SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Muling humarap po ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan kagabi para sa kaniyang regular na Monday Talk to the People Address. Doon po sa pagpupulong na iyon, inulat ng ating Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, sa Talk to the People na pumirma po ng term sheets ang Pilipinas sa limang vaccine manufacturers. Ito ay para ma-secure ang higit na 106 million doses of COVID-19 vaccines. Sabi pa po ng ating National Task Force Chief Implementer, mangyayari ang rollout sa third quarter at fourth quarter ng taong 2021 bagama’t inaasahan po natin ang unang delivery ay itong buwan ng Pebrero.
Sa panig naman po ni Finance Secretary Carlos Dominguez, kaniyang inisa-isa ang approaches sa vaccine procurement – ito ang multilateral, private sector partnership at local government partnership. Ang tatlong ito ay indipendyente pero coordinated para maging sapat ang ating doses. Sinabi rin ng ating Finance Chief na target ng ating pamahalaan na mabakunahan ang 100% na population ng ating adult population. Around 70 million na ang eligible population, hindi kasali dito ang nasa edad isa hanggang 18. Dagdag pa niya, mayroong 1.38 billion dollars ang Pilipinas sa World Bank, Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank na gagamitin sa pagbili ng bakuna.
Mayroon din tayong 40 million doses of vaccine under the COVAX Facility which is worth US $84 million. This is around 146 million doses to vaccinate 76 million adults which is more than 100% of the adult population. Kasama sa pribadong sektor ay mayroong 78 million doses para sa 92 milyong Pilipino.
Tingnan po natin iyong ginamit ni Secretary Dominguez na infographics. Makikita ninyo po na ang mga vaccine ay walang pangalan dahil nga po doon sa tinatawag nating confidentiality clause. So mayroon lang po tayong tinatawag na A, B, C, D, E and F na vaccine at saka iyong COVAX Facility.
Nakikita ninyo na iyong Vaccine A ay eligible na po under ADB and World Bank at nabigyan na rin ng go signal ng Philippine FDA; darating po siya five million by March 31. At iyong private sector ay makakakuha rin po ng five million from may 31 to December 31, at iyong local government ay mayroon din po silang 12 million to be delivered May 31 to December 31.
Iyong Vaccine B naman po ay hindi pa po nagpa-file sa FDA pero inaasahan po natin through multilateral process ay 30 million to be delivered from May 31 to December 31.
Iyong Vaccine C ay wala pa rin pong filing sa FDA; six million po ang inaasahan natin to be delivered also May 31 to December 31.
Iyong Vaccine D po, pending. Ang expected po nito ay mga February 15 lalabas din po iyong kaniyang EUA. Mayroon po tayong 20 million na pending from multilateral sources at mayroon tayong five million to be delivered between March 31 to May 31.
Iyong Brand E ay mayroon na pong FDA approval ng EUA. Inaasahan po natin five million at ang delivery po ay between February 14 to March 31 at from multilateral process ay magkakaroon po tayo ng 40 million between June 30 to December 31.
At iyong Brand F po na vaccine, pending pa rin po ang FDA niya. Inaasahan natin ang 10 million delivery from May 31 to December 31 and a further 10 million between May 31 and December 31.
So ang total doses po natin, 178 million; ang total number of adults to be covered, 92 million. At iyon nga po ‘no, hindi po natin sinasama sa bilang pa ngayon iyong mga kabataan.
Samantala, pinuri po ng World Health Organization ang ating vaccine plan; baka naman sasabihin ng iba diyan ay propaganda – hindi po. WHO po ang nagsabi nito. Ang sabi ng WHO Country Representative Rabrinda Abeyasinghe, and I quote, “I believe they have a very good comprehensive plan,” ito po iyong sa vaccine plan natin. Nguni’t sinabi rin ng WHO, official ang kanilang concern sa actual rollout. Kaya nga narito ang dalawa nating panauhin para pag-usapan ang bagay na ito.
Pinuri rin ng WHO ang ating mababang fatality rate bilang patunay sa ating magandang coronavirus response. To quote the WHO, “All these showed you have prepared and used the lockdown wisely to deal with the pandemic, and the reflection is that you have managed to prevent a large number of deaths.” WHO po iyan, hindi po propaganda. Sino ngayon ang pakikinggan ninyo: Ang mga kritiko sa pulitika or ang WHO?
COVID update naman po tayo. Ito po ang global update sang-ayon sa Johns Hopkins: Higit 103.3 million or 103,369,000 plus ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2.2 milyon mahigit-kumulang na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos, mayroon po siyang 26.3 million na kaso at around 443,000 deaths. Pumapangalawa po ang India, pumapangatlo ang Brazil, pang-apat na po ang UK at panlima na po ang Russia.
Ito naman po ang world rankings by country, ito po ay galing din sa WHO. So ang total cases po natin, tayo po ang ranking natin worldwide ay Number 32. Pagdating naman po sa active cases natin, ang ranking natin ay Number 43. Ang cases per one million, ang ranking po natin 134. Napakasarap pong maging laylayan. Ito po iyong instance na talagang mabuti nasa laylayan tayo ‘no. At ang ating case fatality rate at two percent ay Number 72 worldwide.
Mayroon din po tayong bagong nakitang datos ‘no, ito po ay galing sa Taguig City presentation. Makikita ninyo po ito naman eh kinumpara iyong ating active cases per 100,000 population. At makikita ninyo po dito sa National Capital Region ang ating active cases per 100,000 population ay 23 lamang. Kung ikukumpara ito sa Seoul sa South Korea, ang kanilang active cases po per 100,000 ay 45. At kung ikukumpara sa Tokyo, aba’y ang Tokyo ay 53 per 100,000. Lahat po ng ito ay nagpapakita, we may not be perfect, but we have managed COVID well. Hindi po iyan propaganda!
Okay, sa ngayon po ay mayroon tayong 28,891 na mga aktibong kaso ayon sa February 1, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 93.8% ay mild at asymptomatic; nasa three percent ang kritikal; at 2.7% ang severe. Nasa 487,574 ang kabuuang bilang ng mga gumaling or 92.5 recovery rate. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 10,807 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 2.05 na po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang regional healthcare utilization rate as of January 31, 2021: Total COVID-19 bed utilization rate at saka iyong mga mechanical ventilators, makikita ninyo po na dalawang rehiyon pa rin ang malapit na sa moderate bagama’t bahagyang bumababa po ang utilization rate ng CAR. Dati po, iyan ay nasa 60% na, bumababa po ng 54. At iyong sa Region XI naman po ay dati ay 54, umakyat ng 55. Pero by and large po, except for those two regions, ay wala pa po tayo sa moderate risk. Pero hindi naman po ibig sabihin na magpapabaya na tayo ‘no, hayaan po nating maging ganito po ang ating capacity.
Now, pagdating naman po sa regional healthcare utilization rate, iyong total bed utilization rate at saka mechanical ventilator, pareho din nga po ang datos, 54% ang CAR; at 56% ang Region XI. Pero by and large, lahat po ay malayo pa sa kritikal.
Sa ibang mga bagay naman, ito po ay mabuting balita ‘no. Ito po ay patunay na simula na pong bumabangon ang ating ekonomiya. Ang ating manufacturing purchasing managers’ index ay nagtala ng 25-month high noong buwan ng Enero, ito ay matapos ang three consecutive months of contraction. Ito ay senyales na muling nagbabago na po ang ating ekonomiya. Itong datos pong ito ay nagpapakita iyong mga output ng ating mga factories ‘no para sa ating manufacturing at for the first time nga po, in 25 months, siya po ay tumaas. Okay? Umaasa tayo na lalo pang gaganda ang kundisyon sa ating pagbubukas at pagdating ng bakuna.
Now, importante po talaga ang bakuna. Ang bakuna will enable us na buksan talaga ang ating ekonomiya para tayo ay makabalik doon sa ating nakalipas, the old normal which we will refer to as the better normal.
At kasama po natin ngayon ang ating vaccine czar at National Task Force chief implementer, Secretary Carlito Galvez at kasama rin po natin ang ating testing czar at NTF deputy chief implementer, Secretary Vince Dizon. So, kasama po natin si Secretary Galvez by Zoom at in person si Secretary Dizon.
So, Sec. Charlie? Sec. Charlie, are you in the house now? So, Sec. Charlie, ano po ang latest sa ating pag-angkat at pagbili ng mga bakuna? The floor is yours.
SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po, Spox Harry at magandang tanghali po sa ating mga tagapanood!
Nais ko pong ibahagi sa inyo ang magandang balita tungkol sa ating vaccination program laban sa COVID-19, partikular na po ang initial rollout ng mga bakuna mula sa COVAX facility ngayong Pebrero.
From the global updates, we have a total of 90 million plus given the shots which is barely 0.5% of the total 7.8 billion world population, with only four countries representing the 70% of the shot. Ito po ang reality po natin ngayon. Nakita natin na talagang even though nag-rollout na po, talagang apat na country lang po ang nagkaroon ng 70% na ano po.
We have also positive results on the clinical trials of Novavax and J&J. Alam po natin na isa po ito na, iyong dalawang ano po nito, na nakakuha po tayo ng mga volumes which can increase global capacity to three billion.
We have a total of 40 million orders with Novavax and also with Johnson & Johnson. We call the Johnson & Johnson as the next generation technology of having a single shot therapy.
In Israel, Pfizer also have dramatic impact with 60% drop in hospitalization, for 60 and above age, three weeks after the first shot with no severe cases recorded for the 0.01% of the second dose receivers who contracted the virus.
Ito po, maganda po ito na makapag-add po ng confidence sa ating mga kababayan na pagtanggap ng vaccine dahil kasi nakita po natin na sa Israel ay nagkaroon po ng 60% drop ang hospitalization sa mga matatanda po.
We are happy to report also na excited na po ang ating mga LGUs in NCR and other cities to receive the vaccine. Nag-conduct na po sila ng series of simulation at tabletop exercises and we already corrected some of the gaps. Some cities are already considering to inoculate not only their constituents but also the economic frontliners like in Makati, Pasig, Manila, Taguig and Quezon City. At nasabi na nga po namin ni sir Spox at saka ni Secretary Dominguez kay Presidente na importante po talaga na unahin din po natin sa priority ang economic frontliners para magkaroon po tayo ng tinatawag na confidence sa mga consumers po natin.
Some cities also already have conservative figures on how they can achieve a daily rollout of 18,000 to 24,000 people. Meaning iyong Taguig, iyong Manila, nag-simulate na sila at nakita nila na kayang-kaya nilang magkaroon ng as high as 24,000 people a day.
Iyong atin pong mga religious sector, iyong CBCP and other religious are also volunteering and volunteering their churches as vaccination centers. Napakagandang pakinggan po na lahat po ay nagbabayanihan na kasama po ang ating mga religious sector lalo na po kapag ang kasama po natin mga kaparian, lalong tataas ang ating vaccine confidence.
Some LGUs already contracted public service providers and some LGUs like Manila and Iloilo also produce ultra-cold freezer in preparations for the deployment of various vaccines. Nabisita na namin po nila, Sir Spox na talagang ang Manila talagang bumili po ng [unclear] freezer even iyong 2 to 8 negative 20 at negative 70. Talagang prepared na prepared na po ho sila.
For our next visit, we will continue our visits in different NCR cities and then by regions specially in Davao City, Cebu City, Region III, Region IV, and Baguio City in CAR. This is to ensure that they are also ready for the vaccination of their constituents and also, we will check their capacity and readiness to accept and administer the vaccines that will be coming.
Ito po, magandang balita po sa atin ngayon na mayroon po tayong available na vaccines for the first quarter. On COVAX initial available vaccines, after concluding that we are ready – tama po ang sinabi ni Spox na talagang reding-ready na po tayo – at because of that naging positive po ang response ng WHO. The GAVI-CEPI COVAX facility have allocated 5.6 to 9.3 million vaccines that will be delivered as early as February this year.
And we are very thankful for the WHO for their commitment for equitable access. Katulad po ng sinasabi ng ating mahal na Pangulo na walang maiiwan at walang iiwanan, ganoon din po ang ano po ng WHO na everybody will be safe if everyone is also safe.
COVAX allocated 117,000 doses of Pfizer vaccines preferably to be delivered in one tranche this February 2021. DOH is now preparing for the allocation. AstraZeneca vaccines also may range from five to nine million doses in the first and second quarter this year. This COVAX allocation is very timely since the main recipients of these vaccines are our healthcare workers and frontliners in the different priority and affected regions.
From the updates of the government procurement of vaccines, we have already completed the term sheets of the five vaccine companies and we were able to secure 108 million doses. We are now preparing for the supply agreements and finalizing all the contracts for 148 million doses by mid of February 2021.
Ito po ang ating proposed 2021 vaccine rollout plan. For quarter one or iyong first quarter from January, February, and March, with limited available doses, ini-intend po natin na ma-prioritize po natin ang ating healthcare workers which is 1.7 million, to preserve our healthcare system and the government essential services and institution including the uniformed personnel.
For the second quarter, we will build vaccination confidence by protecting our vulnerable sectors. The poor communities including economic frontliners in accordance with the WHO and DOH guidelines.
For the quarter three or Q3, iyong third quarter, we will start our massive nationwide rollout. Ito po iyong tinatawag natin na malalaki na mga volumes, 30-50 million po ang darating starting ng third quarter and fourth quarter. And during the quarter, we will have to also look on the possibility na kung maganda po ang global supply ay makukuha po natin 30 to 50 million po.
Sa fourth quarter, we intend to finish the inoculation of 50 to 70 million Filipinos to achieve herd immunity and ensure our economic recovery.
Maraming salamat po, Sir Spox, sa pagbibigay ninyo po ng panahon sa akin. Back to you, Sir Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez. Kasama rin po natin ang ating testing czar at deputy chief implementer ng NTF, walang iba po kung hindi si Secretary Vince Dizon.
Sir, kumusta na po iyong mga plano pagdating naman po sa rollout? The floor is yours.
SEC. DIZON: Magandang hapon po, Spox Harry. Sa ating chief implementer at vaccine czar, good afternoon.
Unang-una po, gusto lang po naming i-update ang ating mga bagong testing protocols para po malaman ng ating mga kababayan lalung-lalo na iyong mga may kamag-anak po na uuwi galing sa ibang bansa.
Ngayon po ay hindi na po tayo magsa-swab pagdating ng ating mga kababayan at ng mga ibang dumarating sa Pilipinas. Sa airport, diretso po sila sa quarantine facility, requirement po na magkaroon ng booking sa isang quarantine facility o hotel for seven days bago po sila pumunta ng Pilipinas at ang testing po ay mangyayari sa ikalimang araw.
After po noon kung ang pasyente o ang kababayan natin ay negative ay makakalabas na po siya at i-endorse na po siya sa local government unit at imo-monitor na lang po at doon ho siya magho-home quarantine for the remainder of the 14 days.
Pero sa mga magpupositibo po ‘no na ating mga kababayan, iyong mga resulta po nila eh kailangan i-genome sequence para malaman po natin kung ito ay iyong luma o bagong variant ng COVID-19. Dahil tuluy-tuloy po ang ating monitoring ng mga bagong variants kaya kailangan po nating gawin ito, ito po’y gagawin ng Philippine Genome Center, ng UP National Institute of Health at ng RITM.
Ang update din po natin, nagkaroon po tayo nang aggressive community testing sa iba’t ibang lugar as Pilipinas. Iha-highlight ko lang po iyong ginawa nating aggressive testing sa Bontoc kung saan nagkaroon po ng reports ng new variant. Nag-swab po tayo ng 1,709 na mga kababayan natin sa Bontoc, Mountain Province – 32 po out of the 1,709 ang nag-positive for a positivity rate of 1.87%.
Sa Sagada naman po sa Mountain Province din, mayroon po tayong tinest na—sorry sa Isabela, mayroon po tayong tinest na 7,643 na sinwab. Ang nag-positive po ay 53 out of the 7,643 for a positivity rate of only .69, .7 percent.
At finally po, isa pong example din na nag-test din tayo sa Sagada, Mountain Province – 418 total swab, dalawa lang po ang nagpositibo for a positivity rate of .48%
So nakikita po natin na dahil nga sa testing tuluy-tuloy po tayo. Ngayon po ay nasa halos 8 million tests na tayo ‘no simula po noong nag-ramp up tayo ng testing at hindi tayo humihinto, nag-a-average po tayo nang about 35 to 40 thousand tests per day at tuluy-tuloy pa rin po tayo diyan para mabilis ang ating response lalo na sa mga areas sa labas ng greater Metro Manila.
Sususugan din po natin ang ni-report ni Secretary Galvez at nagpapasalamat po tayong muli sa ating mga local government units lalo na sa National Capital Region sa kanilang masususing paghahanda para sa vaccine rollout. At nakita po talaga natin na handang-handa po ang ating mga LGUs at sila po talaga ay magiging critical sa vaccine rollouts ‘pag dumating na ang mga vaccines natin sa buwan na ito kagaya noong magandang balita po ni Secretary Galvez.
Iyan po makikita natin sa Taguig po, mayroon pa po silang vaccine passport para malaman noong ating mga kababayan na nag-vaccine na sila. Sa Makati po nag-announce po si Mayor Abby Binay na kahit po ang mga hindi residents ng Makati, basta ikaw ay nagtatrabaho sa Makati ay puwede kang bakunahan ng City of Makati. And sa Quezon City ganoon din po ‘no, handang-handa po ang ating malalaking siyudad. And sa Manila nga po gaya ng sinabi ni Secretary Galvez, mayroon po siyang sarili niyang storage facility na napaka-high tech po, sa Sta. Ana Hospital na kaya kahit iyong mga maseselang mga vaccine na kailangan ng -70, -80 degrees ay mai-store sa City of Manila.
Maraming salamat po ulit both sa ating LGUs at sa private sector, at tuluy-tuloy po ang ating paghahanda para sa vaccine rollout na magsisimula na ngayong buwan ng Pebrero.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Vince Dizon. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, Secretary Galvez and Secretary Dizon.
Question from Leila Salaverria of Inquirer. For clarification daw po: What is the status now of Baguio Mayor Magalong? His resignation as Contact Tracing Czar was rejected but he said it was irrevocable. Are there still efforts to get him to stay?
SEC. ROQUE: Secretary Galvez…
SEC. GALVEZ: Pupunta po ako ng Baguio sa susunod na linggo po at kakausapin po namin si Mayor Magalong. Kasi sa amin po ni Sec. Vince, he is irreplaceable.
USEC. IGNACIO: Secretary Vince…
SEC. DIZON: Alam ninyo po, napakaimportante po ni Mayor Benjie sa ating response. Talagang penultimate public servant po siya, very humble, tinanggap niya ang kaniyang pagkakamali, lahat naman po tayo ay nagkakamali. Pero iyon pong kaniyang kontribusyon sa ating COVID response ay invaluable at irreplaceable ika nga ni Secretary Galvez. At sa mga susunod pong araw na ito ay mag-uusap po kami with Mayor Magalong at Secretary Galvez, at pipilitin po namin siyang kumbinsihin na sana po huwag niya po kaming iiwan sa National Task Force dahil kailangang-kailangan po siya ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: If Mayor Magalong is no longer in charge of contact tracing, who will now lead this effort which is especially crucial given the presence of the more contagious COVID variant?
SEC. DIZON: Hindi po muna kami magku-comment diyan dahil kagaya po ng sinabi kanina ni Secretary Galvez, kakausapin po namin si Mayor Magalong sa mga susunod na araw.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Thank you, Secretaries. Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Good afternoon, Mr. Secretary, and nice to see you and our guests. My first question goes to Secretary Galvez: Ano na po iyong status ng mga pasilidad na dapat itayo para sa atin po namang quarantine? Can you please update us?
SEC. GALVEZ: Iyong sa quarantine po, ongoing pa rin po iyong ginagawa natin dahil kasi nakita natin na possibility na puwede pa rin tumaas. Mayroon na po tayong mga existing and then iyong mga quarantine facility po na iyan, ngayon po pina-convert namin po ng vaccination center. Dahil po nakikita po namin, nag-usap nga po ulit kami kanina ni Mr. Enrique Razon na maganda rin po kung iyong ating mga quarantine facilities ay—lalo na iyong mga mega quarantine facility ay puwede rin po natin gawing vaccination centers kasi may mga rooms po iyon, may mga waiting room at saka mayroong tinatawag na very spacious po iyong area.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Yeah. Secretary Galvez, sa pagdating po ng bakuna at may rollout plan na kayo, may babayaran po ba si Juan Dela Cruz kung siya’y magpapabakuna na?
SEC. GALVEZ: Wala po. Iyan po ang pinangako ng ating mahal na Presidente na all Filipinos will be vaccinated for free.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Okay. Last question for you, Mr. Secretary, is bakit daw po iyong Indonesia, Myanmar at Bangladesh na mas mahirap kaysa Pilipinas, iyong dalawang bansa nabanggit ko, eh may bakuna na? Bakit daw po naantala tayo?
SEC. GALVEZ: Sa atin po nakita po natin hindi naman po tayo naantala. Ang ano lang po natin talaga is iyong ating supply and demand, nakita po natin na iyong ating dedication sa ating procurement system na talagang dapat po na pagka bibili rin po tayo ng bakuna ay talaga pong within the purview ng legal ano po natin, legal procurement. That’s why iyong delay ng ano po natin na, Mr. Melo, is only one month at maganda rin po iyon dahil kasi naobserbahan po natin.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Ah, okay. Maraming salamat po. Para kay Secretary Harry, baka po puwede ninyo sagutin: Ano na po kayang update natin sa mga Pilipino sa Myanmar? Ano na ang magaganap?
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po ‘no, handa pong magbigay-tulong ang ating embahada roon bagama’t in terms of actual update eh wala pa po akong nakukuhang impormasyon. Pero I’m sure the DFA will release the data very soon.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Thank you very much, Mr. Secretary. Have a nice day. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you. Punta tayo uli kay Usec. Rocky. Thank you, Melo.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Rose Novenario of Hataw: Maging si Pangulong Duterte daw po ay aminadong bagsak ang ekonomiya ng bansa. Hindi po ba dagdag pahirap sa tao ang implementasyon ng car seat law sa panahon ng pandemya?
SEC. ROQUE: Tama po kayo ‘no, napakahirap ng buhay. Kaya naman po nangako ang ating DOTr na hindi muna po sila manghuhuli ‘no pagdating doon sa mga wala pang mga car seats. Ang nangyari po diyan, talagang nasa batas, mayroong one-year period ‘no na para hindi muna ma-implement iyan, ng mabigyan ng pagkakataon na makabili/makaipon ng mga car seats ‘no. Pero tinamaan nga po tayo ng COVID ‘no. So ngayon po dahil siya ay epektibo na by law, eh nangako naman po sila; naintindihan nila ang ating kalagayan ngayon. At bagama’t iniengganyo nila na gumamit na ng car seats para sa kaligtasan ng mga kabataan eh kung hindi naman po ma-afford, hindi pa rin muna tayo manghuhuli – ito po ang commitment ng DOTr.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Pia Rañada of Rappler: Does Malacañang see the Myanmar coup as blow to democracy in that country and the region as a whole?
SEC. ROQUE: Ang palagi pong prayoridad natin ay ang ating mga kababayan sa Myanmar at bahala na po ang DFA ‘no na sagutin iyang mga ganiyang question.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: Indonesia, Singapore, Australia, US and UN have expressed grave concern or condemn the Myanmar coup. Will the Philippines not do the same?
SEC. ROQUE: As I said, bahala na po ang DFA na sumagot sa ganiyang tanong.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Triciah Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox and the secretaries. Sir, first, just one question for you. Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin tweeted last night, he asked you to layoff on foreign affairs matters. He said that he loves you but you are not competent in this field. He said, we do not go back to The Hague. We might lose what we won. Iyon nga po, he’s asking you to layoff. Your comment on this, sir.
SEC. ROQUE: I love him back even more so. Tisoy kasi ‘no… Pero anyway ang sa akin naman po ay the President is the chief architect of foreign policy pero hindi po tayo nanghihimasok. It is clear from our answer yesterday na we said theoretically the only way or the only forum is the Tribunal for the Law of the Sea but the decision whether or not to go there lies with the Department of Foreign Affairs, our Department of Foreign Affairs as well as the Ministry of Foreign Affairs of the other countries. I think I was very clear that I was not intruding.
Pero pasensiya na po ‘no, as chief architect of foreign policy, napakahirap naman po kung tayo ay tikom sa mga bagay-bagay na ito. But of course, we always defer to the line agency as far as actual policies to be implemented are concerned.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Spox. Sir, may I go to Secretary Galvez, please?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary Galvez. Sir, how will the EUs’ export use or iyong export use affect the supply of vaccines that we bought, iyong mga binayaran po nating bakuna?
SEC. GALVEZ: Sa atin po, wala po siyang tinatawag nating komplikasyon kasi iyong ating factory ay manggagaling po sa Thailand.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. So hindi naman po tayo sir maaapektuhan with the export?
SEC. GALVEZ: Hindi po tayo maaapektuhan at saka mayroon po tayong ano, maganda po ang ating relasyon po sa Serum Institute of India na mayroon din po siya na AstraZeneca na pinu-produce po doon. Almost 2 billion ang pinu-produce ng Serum Institute of India.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, the rollout will be … first rollout will be in February. We’re just wondering, nakahanda na po ba iyong mga listahan ng initial recipients natin and have you identified which hospitals will go first po?
SEC. GALVEZ: Yes. Nagkaroon po kami ng pulong nga kahapon at iyon po ang sinabi po ni Usec. Myrna. Iyong mga listahan po ng mga hospital nandoon po. Unang-una po ang iaano po natin iyong tinatawag nating mga COVID referral hospitals, iyong mga public hospitals at the same time iyong talagang malalaking mga hospital na talagang maraming mga pasyente na mga COVID. At the same time ang ano po natin, na magkakaroon po ng tinatawag na—lalung-lalo na sa Pfizer, may limitation po tayo na iyong readiness po ng LGU ang titingnan po natin kung kaya po nilang mag-accept ng Pfizer. So ili-limit muna namin po ang Pfizer sa NCR, sa Cebu at saka sa Davao dahil iyon lang po ang mga areas na mayroon tayong cold chain na negative 70.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, ito pong first batch of doses that we will be receiving, are these enough to cover all medical frontliners in the country? And, sir, can we have an assurance at this point na hindi na po mauulit iyong aberya or at least same instance na nangyari noong SAP distribution?
SEC. GALVEZ: Mai-ensure po namin na talagang ito maayos po dahil kasi unang-una iyong ginagawa po namin, ini-inspect muna namin iyong LGU na bibigyan po namin ng bakuna. Tinitingnan po namin if they are ready. Parang ginagawa po ng WHO na noong binigyan tayo ng COVAX, nagkaroon nang mahabang evaluation ang ginawa po nila at noong nakitang ready na po tayo ay binigyan po tayo ng vaccine.
Ganoon din po ang gagawin po natin sa LGU kasi ito po ay galing sa COVAX at amin pong talagang pananatilihin na wala po tayong masayang po dito.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, si Pangulo po nabanggit niya in his address sa Mindanao po, sa mga soldiers na pinangako po niya that the families of the soldiers will also be included, will be prioritized in the distribution of vaccines. How are you going to factor this in, sa priority list po natin? Saan po sila banda papasok?
SEC. GALVEZ: Doon po sila papasok sa fifth priority, iyong soldiers at saka iyong families po. Nakita po natin na unang priority iyong first priority natin is iyong health care workers, iyong healthcare workers po natin, mga more or less 1.7 million or 2 million po ang kanila pong population. And iyong ibibigay po sa atin sa first quarter is more or less 3.5 million kasama po ang AstraZeneca at saka iyong ating 117 na Pfizer at nakita namin more than enough po iyon. Mayroon rin po tayong makukuha na 1.5 million sa ating nabili from our manufacturers. So, more or less kasya po sa first quarter iyong ating mga healthcare workers at saka frontliners po.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, sorry just a clarification: Fifth in line po iyong family members ng soldiers, but the soldiers or the uniformed personnel pasok po sila doon sa first priority, tama po ba?
SEC. GALVEZ: Ang first priority po natin ay iyong health care workers, iyong frontline health workers kasama po doon ang public and health facilities, iyong hospitals, iyong nasa temporary quarantine facilities natin, iyong public health workers, kasama rin po iyong barangay health workers. And then also kasama po doon sa mga frontliners natin iyong sa DSWD, DepEd, DILG, BJMP at saka Bureau of Corrections.
And second priority po natin ay indigent senior citizen, iyong third priority is iyong remaining senior citizens and fourth priority po natin mga remaining indigent population and then iyong fifth priority po natin iyong uniformed personnel – kasama po iyong AFP, PNP, Coast Guard, Bureau of Fire at saka iyong mga CAFGU, doon natin puwedeng isama na po, just in case.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, sir. Thank you, Spox. Thanks, Secretary Galvez; and thanks, Sec. Vince Dizon.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Thank you, Sec. Galvez. Back to Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, question from Virgil Lopez of GMA News Online: Baguio City Mayor Benjamin Magalong today said that his resignation as contact tracing czar was irrevocable, but he will stay on if President Duterte will ask him to do so. Does the President want Mayor Magalong to remain as contact tracing czar?
SEC. ROQUE: I have heard with my own two ears, nothing but words of praises for Mayor Magalong from the President. So, of course I am sure, 100% sure that the President would want Mayor Magalong to stay on as contact tracing czar.
USEC. IGNACIO: Second question po niya, DFA Secretary Teddy Boy Locsin Jr., took exception to your statement yesterday that the Philippines and other ASEAN countries can challenge before the UN Tribunal the legality of China’s new Coast Guard law. In a tweet Secretary Locsin said “I am not listening to Harry Roque. Love the guy, but he is not competent in his field. We do not go back to The Hague. We might lose what we won. Harry, Lay off.” Your reaction please?
SEC. ROQUE: Asked and answered na po, Usec.
USEC. IGNACIO: Question from Mark Fetalco ng PTV for Secretary Galvez: Base po sa resulta ng clinical trial ng Novavax sa United Kingdom, nasa 89% ang efficacy rate ng kanilang bakuna laban sa original Novel and coronavirus and UK variant. Kumusta na po ang negotiation with SII para sa Covavax vaccine ng Novavax? Kailan at ilang vaccine po ang inaasahang darating sa bansa?
SEC. GALVEZ: Iyon po ang pinakauna po nating napirmahan dahil kasi nakita po natin, we saw that the role of the India for global security ng ating mga supply ay napakalaki. So, ang ginawa po natin ay nagkaroon po tayo ng negotiation na 30 million initial mabibili po natin at iyon po ay nagkakaroon po kami ng ongoing negotiation na magkaroon po ng early rollout. Depende po sa pagka-ano po na magkaroon tayo ng EUA at the same time lumabas po ang EUA ng UK ay baka mapaaga po. At nakikita po natin na puwede po iyong madagdag na additional na 1o million for the private sector, so magiging 40 million po iyon. Napakaganda po ng result ng Novavax dahil pati po iyong variant ng UK at saka iyong variant ng South Africa ay kayang gamutin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Thank you, Sec. Galvez. Let’s now go to Joseph Morong, please. GMA 7.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon. Can I go first to Secretary Galvez and Secretary Dizon?
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Good morning, Secretary Galvez. Sir, doon lang po sa numbers of [unclear] because I was trying to compute yesterday, ang ina-announce po or at least na-mention was 178 na million doses of vaccine that will be enough for 92. But I am curious doon sa presentation kanina and then doon sa binigay po ni Sec. Sonny na papel na discussion po last night, 146 million will come from multilateral sources, right, ito po iyong nine-negotiate ng national, 15 million will come from the private sector and then 12 million from the LGUs, if you add that up, magiging 173. So, sir saan po iyong 5 million doon sa 178?
SEC. GALVEZ: Iyong sa computation po na ginawa ni Sec. Sonny kasama na po iyong sa COVAX. I believed iyong kaniyang computations, from all the negotiations that we have, sa anim na companies po 146. Iyong inaano po namin, 146 ang kaniyang computations, which is basically may difference lang na 2 million, which is tama naman, kasi under negotiations pa iyong isa na puwede pong tumaas ng additional 4 million.
JOSEPH MORONG/GMA7: And he also said, sir na nagpasobra tayo ng 92 million for–dapat sana 70 plus lang. How do we come up with the 92?
SEC. GALVEZ: Mismo si Secretary Dominguez po at saka si Usec. Mark Joven po ang nag-compute niyan, kasi po mayroon po tayong kinukuha na one dose lang, so iyong isang one dose, parang times two po iyan, for example nakuha po natin 10 million, so 20 million po ang kaniyang equivalent. So noong kinompyut [computed] po namin talaga, tama po iyong computation ni Secretary Dominguez na 92 million ang Pilipinong mababakunahan, kasama po iyong COVAX facility.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, doon sa 3 million, you mentioned that as early as mid-February up to end of February, we can vaccinate at least 3 million. But this is going to come from the COVAX facility, do we still need a supply agreement from the COVAX to effect this?
SEC. GALVEZ: Yes, iyon ang nakita natin sa condition, iyong next steps forward, kailangan po magkaroon po ng tinatawag nating agreement sa indemnification at saka iyong sa supply agreement. Kasi katulad po ng Pfizer very complicated iyong kaniyang pag-handle. So we have to coordinate with the manager of Pfizer, kay Mr. Andreas.
JOSEPH MORONG/GMA7: And when are we going to finalize the supply agreement at least for this 3 million?
SEC. GALVEZ: Sa ano po natin sa 3 million, dalawa po iyan sa AstraZeneca, we are now connecting with Madam Lotis and pag-usapan po namin within the week or next week.
JOSEPH MORONG/GMA7: So, aabot, sir sa February 14 na timeline ninyo?
SEC. GALVEZ: Yes, sa second week ng ano, matapos po lahat iyan. At saka may mga early coordination naman po kami pertaining sa supply agreement with the different LGUs.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa 3 million pa rin tayo mag-stay, ang sabi po ninyo, ibubuhos kaagad iyan sa mga frontline health workers. So, 3 million is allotted for how many healthcare workers and from where, from what cities are these from?
SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, talagang uubusin po natin lahat iyong healthcare workers. Ang total population niya is 1.7, so we will dedicate more than 3 million, kasama po iyong ating production for the first quarter coming from our manufacturer.
JOSEPH MORONG/GMA7: And you also sir mentioned last night na although number 8 iyong mga essential workers, ito po iyong mga trabahador, mga manggagawa na pinayagan natin na magtrabaho under GCQ or under General Community Quarantine, because they are needed in the economy. But you mentioned kagabi na you are looking at maybe prioritizing them. You add number 8 now in your vaccination plan. Do you mean, sir, na iaakyat natin sila because ito iyong mga nasa kalye – ito iyong mga driver, ito iyong mga nasa malls, mga guard, mga saleslady – iaakyat po ba natin sila sa priority?
SEC. GALVEZ: Ang mangyayari po, nakita natin sa experience sa Israel o US, dapat maging flexible po iyong framework kasi nakita po natin may mga ano po, may mga nandoon sa first priority, for example, iyong mga indigent senior citizens, mayroon po diyan na mayroon talagang hindi po magpapabakuna because of the complications. So ang mangyayari, ang gagawin po natin, iyong mga hindi po mag-aano, nakita rin po natin na more or less, 32% lang iyong ating uptake natin ngayon. So from that ano, from that percentage, iaakyat natin iyong tinatawag nating essential workers. Importante po ito kasi essential workers, ito po sa food production, sa transportation, ito iyong tinatawag natin iyong ano, iyong talagang sa mga farming at saka iyong tinatawag nating mga consumers production.
And ito talaga, kasama rin ito sa bracket na gusto po ng ating mahal na Presidente na … poor families din po ito eh, mga low earning people at saka mga informal workers; and these are the drivers of the economy.
So ginawa po namin, nag-recommend po si Secretary Dominguez dahil nakita po natin, talagang bumagsak po iyong ating economy, in order to have iyong tinatawag na preservation of our economy and ensure iyong consumer confidence and also to protect our healthcare workers and also frontliners and also economic institution, we have to give them the priority.
Marami pong mga senador, si Senador Angara tumawag po sa akin at saka si Senador Villanueva at iyong iba pang mga congressmen po natin na gusto po nila na i-priority po pati iyong seafarers at saka OFW.
JOSEPH MORONG/GMA7: I will be going to ask this later for [unclear]. Pero, sir, sa frontliners, can you give us the scenario how are we going to identify iyong mga frontliners na babakunahan natin? Napili na po ba iyan sa … kumbaga, nag-aabang na lang ng bakuna sa mga ospital ito? Sinu-sino ito? Paano ito pinili, sir? Just the scenario.
SEC. DIZON: Thank you, Joseph. As explained briefly by Secretary Galvez earlier, the Department of Health is coordinating with the various hospitals and the various local government units and provinces to get the master list of all health workers especially in the health facilities that cater the most COVID cases. So iyon ang uunahin ‘no, iyong mga ospital and medical facilities na pinakamaraming mga hina-handle na COVID cases. So nagawa na iyon ng Department of Health, and ready for rollout na iyan kapag dumating ang ating mga first batch of vaccines ngayong February.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa’yo, puwede isa?
SEC. ROQUE: Sige, go, go.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, we have a situation now with China ‘no. Iyong survey ship nila nasa waters natin, nasa territorial waters natin. Is that objectionable?
SEC. ROQUE: Malinaw po iyan, sinabi na po ng Coast Guard na humingi po sila ng permiso on humanitarian grounds. Dahil rough seas, so humingi po sila ng permiso na pumasok sa ating karagatan. But this has been, you know, a recognized reason since time immemorial ‘no in maritime law na kapag mayroong adverse weather conditions ay pupuwede naman pong humingi ng ganiyang tulong ang mga barko.
JOSEPH MORONG/GMA7: Pero iyong time na iyon yata, sir, wala namang bagyo.
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Basta ang sinabi po at kinonfirm [confirmed] naman na nagpadala po sila ng diplomatic note asking for humanitarian grounds na kumbaga sumilong ‘no doon sa Catanduanes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, is this situation with China, is it going to affect iyong potential natin of getting iyong 500,000 donation; and how much are we expecting again from Sinovac and Sinopharm?
SEC. ROQUE: I don’t think so dahil that has already been a promise made by the Foreign Secretary of China.
Okay? Thank you. Thank you, Joseph. We go to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Aileen Taliping of Abante Tonite for Secretary Roque: Allowed po ba ang out-of-town seminar sa mga departamento ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya? Gaya daw po ng 180 daw po ng kawani ng Department of Agrarian Reform na diumano’y hinati sa tatlong lugar – una sa Subic at sa Cebu nitong January, at Butuan naman ngayong Pebrero.
SEC. ROQUE: In fact, in-allow po ng IATF iyong mga holding ng mga trainings na ganito provided susundin iyong maximum capacity. At Aileen, ito po ay mga lugar na MGCQ, hindi po iyan sa Metro Manila. Ibig sabihin, allowed po ang gathering basta 50% capacity.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Karen Lema for Secretary Galvez po. Clarification lang po sa AstraZeneca vaccines coming Thailand plant, are these the ones we will get via COVAX?
SEC. GALVEZ: Iyong sa COVAX po, hindi po natin alam kung saan po manggagaling, either sa [unclear] or doon sa Europe. Pero po iyong ating in-order po na 17 million from the private and the LGU will be coming from the Thailand plant.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Jinky Baticados nasagot ninyo na Secretary Roque about DFA Secretary Locsin.
From Marichu Villanueva of Philippine Star for Secretary Vince Dizon: Paki-clarify daw po iyong sinabi niyang genome test for UK variant will continue. RITM, UP NIH and Genome Center, how can they do it if the suspension of 32 countries with UK variant lapsed already last January 30? DOH yesterday declared as case close the index case of 29-year-old Pinoy from Dubai since all COVID contacts were already traced, isolated and are now being treated. So this genome testing will continue and how with suspension lifted already?
SEC. DIZON: Thank you very much, Ma’am Ichu. Just to clarify po ‘no, the different variants of COVID-19 are already out there, all over the world. And that is why our experts have recommended these protocols for all incoming travelers into the country whether Filipino or foreigner. And all those who will be testing positive for COVID-19, their specimens need to be genome sequenced so that we will keep track of any and all variants of COVID-19 that enter the country. Kasi nga iba-iba ang mga characteristics nitong variant na ito at kailangan talagang i-monitor.
So importante po iyan ‘no kahit na-lift na ang travel ban at kahit iyong ating domestic case ay na-trace na at na-case close na, importante pa rin po na i-survey lahat ng mga padating sa Pilipinas para din po sa proteksiyon ng lahat ng mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince. Question from Kris Jose of Remate Online: Palace reaction daw po sa sinabi ni Congressman Lagman na ang kawalang reaksiyon ng Malacañang sa gusot sa Myanmar ay pagpapakita po ng suporta ng gobyerno sa militarization ng gobyerno. Ito po iyong quote, and I quote, “The nonchalant attitude of the Duterte administration confirms and defends the militarization of the government and its implementation of repressive policies like the Anti-Terrorism Act of 2020, continuing red-tagging and the unilateral abrogation of the UP-DND Accord.”
SEC. ROQUE: Naku, personal na opinyon po niya, hindi na dapat po komentuhan at alam naman natin talagang kalaban po si Congressman Lagman ng gobyerno natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, last question na po ito from Rosalie Coz ng UNTV: Reaksiyon daw po sa SWS survey released kahapon po na bumaba ang adult joblessness sa 27.3% noong November 2020.
SEC. ROQUE: Well, unang-una, malungkot po tayo na hindi pa rin bumababa o hindi pa rin bumabalik sa dating datos ang ating joblessness bago po nasalanta tayo ng COVID-19. Dati-rati po kasi, bago mag-COVID-19, 19.8 iyong ating joblessness; ngayon po, 27.3, mataas pa rin po iyan; bagama’t kahit papaano po, we find solace in the fact na bumaba nga po itong joblessness. Nag-peak po ito ng 45.5 noong July, bumaba ng 39.5 noong September, at ngayon po ay 27.3 Ito po ang dahilan kung bakit kinakailangang magbukas pa rin tayo ng ating ekonomiya nang sa ganoon mas marami sa ating mga kababayan ang makapag trabaho. At kaya naman po ito, alam na natin kung paano iiwasan ang COVID-19 – Mask, Hugas at Iwas. Ingat-buhay para sa hanapbuhay.
Now, kung wala na pong tanong, may tanong po dito si Joseph Ramos. Naku, Usec. Rocky, ha ewan ko ba bakit dumiretso si Joseph. Pero birthday naman niya – Happy Birthday, Joseph! So birthday gift niya, basahin natin ang tanong niya, addressed to Secretaries Galvez and Dizon: On the inoculation of athletes and coaches in the national team who will be training for the 31st Southeast Asian Games in Vietnam set for November 21 to December 2 this year. Could they be prioritized too? They need to go back to actual training ASAP because the Southeast Asian Games are 43 weeks away. Ang datos daw po, 996 athletes, 262 coaches, 280 para-athletes and 82 para-coaches – total 1,620 lamang. So, on the approval of face-to-face training for national team athletes and coaches, they are still considered as amateurs but as mentioned earlier, they need to go back to training. Will they be allowed to train already in a bubble facility? Note we are the overall champion in the Southeast Asian Games. Again, Joseph, Happy birthday.
Sino pong gustong sumagot, Secretary Galvez or Secretary Vince?
SEC. DIZON: Unang-una, happy birthday, Joseph. Sasagutin ko na lang muna siguro iyong sa training bubble dahil may dalawa nang sport associations na nag-apply – ang PATAFA for track and field and ang triathlon. Nag-apply sila for training bubble in Clark and sa kasalukuyan kaming nakikipag-usap sa kanila kasama ng Philippine Sports Commission para ma-establish natin ang bubble protocols para makasimula sila.
Siguro sa mga darating na araw, Joseph, sa next week latest eh malalaman natin ang desisyon ng Philippines Sports Commission and then ito ay iiendorso at ipapa-approve natin sa IATF tulad ng ginawa natin sa ibang mga training bubble, tulad ng successful PBA Bubble sa Clark.
SEC. ROQUE: Sec. Galvez, mayroon po kayong idadagdag?
SEC. GALVEZ: Iyon lang po at [inaudible] ng IATF.
SEC. ROQUE: Okay. So, anong sagot po sa pag-prioritize? Puwede ba hong mabigyan ng priority iyong 1,600 athletes and coaches para makapag-training daw po?
SEC. GALVEZ: Maliit lang naman po iyong number pero i-ano po natin ang desisyon ng IATF dahil kasi iyong prioritization hindi natin puwedeng mai-compromise din iyong ating healthcare workers. So, iyon po ang titingnan po natin na kailangan po natin ng desisyon ng IATF.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Galvez. Pero, Sec. Dizon, mayroon din pong letter din yata ang MPBL, iyong Maharlika Pilipinas Basketball League para magkaroon din ng bubble facility diyan daw po sa Subic. Ano pong prospects na maaaprubahan iyan?
SEC. DIZON: Kagaya naman po ng ginawa natin last year na successful PBA bubble, basta po susundin natin ang tamang protocols, we will build on the model protocols from the PBA Bubble. Tingin ko naman po ay kaya nating gawin ang mga sports bubbles natin pero subject po ito sa final approval ng IATF.
Ang maganda po siguro, ang MPBL ay mag-submit na po ng kanilang proposal sa IATF formally kay Secretary Duque at kay Secretary Karlo Nograles as co-chairs para po masimulan na natin ang pakikipag-ugnayan at pag-a-approve ng kanilang mga protocols.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon. Maraming salamat, Usec. Rocky, maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong spox nagsasabi: Naku, mga kababayan, nandiyan na talaga ang bakuna, sana lahat tayo ay umabot sa bakuna. At kaya naman po natin iyan sa pamamagitan ng ‘Mask, Hugas, Iwas.’
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)