Press Briefing

Virtual Presser with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo



Today, we are faced with the most horrible disease that has come to the world – and that is the coronavirus. That is why our government is doing its level-best to stop, to halt the spread of this coronavirus because if we don’t do it, then we might not survive it.

Our nation’s survival really depends on how each one of us will be helping each other, to protect one another from being infected by this deadly disease.

We are resuming our press briefing after the suspension of almost a month because of the joint initiative of the MPC as well as this representation. We decided to protect each other from infecting one another. Alam po ninyo kasi ang coronavirus, gaya ng palaging pinapaliwanag ni Presidente, eh dala-dala po natin sa ating mga katawan. Kaya iyong ating patakaran o national policy on this, and the President repeatedly says this, that we need to stay at home.

Kailangan manatili po tayo sa bahay sapagkat ‘pag tayo po ay lumalabas, ang atin pong mga katawan na maaaring may dala ng coronavirus ay maaring mapunta doon po sa masasalubong natin, makakatabi natin kung tayo’y pupunta sa supermarket, punta tayo sa grocery, punta tayo sa botika… kung saan man tayo pupunta, mayroon po tayong makakatabi, masasalubong.

At kung dala po natin iyon, sapagkat hindi natin alam kung talagang mayroon tayo hindi naman lumalabas palagi iyong sintomas na may ubo, mayroong fever o kaya mayroong lagnat. Hindi po natin alam kung mayroon tayong dala. At kung may dala tayo, eh hahawaan po natin sa pamamagitan ng ating pagbabahing, sa ating pag-uubo. At ‘pag iyon po’y ginawa natin, iyon ay lumilipat.

At gaya nga po ng paliwanag ng mga medical doctors, mga scientists… ‘pag tayo po ay umubo, ang layo po ng virus na pinararatingan noon ay mahigit – kung hindi ako nagkakamali – ay dalawa/tatlong metro. Kung nag-i-sneeze naman tayo, sampung metro daw ang layo. At iyan ay ‘pag dumapo po sa ating kaharap, katabi o nandoon sa kapaligiran natin eh tatamaan din sila. Kaya ganoon din po iyong mga nakakasalubong natin.

Kaya palaging sinasabi ni Presidente na kailangan manatili muna tayo sa ating bahay para hindi kumalat, hindi tayo magkahawaan. At kung tayo man po’y lalabas, mandatory na po iyong pagsusuot ng mask, surgical masks upang kung tayo man ay mabahing, maubo at may dala tayo ng virus, hindi na po natin maililipat sa iba. Ganoon po katindi ang problema ng ating bansa ngayon.

At si Presidente po kagabi ay inulit niya na naman ang kaniyang mensahe – stay at home, manatili tayo sa bahay.

Sapagkat hindi po natin alam kung hanggang kailan matatapos ang ating suliranin dito sa coronavirus. Ang buong mundo, lahat ng bansa ay nagkakaproblema na halos nito at marami na pong namamatay, marami nang nasasalanta at tayo’y kasama na rin doon.

Ang problema po natin ngayon sabi ni Presidente kagabi, eh ayaw niya na magutom ang bawat Pilipino. Kaya ang Kongreso po natin ay nagbigay ng pondong 270 billion na ilalaan para doon sa labingwalong milyones na Pilipino na ang tawag natin doon po’y informal workers. Ito po iyong mga kung hindi magtatrabaho sa isang araw ay hindi ho ito kakain. Ito ho iyong mga tricycle driver, ito iyong barbero, ito iyong musikero, ito po iyong jeepney driver, ito iyong mga nagtitinda sa karinderya, ito iyong nagtitinda sa palengke, ito iyong nagtitinda ng balot, ng diyaryo. Ito ho iyong mga ordinaryong tao, iyon ang mauuna po na magutom sapagkat wala nga po silang pang-araw-araw na panggastos.

Hindi po kagaya nating mga may trabaho sa pribado o sa gobyerno, may mga suweldo po tayo na siyempre na-save na rin natin iyong mga suweldo natin, mga sahod natin. Pero itong mga taong ito, iyon po ang inaalala ni Presidente. Gaya nga ng sinabi niya kagabi, ‘pag ang tao ay gutom, ito ay mag-aalsa. At ‘pag nag-alsa iyan, diyan po magkakaumpisa iyong siyempre, hindi natin mapipigilan iyong tinatawag na ‘stink of self-preservation’. Gagawin natin ang lahat para mabuhay tayo, mabuhay ang ating miyembro ng pamilya. Iyon po ang iiwasan natin na magkaroon ng pagkagutom ang mga Pilipinong lalong-lalo na iyong tinatawag po nilang the poorest of the poor o iyong mga nasa laylayan ng ating lipunan.

Kaya ang Pangulo ay paulit-ulit, every time he comes out in his televised message to the nation, he appeals – ‘stay at home and be patient.’ Ginagawa po ng ating pamahalaan ang lahat upang matugunan po natin ang pangangailangan ng bawat Pilipino. Habang totoo po na nagkakaroon ng mga hitches, eh huwag po kayong mag-alala sapagkat ginagawan ng paraan.

Noong dati po ang problema natin kaya may mga namamatay tayong mga manggagamot, mga healthworkers… sapagkat kulang na kulang ang ating mga PPEs o ang personal protective equipment. Ngayon po ay nagdaratingan na, [galing] sa iba’t ibang bansa, namimili iyong ating mga mas nakakarangya sa buhay at marami na tayong dumarating na mga surgical masks, mga protective gowns. Pati ho iyong mga designers natin, iyon mga pabrika natin ng mga damit ay gumagawa na rin sila ng mga protective gowns. Pati nga iyong mga ordinaryong tao gumagawa ng mga face shields.

Lahat po nagtutulungan, nagkakaroon ng bayanihan spirit at lahat ay nagbibigay ng tulong. Iyong mga mayayaman po natin ay inalagaan nila iyong kanilang mga empleyado, binigyan po nila sila ng isang buwan na pasahod. Iyon namang mga bangko natin, medyo pinagbigyan na huwag muna singilin kung may mga utang. Madaling sabi, lahat po ay gumagawa ng kaparaanan upang matugunan natin ang pangangailangan ng bawat isa sa panahon ng pambansang krisis na dinulot po sa atin ng coronavirus.

At hinihingi po ng Pangulo, kung maari po bukas, Miyerkules ay magkaisa po tayo na magdasal sa Dakilang Lumikha na tulungan po tayo dito sa ating suliranin. Upang mabigyan po tayo ng karunungan at kaparaanan upang maputol na po natin, matapos na po natin ang pag-spread ng coronavirus at tayo ay makaahon at makabalik po tayo sa ating normal na pag-inog ng ating mga buhay.

Now we have questions from the members of the Malacañang Press Corps, and we would like to read them at sagutin po natin ang kanilang mga katanungan.

Ang una po ay galing kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN, basahin ko po iyong kaniyang katanungan: “The President said last night that the government is inclined to extend the lockdown until April 30 following the recommendation of the IATF. When can we expect into announce his decision on the matter? Did the President approved the recommendation of the IATF to extend the implementation of ECQ until April 30?”

– Ang kasagutan po diyan, ngayong araw pong ito ay nagpahayag na ang Pangulong Duterte na i-extend po natin ang lockdown o ang Enhanced Community Quarantine hanggang sa huling araw ng Abril. Ano po ba ang dahilan? Marami po ang nag-aral, mga technical group natin na binubuo ng mga doktor, ganoon din po iyong mga scientists natin, at tinitingnan po nila kung iyong lockdown na ginawa natin o ang ECQ, Enhanced Community Quarantine ay magpapababa ng bilang ng mga na-infect o namatay.

– At tinitingnan po nila—kahit ako po’y nakita ko iyong mga bilang, during the first few days, iyon pong bilang ay umaabot sa 400, 300… tapos bumababa sa 200, tapos aakyat na naman sa 300. But lately napansin po natin, parang bumaba siya to less than 200. Kahapon parang 100 plus lamang. So tinitingnan po ng Presidente kung ano ang pinaka-best option. And he realized that iyon pong lockdown na tinatawag natin o iyong ating pananatili sa bahay, iyong pagsunod ng mga protocols natin ay maaring makahinto sa spread ng virus.

– Kaya minabuti niya po na i-extend o palawigin natin, sapagkat kung i-lift natin o tigilan po natin ang lockdown, mayroon pong malaking probabilidad na masisira natin iyong gains na nakuha natin. Kaya gaya nga ng sinabi ko sa inyo, nakikita natin dati 400 iyong mga nai-infect, bumababa naman siya habang tumatagal.

– So siguro kung palawigin natin, sa pananaw ng mga nag-aaral, mga doktor, eh mas makakabuti po sa atin. Mas mabuti na po ito kaysa i-lift natin at babalik po tayo doon sa dati nating ginawang lockdown. Tandaan po ninyo ang Singapore ay nangyayari na, ewan ko kung ano pang bansa iyon na hininto nila iyong lockdown tapos bumalik… ito na naman, ang virus lumalaban na naman sa atin.

– Kaya iyon po ang kadahilanan kung bakit si Presidente ay nagdesisyon. At kaya po siya nananawagan na kung tayo lang talaga ay magko-cooperate, tayo po ay mananatili sa bahay eh makakatulong po nang malaki upang mapigil ang paglaganap nitong virus na ito. Iyan po ang kasagutan natin kay Pia Gutierrez.

Number two question, from Gen Kabiling of Manila Bulletin: “Why did the President approve the lockdown extension in Luzon. Will the government conduct house-to-house mass COVID testing during the Luzon lockdown?”

– Iyong unang tanong niya po ay nasagot na natin kung bakit siya nag-decide na i-extend. Iyong pangalawang katanungan, kung magkakaroon tayo ng house-to-house mass COVID testing. Iyon pong mass testing ay pinag-aaralan po nang mabuti iyon. Unang-una kasi, eh kailangan natin siyempre iyong testing kits na siguradong lalabas doon kung positive o negative. Kaya iyong DOH eh maingat po sila na pinag-aaralan nilang mabuti dahil mayroon mga bagong dumating na testing kits, in 15 minutes malalaman mo kung positive o negative. Pero hindi pa po sila nakakasigurado doon.

– But kung ako po ang tatanungin ninyo, talagang magandang malaman natin iyong kung ano sa populasyon natin ang infected na. At iyong mga nahawaan o mayroong mga sintomas na may virus sapagkat kung malaman po natin iyon, maaari na po tayong gumawa ng mga kaparaanan/kalakaran kung saan puwede nating i-isolate.

– Mayroon na po tayo nga palang mga ginawang huge centers kung saan natin ilalagay iyong mga infected patients, iyon pong under investigation, under monitoring. Mayroon po tayong naghihintay na dalawang libong beds doon po sa Manila Memorial Stadium, nandoon po sa PICC, mayroon din po sa World Trade Center. At mayroon pa pong mga ospital na inilalaan din natin o iyong may mga bago tayong mga ospital.

– And ang isa pa palang magandang balita, marami na rin po tayong testing centers. Dati tayo po ay nagre-rely lamang sa RITM, pero this time marami na pong centers, testing centers para dumarami po iyong nati-test natin. So iyon po ang kasagutan natin kay Gen Kabiling ng Manila Bulletin.

Number three, kay Tina Mendez ng Philippine Star: “Is there no need to lockdown Visayas and Mindanao as well?”

– Sa ngayon po, makikita natin na iyong—kahit na iyong Visayas ay hindi masyadong naapektuhan sapagkat iyong mga gobernador doon, mga mayors, nagkaroon sila ng mga sariling lockdown, that early. Noong wala pang infected nagla-lockdown na sila kaya walang nakakapasok na mayroon.

– Iyong iba gaya sa Cebu, may nakapasok kaya nagkakaproblema sila… ng mga dayuhan na dumating kaya nagkaroon na naman ng lockdown si Gov. Gwen doon at sinabi niyang hindi na—kahit na imbestigahan siya, hindi na niya papapasukin. Sapagkat ang sabi niya, “Ang dumarating dito Sec. Sal eh 500 a day. Pagkatapos hindi mo malaman kung iyon ay may mga dalang coronavirus.”

– Sa madaling sabi, iyon pong Mindanao at Visayas depende po sa sitwasyon. Sa ngayon sa tingin natin ay hindi kailangan.

And then the fourth question is coming from Jojo Montemayor of Malaya: “Any comment po on Senator Lacson’s warning that there will be social unrest if concerns about the Social Amelioration Program is not resolved.”

– Alam po ninyo, that’s a given. Ang social unrest will always come when people get hungry and there is no food to feed their stomach. Kaya nga po precisely ang ating Pangulo ay minabuti na ibinigay… ibinigay po dito kina Secretary Rolly Bautista, Secretary Lorenzana at kay Secretary Año iyon pong implementasyon. Sapagkat nakita po ni Presidente na itong mga taong ito na dati sa militar eh iba ang kanilang training, mayroon silang disiplina. Mayroon silang organized na sistema kung papaano nila ipatutupad ang isang order na nanggagaling sa Commander-In-Chief.

– Natatandaan po ninyo nagkaproblema tayo sa distribution ng mga PPE? Eh hindi ninyo naman po masisisi ang DOH sapagkat wala po silang sapat na personnel, wala rin pong sapat na bihikulo. May dumating man silang mga PPE, hindi nila kaagad mai-distribute sa mga ospital. That is precisely why the President, in Administrative Order No. 27, ibinigay na po iyon sa Office of Civil Defense ng AFP sapagkat that office, the AFP has the discipline, has the transport facilities and has the personnel. Kaya madali po pagdating kaagad, immediately maidi-distribute.

– Binigay din po kay Secretary Rolly iyong sa DSWD upang gawan niya ng paraan iyong mga informal workers na makatanggap. Kaya ang ginawa po ni Secretary Rolly, lahat po ng mga local government units ay humingi po siya ng mga listahan. Nagbigay siya ng mga forms, ipi-fill up ng mga residente, ibabalik sa kaniya, iba-validate, bibigyan sila ng card at iyon po ang magiging instrument upang sila’y makatanggap.

– Habang totoo na hindi po kara-karaka o kaagad-agad na ibibigay po ito, ginagawan po ng paraan to shorten, paigsiin iyong proseso upang lahat ay makatanggap. Sapagkat alam naman natin na ang panahon ang kalaban po natin. Time is of the essence as the President always say, and we have to move fast and swift to respond to the needs of our countrymen. Kaya huwag po kayong mag-alala, darating po at darating iyan.

– Meanwhile, iyon namang ating mga mararangyang kasamahan sa lipunan ay gumagawa rin po sila ng kaparaanan na habang wala pa iyon ay nagbibigay sila ng sari-saring mga groceries, ng bigas at pinamimigay nila doon sa mga nagdarahop na ating mga kababayan.

Now we go to number 5 question, Celerina Monte of the Daily Manila Shimbun: “The President said last night, the administration is exploring options to adjust the budget. One, is bawasan ang budget ng ibang projects; another is totally ilaglag iyong ibang projects para unahin ang tiyan ng tao. Apparently, iyong projects na nire-refer ni PRRD ay may budget allotment already. So, what are these projects that will be dropped in order to fund the government’s COVID-19 response program?”

– Alam po ninyo, kung alin doon sa nakalagay sa national budget, ang iri-realign ni Presidente would depend on Secretary Dominguez, kasama na doon si Secretary Tugade, Secretary Mon Lopez dahil sila po ang in charge doon. Malalaman nila kung anong kailangan itanggal muna pansamantala o tanggalin nang tuluyan at ilagay natin dito para sa labanan natin sa COVID. Iyan po ang aasahan po natin dito sa mga nabanggit kong pangalan sapagkat sila talaga ang mga eksperto rito. They will know what to align and where to put those funds.

And then we have number 6, Tina Mendez of Philippine Star: “Has the President given consent to reclamation projects in Manila Bay?”

Ang sinabi po ni Presidente kahapon, hindi siya inclined magbigay ng permit na magkaroon ng reclamation sapagkat sang-ayon sa kaniya, baka magkaproblema ang Maynila dahil baka ito’y mabaha. Madaling sabi, pinag-aralan ni Presidente iyong problema ng Maynila at saka ng reclamation. Pero sabi ni Presidente rin kagabi, “Kung maari lang ibebenta ko iyang Roxas Boulevard sapagkat kailangan natin ng pera.”

Iyang perang 270 billion ay hindi iyan infinite o hindi iyan walang katapusan. Hindi iyan kagaya ng Pasig River sabi niya, na mamamatay na tayo eh nandiyan pa iyan. Itong perang ito ay natural mauubos ito sapagkat ang gobyerno, ang sabi niya, sa ngayon ano bang buwis ang tatanggapin natin eh hindi gumagalaw ang ekonomiya natin sapagkat lahat tayo mananatili sa bahay. Halos walang gumagalaw na mga pabrika natin, hindi umiikot ang pera, walang perang dumarating, puro tayo palabas, palabras.

Kaya nga ang sinasabi ni Presidente, tayo’y magtulungan sa ngayon. Kaya nanawagan po siya doon sa mga mayayaman, tulungan natin ang ating mga mararalita; tulungan natin ang ating pamahalaan. Pati na iyong mga middle class sabi niya, nagrereklamo din sapagkat… oo nga naman, dahil ang middle class habang totoo na mayroon din silang mga naipon, mayroon silang mga bahay pero ang karamihan naman sa kanila nagbibigay rin ng mga monthly amortization. At iyang lahat na iyan, ay whether we like it or not, mauubos iyan.

Kaya sabi niya, “Hindi natin alam kung kailan matatapos itong problema sa coronavirus. Kaya hindi ko rin nga malaman kung saan pa ako kukuha ng pera kapag ito’y naubos. Kaya ang sabi ko kay Secretary Dominguez, ang sabi niya, “Hanapan mo ng paraan. Hindi ko alam kung anong gagawin mo but you have to produce money.” That is why nakita po ninyo iyong mga kasama natin sa pamahalaan ay kusang-loob na nagtanggal po sila ng malaking bahagi ng kanilang mga sahod upang ibigay sa gobyerno at upang iyong mga makalap na, siguro’y aabot din naman iyon sa milyun-milyon, ay maisama natin doon sa pondo sa paglaban ng COVID-19.

Iyan pong lahat ng ‘yan ay ginagawa ng bawat isa sapagkat sa totoo lang, mayroon pong umikot na—na nag-post, napakaganda. Sabi niya, “I protect myself. I protect you and you protect me.” Tama po iyon kasi ‘pag tayo po ay binigyan natin ng proteksiyon ang ating mga sarili; kung tayo halimbawa ang may dala ng virus, hindi na natin maililipat sa ating kapwa tao, ganoon din po siya. Ganoon po ang magiging dynamics ng ganitong sitwasyon. We help one another. Kailangan po talaga tayong magtulungan.

Iyon naman pong panawagan ni Presidente, doon naman sana sa mga tao na mahilig mag-criticize, eh kung maari lang hindi po ito ang panahon. Tigilan na po muna natin iyan, sapagkat ang nangyayari kasi, kung kayo ay criticize nang criticize at nagagalit pa si Presidente dahil binabago iyong mga salita niya. Kagaya halimbawa, ang sabi niya noong isang mensahe niya, itong mga pulis ay binibigyan niya ng—hindi binibigyan, kundi sabi niya: “Shoot them dead ‘pag nanggulo.”

Ang ibig pong sabihin ni Presidente, ang ating Saligang Batas mismo ang nagsasabi na kung nasa bingit ng kamatayan ang isang nagpapatupad ng batas, ay binibigyan siya ng kapangyarihan ng gumamit ng dahas. Ang sinasabi ni Presidente, “Ito namang mga kritiko ko, itong mga human rights advocates,” sabi niya, “aba’y binabago nila salita ko. Hindi nila isinasama iyong ‘pag nasa bingit ka ng kamatayan’”. Sinasabi lang nila, o ‘ayan nag-order na patayin daw. Hindi naman iyon ang gustong sabihin ni Presidente.

Kaya sabi ni Presidente, “Huwag ninyo nang dagdagan ang suliranin ng bayan. Kung hindi kayo makakatulong eh manahimik na lamang kayo.” Sabi nga ni Senador Go, “Quarantine your mouth.” Magtulungan na lang po tayo.

O kagaya—kaya nga hindi ba napuri natin si VP Leni na may ginagawa para sa mga kababayan natin. Sana ganiyan na lang ang gawin natin, magtulungan na tayo. Tumigil na muna tayo at sinumang mga nandiyan sa kaliwa, alam po ninyo… Alam ninyo ba kung bakit nagkaroon ng gulo doon sa Pag-Asa, iyong mga residente ng Pag-Asa, Bagong Pag-Asa diyan po sa malapit sa Trinoma yata iyon noong isang araw.

Eh papaano, sang-ayon doon sa mga—ito po’y galing mismo sa mga residente ha. Mayroon daw nagpunta sa kanila na nagpakilalang member ng isang TV station at sabi iyon daw kanilang TV station ay pupunta doon sa lugar na iyon at magbibigay ng mga groceries. And at the same time daw, darating ang DSWD na magbibigay naman ng mga amelioration cash.

Sa madaling sabi, ‘di siyempre noong nalaman po ng mga residente ng Bagong Pag-Asa, o ‘di lahat sila natuwa sila. Nagpuntahan sila sa barangay kapitan at humingi ng mga certification doon – at nagpuntahan nga sila doon sa lugar. Eh pagdating nila, eh siyempre dahil hindi nga po totoo at sinabihan naman sila ni kapitan, at hindi naman sila rin naniwala… talagang magkakagulo sila. Lalo na noong itong mga nasa aktibistang grupo eh lumikha na roon ng… siyempre kumbaga in-incite nila, o eh magkakagulo nga.

Madaling sabi, mayroon pong mga grupo sa ating bayan na they will take advantage of the situation para lumikha ng gulo, ng takot, ng kagulumihanan. Eh huwag na po tayong makinig doon. Iyon pong mga nagsi-circulate, maraming false information. Kung maari lang po, huwag ninyo nang ire-repost. Kasi ang nangyayari, may nabasa kayo na isang posting doon, kahit na hindi ninyo alam kung totoo o hindi, ipino-post ninyo na doon sa mga chat ninyo. Iyong iba naman na miyembro, mayroon din silang sariling chat, ipo-post, kumakalat. Iyon pala, hindi naman totoo.

Kaya sa atin pong pagtatapos, we will repeat the appeal of the President – stay at home po tayo muna. Tayo po ay mag-cooperate, alagaan po natin ang bawat isa sa atin. That is the only way we can survive, we can triumph, we can overcome, we can prevail over this deadly scourge of a disease na tinawag na COVID-19.

Lahat ng mga kababayan po natin, makinig din po tayo kay Presidente sa kaniyang panawagan na tayo po ay humingi ng tulong sa Dakilang Lumikha. Isa lang naman po ang Dakilang Lumikha na lumikha sa ating lahat, na bigyan tayo ng karunungan, bigyan tayo ng guidance upang magtagumpay po tayo dito sa ating ginagawang digmaan laban dito sa coronavirus.

Kaya mga kababayan, pakitandaan ninyo lang po na si Presidente, kagaya ng sinabi niya kagabi, “Gabi-gabi hindi ako nakakatulog…” ang itsura niya nga naman ngayon pumayat siya. Kasi ‘pag nagigising daw siya para mag-relieve siya ng sarili niya, hindi na ho siya nakakabalik sa pagtulog at nakatingala na siya doon sa kadiliman ng langit at kinakausap niya ang Diyos at humihingi siya ng gabay kung papaano niya bibigyan ng solusyon ang problema ng ating bayan.

Iyon po ang pag-aalala ng Pangulo at hindi po siya titigil hangga’t hindi niya nabibigyan ng solusyon ang problema natin. At makinig din po tayo sa kaniyang panawagan na magtulungan tayong lahat.

Doon sa mga mayayaman, tulungan natin ang mahihirap. Doon naman sa mga kalaban sa pulitika, manahimik muna po tayo at gumawa na rin po kayo ng mga sarili ninyong hakbang upang tumulong sa ating mga sinasakupan.

At sabi niya, “Hindi solusyon ang pagpapalit ng gobyerno. Kahit na anong gobyerno ang humawak sa sitwasyon ngayon, ganoon din ang mga problemang haharap sa kaniya.”

Sapagkat hindi natin inaasahan, hindi tayo nakapag-prepare simply because…eh totoo naman sa totoo lang, talagang kahit po iyong World Health Organization sa mga unang araw ng Pebrero, sinasabi nila noon na hindi kailangan tayong mangamba kasi hindi pa naman daw pandemic, kaya relax lang muna daw tayo. Iyon naman ang unang sinabi eh. Ang yet, immediately after that sunud-sunod na, ‘ayun kumalat na sa buong mundo. Kaya ito tayo ngayon, nangangapa tayo. We’re struggling, lahat… to cope with this situation.

So, ang pinakahuling mensahe po ni Presidente – please stay at home and let us help one another and let’s pray together and do everything we can to prevail over this national and global crisis.

Marami pong salamat sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)