December 06, 2017 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZXL – Public Service by Ely Saludar and Rhea Mamogay |
06 December 2016 |
|
ELY SALUDAR: Secretary, magandang umaga po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Good morning, Ely. Good morning, Rhea. ELY: Opo. RHEA: Good morning, Secretary. ELY: Secretary, mayroon na ho bang napili ang Pangulo na magiging bagong Chief of Staff ng AFP? SEC. ANDANAR: Well, alam mo ganito lang iyan, Ely at Rhea. Kagabi ay kausap ko si Secretary Esperon at yung mga kasamahan sa Presidential Security Group sa ceremonial lighting in Malacañang. So I have to ask kung sino. And then, I had to confirm kung itong General ba na ito. Ang problema ko lang Ka Ely, I don’t think na I am authorized to… siguro mamaya ibubulong ko na lang sa iyo. ELY: Hindi okay lang. RHEA: I-text mo na lang, sir. ELY: Hindi kung official na, hindi naman tayo nagmamadali, basta’t kung— RHEA: Kung official. ELY: Eh, nagbaka sakali lang kami baka puwede ng— RHEA: Malay mo masagot tayo. ELY: Hindi baka lang naman, Secretary. Pero kung hindi, wag naman siyang ma-ipit, di ba? Kung mayroon ng ano— SEC. ANDANAR: Pero mamaya, I will— RHEA: Secretary, initial lang, initial. ELY: Hindi diyan na sa Malacañang Press Corps, si Secretary. RHEA: Hindi kapag nag-initial siya alam ko na iyon, partner. SEC. ANDANAR: Alam ninyo na kung wala o mayroon ba. Ely, puwedeng atin na lang. RHEA: Pero today po i-a-announce po talaga, Secretary, iyan ‘no? SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung kailan i-a-announce, pero sa December 8 na kasi, ‘di ba, iyong change of command. RHEA: Change of command daw po. SEC. ANDANAR: So most likely i-a-announce iyan ngayon or tomorrow. RHEA: Tomorrow daw po ang change of command, Secretary, sabi ni General Padilla. SEC. ANDANAR: So ayaw ko pong pangunahan si Pangulo. Siya na lang po ang mag-announce. ELY: Opo. Secretary, at alam naman natin isa sa mainit na issue na iyan itong pagre-resign at pagtanggap na rin ng Pangulo sa resignation ni VP Robredo, pero kasi dapat din siguro magandang magkaroon po ng paglilinaw. Kasi mayroon daw mga hakbang o pagkilos para i-unseat ito pong si VP Robredo, so pakiliwanag po, Secretary. SEC. ANDANAR: Iyan kasi ang lumalabas na linya ng grupo ng Vice President, na aagawin ho sa kanya ang kaniyang posisyon na Vice President. Ito ay speculation mula sa kaniyang grupo. And then, gusto ko pong ulitin na hindi po namin trabaho ang magtanggal ng opisyal sa puwesto; at ang problema ni Vice President Leni Robredo at ni Senador Bongbong Marcos – ang kanilang electoral cases – ay kanilang problema iyon, silang dalawa iyon. Ang magdedesisyon naman ay Presidential Electoral Tribunal. Magkakaroon nga daw ng bilangan ngayon Disyembre ang simula, Ely at Rhea. ELY: So nasa PET naman ang desisyon niyan at hanggang aabot iyan sa Supreme Court. SEC. ANDANAR: Oo. Supreme Court and… you know, ang isyu lang kasi dito ay siyempre naghahabol iyong kampo ni Senador Marcos dahil 200,000 lang ang lamang ata ni Vice President Robredo at talagang issue nilang dalawa iyon eh; hindi naman namin issue iyon eh. Ang dami na ng problema ng bansa natin. Marami na hong problema na kinakaharap si Pangulong Duterte … that’s the last thing in our mind. ELY: Okay so tama, nasa PET na iyan ang desisyon at hanggang aabot iyan ng Supreme Court, labas na ang Malacañang dito? SEC. ANDANAR: Opo. Labas po kami dito. And siguro si Vice President Robredo at sa kanyang kampo na iyong pagkalibing ni President Ferdinand Marcos ay senyales o sitwastyon na pati siya ay mapapalitan. Well, alam mo that’s very speculative and we have also to take into context na iba naman iyong issue ng kay Ferdinand Marcos sa Libingang ng mga Bayani at iba naman iyong electoral protest ni Bongbong Marcos. And we have to remember na si Bongbong Marcos ay hindi naman partymate at hindi naman naging running mate ni Presidente Duterte. ELY: Okay, samantala at bukod po dito siyempre iyong giyera kontra iligal na droga at iyong sa korapsyon. Ngayon po may mga alegasyon na may korapsyon po sa PCSO, Secretary, at sa katunayan ito pong isang Anti-corruption group naghain na po ng graft charges laban po sa mga matataas na opisyal ng PCSO at may kinalaman ito sa STL yata. So alam naman natin na ang Pangulo kapag may mga ganiyang na alingasngas na mga korapsyon eh galit po dito ang Pangulo, Secretary? SEC. ANDANAR: Oo. Ely, pasensiya na dahil ako po ay mobile ngayon so napuputol iyong tanong, baka puwede mabulit po. ELY: So dito ho ay isang anti-corruption group ang naghain po ng graft charges laban po sa mga top officials ng PCSO? Ang Pangulo ho ay galit po ngayon sa korapsyon ‘di ba, bukod sa droga eh korapsyon eh galit po din ang Pangulo. So patitingnan din ho ba ito ng Pangulo, iyong sa mga bagong opisyal po ito ng PCSO, Secretary? SEC. ANDANAR: Alam mo, Ely, sobrang daming mga interest groups na nasa paligid, mga nagmamasid, nagbabantay. Madaming interest group, so ang pinakamaganda diyan ay iyong maghain sila ng kaso ay patunayan na lang nila kung buo iyong kanilang mga alegasyon. Kasi mahirap din naman na husgahan natin iyong isang tao na wala namang patunay pa na siya nga ay ganiyan o ganoon. So sa mga nagbabalak po na mag-file ng kaso o mga mayroong mga alegasyon ay patunayan na lang ho sa forum (?) po. Dahil mahirap pong maghusga ng tao na wala hong sapat na ebidensiya. ELY: Pero sa panig po ng Pangulo at siyempre iyong mga iba raw na-appoint ay pinache-check din daw talaga ng Pangulo, pinatitingnan iyong performance at baka nahuhulog din sa mga katiwalian. Eh mismo ang Pangulo, siya mismo ay kumikilos, Secretary. Dahil sa iyong iba lalo na iyong mga presidential appointees? SEC. ANDANAR: Opo. Totoo po iyan. Lahat kami, lahat kami ay dumaan ho sa vetting process ng Opisina ng Pangulo at ng PMS. Ngayon… at kung meron pong mga nag rereklamo sa amin, sa mga opisyal, the best way really is to file a case or file a complaint and show evidence. Dahil you are innocent until proven guilty and everybody has the right to be heard in court and also to present themselves— mahirap kasi kung makikinig lang ng basta-basta ng walang ebidensiya eh; mahirap din naman kaming hindi pakinggan. So, para patas ang laban, it has to be settled in the right venue. ELY: So, sa panghuli, Secretary. Itong Energy Regulatory Commission Chairman si Jose Vicente Salazar nag-ano na po… nag-leave na no, one month. So ibig sabihin hindi na po ito bubuwagin ng Pangulo iyong ERC? SEC. ANDANAR: Ang leave po ng Chairman ay one month. So ang tawag diyan ay delicadeza and… alam ko Pangulo natin gusto pati mga director po. So hindi ko alam kung nag leave din sila para bigyan daan ang isang masusing imbestigasyon. Now…hindi ko po ano… kung nagsimula na ba iyong imbestigasyon diyan sa ERC. Pero let me get back to you on this, Ely and Rea. ELY: Okay, so Secretary sa panghuli. Ano po ang iyong mensahe sa ating mga kababayan, kasi ngayon nakoh eh, kung tutuusin napaaga pa po ng… kumbaga sa ano, pamumulitika at kumbaga sa ano, hindi pa masyadong naka—wala pang isang taon ang Pangulo pero mainit ang pulitika ngayon at may mga kung anu-anong mga tsismis. So ano po ang inyong panawagan sa ating mga kababayan? SEC. ANDANAR: Ang panawagan po natin sa mga kababayan natin ay tandaan po natin na ang Pangulong Duterte ay panglimang buwan pa lang po, mag-aanim na buwan pa lang po sa puwesto at marami na hong natatanggap na sari-saring bakbak mula sa mga kalaban, may mga nanawagan na… baka patalsikan sa puwesto, etcetera. Pero tandaan po natin na ang gobyerno pong ito ay nagtatrabaho, wala po kaming ibang hangad kung hindi sa pagbabago lang ho. Number two ay December 6 na ho, ilang araw na lang Pasko na, siguro naman ay merong puwang sa ating puso para maipagdiwang ang kaPaskuhan, ang kapanganakan ni Jesus. Kaya siguro… maganda siguro na magkaisa na lang tayong lahat. Kung gusto ninyong mag imbestiga, lahat-lahat kayo, ay ipagpatuloy ninyo na lang ho sa Enero. Marami pa hong araw para sa pulitika. Sa panahon ho ngayon ay isipin natin iyong mga biyaya na natatanggap natin mula sa Panginoong Hesukristo. ELY: Okay, Secretary salamat po sa inyong oras ha. SEC. ANDANAR: Salamat Ka Ely at salamat din Rea. Sana magkita tayo bago mag Pasko. REA: Okay, Secretary hintayin naming iyong text message mo ha. |
SOURCE: NIB Transcription |