CARLA: Asec., simulan na po natin, kumusta na po ba ang paghahanda na ginagawa ng PCOO para po sa nalalapit na ASEAN and East Asia Summit?
ASEC. ABLAN: Well, reading-ready na kami ‘no para sa ASEAN which will actually this weekend already in Clark and then moving to Manila by Monday.
Hindi ko alam kung nagda-drive kayo sa EDSA ‘no. Sa mga commuters natin sa EDSA, sinaksak na namin lahat ng mga poster na puwede malagay sa EDSA para mapansin ninyo na may ASEAN tayo, 31st ASEAN Summit tayo ngayong lingo.
JULES: Asec, siyempre ang daming meetings na nangyayari ngayon. Right now merong APEC sa Vietnam, tapos dito sa Pilipinas may ASEAN and may East Asia. Para lang po hindi malito iyong mga viewers natin, mga kababayan natin, ano ba iyong main agenda nitong sa ASEAN at ng East Asia naman.
ASEC. ABLAN: O sige. Kasi alam mo iyan iyong mga APEC na iyan, mga ASEAN at saka East Asia Summit, parang mga Viber group din iyan na iba’t-iba iyong mga miyembro ng mga Viber groups na iyan.
So sa APEC ang lahat ng mga miyembro niyan lahat ng mga bansa surrounding Asia Pacific ‘no, so all the way to South America. Pagdating naman sa ASEAN it only includes the South East Asian countries, the ten South East Asian countries. Tapos sa East Asia Summit naman, ibang countries din naman iyan. Iyong mga… kasama na diyan ang Japan, Korea and China, yung East Asia lang. So iyan iyong mga differences ng APEC, ASEAN saka ng East Asia Summit, very similar to our Viber groups na iba-iba lang iyong mga miyembro.
Pero more or less, ang pinag-uusapan diyan ay very similar – economics, political and security and socio-cultural.
CARLA: Okay, let’s talks about siguro iyong highlights po at mga pangunahing events for the ASEAN and East Asia Summit. Ano-ano po ba iyong mga aabangan natin?
ASEC. ABLAN: All right. So one important agreement na magkakaroon ay magkakaroon tayo ng kasunduan o consensus on the right of migrant workers. This is a big step, Jules and Carla. Kasi ngayon mabibigyan na… mapoprotektahan na ang karapatang pantao ng ating mga migrant workers within the ASEAN region. So kung meron tayong mga domestic helpers, professionals na pupunta ng Malaysia, pupunta ng Indonesia at in the same way na may mga pumunta dito, their rights as migrant workers will be protected – healthcare, protection o security. So iyong mga bagay-bagay na ganoon will be signed in this ASEAN Summit.
JULES: So, milestone talaga iyon, ASec., for this ASEAN Summit.
ASEC. ABLAN: Yes, yes. And then meron din tayong turn over. Because our hosting is only for this year, 2017 and we’ll be—the President will be turning over the hosting to President Lee of Singapore, sila naman ang magiging host next year.
JULES: Okay, ngayon Asec, siyempre napakaraming mga meetings na mangyayari ngayon for ASEAN. Ano naman po sa mga meetings na ito iyong isasapubliko o puwedeng mapanuod ng ating mga viewers?
ASEC. ABLAN: All right. So ang daming meetings niyan ‘no; actually, hindi ko rin kabisado iyong mga meetings.
Throughout this year, sa kabuuan ng 2017, there are more than 200 meetings throughout the archipelago. So meron tayong mga meetings sa Davao, meron tayong meeting sa Cebu, meron tayong meeting sa Laoag, meron tayong meeting sa Clark. At iyong mga meetings this year, meron tayong ASEAN meetings, meron din tayong ASEAN plus China, ASEAN plus US, ASEAN plus Canada, ASEAN plus three. So, iba’t-ibang mga meetings iyan kasi ang aking analogy diyan ay parang iba-iba kasi ang mga markets natin. May US market tayo, meron tayong ASEAN market so that is why kailangan meron tayong exclusive meetings with them.
Ngayon sa tanong mo Jules, ano-anong mga meeting iyong mga isasapubliko, hindi ko kabisado lahat. Pero ang maaring magawa ng ating mga kababayan ay pumunta sa ating website na asean2017.ph or kung gusto nilang mapanuod si Canadian Prime Minister Justin Trudeau pumunta lang sa presidential.coms facebook page or sa asean2017 facebook page at mapapanuod nila iyong mga meetings ‘no, para malaman nila kung ano ba ang pinag-uusapan.
Hindi lahat ng meetings nga ay maisasapubliko, kasi may mga security matters na hindi puwedeng ma-reveal. Baka may mamaya ma nakikinig na al-Qaeda, baka may nakikinig na ISIS. So may mga ibang meetings. But as much as possible PCOO will try to have a live feed of the meetings that can be consumed by the public.
CARLA: Napakaganda. How about iyong katulad po ng mga ibang summit po na naganap po sa ating bansa, magkakaroon din po ba ng oportunidad ang mga media to ask sa mga state leaders po?
ASEC. ABLAN: Ay yes. Not all Carla, ‘no. So some leaders have already informed us, the CMSC, the Committee for Media and Special Concerns, kung gusto nilang mag-host ng mga press briefings, which will give our media and the international an opportunity to ask them. I am just not allowed to disclose which country heads will be holding their press briefings, but magkakaroon ng oportunidad.
CARLA: How about po sa International Media Outlet. How were handling the international media?
ASEC. ABLAN: Yes. So meron tayong International Media Center, wherein you know, reporters from CNN, Al-Jazeera register themselves and then they will be able to report from the International Media Center. Meron tayong International Media Center dito sa Manila and this is at the World Trade Center at meron tayong International Media Center din sa Clark, kasi may mga meetings din tayo sa Clark this weekend. So our International Media friends have a venue for them to do the reporting on the ASEAN and the East Asia Summits.
JULES: ASec., itong pagho-host ng isang bansa sa ASEAN Summit ay nangyayari lamang usually once every ten years, kasi umiikot siya sa lahat ng mga bansa, di ba.
ASEC. ABLAN: That’s right.
JULES: Sa inyong view, Asec, siyempre very active ang PCOO throughout the whole year para sa pag-inform ng ASEAN sa mga kababayan natin. Ano sa tingin ninyo iyong very distinct dito sa ASEAN Summit kaya mas napalapit itong ASEAN Summit sa mga kababayan natin?
ASEC. ABLAN: All right, we did something different that we didn’t do in 2007. In 2007 when we hosted the ASEAN the last time, all of the meetings were focused in Manila, kaya sobrang traffic noon. That’s another matter.
This time around, we tried to spread the meetings. Kaya nga may meeting tayo sa Davao, sa Cebu, sa Bohol, sa Manila, sa Clark kasi we try to… you know, we used that as an opportunity to explain ASEAN to everyone else. Kasi masyadong concentrated dito sa Manila, so we wanted to explain to everyone.
And then nagkaroon din po tayo ng mga school visits, wherein we try to explain… PCOO try to explain what’s the importance of ASEAN. Kasi ano siya eh… sa ibang tao hindi nila maintindihan kung ano iyong ASEAN eh. So we went to to schools, in-explain namin sa kanila ano iyong benefits ng ASEAN.
CARLA: Talaga naman pong handa na tayo sa magaganap na ASEAN Summit sa susunod na lingo. So ASec, papano naman po after the ASEAN, ano po bang mga plano natin and how were we going to communicate kung ano nga po ba ang importansiya ng ASEAN?
ASEC. ABLAN: Yes. So nasabi na ng DFA at sasabihin din ang aking principal, si Secretary Martin, na importante na magkaroon tayo ng continuation in communicating the importance of ASEAN. Kasi hindi iyan nagtatapos pagkatapos ng hosting ng Pilipinas. Because ASEAN will stay there after 2017 and we need to continue informing the public ano iyong benefits ng ASEAN and anong direksyon pupuntahan ang ASEAN. Kasi very important na alam natin as a country ang mga neighbors natin na Malaysia, Indonesia, Myanmar kung saan ba tayo patungo.
JULES: Asec, message n’yo po sa lahat ng mga kababayan natin, para siyempre mas makilahok po lahat dito sa darating na ASEAN Summit. Kasi next week di ba, halos walang pasok dito sa Metro Manila. So ano po iyong mga dapat naming gawin?
ASEC. ABLAN: Sa mga nanunuod ng Bagong Pilipinas, malapit na po ang ASEAN. It’s going to happen starting this Friday. It will start in Clark and then pupunta iyan po sa Manila. Alam n’yo na po lahat ng mga roads na magsasara, okay. So please iwasan na po natin nag CCP Complex, ang PICC complex, pati na rin nag Roxas Boulevard lalung-lalo na po sa November 13 and 15, kasi talagang isasara po natin iyan. So please ‘wag tayong mag-complain about the traffic, because you have been warned.
And then, wag naman po tayong mag-lamyerda during that time, kung gusto n’yo po makinig po tayo sa mga meetings na mangyayari pumunta lang po tayo sa PTV para sa live coverage at kung gusto ninyo po sa online pumunta lang po tayo sa facebook hanapin n’yo lang po ang asean2017 or presidential coms at mapapanuod n’yo na po si President Justin Trudeau ng Canada pati na rin ang ating Presidente, si President Rody Duterte at ng makita n’yo po kung paano sila mag-usap, ano po ang pag-a-agrehan ng mga iba’t-bang bansa sa ASEAN at pati na rin sa ating mga global partners.
CARLA: Okay, maraming-maraming salamat Asec. Kris Ablan of PCOO.
ASEC. ABLAN: Maraming salamat.
##