August 07, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZMM – by Jing Castañeda and Susan Afran |
07 August 2016 |
SEC. ANDANAR: (coverage cut) marami din namang mga namatay dahil sa extra judicial killing na walang kinalaman ang otoridad.
JING: Okay, pero Secretary, paano po naman iyong mga… kasi may mga pinangalanan tayo, pero hindi natin alam iyong batayan. Ang tinitiyak lang natin sa publiko ay dumaan ito, di ba?, ng ilang beses sa maraming mga… pinasadahan ng gobyerno, ng Pangulo at ng mga otoridad. Bakit ho hindi natin unahin iyong pagpa-file ng kaso? Na let’s go through the legal process. SEC. ANDANAR: Well siguro, Jing, ilang beses nang nasubukan iyong mga legal process at hindi naman gumagana. As a matter of fact, meron ding mga persons of interest na mga judge, huwes, miyembro ng ating judiciary. So, nandiyan din iyong… makabagong solusyon na only the President can do himself, since he has immunity. JING: Okay. Pero iyon nga ang problema natin, Sec ‘no. Dahil si Pangulong Duterte ang nagpangalan, parang lumalabas ano na siya, parang beyond question. SEC. ANDANAR: Hindi naman, hindi naman. That is why these persons of interest should really clear themselves, should prove otherwise. Kung hindi nila ma-prove iyan, di problema nila iyan, ganoon talaga. But if they can prove that they are innocent, then so be it, they are innocent. JING: Pero kung ikaw ay susurender, Sec,…lumalabas nga kasi walang batayan, di ba. Bukod lang, the sole— SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Merong batayan. As a matter of fact, merong imbestigasyon ang Philippine National Police, with all the powers of the President. Lumalabas pa nga matagal na pa lang itong alam nito ng kapulisan, itong mga sangkot sa droga. Pero, well, wala namang political will iyong mga nakaraan or should I say, hindi ito ang priority ng kanilang gobyerno. So, makikita natin na marami sa mga binanggit — meron ngang mga sumurender hindi pa nababanggit, hindi ba merong dalawa o tatlo o apat na mayor ang sumurender. JING: So iyon nga po, so kung ikaw ay — kasi nga, iyong sinasabi nating batayan, may batayan pero hindi naman ito iyong—lumalabas kasi walang naihahaing kaso, hindi ba ho? Walang naisasampang kaso eh. So, iyon iyong kinukuwenstyun din ng publiko. SEC. ANDANAR: Well, depending kasi, alam mo kasi Jing ano ito, this is really a left field solution, meaning it’s an out of the box solution. Because our country, our country is talagang talamak na ang droga dito at grabe na iyong narco-politics. Unless—iyong mga lumang pamamaraan ay wala namang nangyari, dumami pa iyong sangkot sa droga. Unless the public can or those who are complaining can give an alternative solution that’s proven already. JING: Okay. Sec., alam ko mahaba-habang usapin pa ito. SEC. ANDANAR: I know. I know. JING: Ito panghuli lang, may nag-text kasi. Gusto ng Pangulo na sumurender ang mga diumano’y sangkot. Ano ang gagawin nila sa mga ito, ikukulong ba kung pakakawalan din naman na tulad ni Mayor Espinosa, ano ang point ng paglalantad ng pangalan nila? SEC. ANDANAR: Well you know, again like what you said, they have to be proven guilty. Sa ngayon inosente pa sila, that is the reason why exactly that they were called and to surrender. In fact, si Espinosa mismo ang sumurender even before his name was revealed, si Mayor Espinosa. Now they have to prove and they will have submitted themselves to inquiry, to investigation because they want to clear their names, exactly iyon ang punto. Kasi kung ang gobyerno naman natin ay napakasama at hindi tinitingnan ang hustisya ay dapat hindi na pinakawalan itong mga ito, hindi ba? JING: Okay. So, Secretary, I’m sure puputaktihin pa rin kayo ng mga tawag ngayong gabi hanggang bukas. So marami pong salamat sa pagsagot sa ating mga tanong. SUSAN: Pero, we wish you well po, Secretary. As you said po, there are 600,000 Filipinos that are involved in this. And so siyempre para sa bayan gusto natin talagang mahuli iyong mga dapat mahuli at parusahan at dapat parusahan. Salamat po. SEC. ANDANAR: Salamat Jing sa pagkakataon. It’s good to talk to you again after such a long time, no. I think the last time was in a coverage nung nagkita tayo. JING: Oo nga, ibang level ka na, Sec. Ibang level ka na. SEC. ANDANAR: You know, it’s just a… alam naman natin a ito ay para sa bayan, nagtatrabaho tayo. It’s just a cliché but ganoon talaga, we just have to work at ang pakiusap lang po natin sa mga kababayan natin ay kung puwede po ay suportahan natin ang ating gobyerno, suportahan natin ang Presidente Duterte para naman mas maging mabilis ang solusyon dito sa kampanya laban sa illegal na droga at iba pang polisiya ng gobyerno sana po suportahan ninyo para tayo ay makakamit ng tunay na pagbabago. Maraming salamat, mabuhay po ang DZMM. ## SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |