Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his visit to Cagayan de Oro City
Camp Bgen Edilberto Evangelista, Cagayan de Oro City
11 June 2017

Sandali ha para isang basahan na lang ito.

Meron kayong gantimpala sa akin, prize. It’s a 45 Rock Island. Made in USA ‘to. Kayong lahat bibigyan ko. Inyo na ‘to. Inyo na. [applause]

Ang hingiin ko lang sa inyo, sa mga sundalo — sabagay, property naman natin ito lahat — pero hindi importante ‘yan. Ang importante lang hindi ka mag — kung anuman — kung mamatay ka, mamatay kang may honor. Huwag iyang ibibigay mo, mag-surrender ka. 

Puputulin din ang ulo mo. Bababuyin ka lang tapos puputulin ang ulo mo sa harap ng television. Kaya itong 45 na ‘to, inyo ‘to, alagaan ninyo kasi ang Armed Forces, bibigyan ko rin lahat sundalo. So kayo, wounded in action, dalawa na ang 45 ninyo. (Speaks Ilonggo) Para pagdating ng isang 45 mo, ‘pag ibinigay mo tatakbo sila. Tapang mo.

Huwag mong ibigay ito sa kanila ng buhay. Ibigay mo ng patay, para ‘yung honor mo bilang sundalo. 

Ako, kung sundalo ako, gusto kong mamatay ako sa labanan. Ngayon, Presidente ako, gusto ko rin ganon. Ayokong mamatay ng ganyan. Gusto kong… Meron din ako nito eh. So ibigay mo ito sa kalaban natin patay ka.

Ngayon, may tip lang ako. ‘Yung mga… Eh sumasali ‘yung NPA eh. Sabi nila tumulong ngayon binibira ‘yung mga sundalo ko sa Agusan. Kung ‘yan ang gusto nila, sige lang. Mataas man ang pasensya natin. Sa gobyerno tayo, hindi tayo matalo. Not in a million years na matumba tayo.

Lalo na kagaya ninyo matatapang na Pilipino. Maliit lang itong bagay na ito. Isang lugar lang ito sa Mindanao. Kaya ninyo ito kaya lang sila pumasok nauna. Nakapag-deploy na sila sa mga building kaya ‘yung sniper nila natuto na rin.

Sa report pala ngayon, talagang inutos ni Baghdadi ‘yung pinaka-chief nila sa Middle East na ISIS. Ayaw lang maniwala noon ng mga taga-Maynila eh. Sabi ko na nilululong ‘yung mga tao natin sa droga. 

Dito sa Mindanao, ‘yung Maute, akala natin, simpleng — pangkaraniwang negosyante. ‘Yun pala sige sila produce ng shabu para magkaroon ng problema ang gobyerno ma-divert ang ating attention. Noong habulin natin ang drugs pero hindi natin alam na what was fueling… Ang nagbibigay ng gasolina sa terrorism ay ang droga. 

Kaya pinakamalapit ang Visayas. Kita mo ang mga politician doon — mga mayor, mga pamangkin, mga kapatid ng… 

Ngayon lang namin na-ano — ngayon nabasa na namin lahat. Nakuha na namin ang entire report. 

So huwag kayong mag-alala, suportado ko kayong lahat. At bago ako umalis diyan sa Presidente may nakuha na — may na-target na akong 20 billion. 

Paglabas ko sa… Kung buhayin ako InShaAllah, kung buhayin ako, paglabas ko may 50 billion ako para sa edukasyon ng anak ninyo. 

Iba ‘yung sa… [applause] Buhay o patay ka, pag-retire mo, wala ka ng problema. Ang edukasyon ng mga anak ninyo, sagot ng gobyerno. ‘Pag nagkaroon ako ng 50 billion, ‘di na ninyo mauubos ‘yan. Hindi ninyo mauubos. Siguro kung sabay-sabay kayo mag-anak ng anim , pito, putulin natin ‘yung u*** ninyo. [laughter]

Kaya ako, ganito ha. Hindi ako nagbibiro. Kapag pumupunta ako, nagtatanong ako —  sabihin kaagad ‘yung totoo. Kasi kapag nagkaroon kayo ng anak, pito, walo, paalisin kita sa trabaho. Bigyan kitang ibang trabaho. Umalis ka na. Kasi ‘yung mga bata… 

Kasi marami diyan, sige lang inom sa kanto walang ginagawa ang mga p***. Gawain ko ‘yang mga sundalo. Maraming papalit sa akin, 110 million tayo, hindi tayo maubos.

Kaya imposibleng matalo tayo sa giyera. Walang-wala yan. Lalo na pagbalik ninyo, doblado na ang gamit, ubos ang kalaban. Kaya natin ‘to.

Kaya lang minsan nauunahan tayo. Hindi madali kung naka-position na tayo, naka-deploy na kasi. Eh kung naka-hideout palagi eh talagang — gaya nung sa Masasapano. Tagal nilang kalaban ang mga sundalo. Pero pangkaraniwan ‘yan. Babawi rin tayo. 

Ito walang… Walang negosasyon sa istorya. Tapusin muna natin ‘yung giyera. Kung manalo kayo, usap tayo. Kung ako manalo, usap din tayo.

Pero kung ako ang magpunta para makipag-usap, hintayin ko muna matapos ang giyerang ito, sabi ko, kasi marami na kong sundalong namatay, pati pulis namatay. ‘Di na ko makaatras. 

Kung wala ng ibang mag-[inaudible] doon, ako na mismo pati ang komunista na ang magpunta doon. [inaudible] Basta hindi ako, ayaw kong makipag-usap. Ayaw ko talaga. Ngayon, ‘tong 45 ninyo, inyo na ‘to. Sundao, bata makinig ka, itong sa left, itong trianggulo na ‘to… Bong. Itong mga ‘to, ‘yung tatlo lang. Kung may kailangan kayo sa akin, kung may problema kayo, mga walang kasolusyon-solusyon, tawagan mo ako dito sa tatlong ito. Babae ito, si [inaudible]. Matanda na ‘to. Sanay na ito sa mga problema. Left side ha. Left side lang‘yan.

Ngayon, may 10,000 at may 150,000. Ay 100. 100,000 plus 10,000. Ibigay ko sa inyo ngayon. Sinong may mga asawa? Pagkabakakun.

Taga-saan ka? Ah, Ilokano. Mao di ay. So ‘yan, pati camera. Sinong Ilonggo diri? Oh ‘yung paborito mong… (Speaks Ilonggo) 

Inyo na ‘to. Ito ‘yung… Tawagan mo ako. Kaya ko binibigyan ng cellphone para tawagan ninyo ako.

O kung may problema, basta hindi ninyo masolban. Kagaya ‘yung dalawa ang asawa mo, i-demanda ka doon sa headquarters, o tatlo. ‘Yang problema na ‘yan huwag kang lumapit sa’kin, pareho ang problema natin. [laughter] P***. ‘Di ko kaya solbahin ang sarili ko. Ibang problema huwag ‘yang sa mga ganung… Mahirap kasi ‘yung ganun.

—END—