Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque



SEC. ROQUE: Magandang Lunes na tanghali, Pilipinas!

Magandang balita po! Kung maalala ninyo, iyong buwan ng Nobyembre, tinanong ni Presidente, kailan ba makakarating iyang bakunang iyan sa Pilipinas? Ang sabi sa kaniya, July. Well, ang sabi ni Presidente, hindi katanggap-tanggap iyan dahil kung ako’y naiinip na, eh siguradong naiinip na rin ang buong sambayanang Pilipino.

At ngayon po, mayroon tayong magandang balita ‘no: Sang-ayon po sa Department of Health ay magkakaroon na po tayo ng ating unang 25 million doses of COVID-19 vaccine from Sinovac, at darating na ang bakuna sa Pilipinas sa susunod na buwan.

‘Di ba sabi ko sa inyo, ilang tulog na lang. Well, ito po literally, sa susunod na buwan ay parating na po ang bakuna.

Well, huwag naman kayong masyadong mag-celebrate diyan dahil ang paunang darating po ay 50,000 doses lamang ng vaccine galing sa Sinovac, pero at least magsisimula na rin po tayo. Ito’y in addition doon sa 15,000 na clinical trial na gagawin dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, by February, at least 65,000 na ang mabibigyan ng bakuna.

Sa susunod na buwan po ng Marso, magkakaroon tayo ng 950,000 na additional doses ng nasabing Sinovac; at sa Abril, one million dose; sa Mayo, one million dose; sa June, two million – hanggang mabuo ang 25 million pagdating ng Disyembre.

Bakit ho ako tumigil doon sa June? Kasi pagdating po ng June, July, darating na rin po ang Pfizer, at ang July AstraZeneca. So bukas po doon sa ating timeline, makikita natin na pagdating ng June at July, biglang sisipa iyong dami ng mga bakuna na available sa ating bansa.

Pero mga kaibigan ha, dahil simula pa lang tayo eh huwag naman kayong magpabaya. Naku po, doon sa Quiapo, ang daming tao! Maya-maya po ay sasabihin ko kung ano ang pahayag ng ating Department of Health.

Pero samantala na tayo ay nag-aantay ng bakuna, kinakailangan po – anong sabi ng ating mahal na Presidente? – Mask, Hugas at Iwas.

Naku po, lahat ginawa ni Presidente para mapaaga iyong pagdating ng bakuna. Sabi niya, no way na July lang darating iyan. So ngayon, Pebrero. Talaga naman kapag ang Presidente ay nagsalita ay talagang heaven and earth ay imu-move natin para dumating ang bakuna sa sambayanang Pilipino.

Eh ano ba itong Sinovac na ito kasi ang mga kalaban ng gobyerno ay talagang walang tigil sa reklamo. Dati-rati, walang bakuna; ngayong nandito na ang bakuna, “Ay naku, hindi iyan ligtas.” Well, huwag po kayong makinig diyan sa mga walang matinong magawang mga kalaban ng gobyerno. Alam ninyo po, kaya hindi dumaan sa clinical trial sa China mismo ang Sinovac at Sinopharm at Casino vac dahil po wala na silang halos kaso ng mga COVID. So nag-clinical trial sila abroad, doon sa mga maraming kaso. Eh pagdating po sa Sinovac na darating nitong Pebrero, ang sabi po ng Turkey, 91.25% efficacy rate. Okay? So ligtas at epektibo po ang Sinovac.

Dagdag pa po ng Turkey’s researchers, wala silang nakitang kahit anong major side effect; at tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine ang in-order ng Turkey.  Sa ating mga kapitbayan dito sa ASEAN, dalawang milyong Sinovac vaccine naman ang kinuha ng Thailand at darating din ito sa kanila sa susunod na buwan ng Pebrero.

Samantala, ngayong buwan ay magsisimula na ang pagbabakuna sa Indonesia gamit din po ang Sinovac. Ito ay pangungunahan ni Indonesian President Joko Widodo sa Miyerkules, a-trese ng Enero. Nasa 125.5 million doses ang kinuha ng Indonesia mula sa Sinovac.

Base sa ginawang clinical trials sa Probinsiya ng West Java naman ‘no na isinagawa ng Sinovac kasama ang BioPharma ng Indonesia, nasa 91.25 effective ang nasabing bakuna – kapareho po ng resulta sa Turkey.

So mga kalaban ng gobyerno, well, manahimik na kayo. Paputok na naman iyan sa mga mukha ninyo. Kapag nag-survey na naman, kulelat na naman kayo, bokya na naman kayo, failure na naman kayo.

So anyway, itong mga clinical trials po na ginawa sa West Java at sa Turkey ay patunay na ligtas at mabisa ang Sinovac. Now, ito po ay bukod pa doon sa minimum na isang milyong mga Tsino na nabakunahan na ha. At by the time dumating po sa atin itong Sinovac, ang plano po ng mga Tsino ay mabakunahan na ang 50 million na mga Tsino bago dumating po ang Chinese New Year ng February 12. So kapag binakunahan na ang unang tao ng Sinovac sa Pilipinas, 51 million na Chinese na po ang nabakunahan diyan. At napakadami na pong mga bansa ang nagpatunay na safe at epektibo po ang Sinovac.

Pumirma naman po—pangalawang mabuting balita po ito ha, doon sa mga kalaban ng gobyerno na nagsasabing wala pa tayong mga bakuna, well, mukhang kinakailangan na kayong manahimik dahil pumirma po ang pamahalaan ng Pilipinas, as represented by Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Serum Institute of India (SII) at Faberco Life Services, Inc. ng isang kasunduan para sa 13 million doses naman po ng Covovax na magiging available sa Pilipinas simula 3rd quarter ngayong taon.

So makikita ninyo po bukas – pangako ko, bukas iyan ha – ipapakita ko beyond June kung ilan na iyong mga papasok na mga bakuna natin.

Ang SSI po ang pinakamalaking vaccine manufacturers sa buong mundo. Ito ay pumartner sa Novovax, isang US-based biotech company, para sa development commercialization ng Covovax vaccine.

Ang maganda po sa Covovax, kasama po ng mga Chinese vaccines, ay kinakailangan lamang ng two degrees centigrade to eight degrees centigrade ang standard temperature sa existing cold chain system sa Pilipinas. Iyong iba po kasing brand, lalung-lalo na iyong Pfizer, ay mantakin ninyo po, negative seventy (-70) ang kinakailangan. Eh pati po sa Amerika na napakadaming nilang na-order, nasasayang po dahil from the factory to delivery, eh naku, hindi po nasusunod iyong cold chain. So sa mga mayroong colonial mentality na gusto ang Pfizer, well, puwede po kayong mag-antay pero ang ating warning po ay talagang diyan lang po iyan maibibigay dito sa Pilipinas sa mga major na siyudad kasi wala naman talaga tayong cold chain capacity outside of Metro Manila na -70; ang freezing po ay zero ‘no. Eh mantakin ninyo iyong -70, saan tayo kukuha niyan.

Kasalukuyang nasa Phase 3 trials po ang Covovax sa United Kingdom, Estados Unidos at Mexico. At dahil marami tayong magiging tanong dito, kasama po natin ngayon walang iba kung hindi si Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco Life Sciences – ito po iyong local partner ng Serum Institute of India.

Tapusin lang po natin ang ating pag-uulat bago natin siya tawagin.

At tulad nang madalas kong binabanggit sa aking press briefing, natukoy na natin ang priority eligible population and areas for COVID-18 vaccination. Una, iyong mga matataas na lugar kung saan maraming COVID, siyempre po Metro Manila – champion pa rin tayo – Cordillera Administrative Region, Region XI at Region IV-A. At sabi nga po ni Secretary Galvez, kasama rin diyan po ang Cebu City at ang Davao City.

Base sa rekumendasyon ng IATF, sectoral priority ranking will be followed in geographical priorities. Alam na naman po natin ito, uulitin ko lang kasi nga iyong mga kalaban natin, sinasabi wala tayong mga plano. Habang nagsasabi silang walang plano, pumuputok sa kanilang mga mukha ang katotohanan.

Ang unang tranche po ay bakuna para sa frontline healthcare workers ng apat na nasabing rehiyon. Actually po, uubisin muna lahat ng healthcare workers bago sumunod sa susunod na lugar ‘no. Pagkatapos, susunod po ang mahihirap na mga lolo at lola. Siguro naman po walang magrireklamo diyan ‘no. Ang mga natitirang senior citizens at iba pang mahihirap na mga Pilipino at mga uniformed personnel.

Pinag-uusapan pa po kung mabibigyan din ng prayoridad iyong mayroong mga comorbidities gaya ng diabetes at heart condition. Mayroon lang pong pagtatalong nangyayari ngayon sa IATF, ako po, kasama ako doon sa kampo na nagsasabing dapat bigyan ng prayoridad ang may comorbidities; iyong kabilang kampo naman po nagsasabi, anyway, iyong mga senior citizens na karamihan ay may comorbidities ay mayroon na po silang prayoridad. So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Wala pa pong desisyon pagdating sa mga mayroong comorbidities. Although, napagkasunduan na po na iyong mga senior citizens, siyempre hindi naman lahat ay malulusog so iyong mga senior citizen na mayroong comorbidities puwede ring unahin. Although, prioritized na ang mga senior citizens. Mahal namin po kayo, mga lolo at lola. Samantala po, huwag kayong lalabas ng bahay dahil alam natin kayo po talaga ang tinatamaan nang matindi ng COVID-19

Now, kaugnay uli ito tungkol sa ating mga bakuna, muling nagsalita po ang World Health Organization ha—

Sa mga naaatat na ang bagal daw ng Pebrero, hindi na po mabagal iyan. Naku, gitna ng Enero ngayon eh parang kahapon lang tayo nag-Noche Buena ‘no, so mabilis po ang panahon. Huwag kayong mag-aalala, parating na ang bakuna sa Pebrero.

Pero sang-ayon po ngayon sa WHO, mayroon na pong pitumpu’t apat na bansa na nag-rollout ng ligtas at mabisang bakuna—42, I stand corrected. Labing-apat at dalawa, tama ba? Mali ata. Forty-two bansa ang nag-rollout ng ligtas at mabisang bakuna.

Iyong nakakomentaryo po, hindi pa raw po kasama ang Pilipinas? Siyempre, hindi pa kasama ang Pilipinas. Bakit? Dahil 36 naman po dito sa mga bansang ito ay mayayaman na bansa. Eh kung kayo ay nagrereklamo, bakit hindi tayo kasama, eh hindi naman natin kasalanan na hindi talaga tayo mayaman na nakapagbigay tayo ng pondo para gawin mismo iyong bakuna. Hayaan na nating mauna sila, sila naman ang nagbayad para magawa iyong bakuna. At mayroon lang pong anim na middle income countries.

Malinaw na malinaw pa po, kagaya ng sikat ng araw, na ang mga mayayamang bansa ang nauna, kaya mali naman ang mga pula ng mga komentarista. Naku, minsan sinasabi ko nga, iyong mga komentarista, siguro dapat sila na ang magpatakbo ng gobyerno, tingnan natin kung ano ang mangyari.

Samantala, kasama na ang bansang Austria sa listahan ng mga bansang subject to travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19 na na-detect po sa South Africa. Epektibo mula kahapon po, a-diyes ng Enero 2021, 12:01 A.M. Manila time at tatagal hanggang  a-kinse ng Enero 2021, ang mga banyagang pasaherong nanggaling ng Austria o nagpunta sa bansang iyon, labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas ay ipinagbabawalang makapasok sa Pilipinas. Sayang, plano ko pa naman magpunta ng Austria sana kung pupuwede na.

Pumunta naman po tayo sa katatapos lang na Pista ng Itim na Nazareno. Alam ninyo mga kababayan, tapos na po na po siguro ang sisi, talaga naman pong napakadaming dumalo at talagang bagama’t pinagplanuhan po iyan ni Yorme ay talagang at some point ay nawala po ang social distancing. Pero nirerespeto po natin iyan dahil pananampalataya po iyan, kaya nga po ang tawag nila diyan ay panata. So ngayon po na natapos na at dahil nga po maraming hindi sumunod sa social distances, eh pakinggan naman po natin ang DOH. Una, obserbahan ang sarili po ninyo para sa paglitaw ng kahit anong mga sumusunod na sintomas ng COVID-19 kagaya ng lagnat, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan, pananakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng  mata, pagtatae at pamamantal sa balat. Pangalawa, agad na mag-isolate kung mayroon na kayong sintomas at makipag-ugnayan sa inyong barangay. Pangatlo, iwasang makisalamuha lalo na ang mga matatanda at vulnerable na kasama sa tahanan. Pang-apat, limitahan ang movement, kung maaari, manatili sa hiwalay na silid.

Isa pang balita na hindi na-report sa media: Tingnan naman po ninyo, kayo, kasama na kayo mga Malacañang Press Corps, noong tayo ay nasa number 20, naku, walang tigil ang pagtatanong ninyo, palpak daw tayo; bakit tayo number 20, napakataas, second only in ASEAN. Well, ngayon po number 31 na tayo, pero walang naglalabas po niyan. So hayaan na ninyong kami na maglabas: From number 20 noong October 1, 2020 pagdating sa numero ng  kaso, nasa number 31 na po tayo. Iyan po ay patunay na hindi tayo palpak, kagaya ng sinasabi ng ating mga kalaban sa pulitika. Iyan po ang katotohanan. Pero siyempre we aim para bumaba pa tayo kung pupuwede po last tayo eh gawin po natin iyan.

Punta naman po tayo sa ating COVID-19 updates. Ito po ang global updates sang-ayon po sa Johns Hopkins, higit 90.2 million na po o 90,216,381 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo, nasa 1,933,487 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.  Masyado akong naging excited doon sa number 31 na tayo from number 20 – pasensiya na po kayo.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong mahigit 22.3 million na mga kaso at 374,008 ang mga namatay. Pangalawa po ang India na may pinakamaraming kaso at susunod po ang Brazil, Russia at United Kingdom. Nag-uunahan po ang United Kingdom at France para sa Number 5.

Mayroon tayong 20,087 na mga aktibong kaso ayon sa January 10, 2021 updates ng Department of Health. Sa mga aktibong kaso, mayroon pong 88.8% ay asymptomatic, mild or moderate. Samantalang 6% po ay critical, nasa 3.7% naman po ang severe.  Mahigit walong libo or 8,592 naman po ang gumaling.  Ang buong bilang ng gumaling ay halos nasa kalahating milyon na or 458,198 or 94% recovery rate. Samantalang malungkot naming binabalita na 9,405 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami. Ito po ay 1.94% fatality rate.

Tingnan naman natin ang graph confirmed COVID-19 cases by adjacent date on Onset Philippines, makikita po ninyo na pababa pa rin. Pero sa mga susunod na araw, makikita natin ang datos dahil ito po ngayon ang 14th day or thereabouts 14 days simula po noong Pasko. Ang titingnan po natin ay mula noong Pasko hanggang Bagong Taon at ang isa pang babantayan natin iyong 14 days after Traslacion. So tingnan po natin bukas kung mari-register na iyong sinasabing spike dahil nga po iyong mga numero kahapon ay umabot po ng 1,900 plus – ito po iyong pinakamataas, kung hindi ako nagkakamali, sa tatlong linggo ng nakalipas.

Kumustahin naman po natin ang mga hospital.  Well, ang mabuting balita po ay hindi po puno ang mga ospital: 61% pa po ang available nating ICU beds, 63% available sa isolation beds, 74% available sa ward beds at 80% available po ang mga ventilators. Pero mga kababayan ha, Pebrero na ang bakuna. Bakit naman magpapakasakit pa kayo ‘no, sundin po natin ang Presidente – mask, hugas at iwas.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon at ako po ay nagagalak na kasama po natin si Dr. Luningning Villa, Medical Director ng Faberco Life Institutes ang local partner ng Serum Institute of India (SII).

Ma’am, tuwang-tuwa po kami at matapos po ang pinirmahan natin sa, well, matapos po iyong anunsiyo ng Department of Health na mayroon na tayong 25 million galing sa Sinovac. Eh mayroon pong napirmahang kontrata para naman sa 30 million na galing po sa Serum Institute of India. Puwede ba hong bigyang linaw natin para sa ating mga kababayan, ano ho ba itong bakunang ito? Kailan po darating? At kung ano pa po ang impormasyon na puwede ninyong mai-share sa ating publiko? The floor is yours, Dr. Ma. Luningning Elio-Villa, Medical Director at Faberco Life Sciences Inc.

DR. VILLA:   Magandang tanghali po sa inyo, Spox at sa lahat po na nandito ngayon, nakikinig at nanunood sa inyong daily update.

We are happy to share and confirm na ang term sheet ng pag-supply ng 30 million doses of Covovax ay napirmahan na. Ibig sabihin nito ay magkakaroon ng commitment na mag-supply ng 30 million doses ng Covovax ang Serum Institute sa Pilipinas. So ang Covovax po ay vaccine, COVID-19 vaccine na dinivelop ng Novavax, this is a US based Biotechnology Company. And siya po may experience in developing next generation or iyong mga modernong bakuna for serious infectious diseases.

And to start with my presentation, I think I should introduce first who are the partners of Novavax, iyong mga ating partnerships. First of all, of course, Serum Institute of India. SII is the world’s largest manufacturer of vaccines. And ang SII po ay may long-track record with the Department of Health, with the Philippine government in providing most of our EPI vaccines. And most of the products of Serum Institute of India are WHO prequalified. So maganda po iyong kaniyang track record in terms of the quality and of course iyong good manufacturing practices.  It also plans to manufacture over one billion doses of COVID-19 vaccine candidate for India. Ito lang, in particular itong Novavax vaccine na ang trade name ay Covovax.

And of course, aming kumpaniya po, ang Faberco Life Sciences, which has been authorized by Serum Institute of India to represent SII for Covovax here in the Philippines. Ang Faberco po ang magiging coordinator ‘no to ensure na ang vaccines are properly received din dito sa Pilipinas at ma-coordinate ang pag-deliver doon sa ating national government.

Okay, next slide please. Okay, very briefly, itong SARS, itong Covovax ay ang research name po niya ay NVX-CoV2373 and ang trade name po niya ay Covovax.

Ang kaniyang technology po is… kung naririnig ninyo ang recombinant technology ‘no na ginagamit na rin sa mga iba nating mga naunang bakuna, ito ay parang isang genetic sequence ng spike protein na ini-introduce, sinasama doon sa bakuna para kapag na-introduce sa katawan ay makikilala ng ating katawan at mag-develop ng antibodies that could fight against the virus sakaling ma-introduce ang virus.

Itong spike na ito ay portion lamang ng SARS-CoV2 or ng virus, portion lamang siya, at itong spike protein is the one responsible for attaching to the human cell. At kapag nag-attach na ito sa human cell ay magri-replicate, dadami na iyong virus sa taong na infected. So ito iyong inilalaban ng bakuna, iyong makilala ng ating antibodies iyong itong spike protein para malabanan niya kaagad.

The good thing as well with this vaccine, it has an adjuvant which is Novavax patented ‘no. Ang adjuvant po, siya iyong nag-i-increase na immune response. At itong vaccine ay Phase 3 clinical trial.

Next slide please, I will do this very briefly. So ang vaccine technology is a tried and tested method for generating effective vaccines. Ginagamit po siya with different vaccines na na mayroon na tayo – modern flu vaccines, HPV and Hepa B. Nasabi ko na po iyon, mayroon siyang spike protein and adjuvant.

Okay, next slide please. So this is a technology, na-explain ko na rin, hindi ko na lang po din hahabaan ito. Pinaparami lang po siya doon sa isang virus, iyong genetic sequence na iyon ng spike protein para dumami pa. Next slide, please.

Of course, iyong adjuvant, as I have said, stimulates strong responses. It improves immune responses. And it provides multiple immune system enhancement ‘no, so nagiging robust ang … nagiging wide ang kaniyang immune response with the adjuvant. Next slide, please.

So maganda itong ating adjuvant because it’s organic, it comes from a plant. An adjuvant would boost immune response. And kapag may adjuvant, bumababa ang dose na kailangan, so it is dose paring. Next slide, please.

Well, I just want to inform you that the result of the Phase 1 clinical trial done in Australia, ang sinasabi ay it boosts—it led to high immune response even higher than those convalescent serums. Ibig sabihin, ang antibody response na nai-raise niya, na naabot niya is even higher than those who have had passed or experienced COVID-19. Next slide.

So, strong T-cell response ‘no and of course, no serious adverse events. Wala pang nakita na adverse events ‘no. Okay, next slide.

Ang Phase 2 nito, we would like to inform you na ang mga clinical trials na kinu-conduct for Covovax is for the among the 18 to 84 years old. So maganda ito kung proven at kapag lumabas na maganda ang result ng Phase 3, magagamit din po ito sa mga senior citizens ‘no to as old as 84 years old kasi napag-aralan po itong produkto na ito sa elderly. Next slide.

Ang isa pang interesting na study na kasama sa mga study dito na ginawa, actually patapos na iyong sa South Africa, ay iyong sa mga HIV positive adults ‘no. Tinitingnan din kung ito ba ay magiging effective or efficacious ‘no, magri-respond ba ang isang HIV positive adult sa ating bakuna. Next slide.

Phase 3, ito po, naumpisahan na ito sa UK, in fact almost patapos na ito, full enrollment has been completed and nabigyan na sila ng doses. And sa US and Mexico, ginagawa na rin po itong Phase 3. And next slide, please.

And ginagawa rin po ito sa India, ang Phase 2 and 3 trials. And by the second quarter, hopefully we will have the results. Next slide, please.

And sinabi nga ni Spox kanina na it can be stored at two to eight degrees centigrade. So kahit doon sa malalayong barangay na mayroong health facility at magkakaroon ng vaccination, kayang-kaya po, stable pa rin po ang Covovax at those regular cold chain temperatures.

And hopefully po magiging available po ang bakuna by the third quarter and we are very optimistic na magiging maganda po ang resulta at magkakaroon din po ng emergency use authorization from UK which is a stringent regulatory authority. And of course, we hope that even WHO would give the recommendation for our product.

So that’s all for now, for this. I think I have given you the basic information on Covovax and that would give us high level, hopefully ‘no, certain level of confidence on the vaccine. We just are praying that this will be… our results will be very encouraging and will give very, very positive results at maging available iyong bakuna by the third quarter.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Doc. Ang tanong ko lang po: EUA, mayroon na ba hong EUA ang Covovax kahit saan po sa mundo; and will you be applying soon?

DR. VILLA:  Wala pa po. We hope to have the EUA. Most likely, mauuna ang EU on UK ‘no, in particular pala, UK. Kasi mauuna sila ‘no matatapos na clinical trial. And of course, with that, with the results din ng Phase 3, magkakaroon din hopefully tayo ng emergency use authorization dito sa Pilipinas by FDA, of course with their evaluation po.

SEC. ROQUE: Oo. So sigurado naman po iyong delivery by the third quarter which is July, August, September?

DR. VILLA: Yeah, within the third quarter, within July, August, September, mag-i-start po ang delivery ng … para maabot iyong 30 million doses.

SEC. ROQUE: Iyong 30 million po, gaano katagal idi-deliver iyan sa Pilipinas, kada buwan, para ma—bukas po kasi gusto kong iprisenta sa taumbayan kung ilan na iyong magiging available by July kasi talagang sisipa iyong numero ng dosage by July kasi nandiyan na nga iyong Covovax, nandiyan na iyong AstraZeneca, nandiyan na rin iyong Pfizer.

DR. VILLA: More or less, five to six months. Matagal na po siguro iyong six months na makumpleto po iyong delivery.

SEC. ROQUE: Wow, so madami po iyan ‘no. You’re talking of at least four million a month ‘no, minimum ‘no?

DR. VILLA: More or less po, more or less. Tama po kayo.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, ma’am. Ma’am, please stay on kasi maraming tanong I’m sure ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Simulan na po natin ang ating open forum. Simulan po natin kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque.

Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon ninyo po sa minumungkahi ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para po mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna.

DR. ELIO-VILLA: I understand gagawin naman po ng Department of Health iyan together with the medical specialists, with the experts ‘no. So sama-sama, I understand it’s already within the government plan.

SEC. ROQUE: Well, sinagot na po kayo ni Doktora, Madam Vice President. Iyong suhestiyon ninyo po ginagawa na po ng gobyerno. In fact, lahat po ng dini-discuss natin dito sa press briefing natin, kabahagi po iyan ng communication plan.

Kinakalat po ng ating mga kalaban na matakot dapat sa mga vaccine ng Tsino, na kinakailangan western brands lang. Kaya pinapakita po natin na ang Tsino po ay dumaan sa clinical trials sa iba’t ibang bansa at at least 91.5% ang efficacy rate po ng Sinovac. Kabahagi po iyan sa plano, kung wala pong plano eh ‘di hindi ganito ang nangyayari sa ating mga press briefing.

Pero maraming salamat, Doc., for answering the Vice President. Siguro naman ho dahil doktora kayo, hindi na niya idi-dispute iyan. Next please…

USEC. IGNACIO: Second question po niya, Secretary Roque: Reaksiyon din sa panawagan ni Senator Leila de Lima na imbestigahan ang sinasabing maanomalyang bentahan ng isla sa Subic at Cagayan sa mga Chinese investors.

SEC. ROQUE: Eh siguro po talagang marami na pong guni-guni ang ating senador sa kaniyang kulungan. Bawal pong bumili ng kahit anong lupa ang mga dayuhan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Punta po tayo kay Joseph Morong, GMA-7.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hello, sir. Good morning.

SEC. ROQUE: Hello. Good morning, Joseph. Happy New Year! Ngayon ka lang pala nagpakita. Akala ko biglang nag-iba itsura mo. Sabi nang mas marami—sabi ni Asec. Queenie, mas guwapo daw iyong Ian Cruz. Ewan ko ba…

JOSEPH MORONG/GMA7:  Oo naman, sir. Totoo naman iyon.

SEC. ROQUE: Ah, totoo ba iyon? Okay, okay.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, game, sir. Sa Sinovac, you seem to be very, very confident of Sinovac to the point na you’re sounding like a salesperson of Sinovac. Where is the confidence coming from?

SEC. ROQUE: Alam mo, ang strategic communication is not just giving information; it’s selling the truth – that’s what I do. It came from clinical trials in Turkey, it came from clinical trials in Indonesia and of course the UAE leader has had himself vaccinated already by the Chinese vaccine as well.

So the confidence is because the clinical trials have been conducted and because Sinovac is coming in February, we need to tell the people the truth that it has undergone very close clinical trials in countries other than China; and the fact that it has been given to the Chinese people.

JOSEPH MORONG/GMA7: Only to the Chinese people and it has not been used in the Philippines yet?

SEC. ROQUE: I have no information on that po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, if you are so confident about Sinovac, will the President—and this is in the backdrop of a very low confidence of vaccines sa mga Pilipino ‘no. If you are confident with Sinovac, will you allow the President or does he want to be vaccinated with Sinovac and you make this public like President Biden in the US and all the other leaders in the world to inspire confidence?

SEC. ROQUE: As I said, President Widodo po will have his Sinovac vaccine on the 13th of January. Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at saka Russian. Ang tinatanong niya, puwede bang pareho? Ang tingin ko, hindi. So kinakailangan mamili ang Presidente kung Tsino o Russian ang kaniyang ipatuturok. Pero dahil mauuna ang Tsino eh baka naman po ‘no na unahin niya ang Tsino.

JOSEPH MORONG/GMA7: Magsa-Sinovac siya, sir, and will this public?

SEC. ROQUE: As I said, I’m only right now speculating but what the President has said repeatedly is gusto nga niyang magpabakuna na ng Chinese and Russian, and ang tanong lang niya puwede bang pareho  which is—even if I’m not a doctor, parang ang sagot ko, hindi. So he will have to choose if he wants Chinese or he wants Russian.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, what happened kasi parang biglang bumilis iyong Sinovac? Did we do something to speed up the arrival, the timeline of Sinovac in the Philippines?

SEC. ROQUE: My official answer is: I do not know. But the President did say, “Hindi ako makakaantay hanggang July.” Because at that time, ang in-announce was the western brands are coming in July and he said, “Kung ako naiinip eh lalo na iyong ordinaryong Pilipino.” So hindi ko na alam kung anong ginawa ni Presidente para mapabilis iyong dating ng Sinovac.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just a little bit more on Sinovac. Right now, ang status niya, sir, in terms of use, wala pa siyang EUA ‘no. And what steps are we taking to make sure that once it arrives in the country ay puwede na siyang gamitin?

SEC. ROQUE: If I’m not mistaken, parang mayroon nang application or at least preliminary steps have been taken by the Sinovac manufacturer or its agent to procure an EUA expecting nga that by February baka dumating na iyong Sinovac sa Pilipinas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir, just one last point. Iyong mga LGUs are already talking ‘no, sila na mismo iyong nakikipag-usap sa mga vaccine companies. Ngayon, sir, in the tripartite agreement, does it say there when they want the vaccines to be delivered to the LGUs?

SEC. ROQUE: Ito po’y patuloy na pinag-uusapan ng IATF. Pero ang malinaw po, kinakailangan sumunod po sa IATF priorities ang mga lokal na pamahalaan. At saka lilinawin ko lang po ‘no, hindi po makakabili ang LGU kung wala pong pirma ang national government dahil G-to-G po ang lahat ng bentahan ng mga bakuna. So huwag ninyo pong isipin na parang ginagawa na ng mga LGUs iyong ginagawa ng national government – hindi po. Tanging national government lang makakabili kaya nga po tripartite agreement, parang iyong ginawa natin sa mga pribadong sektor. Pero pagdating po sa pagtuturok, kung ano iyong sino uunahin, kinakailangan sundin po iyong polisiya ng IATF.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, klaro, sir, iyong priorities. But iyong timeline kasi February, tayo ang pinakamaaga according to you, iyong Sinovac ‘no. But if for example an LGU negotiated with AstraZeneca na makapag-deliver sila ng February, will the IATF prevent the LGU from receiving the AstraZeneva vaccine in February ahead of the government’s schedule?

SEC. ROQUE: In the first place, that will never happen po – AstraZeneca is not coming in February. So we expect here June/July ‘no. Pero ang sabi ko nga, susundin po iyong priorities na sinaad ‘no – uunahin nila ang kanilang mga health workers; pangalawa po iyong mga indigent senior citizen; senior citizens; iyong kanilang mga indigents; at mga men and women in uniform.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, puwedeng mauna iyong LGU doon sa schedule ng government sa vaccination?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po kasi ang delivery naman sa Pilipinas eh. So ang distribution niya eh tayo pa rin po ang magdi-distribute niyan. Dadaan po iyan sa Customs, dadaan po iyan sa FDA so idi-distribute din po ng national government iyan sa mga lokal na pamahalaan.

Okay, nakalimang questions ka na pero okay lang. Thank you very much, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Punta na tayo uli kay Usec. Rocky, please. Hindi kasama doon sa question iyong kung mas guwapo si Ian Cruz ha. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: From Cresilyn Catarong of SMNI News: Kahapon po naglabas ng statement ang ilang LGUs na kaniya-kaniyang procure ng COVID-19 vaccine. It seems na hindi sila agree sa tripartite agreement. Ano daw po ang comment ninyo?

SEC. ROQUE: Eh pupuwede ba naman hindi sila um-agree sa tripartite agreement? Eh kasunduan nga iyan, legally enforceable agreement iyan – kapag hindi eh ‘di magkakaroon ng pananagutan iyong mga sumuway sa tripartite agreement.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Ano po ang masasabi ninyo sa pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes? Sabi niya, and I quote: “After watching what happened in the US capitol, Pinoys should expect Duterte to do worst just to cling to power before 2022 kasi alam niyang ipapakulong natin siya after he leaves office.

SEC. ROQUE: Nagpapapansin lang po iyan dahil mukhang nananaginip na bumalik sa Senado. No comment is necessary.

USEC. IGNACIO: Ang third question po: Ang paghahain po ng not guilty plea ng police officer na Jonnel Nuezca. 

SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po patunayan ang kaniyang pagkakasala beyond reasonable doubt.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Punta tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Good afternoon Secretary and nice to see you again. State Councilor Wang Yi is scheduled to arrive in Manila on Friday for a two-day visit. May we know if we already have plans on the subject matters that Minister Wang Yi will bring up with Philippine government officials? Will this enhance the arrival of vaccines in the Philippines? 

SEC. ROQUE:  Well, I will have to defer to the DFA po kasi hindi naman po si President Xi ang darating. Kung si President Xi po, that will be handled by Malacañang directly. But because this is the counterpart of Secretary Locsin,  I defer to the DFA on that point po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mr. Secretary, I hope this is an isolated incident, but during this morning’s Tapatan sa Aristocrat, the President and Chief Executive officer of the Medical City said PhilHealth still owes them at billion pesos until December of last year. Could this be an isolated incident or what keeps PhilHealth from not paying on time?

SEC. ROQUE:  Okay, with this information it gives me now the right to ask President Gierran of PhilHealth, what’s happening to the payables of the private hospitals. They constitute more than 60% of our total bed capacity and of course, kung hindi magbabayad, we are endangering public health and thereby endangering national security. So, I will follow up and I will check with President Gierran.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Para po sa ating panauhing manggagamot, magtatanong lang po ako. Iyon po bang pagsubok na ginawa ng inyong kumpanya, ng inyong ka-partner, nasubukan na po ba  sa mga Asyano? At angkop po ba sa atin, dahilan ang sabi, baka may mga bakuna na hindi aangkop sa ating mga may kulay na mamamayan?

DR. VILLA:  Mayroon din naman pong kasama na Asyano, iyong India po ginawa rin iyong study doon ‘no at ginagawa pa. Multiracial din siya dahil mayroon ding study na ginawa sa South Africa, sa UK, sa US. At alam din naman natin na US at sa UK, ang mga citizens doon could also be multiracial din. So, with the studies na it involves at least more or less na 50,000 participants ay makakakuha tayo ng magandang safety and efficacy profile ng bakuna. Well founded, if ever kung positive ang resulta or safety and efficacy, we know that it is well founded because it has covered big number of participants.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  I see. Iyon po bang Phase 3 trial ay mapapasailalim din sa peer review at ihahayag po ba ito sa publiko?

DR. VILLA:  Of course, ang prinsipyo po natin, ang practice actually, is kapag peer reviewed ang isang report o ang isang publication, mas maganda po ang nari-raise na confidence level  at among the general population and especially so, as well  for, among the experts ng ating mga health professionals. Kapag may nababasa silang publication na peer reviewed ay of course mas maganda po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Maraming salamat po. Thank you, Doc. And thank you, Secretary Harry. Have a nice day!

SEC. ROQUE:  Thank you, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Leila Salaverria of Inquirer. Question niya: When will the President decide if the travel restrictions ending in January 15 will be extended or not? And what factors will be taken into consideration?

SEC. ROQUE:  Well, sang-ayon po doon sa polisiya ng IATF at ng inisyu rin ng Presidente  through the Office of the Executive Secretary, hihintayin po niya ang joint recommendation   ng DOH at saka ng Department of foreign Affairs.

USEC. IGNACIO:  Second question po niya: Is Malacañang interested in knowing more about the reported vaccination of 100,000 Chinese workers in the Philippines?

SEC. ROQUE:  Ang tingin ko po, pinag-aaralan naman iyan at naimbestigahan po iyan ng NBI. Pero ang sa amin po, noong ako po ay nagkomento, sinabi naman talaga, nilinaw natin na hindi po kumpirmado ito dahil wala akong pagkakaalam tungkol diyan. So, pabayaan po nating mag-imbestiga ang NBI dahil iyan po ay ang kanilang katungkulan.

USEC. IGNACIO:  Ang third question po niya: Does it have any concerns about this elicit inoculation and the possible smuggling of the vaccine or will it just allow this to happen if it means there will be fewer possible carriers of the virus? 

SEC. ROQUE:  I think that has been asked and answered in the past. There is an investigative agency; let the investigation proceed.

USEC. IGNACIO:  Will this not render the FDA useless if foreigners will be allowed to bring in   unauthorized COVID-19 vaccines?

SEC. ROQUE:  As I said, they cannot sell if they do not have the license; if they sell, there is punishment ‘no. I think that is very clear. No one can sell and commercially distribute without a license from the FDA. May kulong po iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, speaking of Sinovac ‘no. In an interview, Senator Lacson asked, I’ll quote him, “Ano ba ang special sa Sinovac, bakit parang iyon ang hinihintay natin, when other vaccines have applied earlier or have been available earlier?”

SEC. ROQUE:  Unang-una po, iyon ang vaccine na una nating nakuha, ang pinakauna po sa mga western brands at alam ko naman, dahil lantad ang colonial mentality nating mga Pilipino, eh July pa. So ang sabi nga ni Presidente – at iyon iyong petsa na sinabi kay Presidente ni Secretary Galvez noong bago naging malinaw na kukuha tayo ng Chinese vaccines – hindi siya makapaghintay, importante na maturukan na ang ating mga kababayan. Hindi nga kasi tayo makakuha ng mga western brands, kasi iyong mga mayayamang bansa binayaran na para ma-develop man lang iyong vaccine na iyon – iyon ang katotohanan. But I think the earliest date that the western brands will come in is in July. So there is nothing spectacular about Sinovac other than it’s been proven safe and efficient, 91.5 in at least three jurisdictions that we know of. Maski tatanungin po ninyo iyong mga eksperto, iyong mga vaccinologist, eh talagang inactivated po iyan, ibig sabihin, natural. Ito po ay pinahinang virus which is the traditional vaccines that we have known for the past 300 years.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, nabanggit po ninyo kanina na hindi natin kasalanan na hindi tayo mayamang bansa, batayan ng iba kaya sila nauna, sir. But do you think, sir, we’d have enough funds, if we were able to completely beat out corruption in the country? For example na lang, sir, iyong bilyong-bilyong pondo na nawala sa PhilHealth, couldn’t these funds helped us or at least, sir, iyong government ba, optimistic ba na mababawi, mari-retrieve pa iyong perang nawala dito sa corruption, especially in PhilHealth, sir?

SEC. ROQUE:  Huwag na tayong mag-speculate. Pero I go back to what the WHO said, 42 countries have begun inoculation, 36 of these are rich countries and only around six are middle income countries. Technically, hindi pa po tayo middle income country ha, we were about to be declared sana po as middle income kaya lang tumama nga po iyong ating COVID-19 pandemic, so developing country pa rin po tayo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Spox, on another topic. Nag-anunsiyo po and many organizations already that napili po si former Mandaluyong Mayor and Congressman Benhur Abalos as the new MMDA Chief. What were the considerations of the President and what was he looking for in the next MMDA Chief?

SEC. ROQUE:  Unang-una po, I hope—well the Malacañang Press Corps knows this, hindi po ako makapagbigay ng kumpirmasyon sa appointment hanggang wala po akong hawak na papel. So right now, I respect that it was Senator Bong Go that announced and confirmed that. So, I will leave it at that. Pero talagang number one rule po in this office, pagdating sa appointments, walang official paper na nakakarating sa amin, wala po akong announcement. And because I cannot announce formally, I cannot comment on that question yet.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  All right, sir. Sir, iyong sa study, a report by Numbeo, saying the Philippines has the worst traffic in South East Asian or among South East Asian countries and ranking ninth as the worst in the world.

SEC. ROQUE:  Siguro po bababa na tayo ng ranking. Kagabi po dinaanan ko iyong connector, napakaganda po. At before that, kapag umuuwi po ako galing Baguio papunta dito sa Metro Manila, dinadaanan ko rin po, kung didiretso na ako ng Malacañang, iyong Harbor Link. Alam mo itong mga imprastraktura pong ito, talaga naman pong magbabawas ng traffic dahil ang pinakamatrapik naman talaga ay EDSA. So ngayon po, hindi na kayo kinakailangang dumaan ng EDSA kung kayo po ay papunta ng norte, lalung-lalo na sa North Luzon Expressway. Excited po talaga ako kagabi at pumapalakpak ako dahil napakaganda po ng proyektong iyan at maraming salamat po sa ating private sector partner, siyempre, ang san Miguel Corporation for this new project.

Sigurado po, na if only  because of these two projects  tapos nandiyan  pa po  iyong Cavitex ng Pangilinan Group of Companies ay talaga po sigurong in  a year time when we finished all these projects  ay bababa na po tayo, mawawala na  tayo sa top 10. Pero siyempre po, kinakailangan ang solusyon sa traffic – improved infrastructure and improved mas transportation.

Marami naman pong binabalak na ‘no – iyong first subway, underway na rin po sa Makati ‘no; at saka iyong mga further expansion ng LRT, MRT natin, lalo na iyong papunta sa San Jose del Monte matatapos na po. So kapag lahat po iyan ay nag-online na, makikita natin baka wala na po tayo sa top ten; baka nga wala na tayo sa top 20. It’s really a matter of infrastructure, both in terms of roads and in terms of mass transportation.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, one very last. May address po si Pangulo mamayang gabi?

SEC. ROQUE: Wala po. It will be on Wednesday. Mamayang gabi, there will be a Cabinet meeting. And the Talk to the People will be on Wednesday.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, full Cabinet po?

SEC. ROQUE: Full Cabinet po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: And the agenda, sir, if ever?

SEC. ROQUE: Full Cabinet po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: And, sir, what will be the main focus of the meeting if you may share?

SEC. ROQUE: Well, actually po pati iyong agenda is classified. Pero ako naman po, after the meeting, using my discretion, sinasabi ko naman po kaagad kung ano ang napag-usapan kung hindi po siya covered by privilege.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Spox. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. At punta naman tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, question from Jam Punzalan of ABS-CBN News Online: May we please get more details on the deal for 30 million COVAX vaccine doses? How much is the government paying for the jobs? And when will Filipinos get them?

SEC. ROQUE: Iyan na po iyong ating fineature [featured] ‘no, 30 million po. Delivery will be the third quarter. Hindi ko po alam if Doktora can tell us how much this Novavax cost ‘no. Kasi ang kasama po sa COVAX ay kasama po ang Novavax, kasama po ang AstraZenaca.

Ma’am, can you tell us how much the Indian vaccine cost or is that covered by the confidentiality clause?

DR. VILLA: Well, it’s covered by confidentiality clause. Pero ang isa pa doon kasi is… we are still waiting for the final pricing as well because there are also other considerations and mayroon pa po tayong another ‘no, iyong supply agreement where all the details will be finalized.

SEC. ROQUE: Well, gaya po ng sabi ng Presidente ‘no, sa panahon ng pandemya, sa panahon ng public health emergency, secondary na lang po iyang presyo. Ang importante, magkaroon tayo sa lalong mabilis na panahon.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Pasig Mayor Vico Sotto said this on Twitter earlier today, many of us LGUs signed a tripartite agreement with AstraZeneca and the national government yesterday. Would you know which LGUs signed these deals; and for a total of how many vaccine doses?

SEC. ROQUE: Well, I know as much as you do. Pero hihingi po ako kay Secretary Galvez, kung may energy pa siya after ng kaniyang Senate hearing, ng listahan kung ilan na po iyang mga LGUs na nakapirma ng tripartite agreement.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror: May na-sign na po kaya na new issuance si President Duterte to maintain the five percent tariff for mechanically deboned meat for chicken and turkey?

SEC. ROQUE: Wala pa po kaming alam. Pero as I said, approved in principle sa Cabinet level tariff-related matters committee.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN: How many LGUs have already secured their vaccine supplies through tripartite agreements with the national government and vaccine manufacturers? How many other tripartite agreements are in process?

SEC. ROQUE: As I said ‘no, I’ll verify with Secretary Galvez probably today if he still has energy to respond to my queries.

Thank you very much, Usec. We go to Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on Sinovac vaccine. Sir, has the government paid for or are we expected to pay for this Sinovac vaccine?

SEC. ROQUE: Well, I don’t know about the terms and conditions. But of course, we expect that it will be paid, but let’s see, maybe – just maybe, I’m just speculating – China will donate ‘no some of it. Let’s see because their Chinese Foreign Minister is coming. I do not know what he will say, but many of us are praying that perhaps some of these vaccines can be donated. After all, we do have very close relations with China.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, sir, just on its EUA ‘no. So you were saying earlier that you expect Sinovac to apply for EUA. And an EUA requires 21 days at least for it to be issued. It’s already January, and you were saying we expect the Sinovac doses in February. So, sir, will we wait for an EUA before accepting the delivery?

SEC. ROQUE: Definitely, we will wait for the EUA before we administer. But we can do what Indonesia did – accept delivery and wait for the approval of regulatory authorities ‘no.

Pero let me just verify kasi I’m just not 100% sure, but let me just verify the status of Sinovac. I know they’re about to file; I do not know if they have in fact filed.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, sir, last question not about the vaccine anymore. Sir, last week, Senate President Sotto was saying that the President told congressional leaders that he wanted to amend the Constitution to exclude certain leftist groups or groups that want the falling of the government from being recognized as partylists. Sir, can we just clarify: What exactly did the President say about this?

SEC. ROQUE:  I was not in the meeting. In fact, we were having I think another affair when that meeting happened; because I was aware of that affair but I had to choose ‘no—no, I think, I was sent to an event on behalf of the President. But I cannot dispute what Senate President Sotto said because he was present, and I will leave it at that because I have no personal knowledge otherwise.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, did the President ever talk to you before about this idea of his that he doesn’t want certain groups to run as partylists? Where could this be coming from? Why does he not want these groups to participate in election? I mean, what makes them ineligible for being elected?

SEC. ROQUE: What I do know is that the President has always maintained that the Makabayan bloc is in conspiracy with the CPP-NPA. And I think that he has said that over and over again.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Thank you, Pia. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Pia Gutierrez pa rin po ng ABS-CBN: How would these initiatives by the LGUs and the private sector to procure their own supplies affect the national government’s ongoing negotiations with vaccine manufacturers?

SEC. ROQUE: Again po, they are only complementary to the national vaccination plan. It is the national government na ang gumawa po at nagpapatupad ng national vaccine plan. Nagpapasalamat po siyempre tayo sa LGUs kasi hindi na tayo dapat gumastos ng pondo na pang nasyonal o hindi na tayo dapat umutang dahil sila na ang magbabayad ng bakuna para sa kanilang mga constituents. Pero tanging gobyerno lang po ang puwedeng makabili kaya hindi po sila makakabili on their own. Kinakailangan pumasok po sa isang tripartite agreement.

USEC. IGNACIO: Question from Jo Montemayor of Malaya: Baka po may statement na on the Philippine securing 25 million doses from Sinovac for delivery in February, in addition to the 30 million doses secured from SII?

SEC. ROQUE: Already answered ‘no. Pero bukod pa po diyan, remember mayroon na po tayong 2.5 million na galing sa AstraZeneca. At kung hindi po ako nagkakamali, hindi lang po ako sigurado dito, pero at least minimum five million po ang pipirmahan uli ng pribadong sektor pagdating po ng Huwebes. So mayroon na po tayong tatlo na, more or less, sigurado na po.

USEC. IGNACIO: Question from Maricel Halili: Is it true that the DFA has already recommended daw po the dismissal Ambassador Marichu Mauro? How will Malacañang respond to this?

SEC. ROQUE: We will await the formal recommendation of the DFA before we will comment on that.

USEC. IGNACIO: From Vanz Fernandez: Noong Monday daw po, former Vice President Jejomar Binay gave his voice of criticism on the fresh moves of several lawmakers questioning [unclear] potential event to just extend terms of particular officials like the president. Will the Palace like to offer or any statement daw po sa Palace in response sa statement ni former Vice President Binay, as well as, other criticism of sudden new moves for a charter change?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po bagama’t itong initiative para amyendahan ang Saligang Batas ay hurisdiksyon ng Kongreso, hindi po nagbabago ang paninindigan ng Presidente na hinding-hindi po siya mananatili sa kaniyang puwesto beyond June 30 of 2022.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Sa tingin ninyo po ba tataas ang ranggo ng Pilipinas sa COVID-19 cases dahil sa holiday surge?

SEC. ROQUE: Mukhang ang figures po ay nagpapakita na tumaas talaga ‘no. So hindi po natin talagang maikakaila na talagang nagkaroon tayo ng holiday surge dahil nag-1,900 po tayo — highest in three weeks, if I’m not mistaken – kahapon pa lang po ‘no. Pero ang tingin ko naman po, magiging manageable ang pagtaas dahil ang importante naman po ay handa tayong gamutin iyong mga magkakasakit na seryoso dahil 60% pa po ang available natin sa ICU, sa ating mga isolation at sa ating mga hospital beds. Ang ward beds nga po malaki.

Pero kaya nga po sinasabi ko, naku po, maski maraming pa tayong kama sa ospital, ayan na po sa Pebrero ang bakuna. Ano ba naman kayo, konting antay na lang iyan po. ‘Di ba po, nakapag-antay tayo ng sampung buwan, mag-i-eleven months na, ano ba naman iyan, konting tulog na lang iyan. Isang buwan na lang simula na po iyong ating pagbabakuna, ngayon pa ba tayo magkakasakit. Mask, Hugas, Iwas!

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero: [Garbled] Undersecretary Vergeire said two brands of COVID vaccines may arrive in the Philippines in February but she did not provide the specifics. Aside from Sinovac, what’s the other brand daw po?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, kasi ang may personal knowledge ako dahil narinig ko na rin na sinabi iyan ng ibang opisyal ‘no, ni Secretary Galvez ay Sinovac. Anyway we went public with Sinovac because Secretary Duque already made public this matter. Pero kung hindi po iyan na-announce ni Secretary Duque, we would also not announce it because we would like to defer to Secretary Galvez.

USEC. IGNACIO: Question from Sam Medenilla: Papayagan po kaya ang Filipinos mamili kung anong COVID-19 vaccine from the government ang ituturok sa kanila? Kung tatanggi po sila na i-include sa first batch of vaccination, automatic po ba sila madi-disqualify sa vaccination program?

SEC. ROQUE: Ganito po iyan – napag-usapan na po iyan, hindi pa covered ng IATF resolution pero parang mayroon nang consensus – wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok. At kapag ikaw ay mayroong prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo. Sasama ka doon sa the rest of the taumbayan na naghihintay ng bakuna. So tama lang naman po iyan ‘no, walang pilian kasi hindi naman natin maku-control talaga kung anong darating ‘no at libre po ito ‘no. Pero ganoon po iyan, there is such a thing as waiver of a right. Totoo po, mayroon tayong lahat ng karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pupuwede na pihikan dahil napakadaming Pilipino na dapat turukan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula po kay Johnna Villaviray: Does Foreign Minister Wang Yi’s visit have anything ito do with vaccine deliveries? Will the West Philippine Sea factor in the discussion if ever?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo po ang dapat ninyong tanungin diyan iyong mga Tsino ‘no. Hindi ko po alam.

USEC. IGNACIO: Question from Aileen Taliping of Abante: Kasali ba sa priority na bibigyan ng vaccine ang PWDs? Nagtatanong po ang mga PWDs kung bakit hindi sila nababanggit sa mga priority.

SEC. ROQUE: Well, siyempre po kung ikaw ay senior citizen, kasama ka na roon. Kung ikaw ay indigent, kasama ka na roon. Pero I promise in the same way na—actually ako po ay nag-move sa IATF meeting na lahat noong may co-morbidities, dapat mabigyan nang prayoridad after the senior citizen. Nagkaroon lang po ng diskusyon kasi may mga iba hindi nagtitiwala na baka maging loophole iyan eh maging dahilan lang para mauna iyong iba, maski wala sila.

Ang akin naman, susmaryosep naman ‘no, may mga doktor naman iyan, mga espesyalista pa na magsi-certify na may co-morbidity iyan dahil wala namang family physician na nagpa-practice para gamutin ang diabetic, ang isang may heart condition. So, espesyalista na iyang magsi-certify, bakit naman natin hindi pagkakatiwalaan iyan. Pero the issue remains open, so ipapaalam ko rin po sa IATF itong kahilingan ng mga PWDs na mabigyan din ng prayoridad.

Huwag na po kayong mag-alala kasi mayroon na tayong 25 million galing Sinovac, mayroon na tayong 30 million galing Novovax, mayroon tayong at least 10 million galing AstraZeneca. O, sapat-sapat na po iyan para doon sa mga mabibigyan ng prayoridad ‘di ba po ‘no? So huwag po kayong mag-alala, hindi tayo magkukulang.

USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero: Some senators believe it may be easier to amend the partylist law instead of Constitution if the President wants to address the CPP-NPA problem. Your thoughts on this?

SEC. ROQUE: We of course defer to Congress, to the wisdom of Congress. Hindi naman po nagli-legislate ang Presidente so if that is the solution of some senators, number one, of course it has legal basis but number two, it will still depend on them.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Aba’y wala na yatang mga katanungan ‘no, so kung wala nang katanungan, it is 1:10. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat sa ating naging panauhin na exciting, si Doktora Luningning Villa ‘no. Ma’am, maraming salamat sa mabuting balita. Naku, gumanda ang aking linggo dahil sa inyo. Maraming, maraming salamat po at siyempre po maraming salamat sa inyong lahat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefing.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas ha, nandiyan na ang bakuna! Huwag namang sana ngayon pa tayo magkaka-COVID. Mask, hugas, iwas… pag-ingatan natin ang mga buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay. Magandang hapon, Pilipinas!

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)