July 21, 2016 – Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the DSWD distribution of relief goods
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the DSWD distribution of relief goods |
Isabela City, Basilan |
21 July 2016 |
Everybody is suffering under the heat of the sun — mainit ho. But, una, is nagpunta ako dito, magpasalamat sa aking mga kapatid na Moro sa ibinigay ninyong boto, tulong sa akin para maging Presidente. Alam ko ang problema at maaasahan ninyo na gagawa ako ng paraan para itigil itong away natin dito at sa ibang lugar. [palakpakan] Ako po’y nasasaktan kung nakikita ko ‘yung Moro fighter man o ‘yung sa gobyerno because every Filipino life is precious. Ano man ang tingin ninyo sa sarili ninyo ngayon, para sa akin kapatid ko kayo. Kaya sana magkaroon tayo ng pag-uusap na maganda at makuha natin ‘yung kapayapaan. Ang atin namang mga sundalo eh nandito lang para hindi talaga magkagulo nang out of control. They have a mission to do at iyan ang intindihin ninyo. But on a larger scale, sa itaas, wala ‘yan silang…There is no intention for them to oppress you o nandito ‘yan sila para makipag-away. May mga pamilya rin ‘yan, gusto na rin niyang umuwi sa kanilang mga lugar. Kaya nandito lang ‘yan kasi hindi natin maintindihan at kaya po ako’y naghahanap ng paraan paano ito hanapan ng solusyon. Sabi ko sa inyo, ako po’y taga-Mindanao, may dugo ako ng Moro dahil sa lola ko. Nasasaktan ako everytime makita ko na ‘ay may taong patay’ ki Moro rebel o sundalo na Pilipino, walang…Para sa akin ang away na ito, wala akong nakitang mabuti. Kaya mabuti para sa anak natin o sa mga anak nila balang araw. We need to stop this war. Kaya sabi ko, if we cannot stop it — at uulitin ko iyan sa SONA ko: Do not hate Moro. Kung hindi tayo makapigil ng away dito ngayon, huwag mong dagdagan ‘yung sa puso mo ng galit talaga. Alam mo na may problema eh we are trying to solve it. So if you cannot stop fighting, do not hate Moro because wala talagang mangyayari. Kailangan ganito na lang ang buhay natin, iyan ba ang gusto ko para sa mga kapatid ko? Iyan ba ang gusto ko para sa lahat? Ano bang makukuha natin kapag magsigi away (continue fighting)? What do I get? Magbibili ako ng bala para patayin kayo? For what? Eh kaya nga may rebellion hindi mo naman pwede sabihin mong…Eh nandito tayo. And love placed us here. Dito itong lugar na ito. O kaya mag-usap tayo ng kapayapaan. It was never the intention of God na makita tayo dito, tayo dito sa Basilan, dito tayo ipinanganak at makipag-away lang. At wala namang nangyari. Ilang taon na ito. Ako ay nakiki-usap sa lahat. I am pleading for peace. Pati sa mga Abu Sayyaf. You have committed so many crimes, killing people unnecessarily. Wala talaga tayong maisip, ang galit, ang tropa ng gobyerno darating dito nang darating kasi may kini-kidnap, may pinapatay. Eh reaksyon lang ng gobyerno ‘yan. Walang iba. Alisin na natin…Alam mo ang nandiyan, ang galit. It is not really gusto mong pakig-away (fight), may galit ka eh. Kaya ako nakikinig sa galit, alam ko. I know the history of Mindanao. Alam ko bilang isang kalahati na Maranao na nauna ang Islam dito sa Mindanao. Iyong Kristiyanismo came later but Islam was ahead by almost 100 years dito sa Mindanao. [palakpakan] Alam natin iyan. So we are trying to correct. So alisin ninyo ‘yung galit, ‘yung hate. Kasi hate would drive you to kill. Kung hindi mo tanggalin ‘yan, ayaw mo, galit ka eh. ‘Ayaw ko ‘yan kasi galit ako.’ Eh walang mangyayari kung ganun. Mag-usap na lang tayo at hintuin na natin itong… Alam mo we are willing…Ako, maghahanap talaga ako ng ano — mag-uusap tayo dito. Sa mga kapatid kong Moro kasi alam ko na napabayaan kayo. Alam ko ‘yan at alam ko na na-oppress kayo. That is why we are having these talks baka magkaroon tayo ng federalism. Iyan ang hiningi ng mga leader ninyo. Iyong nakikipag-usap pa sa gobyerno, those who are talking with government have expressed the desire to have a system known as a federal. Kung ano ang teritoryo ninyo inyo lahat. Kung ano ang inyo, inyo ng lahat niyan diyan. Except that we have to maintain the Republic because to secede is not a — hindi pwede ‘yan. Eh magsarili ka. Eh kung gusto mo itong buong Mindanao, e ‘di magsialisan na lang tayong lahat. Eh papaano? Darating ka hanggang Al-Barka karaming Maranao doon. Bakit natin siraan? Intindihin na lang natin. Hindi naman natin kasalanan pumunta dito si Magellan. Hindi naman natin alam ‘yung tayo, kailan lang iyan. Noong ipinanganak kami dito…Halimbawa, kung ako, kasi ang lola ko Maranao, pinag-aralan ko kung bakit tayo nagkakamatayan. So ang ano ko, it’s because of hate. Galit. Galit na galit talaga. Kaya tanggalin muna ninyo iyan. Kasi ako na ang nakiki-usap sa inyo. Kapag maganda ang panahon, nag-uusap tayo, you can join the talks. I don’t really care kung sino ang humarap sa akin. If you can come up with this federal system, then makukuha ninyo ang — the desired result. Walang gobyernong makialam sa inyo. Kayo na ang magpatakbo ng gobyerno ninyo. Anong makuha ninyo dito inyo na. Bigyan mo lang nang kaunti ‘yung national federal government. Walang problema iyan sa akin. Ako gusto ko pero problema may batas. Hindi naman tayo pwedeng ‘sige, magkalat na lang, araw-araw magpatayan dito.’ Ang mga pinsan ng pinsan ko na mga MN sa — magsabi ka lang ng mga apat na patay, meron ah. Pinatay ng gobyerno. Eh kasi nandoon nga. Eh galit nga eh. Sabi ko bakit? Eh ano ito, walang nangyayari sa ano. Eh ang problema nandiyan na tayo dito. Siguruhin na lang natin ang magawa natin para sa ating bayan. Do not add hate to your hate now because it could do nothing good. And to the security forces of government, job well done for quelling a rebellion. Wala naman tayong magawa na may rebellion. But you must remember that they are brothers and sisters. And I hope that I would be able, with your help and understanding, kausapin ko lahat para magkapayapaan. Just to same kayo rin. Do not matter hate. Trabaho lang ‘yan. Kasi kung galit kayo papatay ka tapos galit ka, it will never put an end to the violence that we are facing. Lahat tayo Pilipino and we expect a better tomorrow sa aking administrasyon. Ayoko ng away. Gusto ko mag-usap lang and to see a very prosperous Basilan. Maghanap ako ng pera and you have the development, I am sure of that. Inyo na ‘yan pag magkarron kapag matuloy ito. Salaam. Okay ‘yan ha. Peace. To the officers and men of the Mindanao Command, I’d like to also ask you to understand the situation and maybe help us, we in particular, the Office of the President, to look for a way to find an end to this problem. Maraming salamat po. |