Interview

Announcement of Presidential Spokesperson Harry Roque PTV Balita Ngayon, PTV-4 Manila Harbor Center Port

AUDREY GORRICETA: Sa puntong ito, balikan po natin ang mahalagang anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa bagong resolusyon ng IATF ngayong araw. Panoorin po natin ito:

SEC. ROQUE: [AIRING STARTS] Entry exemption document bago po dumating sa Pilipinas. Magkakabisa po ito ng February 16, 2021 at magiging subject sa mga sumusunod na kondisyon tulad ng pre-booked na accommodation for 6 nights sa isang accredited quarantine hotel facility kasi nga po sa pang-anim na araw magpi-PCR. Kinakailangang mag-test ng COVID-19 sa quarantine hotel at facilities sa ikaanim na araw or on the 6th day from date of arrival at kailangan silang magkaroon nang maximum capacity of in-bound passengers at the port and date of entry.

Itong expanded list ay without prejudice sa mga umiiral na immigration laws, rules and regulations. Ang Commissioner of Immigration ay mayroong eksklusibong prerogative na makapagdesisyon tungkol sa waiver or recall na exclusion orders ng lahat ng mga dayuhan na pumapasok.

Inaprubahan din po ng inyong IATF iyong resolusyon ng Interim National Immunization Technical Advisory Group, iyong tinatawag na NITAG, at ng DOH Technical Advisory Group na maglalaman ng sumusunod na mahahalagang punto:

Unang-una, iyong prioritization framework para sa national, local and private distribution ng bakuna.
Iyong prioritization criteria para sa priority group. So, within the priority group mayroon pa pong prayoridad.
Iyong rekomendasyon ng criteria for allocation para po doon sa darating na unang batch ng Pfizer Biotech at iyong rekomendasyon on health profiling, screening and informed consent in the patient pathway at recommendations on vaccination cards.

Kasama sa priority group A-1 ang mga frontline workers sa national at local private at health public facilities, health professionals at non-professionals tulad ng mga estudyante, nursing aids, janitors, barangay healthworkers at iba pa. Maya-maya po didetalyehin ko itong prioritization plan.

Ang National Task Force through its Vaccine Cluster Task Group on COVID-19 Immunization Program ay inatasan na maglabas ng operational guidelines ukol sa bagay na ito.

Inaprubahan din po ang request ng Baguio City na i-accommodate ang leisure traveler sa kanilang hotels at iba pang accommodation establishments habang nasa General Community Quarantine classification ang siyudad. Subject pa rin po ito sa strict health protocols at contact tracing measures.

Pinayagan din po ng inyong IATF ang pagbibiyahe ng mga opisyal, ng mga kawani ng gobyerno, kasama na po ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Deposit Insurance Corporation. Hindi na sila kinakailangang sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols ng mga lokal na pamahalaan na kanilang pupuntahan basta makapagpipresenta po sila ng kanilang ID.

Kinakailangan pumasa rin po ang mga kawani ng gobyerno sa symptoms screening sa port of their arrival or in case of public transport, upon boarding at sumunod sa minimum health standards. Ang kinakailangan lang po nila para sa mga kawani ng gobyerno: Valid ID at iyong certified true copy ng kanilang travel authority or order.

Now, himay-himayin naman po natin iyong prayoridad pagdating sa bakuna. Ito po iyong mga priority population groups na mababakunahan na naaprubahan ng Interim National Immunization Technical Group:

Under A-1 priority: Frontline workers sa mga national at local private at public health facilities. (Health professionals at non-professionals tulad ng mga estudyante, nursing aids, janitors, barangay health workers, etcetera.)
Under A-2 priority: Senior citizens na may edad 60 pataas.
A-3: Ang mga may co-morbidities na hindi kasama sa mga unang nabanggit na kategorya – naku, kasama po ako doon.
Ang A-4: Frontline personnel sa mga essential sectors tulad ng uniformed personnel at sa working sectors na tinukoy ng IATF na essential noong panahon na may Enhanced Community Quarantine or ECQ.
Ang A-5: Mahihirap na mga indigent na hindi nakasama sa mga naunang kategorya.

Ang B priority naman po:

B-1: Mga guro at social workers – ma’am, principal kasama po kayo diyan.
B-2: Iyong iba pang mga government workers.
B-3: Iba pa pong mga essential workers.
B-4: Mga social demographic groups na may mataas na panganib or significantly higher risk, liban sa mga lolo at lola at mga indigenous people.
B-5: Ang Overseas Filipino Workers.
B-6: Iba pang mga workforce.

Ang category C or priority C: Iba pang mga Pilipino na hindi nakasama sa mga nabanggit.

Dagdag pa ng Interim National Immunization Technical Advisory Group, any specific inclusion at exclusion criteria ng bawat bakuna as reflected in the Emergency Use Authorization of the FDA o mga rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council ay dapat ikonsidera.

Samantala, sa pagpili ng geographic areas naman po para sa sub-prioritization, ito ay nakabase unang-una, sa COVID-19 burden of disease – ito iyong mga aktibong mga kaso, attack rate per 100,000 population at nakaraang apat na linggo at population density, at iyong vaccination site at kahandaan ng mga lokal na pamahalaan tulad ng supply chain capability.

Tungkol naman sa alokasyon sa first tranche ng Pfizer Biotech COVID-19, ito po iyong sino ang makakakuha noong unang darating na Pfizer ‘no. Ito po ay para sa lahat ng healthworkers, pero ito po iyong allocation framework: Unahin iyong COVID dedicated hospitals, iyong COVID referral hospitals, other DOH hospitals, iyong LGU hospitals, hospitals for uniformed services personnel at iyong mga pribadong mga hospital.

Sa iba pang detalye/impormasyon tungkol sa vaccination ay antabayanan po ang diskusyon ng Department of Health at ng NTF Vaccine Cluster tungkol sa bagay na ito.

So iyon lang po mga kababayan, magandang umaga po galing dito sa Port Center, dito po sa Manila. Magandang umaga po sa inyong lahat.

/she

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)