Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – All Ready by Orly Mercado
09 August 2016

ORLY: Hi, Secretary. Good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly. Maayong buntag.

ORLY: Maayong buntag. Bising-busy ang telepono mo lagi. Kasama talaga sa buhay iyan. Iyan ang bagong ano mo ngayon, always be ringing until you retire from government.

Okay ano bang … bago itong … may listahan na ba, bagong listahan ba si Presidente? At totoo bang tututukan niya ngayon ang mga hindi nagbabayad ng wastong buwis nila, lalo na iyong mayayamang milyonaryo?

SEC. ANDANAR: Hindi pa namin napag-usapan ni Presidente Duterte iyang listahan ng mga diumano’y hindi nagbabayad ng buwis. Pero hindi po ako magugulat kung maglalabas po ang ating Pangulo ng listahan na ganyan, dahil noong kailan lang ay binanggit po ni Presidente na tama na at panahon na para tigilan na iyong pamamayagpag ng oligarkiya sa ating lipunan.

ORLY: He has named former Minister of Finance Roberto Ongpin, hindi ba?

SEC. ANDANAR: Oo, at mabilis din namang nagbitiw si Mr. Ongpin sa kaniyang tungkulin bilang head ng PhilWeb, if I am not mistaken.

ORLY: Yeah, oo. Iyan yata ang tinututukan ng Pangulo ay iyong PhilWeb … itong PhilWeb na ano ito, it’s a games network.

SEC. ANDANAR: Online gaming. Tapos, kaya hindi po ako magugulat, Ka Orly, na ito’y in-extend ng Presidente doon sa mga tax evaders dahil bilyung-bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa mga tax evaders. At iyon nga, mga big time na tax evaders, eh siyempre iyong mga big time na businessman din.

ORLY: Dahil magagaling iyong kanilang mga accountant at magagaling iyong kanilang mga abogado, iyong mga tax lawyers na nalalaman nila kung papaano makakaiwas, they can evade taxes.

SEC. ANDANAR: Oo, they know how to circumvent the law.

ORLY: Iyong mga bumubuhat ng pasanin ng mga taxes, ito iyong mga fixed income earners, iyong mga ano … eh talagang tinatanggal na iyan, hindi mo pa nakikita; that’s the reality. Kaya tama lang iyon, dapat palakihin iyong base, iyong mga nagbabayad ng taxes.

SEC. ANDANAR: Oo tama. Ito’y nagpapatunay lamang na kung sakali man ay magkaroon ng announcement na ang programa ng ating Pangulong Duterte na papaganda ang takbo ng ating bansa, hindi lamang po doon sa isyu ng illegal droga – tayo’y kampante diyan – kung hindi ang ating pang-ekonomiya na kasama diyan. At iyong mga personalities na matagal nang inaabuso po ang ating lipunan, ating gobyerno at ginagamit ang kanilang kapangyarihan para makalusot po sa batas ay mayroong hangganan.

ORLY: Oo, dito sa ano … napakarami ng mga tao na nagki-criticize sa gobyerno, iyon bang, we criticize the government for not doing this, not doing that, na kulang ang pera dito, kulang ang budget dito. Pero the issue there is also, are we paying our rightful share ng taxes natin, hindi ba?

SEC. ANDANAR: Iyon, tama po kayo, Ka Orly. At madalas pong nabibiktima dito ay siyempre iyong mga uring manggagawa, iyong ordinaryong worker, iyong proletariat na automatic po ang kaltas sa kanilang suweldo, kaltas para sa buwis. And yet, iyong mga big time po iyong nakakalusot dito, eh sila iyong nakakalusot. Kaya nga ang ating Pangulo ay … he is very fair, very equal and very just to everyone. At itong Presidente po natin ay ito po ang Presidente na magbibigay, ibabalik po sa masa ang kapangyarihan, ibabalik po sa tao ang pagpapatakbo ng ating bayan.

ORLY: Mayroon na bang sagot ang Presidente doon sa—by the way maiba ako, dito sa sulat ng Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ukol doon sa assertion niya na the Supreme Court has the sole power to discipline judges. Kaya sinasabi, ‘Kung walang warrant of arrest, bakit kayo susuko? Ba’t isusuko iyong mga judges.’ Ano bang, so far, may response na ba ang Presidente?

SEC. ANDANAR: Wala pa, hindi pa kami nag-uusap ng Presidente, Ka Orly. Pero mamaya, magkikita po kami mamayang ala-una. But then again, kung ating babalikan po iyong speech ng ating Presidente, eh sinabi po ng ating Presidente na para po doon sa mga pulis na nabanggit ko ay back to barracks kayo, you are relieved immediately; at doon sa mga pulitiko, you go to PNP Chief Dela Rosa, and you explain yourselves and you submit yourselves to an investigation. At para po naman sa mga huwes, you go back to ano … you go to the Supreme Court. So this is clearly a directive na nangangahulugan na nirerespeto ng Presidente iyong kanilang mother units; and for the judges, this is the Supreme Court.

ORLY: And the separation of powers.

SEC. ANDANAR: And the separation, yes, separation of powers.

ORLY: Maliwanag naman sa Saligang Batas na … and the President being a lawyer, I’m sure he is aware na iyong pagdidisiplina ng mga huwes ay trabaho ng Korte Suprema.

SEC. ANDANAR: At hindi po nag… ang Presidente sa pag-anunsyo po naman ng pangalan ng mga suspect dahil ito ay kaniyang tungkulin na serbisyuhan at protektahan ang taumbayan.

ORLY: Okay. So continuing ano ba ito, trabaho. So mayroon pa bang mga susunod na listahan? Mayroong mga nagtatanong sa atin dito, papano ba iyon baka … iyan na ba ang pinakamatataas na opisyales, baka mayroon pang ibang mas matataas?

SEC. ANDANAR: Well, mayroon namang pending process pa na nangyayari, mga revalidation. So hindi ko lang alam kung ano ia-announce ni Presidente dahil iyong binabanggit ko po noon na he holds his list closed to his chest, and I cannot even preempt the President.

ORLY: That’s understandable. Thank you very much, Martin. Maraming salamat sa pagsagot mo sa aming tawag.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Orly. Mabuhay po kayo at mabuhay po ang inyong programa at ang Radyo Singko.

##

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)