung tapos na iyong protocol na sila ay na-test na ay hayaan nang umuwi at doon na mag-quarantine sa kanilang mga probinsiya dahil karapatan naman po ng mga kababayan natin na umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Balitang IATF naman po tayo. Well, kahapon po ay inaprubahan po ng IATF ang mga sumusunod: Unang-una, iyong pagtigil po ng mga inbound flights hanggang May 8, 2020, 11:59 P.M. Ang mga exemptions ay iyong mga official flights, emergency flights, cargo ambulance, medical supply, weather mitigation, maintenance flights at international flights for stranded foreign nationals.
Nagkaroon din po ng pag-approve sa apat na mega-swabbing facilities, at mamaya po sa ulat po ni Mr. Vince Dizon ay magsasabi rin siya sa mga developments. Ang apat na mega-swabbing facilities po ay sa Enderun College sa Taguig, ang Philippine Arena sa Bulacan, ang Mall of Asia in Pasay at ang Palacio de Maynila dito po sa Siyudad ng Maynila.
Pagkatapos ay nagkaroon din po ng scaling up ng testing capacity sa Mindanao, at mamaya nga po ay hahayaan ko lang si Mr. Vince Dizon mag-ulat tungkol doon sa TTT Program ng ating gobyerno.
Mayroon din pong na-approve na ang tawag po ay iyong Updated Classification and Decision Tool for Declaration, Extension or Lifting of Community Quarantine in Provinces, Highly Urbanized Cities and Independent Component Cities. So mayroon na po tayong basehan kung kailan po mai-lift o magpapatuloy ang ECQ sa mga probinsiya, highly urbanized cities and independent component cities.
Naaprubahan din po ng IATF ang creation ng IATF Screening and Validation Committee na bubuuin po ng mga undersecretaries ng iba’t ibang ahensiya gaya ng DILG, Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, at iba pang mga ahensiya. And mandato po nitong Screening and Validation Committee ay para magkaroon po ng isang proseso kung saan iaapila o iba-validate iyong desisyon sa mga lugar na magpapatuloy ang ECQ o di naman kaya ay bababa na sa GCQ.
Nagkaroon din po nang pag-a-approve doon sa iba’t ibang mga aktibidades na ipaalam sa nasabing mga classification at decision tools ang… sa iba’t ibang local government units ‘no, epidemic response framework to subnational government entities.
Ang mga sumusunod naman po na rekumendasyon ng Department of Transportation na maghanap po tayo ng paraan para bigyan ng suporta ang ating mga tsuper.
Uulitin ko po: pag-aaralan pa lang po iyong rekumendasyon na magbigay ng fuel subsidy para po doon sa ating transportation sector. Hindi pa po naaprubahan iyan; pag-aaralan po iyong rekumendasyon na iyan.
Mayroon ding rekumendasyon na hilingin sa mga nagpapautang sa transportation sector na magpautang ng mababang interes at saka iyong kung pupuwede po ay iyong deferment ng payments sa mga iba’t ibang nagpautang sa ating transportation sector nang wala pong interes ‘no – iyong deferment of payment to financing institution’s amortizations without interest.
Nagkaroon din po ng approval iyong guidelines and quarantine and testing of repatriations as presented by the Department of Health. Ano ho ngayon ang ating patakaran? Lahat po ng Pilipino pagdating sa airport or sa puerto ay kinakailangan mag-PCR test. Habang hinihintay po ang resulta ng PCR tests, kinakailangan po manatili sa facility quarantine. Puwede po na manatili iyong ilan sa ating mga We Heal as One Center, pero karamihan po ng OFW ay babayaran po ng OWWA ang kanilang quarantine. Ito po ay hanggang dalawa o di naman kaya ay tatlong araw dahil hihintayin lang po ang resulta. Kung negatibo naman po ang resulta, pupuwede na po silang umuwi sa kanilang mga tahanan pero kinakailangan pa rin mag-14-day home quarantine.
Nasaan na ho tayo sa ating laban dito sa sakit ng COVID-19? Well, kahapon po ay nagkaroon tayo ng suma-total na 9,485 cases. At ang mabuting balita pa rin po ay napakadami pong gumaling kahapon, ito po iyong highest single day COVID-19 recovery, 101. So ang suma-total na pong gumaling ay 1,315. Mayroon pa rin po tayong karagdagang mga namatay at ang suma-total na po ng namatay sa sakit ay 623.
Ito po makikita natin sa graph na ito na hindi naman po masyadong tumaas ang mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, para nga pong nagpa-plateau na siya ‘no. So nagpapakita po iyan na talagang epektibo iyong ginawa nating ECQ.
Ito namang slide namang ito ay iyong mga namatay sa sakit: Patuloy pong tumaas, pero kung makikita ninyo po ay hindi masyadong mabilis iyon pagtaas on a daily basis. Bumagal na po iyong pagdami ng mga namamatay.
At ito po ang balita: Napakabilis naman nang taas ng numero ng gumagaling po sa sakit na COVID-19.
Mga iba pang bagay: Pinirmahan po kahapon ang Executive Order 113 na nagpapataw ng karagdagang sampung porsiyentong buwis sa imported crude petroleum oil and refined petroleum products. Kaya naman po ginawa ito ay dahil napakababa po ngayon ng presyo ng langis at iba pang mga fuel products. Sa katunayan po, ang ating gasolina ngayon, ang naging decrease ‘no, ang decrease po sa presyo, napakalaki po ng naging pagbaba ng presyo, 14.99 per liter sa gasolina, 17.53 per liter for diesel at 22.82 liter for kerosene.
So iyong sampung porsiyento pong ipapataw na karagdagang buwis ay maliit na maliit po iyan dahil ang mura-mura na nga po ngayon ng presyo ng langis at ng iba pang petroleum products. Gagamitin po siyempre natin iyong karagdagang 10% na buwis para sa pangangailangan natin dito sa COVID-19.
Nakasaad din po sa EO na babalik sa 0% ang modified rate of import duties sakaling tumaas ang presyo ng pandaigdigang langis.
Okay, questions? Pero bago mag-questions po, pakikilala ko po muna sa inyo si Mr. Vince Dizon. Si Mr. Vince Dizon po ang Pangalawang Tagapagpatupad po sa National Task Force COVID-19; Siya po ay Presidente ng BCDA Corporation at siya rin po ang Presidential Assistant for Special Flagship Projects – Mr. Vince Dizon at ang TTT Programa po ng ating gobyerno.
BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Magandang hapon po. Thank you very much Secretary Harry Roque. Nandito po ako ngayon para iprisinta ang programa para sa T3 o iyong tinatawag nating Test, Trace and Treat – ito po ay isang programa ng gobyerno natin kasama ng pribadong sektor para labanan nating sama-sama ang COVID-19.
Gusto ko pong mag-umpisa ngayon na ipakita sa inyo ang isang quote na galing sa World Health Organization. Iyon lang pong naka-highlight ang aking babasahin para po makita natin na napakaimportante po ng testing sa paglaban dito sa COVID-19. Sabi po ng WHO: “You cannot fight a fire blindfolded and we cannot stop this pandemic if we don’t know who is infected. We have a simple message for all countries,” at iyong mensahe pong iyon ay to test, test at test.
So alam ninyo po, ang kalaban po natin dito ay ang sakit na COVID-19. Kaya lang po ang problema natin, nagtatago po iyong sakit na iyan sa ating mga kababayan at kailangan po nating malaman kung sino sa atin ang may sakit sa pamamagitan ng pagti-test. Iyon po ang pinakaimportanteng kailangan nating gawin ngayon at sa mga susunod na araw.
At dahil po ang pag-test, ang translation po niyan, kapag tayo ay nag-test nang marami, marami po tayong buhay na masasalba. We will save a lot of lives if we ramp up testing lalung-lalo na po sa ating mga kababayan na walang mga paraan para mag-self isolate. Alam naman po natin, hirap po ang ating mga kababayan at ang kanilang mga living conditions ay hindi nila kakayaning mag-self isolate kaya kailangan po talaga natin silang i-test at i-isolate at i-treat.
Kanina po, kami po ay nag-inspeksiyon sa ating mga centers na ginagawa natin ngayon para mag-ramp up po ng swabbing. Makikita po natin siguro sa mga susunod na mga slides na mari-ready na po natin ang sinabi kanina ni Spokesperson Harry Roque na mga swabbing centers po kung saan kailangan nating dalhin doon ang ating mga kababayan simula po sa ating mga OFWs para po doon natin sila isu-swab sa isang napaka-safe na lugar. Safe hindi lamang sa ating mga OFWs, sa ating mga pasyente, pero safe din para sa ating mga frontliners.
Mayroon po diyang mga testing booth na makikita ninyo na talagang very secure at very safe ang ating mga frontliners para sila naman po ay hindi mahahawa o mai-infect in case na mayroon po sa ating mga kababayan na nagdadala ng virus na COVID-19.
So sa mga susunod pong mga araw, ira-ramp up po natin ang laboratory testing. Na-report po natin sa ating Pangulo kagabi, na right now, mayroon tayong 20 laboratories. In fact I think as of yesterday, 22 na ito. So 22, mayroon pa tayong dagdag na 56. Ang target po natin by May 30, 78 na po ang ating mga laboratoryo sa buong Pilipinas kasama na ang Visayas at ang Mindanao.
Siyempre po kung makikita natin ang mapa, ang pinakamarami pong infection natin ngayon ay sa island of Luzon, lalo na sa Metro Manila. Kaya po tama lang na mas marami tayong laboratoryo doon, pero mag-i-scale up na rin po tayo ng mga iba’t ibang laboratoryo sa buong bansa including Visayas and Mindanao. Importanteng-importante po itong gagawin nating ito dahil sa mga darating na araw at darating na buwan, kailangan po ready tayong mag-test ng ating mga kababayan, dahil po hindi hihinto ang ating testing, hindi ho hihinto ang ating pagti-test.
Ngayon po, nasa 5,000 per day pa lang po ang ating daily tests on average. Gusto natin po sa pamamagitan nitong 78 laboratories na ito, eh tumaas tayo nang 30,000 per day. Kapag tayo po ay umabot ng 30,000 per day, nandoon na po tayo sa lebel ng testing katulad ng mga bansang talagang nag-invest sa testing tulad ng South Korea at ng mga iba pang bansa; at mas mataas pa tayo sa level ng Singapore at ng Israel.
Iyon po ang ating goal, at naniniwala po tayo na kung ma-activate natin ang labs na ito, magkakaroon na po tayo ng capacity to test 30,000 per day by May 30. At gagawin po natin ito sa tulong ng private sector. Unang-una po, ang pinakamalaki pong laboratoryo ngayon sa Pilipinas ay ang laboratoryo ng Philippine Red Cross, sa pamumuno po ni Senator Richard Gordon. Kaya po talaga, nagpapasalamat po tayo kay Senator Gordon at sa mga magigiting at bayani nating mga kasamahan/kababayan sa Philippine Red Cross dahil po talagang napakalaki ng kanilang ginawa, napakalaki po ng kanilang kontribyusyon sa ating testing capacity.
At hindi pa po yata hihinto ang Red Cross, magtatayo pa sila ng iba pang mga testing facilities sa Metro Manila, sa Central Luzon, sa Southern Luzon at sa Visayas at sa Mindanao. Kaya po muli, nagpapasalamat tayo kay Senator Gordon at sa ating mga kababayan sa Red Cross.
Pero hindi lamang po Red Cross, pati po ang mga private companies tulad ng Unilab, ng Ayala, ng San Miguel; iyong atin pong mga ospital tulad ng St. Lukes, Makati Medical at iyon pong mga ospital na kasama sa Metro Pacific Group of Companies – sila po ay magsasama-sama dito sa tinatawag nating T3 Coalition kasama ng ating DOH, kasama ng ating gobyerno para mag-ramp up tayo ng testing capacity.
Ang immediate po nating goal in the next few weeks ay i-swab at i-test ang 25,000 OFWs at overseas Filipinos sa Metro Manila at sa Greater Metro Manila Area – ito po iyong mga seafarers natin, mga land-based OFWs at mga overseas Filipinos.
So ito po, iyong mga mega swabbing centers natin, bibilisan ko na lang po ito para mas marami tayong panahon sa katanungan. Nasabi na po ito ni Spokesperson Harry Roque kanina, mayroon tayong apat na swabbing centers. Magpapakita pa ho tayo ng mga ibang pictures, ito po ay sa Palasyo, nandito po kami kanina ni Secretary Duque at ng ating Chief Implementer na si Secretary Galvez.
Ready na po iyan, ang ating magigiting po na Philippine Coast Guard at mga kasamahan natin sa Bureau of Fire Protection ang mag-o-operate po nito. Sila po iyong mga nakikita natin ngayon sa picture na naka-PPE at makikita ninyo po iyong mga booth, protektadong-protektado po sila diyan. Ito po, mayroon din po tayong tinayo sa NAIA 2 at sa NAIA 1. Mayroon pong mga swabbing centers diyan na mag-o-operate na kapag nagbukas na po ang ating mga airport. At immediately po paglabas ng ating mga kababayan sa kanilang mga flights, isu-swab test na po natin sila para po lumabas na po ang kanilang mga PCR results sa loob nang 24 to 48 hours.
At siyempre po, iyong ating mga quarantine centers nakita ninyo na po ito. Ito ang Philippine Arena, ulit po, nagpapasalamat tayo sa Iglesia Ni Kristo sa kanilang generosity at sa lahat ng mga private sector partners na talagang tumulong po sa ating mga quarantine sites at sa ating mga swabbing facilities. Sa mga swabbing facilities po natin, nagpapasalamat po tayo sa Manila Bulletin Group, sa SM para sa paggamit ng MOA Arena at sa Udenna Group po para sa paggamit ng Enderun, at siyempre po ang Razon Group at ang Ayala Group of Companies sa kanilang donation sa paggawa ng mga facilities na ito at sa lahat ng mga testing booths na gagamitin natin sa mga swabbing centers na ito.
So iyon po, marami pong salamat. Ibabalik ko na lang po kay Spokesperson Harry Roque. Marami pong salamat sa ating lahat at sa ating mga partners sa T3 Coalition. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Thank you Presidential Assistant Vince Dizon.
Bago po tayo tumanggap ng questions, lilinawin ko lang po — pasensiya na po nabulol — ang ibig kong sabihin kanina po sa datos ng mga namatay: Bagama’t dumadami po ang namamatay eh napabagal na po natin iyong numerong namamatay on a daily basis. Pasensiya na po nabulol.
Now, Trish Terada of CNN?
TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Good afternoon, Secretary and Sir Vince. My question is about po doon sa testing centers. Since our target is to have 78 testing centers by the end of May. This means we will also need more people for these testing enters. At this point, sir, how are we going to secure manpower, considering na kulang na po iyong health worker natin, eh may mga nagkakasakit. How are we going to have people, making sure that they are safe as well in conducting the swabbing and testing po?
SEC. ROQUE: Okay, si Mr. Vince Dizon po ang sasagot.
SEC. DIZON: Thank you very much. Alam po ninyo ngayon nagtawag na po tayo ng tinatawag natin clarion call, ito ay panawagan sa lahat ng ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga involved sa medical profession, ang ating mga medical professional; pati po ang mga nag-aaral. Kasi po nagtawag na po tayo, in fact, sa ating mga universities para i-heed ang call para sa mga swabbers at iba pang mga magbo-volunteer para po tulungan tayo dito sa ating napakalaking operation sa testing. In fact, kahapon po si Executive Secretary Salvador Medialdea ay nanawagan na rin po sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na mag-volunteer na po, lahat po ng mga ahensiya ng pamahalaan ngayon ay tinatawag na para po sa sumama at tumulong sa effort natin na ito.
Hindi lang kasi swabbers ang kailangan natin, kailangan natin ng mga encoders, kailangan natin ng mga barcoders, kailangan natin ang iba’t ibang mga volunteers para po tumulong sa napakalaking operasyon na ito sa ating napakalaking testing operation na gagawin natin sa loob nitong buwan ng Mayo at tuluy-tuloy na po ito hanggang sa mga susunod na buwan.
TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Sir, I understand from it looks like we are getting volunteers who are of course not trained experts. Sir, how are we going to make sure that they are protected, kasi po di ba sa case nga po ng RITM iyong mga testing, laboratory facilities, at least 40 were infected. How can we make sure sir na hindi… or at least mapoprotektahan itong mga volunteers natin, especially they are more exposed now to possible COVID cases?
SEC. DIZON: Napakaganda po noong tanong. Napakaimportante po para sa ating Pangulo at sa ating gobyerno ang health at kapakanan ng ating mga frontliners at lalo na iyong ating mga health workers.
Dito nga po, doon sa nakita ninyong mga facilities na tinatayo natin, nag-invest po talaga tayo at nagpapasalamat tayo sa private sector na tumulong sila sa pag-provide para sa ating mga health workers noong mga testing booths. Noon pong nakaraang araw, ang mga swabbers po natin ay walang ganitong klaseng facilities ‘no at mas prone po sila, dahil po kung wala kang testing booth, mas mayroon kang contact sa ating magiging pasyente. Pero now, with the testing booth, mayroon pong flexi-glass wall na nagse-separate sa ating mga health workers at sa ating mga pasyente, unang-una po iyon.
Ikalawa po, siyempre po nandiyan po ang tuluy-tuloy na pagbigay natin ng mga Personal Protective Equipment sa ating mga frontliners at lahat ng mga magtatrabaho sa mga facilities natin tulad nito. At sila po ay nagro-rotate na po ngayon ‘no into shifts, hindi sila puwedeng tuluy-tuloy. Mayroon po tayong shifting na 6 hour, after every 6 hours magpapalit po, para makapagpahinga po ang ating mga health workers at every two weeks po kailangan silang mag-quarantine at may papalit pong panibagong team na magrerelyebo kanila; at after two weeks na naman magkaka-quarantine po iyon.
So, we are exerting all efforts po na protektahan po ang ating mga frontliners at nagtitiwala po tayo sa sistemang ito na dinevelop ng ating Department of Health.
TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Sir, last about the testing centers. Since target po siya by the end of May, does this mean that there is a possibility na—I mean, May 15 mid ano pa lang tayo ‘no, may possibility po na ma-extend pa iyong ECQ or can the government already ease the restrictions come May 15 or mangyayari po ba iyan after ma-meet natin iyong target na 30,000 testing capacity po?
SEC. DIZON: Pasensiya na po tayo at wala po ako sa posisyon na magsabi ng ganyan. Ang desisyon po na iyan ay irerekomenda po ng ating IATF based sa kanilang very clear parameters kung kailan dapat mag-transition from ECQ to GCQ. Mangyayari po iyan, pero ang IATF po ang magrerekomenda niyan at ang Presidente po ang magdedesisyon. Ang ginagawa lang po natin ngayon ay bini-build up po natin ang ating infrastructure para mag-test at para mag-isolate at mag treat, iyan po ang kinakailangan natin hindi lamang dahil dito sa deadline natin o date ng pag-desisyon ng ECQ sa May 15, pero ginagawa po natin iyan dahil alam natin ang COVID-19 ay hindi po matatapos sa buwan ng Mayo, hindi matatapos sa buwan ng Hunyo, malamang po ito ay tatagal pa. Kailangan po nating maghanda at i-prepare itong infrastructure na ito sa mga darating na buwan.
TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Thank you, sir Vince. My question is for Secretary Roque. Sir, napag-usapan po ba ng IATF kung possible pa pong ma-extend iyong ECQ until we meet the target of having 78 testing centers by the end of May?
SEC. ROQUE: Well, ang desisyon nga po ay sang-ayon doon sa bilis ng pagkalat ng sakit at saka iyong ating capacity to provide medical attention ‘no. Ang tingin ko, it’s too early to come up with any conclusion. But they have come up already with clear guidelines that will be applied in making the decision kung magtutuloy po ang ECQ o hindi; iyan po iyong naaprubahan din kahapon. So tingnan po natin ang datos sa mga darating na araw.
TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Sir, iyong sa second tranche po ng SAP, kailan po kaya most likely mai-implement iyon? Considering na very late in the game na po tayo sa distribution ng first tranche and we are the point na hinuhuli pa po natin kung sino iyong mga corrupt officials stealing government aid po.
SEC. ROQUE: Well, sa totoo lang, hindi ko pa masasagot ngayon iyan. Inaasahan natin na mapapa-distribute natin ito at the soonest time as possible. Pero inaamin nga po natin na iyong first tranche ay hindi pa nga po completely naibibigay sa ating mga kababayan.
Hayaan po ninyo, anyway parating naman po iyan, magagamit din. But we promise you that we have learned from the earlier experience of distributing the first tranche and we will definitely be more efficient in distributing the second tranche.
USEC. IGNACIO: Secretary, questions from—dalawa ang tanong si Francis Wakefield of Daily Tribune: What’s the basis under the law that the simple letter or notice from Congress can grant NTC the legal right to extend a franchise which under the law must be approved and passed by Congress signed by the President?
SEC. ROQUE: Well, I don’t think NTC will let any institution influence its decision ‘no. Alam ninyo po in administrative law, iyong dalawang konsepto po — iyong exhaustion of administrative remedies at saka iyong doctrine of primary jurisdiction, iyan po ay nagsasabi na kapag very specialize iyong issue sa batas kinakailangan hayaan mong desisyunan ng mga tribunal o mga quasi judicial bodies na mayroong sapat na kakayahan para desisyunan iyong bagay na iyan. Ang issue po ng prangkisa sa broadcast industry ay isang ganyang bagay and that is why the official position of the President is: since the matter is pending with the NTC we will respect the decision of the NTC. Pero sa ngayon po antayin muna natin ang desisyon ng NTC.
USEC. IGNACIO: Okay. From Francis Wakefield pa rin po ng Daily Tribune: For a long period or at least from 1996 broadcast giant ABS-CBN Incorporation operated under an American head in its chairman and controlling stockholder Eugenio Lopez III in violation of constitutional provisions barring foreigners from controlling local media companies. Thus Jose Calida’s statement noted when ABS-CBN Incorporation’s franchise was approved on 30, March 1995 through Republic Act 7966. Mr. Lopez in strict terms was an American citizen which was another violation of our nationalization laws. The office of the Solicitor General noted that despite being recognized as a Filipino in 2001, Mr. Lopez continued to use his American passport as shown by the list of travel records dated March 3, 2020 issued by the Bureau of Immigration (BI) with Control Number 20034520?
SEC. ROQUE: Well, sigurado po ako isa ito sa mga bagay na ikokonsidera ng Kongreso ngayong pinag-uusapan na po kung bibigyan ng renewal ng prangkisa ang ABS-CBN. So, kung sa tingin po ng Kongreso na makakaapekto ito sa desisyon ito, I’m sure they will consider it. So we leave that matter to Congress because they are the ones, they are the only ones who can decide on whether or not ABS-CBN should be given a renewal of its franchise.
Si Maricel Halili ng TV5?
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir! Magandang hapon po
SEC. ROQUE: Magandang hapon po.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, after President Duterte asked for an apology to the Ayalas and Mr. Pangilinan, what will happen po doon sa issue ng water concessionaires ng Maynilad and Manila Water?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, batas naman ang umiiral diyan, so I’m sure the legal studies and legal examination will proceed but we are expecting po na mas- malakas po ngayon ang partnership ng gobyerno at ng pribadong sektor sa mga bagay-bagay na importante ngayong panahon ng COVID-19.
Ang sabi nga po ng Presidente, puwede naman pag-usapan po siguro iyong ibang mga issues pero sa ngayon, nagpapasalamat siya sa tulong ng mga pribadong kumpanya sa taumbayan nang panahon ng krisis.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, paglilinaw lang po tungkol doon sa Amelioration Program because yesterday po, Usec. Malaya of DILG said na hindi na raw po kayang umabot ng additional five million doon sa first tranche, so most likely sa second tranche na daw po siya mapapabilang? Can you confirm this sir, ano po iyong naging desisyon ng IATF?
SEC. ROQUE: Ang desisyon po ng IATF, bigyan ang 23 million na Filipino whether be it sa first tranche o sa second tranche, it doesn’t matter. Basta ang importante iyong 23 million will get between five to eight (5,000 to 8,000) thousand for that month iyon po ang desisyon ng IATF.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Doon po sa report ni President Duterte sa Senate, he mentioned na mayroon daw pong na-record ang PNP na 763 cases of crimes against women and 521 crimes against children since the implementation of the Enhanced Community Quarantine. Is there any increase on the domestic violence? Why does the President find it necessary to include this on his report po?
SEC. ROQUE: I’m not sure kung mayroon pong increase, I guess it’s just a matter of fact that the President stated what appears in the logbook of the PNP as recorded crimes against women and children.
Si Rocky?
MARICEL HALILI/TV5: Sir, pahabol lang. Mayroon din po kasing na-mention si President doon sa report na one of the challenges doon sa distribution ng SAP is that some local officials are threatening DSWD personnel. What kind of threat po iyong nire-refer ni President Duterte dito?
SEC. ROQUE: Alam ninyo naman mainit talaga iyong usapin na kung sino ang dapat mabigyan at ang ginagawa kasi ng DSWD bini-verify iyong mga listahan na isinumite ng mga pamahalaang lokal. Siguro naman hindi naman po criminal threat iyan kung hindi siguro init ng ulo rin dahil marami sa binigyan nila ng rekomendasyon na mapasama ay hindi po sinama ng DSWD.
I do not know exactly kung ano iyong sinasabi ni Presidente, pero I could imagine iyan po iyong nagiging sigalot kumbaga – iyong mga mayor napu-frustrate na iyong mga sinabihan nilang mga constituents kasama sa listahan ay hindi napasama sa listahan ng DSWD.
MARICEL HALILI/TV5: Okay. Thank you, sir!
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. ROCKY: From Vanz Fernandez ng Police Files: Paano daw po i-manage itong mga solid waste, toxic, hazardous waste, buong Pilipinas may infection; Hospital waste, mga plastic, tin can, plastic bottles, dati na daw problema; Bawal ang open dumpsites, sanitary landfill. Ilan daw ang approved sanitary landfill sa buong bansa; Sa dami ng basura, saan daw po ito itatapon itong mga toxic waste ngayong nahaharap tayo sa COVID-19 crisis?
SEC. ROQUE: Well, I’m sure si Usec po ng DENR in-charge of solid waste can answer this better, pero ang alam ko lang po ay mayroon po tayong mga special cells sa ating mga landfill for hazardous waste, so doon po siya itatapon. At alam ko rin po mayroon tayong mga specialized treatment and storage disposal facilities na pinatatakbo po ng mga pribadong kompanya, so diyan din po pupunta iyang hazardous waste na iyan.
Joyce? Joseph muna – Joseph?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary?
SEC. ROQUE: Ayun na si Joyce. Okay, go ahead.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, in-announce na po ni DepEd Secretary Leonor Briones na August 24 po ang start ng school year pero hindi daw po lahat ng mga paaralan will be allowing the students iyong pisikal na pagpasok. May mga iba po na gagamit ng virtual or digital learning tools. Na-identify na po ba ng IATF which places po ang papayag na physically papasok ang mga estudyante at alin naman po iyong for virtual or digital learning session?
SEC. ROQUE: Actually, on this issue po, we defer to the Department of Education kasi nga po ang early recommendation was September pero ang sabi nga ng DepEd, we have to implement the law and it’s our mandate to implement the law and that is why we respect the decision of DepEd to open some of the schools on the 23rd, 24th ba ang sabi mo?
JOYCE BALANCIO/DZMM: 24th.
SEC. ROQUE: 24th. Now, wala na pong ibang desisyon ang IATF diyan, siguro po the DepEd can give further details on this.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Another topic po sir, doon lang sa follow-up sa question ni Maricel, on apology ni Pangulong Duterte sa mga Ayala and also kay Manny Pangilinan. What is the consequence of the President apologizing to them? Does this mean hindi na po tayo magpu-pursue ng cases against them kasi I believe may mga threats po before na economic sabotage, graft and corruption against these water concessionaires?
SEC. ROQUE: Ang sabi naman po niya puwedeng mag-usap sa mga issues between these companies and the government, so I think that’s an indication na kung pupuwedeng out of court settlement, he will explore out of court settlement. Pero iyong mga issues na inilabas ng ating Presidente lalong-lalo na sa water concessions remain. Siguro po iyong pag-uusap ay iyong sa kung paano babaguhin iyong concession agreement ng dalawang kumpanya na nagbibigay ng tubig sa atin.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So, this does not mean na clean slate na iyong mga water concessionaires natin if ever may makita po na violations pa din or iyong sinasabi nga nilang allegation of onerous contracts before, mapapanagot pa rin po ba sila doon?
SEC. ROQUE: Well, kumbaga sa ordinaryong kasuhan, usap muna tayo bago tayo magdemandahan, siguro iyon po ang ibig sabihin ng ating Presidente.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. On another topic sir, doon sa naging comment ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Panelo on what he believe was a definition of invasion as a valid basis for Martial Law, is this something that he advise to the President, you know, looking at this pandemic as an invasion which can be a valid ground for declaration of Martial Law?
SEC. ROQUE: I think that is the personal view of Secretary Panelo. There is a memo which designates the Office of the Presidential Spokesperson as the only authorized office to speak on behalf of the President and behalf of the Executive Branch of government. We cannot of course deprive Secretary Panelo of his freedom of speech but since your question is this an advise given to the President: Probably… but the President being a long time public servant is a specialist not only in criminal law because he was a prosecutor for many years, but is also a specialist on constitutional law because for the past thirty years ay siya po ay naging elected public official. He’s probably one of the most noted Constitutionalist in this country right now by experience, if not by academic training.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay, Kasi po si Secretary Menardo Guevarra, nag-comment siya doon sa definition ng invasion and he said it can only be used with regards to actions of human beings and not viruses pagdating po doon sa definition ng invasion relating it to Martial Law. Do you also share the same sentiment or do you agree with the same definition?
SEC. ROQUE: In legal parlance, I concur with the view of Secretary Guevarra.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Since last night, Secretary, itong naging comment ni Secretary Panelo, it spurred a lot of negative comments. Most of the comments are against the government floating this idea after the Palace already denied na one of the options ang declaration of Martial Law. How do we handle this negative comments now being faced by the government?
SEC. ROQUE: Well, ilalagay ko lang po sa proper context. Ang sabi ni Presidente, hindi siya mag-aatubili magdeklara ng Martial Law sang-ayon po doon sa basehan na nakasaad sa ating Saligang Batas at iyan po ay rebelyon ng NPA, lalung-lalo na kung patuloy nilang aatakihin ang ating sundalo para nakawin iyong mga ayuda na nakalaan sa ating mga kababayan.
So, I think that is the Presidential Proclamation on this issue, hindi lang po ako ang nagsalita niyan, ang Presidente na po ang nagsalita niyan. Ibig sabihin po, magkaiba po sila ng posisyon ni Secretary Panelo.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na po for me, sir. Do you confirm na na-deny daw po iyong request ng Naga City na maisailalim sila sa ECQ? And if yes, are there other places po na na-deny din ng IATF for ECQ implementation?
SEC. ROQUE: Siguro hindi naman na-deny; hindi pa naaktuhan. Kasi ang alam ko, iyong application po ng Zamboanga City at saka iyong Legazpi and Albay came at the nick of time kumbaga ‘no dahil talagang patapos na iyong meeting ng IATF at pahabol na nga lang po iyong request na iyon kaya hindi napasama sa EO. Siguro wala pang pagkakataon lang na pag-usapan sa IATF.
Q: Very last na lang po, sir. Bale ilan po iyong may pending requests na masama rin po sila sa ECQ?
SEC. ROQUE: I will check po. Pero kung hindi ako nagkakamali, mga pito po ang mayroon pang pending requests. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. From Angel Ronquillo ng DZXL. Iyon daw sa P30,000, kung mayroon na daw pong natatanggap na reklamo iyong ating mga … dito sa mga tiwaling local officials. And paano daw po iba-validate iyong sumbong sa mga tiwaling officials, baka daw po iyong iba kasi ay kaaway lang iyong barangay officials, para makaganti at gusto lang kumubra ng P30,000?
SEC. ROQUE: Well, kinukumpirma ko po na ako mismo sa telepono ko ay napakadami ko nang nakuha. Ang sagot ko po, hindi sapat na magsabi o magparatang ng bintang. Kinakailangan po magbigay ng ebidensiya gaya ng ebidensiya na ginamit doon sa barangay councilor ng Hagonoy, Bulacan ‘no, mayroon siyang video recording nung pangyayari ‘no.
So kinakailangan po gumawa rin ng complaint affidavit. Kung ito po ay isang criminal complaint, i-submit ninyo po ang inyong complaint affidavit sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o di naman kaya sa NBI. Kung administrative naman po ang reklamo, isumite ninyo po iyan sa pinakamalapit na tanggapan ng DILG; at gaya ng sabi ng Presidente, puwede ninyo rin pong itawag sa 8888.
Hindi po sapat na nagsusumbong lamang, kinakailangan magsumite po ng ebidensiya dahil ang pabuya po ay doon sa mapapatunayang tama po ang paratang. Hindi lang po magpaparatang, kinakailangang patunayan.
Yes, Joseph Morong?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just some quick (unclear) questions ‘no. I texted you about it that maraming, it seems ‘no, maraming mga kababayan natin na stranded. So iyong tinext ko, sir, kagabi, papaano iyong movement? For example, within Metro Manila, GCQ, can somebody from Mandaluyong go to Manila para sunduin iyong kaniyang anak?
SEC. ROQUE: Eh lahat naman po tayo ay ECQ pa eh, so ECQ pa po iyong lugar na sinabi ninyo ‘no. Puwede naman kayong kumuha po ng IATF pass kung kinakailangan ‘no. Ngayon lang po, mayroon akong tinulungan na papunta sa isang GCQ area, kung pupuwede na ang lamay sa namatay na hindi naman dahil sa COVID-19. At ang proseso po ay kukuha kayo ng IATF pass doon po sa City Hall. So marami po akong kakilala na nagbibiyahe mula Baguio hanggang Manila dahil iyong mga anak ay naiwan sa Maynila, kailangan nilang umakyat sa Baguio. Ganoon po, kumukuha po sila ng IATF travel pass.
JOSEPH MORONG/GMA7: Travel pass from the LGU… ng origin?
SEC. ROQUE: Sa City Hall po sila nag-a-apply o sa munisipyo.
JOSEPH MORONG/GMA7: So iyan po ang magiging parang guiding principle natin.
SEC. ROQUE: Iyan po ang ipinapatupad ngayon—
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong sa ano lang, sa schools. Iyong mga bata will return, how about the college students?
SEC. ROQUE: Well, ganoon din po ang petsa ‘no. Ang petsa po ay—ang rekumendasyon ng IATF ay Setyembre; pero CHEd could probably also make its own recommendation. Ang importante nga po, doon sa mga lugar na GCQ ngayon ay iyong higher education institutes lang po ang pupuwedeng magbukas only for the purpose of completing the school year and preparing credentials, and emphasizing na kapag magbubukas ang mga GCQ, kinakailangan… to utilize flexible learning.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, may mga petition, I think, with regard to mass regarding. Iyong mga churches, they want to return to the churches already. Kasi how different daw po ba iyong mga churches doon sa mga social distancing measures natin na ginagawa sa mga supermarkets, for example?
SEC. ROQUE: Ay, hindi pa po talaga pupuwede kasi ang nangyayari naman sa supermarkets, nakikita na po natin iyong mga larawan, nai-implement talaga ang social distancing kasi naghihintay. Pero sa kahit anong simba po, mayroon pong schedule iyan, hindi naman pupuwedeng naghihintayan ‘no. Hindi po pupuwedeng pumila para pumasok—kailangan talaga pumila, kaya lang anong mangyayari dahil ang service po sabay-sabay sumasamba.
So kaya nga po minabuti na bawiin muna iyong earlier recommendation na allow na nga itong mga religious gatherings. Anyway, it is only… for now po ‘no nasa GCQ pa rin, pero kapag iyong mga areas naman po na low ang risk, posible po in the future ay baka mapayagan na iyan. Pero sa ngayon po, hindi pa rin pinapayagan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong DOH po, ang sabi – I think, one of the experts that DOH is working with – ay may flattening of the curve na raw pong nangyayari. Would you confirm?
SEC. ROQUE: There is a flattening of the curve? Iyon ang—well, yes—well, that’s the declaration of Usec. Vergeire and, of course, she is a medical doctor and I’m not, so I defer to her ano. Pero even in the charts that we show in our press briefings, bagama’t mayroong bahagyang pagtaas ‘no, nakikita ninyo naman na kahit papaano sa new confirmed cases, hindi na tumataas beyond iyong bilang na 100 ‘no. So bumababa pa nga sa bilang ng 100, hindi na tumataas sa bilang na 300 ‘no. So parang it has flattened as far as—ano ba iyon, 300 or 100? Pasensiya na kayo, mahina iyong aking mata. I think it’s 300 ‘no, beyond 300 cases. So hindi na siya tumataas doon. So in a way, we can say it has begun to flatten.
JOSEPH MORONG/GMA7: And what would that be? What effect will that have on easing the restrictions in Metro Manila?
SEC. ROQUE: Well, tremendous because, remember, it’s a confluence of yong pagbilis ng pagkalat at saka iyong capacity to provide critical care at saka iyong ekonomiya, iyan ang tinitingnan natin. So for as long as we have sufficient critical care facilities para doon sa magkakasakit ay hindi naman natin pupuwede na ma-ignore iyong katotohanan na kinakailangan buhayin na iyong ekonomiya.
So ang tinatantya lang talaga natin, ang kinukuha nating balance, kung ano na iyong puwede na simulan na ang ekonomiya na hindi naman magiging banta sa buhay dahil hindi natin kaya bigyan ng medical assistance. Okay?
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, pasensiya, one last on you—sir, hold on. Iyong sa mga sumbong ‘no, nagalit talaga si Presidente, sabi niya kagabi, iyong word iyong “kinakana” ano. So parang 8888 itatawag, and then what kind of response do they expect from 8888?
SEC. ROQUE: Well, kukunin siguro iyong mga detalye. Huwag po kayong mag-alala about your identity. As much as possible, we will protect your identity. And if need be, kung talagang kakasuhan iyon tao, makakapasok kayo sa witness protection program ng gobyerno. Pag-iingatan po namin iyan, alam po natin na politics is always local, at dahil po diyan ay bibigyan po ng careful attention iyong inyong identity.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, can I go to Secretary Dizon?
SEC. ROQUE: [LAUGHS] Ang dami mo nang last questions ha. O sige, isang question lang, Mr. Vince Dizon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kay Secretary Dizon, you mentioned 25,000 tests so far ‘no, iyon iyong target ninyo muna initially doon sa mass testing. But after you finish with the 25,000, what kind of testing do we expect? Do we expect a mass testing such that any ordinary person should/or will be tested doon sa mga testing hubs natin?
BCDA PRES/CEO DIZON: Thank you, Joseph. Unang-una, iyong 25,000 po na pinakita ko kanina, and maybe we can show it again if possible, this is the target for the OFWs. This is the immediate target of the swabbing facilities, because as Secretary Galvez pointed out yesterday, right now there are about 25,000 OFWs and overseas Filipinos who are in the greater Metro Manila area under quarantine. And we have to test them as soon as possible in order to be able to decongest the quarantine facilities, the hotels and the various other quarantine facilities in Metro Manila before we can start accepting OFWs again.
Kaya kaakibat nito actually iyong desisyon ng ating Chief Implementer na mag-suspend muna ng inbound flights into Metro Manila. So ito ang ating immediate goal, Joseph. Pero hindi lang ito ang ite-test, marami pang tini-test on a day to day basis. Nanggagaling po iyan sa atin mga LGUs mostly na tini-test nila iyong kanilang mga PUIs, PUMs at ang kanilang mga health workers. Nanggagaling po iyan sa ating mga hospitals. Nanggagaling po iyan sa ating mga kumpaniya ‘no na nagpapa-test na rin daily.
So the goal is to create a capacity of 30,000 tests per day by the end of May para kampante tayo na kapag lumawak ang ating mga kailangang i-test ay mayroon tayong ready na lab capacity para gawin ito. So it’s really a preparation that we are doing for the coming weeks and the coming months.
Ngayon, sino ang dapat i-test? Mayroon pong protocol or tinatawag nila sa technical na lengguwahe ‘algorithm’ ang DOH diyan, mayroong prioritization iyan. At siguro po ang mas makakasagot niyan ay ang DOH because tayo po, ang ating role ay operational, para tulungan ang ating DOH, ang ating mga ahensiya na i-build iyong infrastructure para sa testing. Pero iyon pong medical science, we leave that up to our doctors and our scientists led by our DOH. Salamat po Joseph, thank you, stay safe.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky, siguro because we are running out of time, kasi po pagdating po ng ala una, bumibitaw na iyong ilang mga television channels ‘no. So Melo Acuña, Melo?
MELO ACUÑA: Magandang hapon po, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, go Melo.
MELO ACUÑA: I just have several points, but we’ll try to catch up ‘no. Do we still have the funds to address the COVID-19 requirements? With the considerable amount of foreign loans we received lately, will the Philippine economy be able to settle its obligations in the near and medium term, Secretary?
SEC. ROQUE: Yes po. In fact sa ngayon, hindi pa tayo humihingi ng supplemental budget sa Kongreso. Sapat pa po ang pondo natin as is. Hindi lang po natin alam kung hanggang kailan kasi itong problema sa COVID, hanggang walang bakuna at walang gamot. Pero for now we’re okay, consistent po ang declaration ni Secretary Dominguez at we will honor all our international obligations.
MELO ACUÑA: Yeah. Secretary Roque and Secretary Dizon, it was earlier reported that the government will purchase about 3.3 billion pesos worth of Polymerase Chain Reaction based test kits to further expand its testing capability. Now, where will these test kits come from? During emergencies like these, will the government still subject the purchase to bidding? Are there interested suppliers, Secretary Dizon, please…
BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Thank you very much, sir. The purchases were already made based on the recommendations of Secretary Galvez, our Chief Implementer and of course Secretary Duque and I think the procurements are already commenced through the efforts of the DBM Procurement Service. And I think the first batch—several batches already arrived, I’m just not familiar yet with the exact details. We will get back to you on that po, pasensya na po. We will check the details of how many have arrived and how many are coming in.
But that’s very important po, because the test kits really are in high demand all over the world because of the global demand for these RT-PCR test kits. But I think we already have agreements with several suppliers from various sources all over the world.
MELO ACUÑA: Yes. What about PCR machines, Mr. Secretary?
BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Yes. So, like I said po earlier, there is currently a private and public partnership effort to beef up our laboratory capacity and this includes the various machines necessary for the laboratories. These are the PCR machines as well as the RNA extractor machines and other equipment necessary. So it’s really a bayanihan efforts sir to really bring all of these labs on line.
But the government is very critical, because it is the government that accredits these facilities and we need to accredit them very strictly because obviously, these are bio-safety issues that need to be complied with. But it is the commitment of the government to really facilitate and handhold all our private sector partners to go through these accreditation processes quickly without sacrificing the bio-safety measures that need to be in place.
MELO ACUÑA: Yeah, thank you very much Mr. Secretary. Thank you very much, Secretary Roque.
BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Thank you po.
SEC. ROQUE: Okay. Rocky, last 2 to 3 questions please. Pakibasa na siguro lahat para masagot na.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary ito naman, follow up lang ni Rose Novenario sa Hataw. Kung position daw po ng Malacañang iyong coronavirus invasion, iyong sinabi ni Secretary Panelo.
SEC. ROQUE: Hindi nga po. Inulit ko na po, may memorandum circular na po na sini-centralize po sa Office of the Presidential Spokesperson ang communication po natin. Personal opinion po iyan ni Secretary Panelo.
USEC. IGNACIO: Opo. Bakit daw po sa Maynila, 17 barangays lamang sa mahigit 800 barangays ang kasama sa SAP gayung mayorya sa populasyon ay mahihirap. Bakit po iyong iba, ang nangyayari sa mga barangay sa sinasabi ng Pangulo na lahat ng mahihirap ay mabibigyan sa ilalim ng SAP?
SEC. ROQUE: Siguro po mabagal lang talaga o nahihirapang magbigay ng ayuda kasi nga po bawal ang pagtipun-tipon dahil sa social distancing. Pero lahat po ng mga barangay, sigurado po ako diyan, mayroong qualified beneficiaries sa SAP lalo na po ngayon na dinagdagan pa natin ng limang milyong additional beneficiaries.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla ng Business Mirror. Kung may update daw po from DBM on the uncommitted funds which the government could tap for its COVID response and is there already an amount for the supplemental budget na ni-request ni President Duterte from Congress?
SEC. ROQUE: The deadline was April 30 and I inquired from Secretary Wendel Avisado kung mayroon nang sumatotal – wala pa po, kino-collate pa nila, pero for now, wala pa po silang hinahandang supplemental budget. Okay pa po, as is where is.
USEC. IGNACIO: How many Build, Build, Build Projects daw po ng government has been allowed by the IATF to resume construction in GCQ areas? Are there BBB Projects which the government decided to scrap or postponed because of the COVID-19 crisis?
SEC. ROQUE: Wala pa pong napapayagan na mag-resume even in GCQ areas, pero I’m sure pag-uusapan na po ito soon.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong ni Gillian Cortez pareho po noong kay Maricel at saka kay Joyce. From Pia Rañada: “What makes Vince Dizon the best choice for testing czar; why not a doctor or health expert for the role?”
SEC. ROQUE: Well sinabi na po iyan, sinagot na po iyan ni Presidente kagabi. Vince Dizon is, number one, honest. Vince Dizon is competent. Vince Dizon is a logistics expert, siya po talaga ang kailangan natin dahil very crucial po ang testing. Kung hindi po natin mai-implement ang widespread and massive testing, hindi po natin malalaman kung saan ang kalaban. At buung-buo po ang tiwala ni Pangulo kay Secretary Vince Dizon, ganoon din po ang aking pagtiwala sa kaniya; ako po ang President ng Vince Dizon Fans Club.
USEC. IGNACIO: From Julie Aurelio ng Inquirer: “Can we have an estimate of how much manpower the government needs for the 4 mega swabbing facilities? How will the government maintain this manpower once the ECQ is lifted and work in the government/private sector resumes, and the volunteers have to go back to work?”
SEC. ROQUE: Nasagot na po iyan, tapos na po iyan. Sagot na po ng gobyerno iyan. Kung magkano man iyan, sasagutin ng gobyerno dahil ito nga po iyong pamamaraan natin na mahanap kung nasaan ang ating kalaban.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, iyon po iyong ating mga naging katanungan ng ating Malacañang Press Corps, at siyempre kasama na rin po iyong ilang FOCAP members.
SEC. ROQUE: Okay. So maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat kay Secretary Vince Dizon at maraming salamat buong Pilipinas. Keep safe, magandang araw po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque. Salamat sa RTVM and MPC. Sa ngalan ng People’s Television Network, ako po si Rocky Ignacio. Salamat po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)