Malacanang has defended anew the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), which according to critics, encourages dependency on the government.
According to Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., the 4Ps has been proven to be effective since its implementation in 2010.
“Napatunayan naman kasi sa nakaraang anim na taon na kung maayos ang pangangasiwa ng ganitong programa, ito ay definitely hindi isang dole-out at definitely din, hindi ito lumilikha ng dependency,” said Secretary Coloma when asked to comment on calls from the business community to review the conditional cash transfer (CCT) program.
Coloma also quoted President Aquino’s “Social Contract with the Filipino People” which stated “From government anti-poverty programs that instill a dole-out mentality to well-considered programs that build capacity and create opportunity among the poor and the marginalized in the country”.
“Mula pa sa umpisa ay determinado na si Pangulong Aquino na ang ating anti-poverty program ay hinding-hindi maituturing na dole-out dahil ang salitang dole-out ang ibig sabihin ay inaabot lang. Merong kamay na nakabukas, at inaabot lang ito, ibinibigay at kinakalimutan na. Hindi naman po ganyan ito…,” Coloma explained in an interview over Radyo ng Bayan.
“Unang-una ay pinag-aralan nang husto sa pamamagitan ng National Household Targeting System kung sino ba talaga ang mga karapat-dapat na mapasama sa programang ito. Pangalawa, tiniyak na sila ay may kumpletong datos: saan ang kanilang tirahan, sino-sino ang mga miyembro ng pamilya, ano ang edad ng mga anak…,” Coloma said.
“At doon pa lamang sa salitang ‘conditional’, bakit po ito ‘conditional’? Ang kondisyon ay dapat mag-attend ang mga anak ng lahat ng klase, dapat 85 percent ang minimum attendance… — minimum attendance ng mga nag-aaral na mga anak ng benepisyaryong pamilya, dapat magpabakuna ng napapanahon para manatiling healthy, dapat ay tinitimbang sila para tiyakin na nabibigyan din sila nang tamang nutrisyon, dapat ang mga ina ng CCT beneficiary na nagdadalang-tao ay magpa-pre-natal…,” the Palace official added.
“Hindi ba’t senyales ito ‘nang tinatawag sa Social Contract na isang ‘well-considered program.’ Kaya’t talagang na-plano ito nang husto, at dahil nga dito ay natatamo na kaagad nang mga benepisyo na kung saan ayon sa datos ng Philippine Statistical Authority, mayroong 1.4 million families, tinatayang mahigit 7 milyong Pilipino na nakaalpas na sa kahirapan, lumagtaw na sila o tumaas na sila sa ibabaw na tinatawag na “poverty threshold”,” Coloma further said.
Coloma said the 4Ps has been expanded to cover high school education to improve the chances of student beneficiaries of finding jobs.
“Kaya’t malinaw na malinaw na hindi ito lumilikha ng dependency. Ang nililikha nito ay capacity… at para patunayan pa nang higit, pinalawig pa ang programa para ang pag-aaral ng mga benepisyaryong pamilya — pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryong pamilya ay extended na hanggang high school. Titiyakin na extended hanggang high school sapagka’t kung nakapagtapos sila ng high school, 40 percent higher ang probabilidad na makakuha sila ng kapaki-pakinabang na hanap-buhay,” said Coloma.
Coloma said the effectiveness of 4Ps has been verified by the World Bank and the United States government.
“Kung tutuusin natin, lahat ng mga kabutihang naisagawa na nito na naberipika at napatunayan hindi lang ng ating pamahalaan kundi ng mga independent, outside entities katulad ng World Bank, at ng government of the United States dahil tumutulong nga din sila sa ating anti-poverty program sa pamamagitan ng Millennium Challenge program,” Coloma said.
“Walang katuwiran ang pagsabi na ang CCT ay dole-out, wala ring katuwiran ang pagsabi na ito ay nagke-create ng dependency. Ang ginagawa po natin dito, tayo ay naghahatid ng social protection at mayroong itong tiyak na programa para mahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga kababayan lalung-lalo na ang mga nabibilang sa pinakamaralita sa ating lipunan,” Coloma said.
“Hindi ba’t misyon at tungkulin ng pamahalaan na bigyan sila ng social protection? Hindi ba’t misyon at tungkulin ng pamahalaan na i-angat sila mula sa kahirapan? Ito siguro ang dapat na mabatid at maunawaan ng mga kasapi ng business sector sa kanilang pagtuturing sa conditional cash transfer program,” Coloma added. PND (jm)