Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kris Ablan by Thogs Naniong (Agenda ng Bayan-Radyo Pilipinas)

NANIONG: …(recording starts). Ano ba ang kagandahang maidudulot nito sa ordinaryong mamamayan natin sa pagbibigay ng tamang impormasyon? 

ASEC. ABLAN: Naisipan lang ni Secretary Martin Andanar, Thogs na dapat magkaroon tayo ng iisang polisiya pagdating sa pag-communicate ng mga news information and policies ng gobyerno, kasi bago magkaroon ng National Communications Policy kaniya-kaniya ‘di ba, ang communications ng iba’t ibang departamento, ahensiya at bureaus ng gobyerno? Medyo minsan conflicting pa. Ang sinasabi lang ng National Communications Policy, dapat lahat kami, mga information officers or information officials, magsama-sama at ayusin natin na dapat isa lang iyong mensahe para maintindihan ng taong bayan kung ano bang gustong gawin ng gobyerno. So ganoon iyon.  

NANIONG: Ibig sabihin mas magiging focus, iisa, hindi kalat-kalat iyong impormasyon na ipaparating ng gobyerno sa taong bayan? 

ASEC. ABLAN: Yes tama iyan, for example ang gusto ni Pangulong Duterte ‘di ba, na magkaroon ng comfortable life for every Filipino. So isa iyan sa gustong tugunan ng National Communications Policy na dapat lahat ng polisiya natin, lahat ng mga aktibidades natin at saka programa ay sang-ayon doon sa “providing for a comfortable life for every Filipino”, parang ganoon. Kaya nga mayroon tayong National Information Convention next week sa Davao para pag-usapan ang magiging communications, ang National Communications Policy natin ng 2018. 

NANIONG: Tama iyon, maganda po iyon. Dito po sa ipinalabas na circular—Memo Circular, hindi po kasama dito ang mga LGUs, ang kasama lamang ay mga ahensiya sa ilalim ng Executive Department. Ganoon ho ba? 

ASEC. ABLAN: Yes, kasi ang coverage ng Memorandum Circular galing sa isang departamento tulad ng PCOO, ay hanggang sa mga opisina at ahensiya under the Executive branch— 

NANIONG: Yes sir, oho. 

ASEC. ABLAN: Hindi namin kayang utusan ang mga local government units. We encourage them, kaya mayroon tayong National Information Convention next week na inimbitahan po natin ang mga information officers ng iba’t ibang LGUs para malaman nila na, ‘Uy ito pala ang ating communications plan,’ at dapat sang-ayon lahat ang mga programa natin doon sa communications plan. 

NANIONG: Kung bakit ko po ito naitanong, dahil alam naman natin na ang thrust natin ay maiparating mismo doon sa mga tao sa grassroots iyong impormasyon at sila ang—sa aking paniniwala ang mas higit na nangangailangan ng tamang impormasyon at dito papasok iyong vital role na gagampanan ng mga LGUs natin. 

ASEC. ABLAN: Yes, ang isang sinisikapan na ma-address ng Memorandum Circular na ito na is, ang LGUs—kasi bago niyan, kung saan-saan sila pumupulot ng impormasyon, minsan fake news pa nga iyong nakukuha nila. 

NANIONG: Totoo iyan. 

ASEC. ABLAN: Kaya ito, under Secretary Martin Andanar, gusto niya alam ninyo — LGUs — kung mayroon kayong gustong makuhang impormasyon mula sa gobyerno, ito na iyon. Kunin ninyo na po sa PNA o Philippine News Agency. Puwede rin po ninyong kunin sa Philippine Information Agency or PIA para talagang iwas fake news tayo, kung ano talaga iyong tamang government… impormasyon, iyon ang kanilang basehan. 

NANIONG: At iyong mga impormasyon ay readily available sa mga ahensiyang iyan ng pamahalaan? 

ASEC. ABLAN: Yes at siyempre sinisikap natin na dapat consistent, dapat tama iyong ano—kasi hanggang ngayon pati iyong mga—I mean, kaming nga departamento o ahensiya minsan nagkagulo-gulo din sa impormasyon, kaya napakaimportante na magkita-kita kami sa susunod na linggo para pag-usapan talaga kung paano pa kami talaga mag-uusap para lumabas na consistent, kasi mahirap talaga kung inconsistent. 

NANIONG: Tama iyon, tama iyon. Magkakaroon ng central coordinating agency para sa pagbibigay ng malawak at tamang impormasyon. How do you intend to do this sir? Will this be nationwide? Ibig sabihin iyong mga nasa probinsiya, makukuha rin nila mula sa local na PNA, PIA ang mga impormasyon? 

ASEC. ABLAN: Yes, iyan ang goal. Iyan ang goal natin, Thogs. Sa ngayon talaga ang daming—kung saan-saan nila pinupulot iyon, kung sa Facebook nila nakukuha, sa Google o kung kanino man. Ngayon ang gusto natin ay all the way down to the grassroots, kung may tanong sila, kung may impormasyon sila na gustong malaman sa gobyerno, down to the grassroots ng PIA na lokal, puwede nilang kunin iyong impormasyon na iyon. 

NANIONG: Pero ang PIA po natin—ang PIA natin ay—hindi naman bawat lalawigan, bawat bayan ay mayroon yata nito, Asec.? 

ASEC. ABLAN: Tama ka, mayroon lang tayong—mayroon tayong 18 regional offices ng PIA pero hindi nga lahat ng LGUs mayroon tayong ano—kaya nga nagkakaroon tayo ng coordination sa mga information officers ng mga LGUs. In fact, Thogs hindi nga lahat ng LGUs may information officer. 

NANIONG: Totoo iyon, totoo iyan. 

ASEC. ABLAN: Minsan nade-designate na lang iyong isang opisyal doon na information officer na wala namang kinalaman sa information. So kailangan talagang kumbinsihin ang mga local chief executive natin na now, more than ever, na mas importante ang mag-create ng posisyon of information officer kasi sa dami ng fake news— 

NANIONG: Totoo iyan at napakahalaga ng tamang impormasyon. 

ASEC. ABLAN: Yes. 

NANIONG: Sir, isa pang punto. Itong binabanggit natin na Comprehensive Communications Committee, kabilang sa mga gawain ito ay i-a-analisa, i-i-interpret iyong public opinion, iyong mga pananaw ng ating mga kababayan dito sa mga ano—sa mga isyu. And also i-a-anticipate din. Papaano po natin ito iko-conceptualize—papaano—I mean papaano po natin ito gagawin na ma-conceptualize natin, ma-analisa natin iyong maaaring perception ng taong bayan on a particular issue?

ASEC. ABLAN:Okay. So may mga mekanismo na ginagamit, pero sa ngayon dahil wala pang budget, ang gagamitin is sa social media. Maganda ang analytics ng Facebook, gagamitin po iyan ng CCC o Comprehensive Compressed Communications Committee ng PCOO para malaman talaga kung ano ang hinaing ng mga kababayan natin gamit ng Facebook.

Kasi ang dami namang nagrereklamo, ang daming nagsasabi na pagbibigay ng pugay sa ibang ahensiya, ang ating listening tools sa ngayon ay ang Facebook social media.

NANIONG: At ito po ay hahawakan ito ng CCC.

ASEC. ABLAN: Yes.

NANIONG: Okay. Papaano natin made-determina naman dito iyong tama at yung mali na impormasyon na ipinaparating sa CCC?

ASEC. ABLAN: Yes. Meron na naman tayong counter measures diyan sa PIA. Kasi yung PIA ang on-the-ground ahensiya ng PCOO para i-verify kung iyong natatanggap na doon sa mga naiipon na mga analysis at saka datos ay tama talaga on the ground. Kasi, tama ka Thogs, baka mamaya, iyong nararamdaman namin sa Facebook o sa social media ay puro kasinungalingan so meron talagang verification iyan

NANIONG: Yeah, usong-uso po ngayon ang troll.

ASEC. ABLAN: [laughs] Oo.

NANIONG: Di ba? Hindi kasi nangangahulugan na pag marami na iyong nagpalabas ng sabihin na natin, na uniform na pananaw ay ito na nga ang tunay na damdamin, dahil iko-consider din natin dito iyong bunch of trolls na gumagawa din po nito.

ASEC. ABLAN: Tama, tama ka diyan. Kaya hindi namin binibitawan ang Philippine Information Agency, kasi nga siya nga ang on-the-ground. Sila yung andiyan sa probinsiya, sila yung andiyan sa mga siyudad at saka mga munisipyo na nakakaalam talaga kung iyon talaga iyong pulso ng ating mga kababayan, at ive-verify iyan doon sa social media.

NANIONG: Tama iyon, sila iyong in direct contact sa mga kababayan natin. Sir isa pa po, sa ilalim din ng kautusan na ito ay binuo na magsasagawa ng pagde-determina kung saan ang ad placements ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga private media, ganun ba iyon?

ASEC. ABLAN: Yes. So sa liderato ni Secretary Andanar Thogs, we are taking back communications advertising and government will now determine kung saan ba natin ilalagay iyong mga ads. Kasi tayo ang nakakaalam kung saan ang market ng partikular ahensiya, kasi tayo ang nakakalam on the ground. So we are just merely taking it back, dahil ‘yun nga, on the proliferation of fake news and biases in the private sector. [overlapping voices]

NANIONG: So hindi po…hindi na po tulad noong dati na…particularly yung sa private media ay makakuha sila ng iba’t-ibang ads o placement ads mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, hindi ganun?

ASEC. ABLAN: Ano pa rin, we will still place ads in private media, of course. Iba din kasi ang reach ng ABS, ng GMA ng TV5, Inquirer, ng Philippine Star. It’s just that, yung nga, para consistent tayo, para maganda ‘yung—kasi minsan doble-doble din yung advertising, iisa lang man yung ina-advertise, sayang yung pera. Ang gusto kasi natin kaya tayo nagbuo ng Comprehensive Communications Committee at itong National Communications Policy is para maging efficient tayo.

Gaya ng sinabi ko for example, may ad ang Department of Tourism may ad din ang DTI na pareho din lang tapos pareho sila nag-ad, nagsayang lang tayo ng pera ng bayan, di ba?

NANIONG:Tama iyon.

ASEC. ABLAN: Dahil for example, in a given year, magpo-propose ang DOT at DTI na mag-ad nito, makikita ng CCC: Dumoble. Sa isa nalang kaysa dalawa.

NANIONG: Yeah, tama iyon. mas mama-maximize natin iyong resources natin for wider reach.

ASEC. ABLAN: Yes. Ayaw kasi ni Pangulong Duterte na magsayang tayo ng pera ng bayan.

NANIONG:  Sir, panghuli. Hindi ito ano ha, hindi ito magagamit para magipit iyong—alam naman natin na iyung private media ang buhay nila ay ads ‘no, hindi magagamit ito doon sa mga tinatawag na unfriendly media?

ASEC. ABLAN: Hindi naman, when we are talking about advertising, all media is good media. So—at saka may mga market. If government seeks to get as much coverage as possible, we’ll not have a… on whether or not we give it to this particular media. May audience iyan.

NANIONG: Totoo iyan.

ASEC. ABLAN: Now, pagdating sa audience na kakampi natin, so wala namang discrimination.

NANIONG: Yeah. Anyway yung purpose natin dito iyong maiparating iyong tamang impormasyon sa mas maraming Pilipino.

ASEC. ABLAN: Tama, tama iyan Thogs. At kung ang iko-concentrate lang natin ay mga kakampi lang natin wala, hindi tayo aasenso.

NANIONG: Totoo iyan, that’s very true. Asec. Kris Ablan, Apo… naimbag nga malem. Thank you very much sa oras na binigay mo sa bayan.

ASEC. ABLAN: Walang problema apo Thogs, [dialect]

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource