Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Deo Macalma & Karen, Isyu – DZRH

DEO: Si PCOO Secretary Martin Andanar—

KAREN: Saka Lakay naka-broadcasting live from the brand new Briefing Room sa Malacañang, ganda-ganda… Congratulations Secretary Martin Andanar…

DEO: Secretary Martin Andanar, sir, magandang umaga po sa inyo Secretary.

KAREN: Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Good morning, Lakay. Good morning, Karen. Salamat at na-appreciate ninyo iyong Malacañang Press Briefing Room na bagong-bago talaga.

KAREN: Uhum… nakita ko iyong video ninyo sa Facebook (laughs).

SEC. ANDANAR: Maganda ‘yan para hindi mag-init ang ulo ng resource person at ng reporter, para malamig ang ulo (laughs)…

DEO: (Laughs) Okay Secretary Martin Andanar, sir… marami po ang mga nagtatanong ngayon, kasi dalawang araw po iyong transport strike ng mga grupo ng Piston. So, ano ang mangyayari bukas Secretary, sir? Wala pa rin po bang pasok bukas ang mga government offices at mga klase ng mga estudyante?

SEC. ANDANAR: Wala pang abiso Lakay, sapagka’t inoobserbahan pa natin kung ano ang mangyayari ngayong araw na ito. Pero ang mahalaga dito ay tuloy pa rin nating nire-recognize ang karapatan ng mga kababayan natin to peaceably assemble. At of course, iniisip din natin iyong kapakanan ng mga kababayan natin na posibleng ma-stranded kapag mayroong mga pasok sa gitna ng protesta.

LAKAY: So, ready po ba ang ating pamahalaan Secretary, sir? Mayroon po bang sapat na mga sasakyan, mga bus, 6×6 na truck na puwedeng sakyan ng ating mga mai-strand na mga pasahero?

SEC. ANDANAR: Sigurado namang ready tayo Lakay, especially na naanunsiyo na nga na walang pasok sa gobyerno at walang pasok iyong mga estudyante. So most likely, mas kokonti iyong demand for transportation today.

KAREN: Oo, kaya nga medyo maluwag din po iyong daloy ng trapiko sa ilang mga areas ano. Ah sir, ano po ang inyong reaksiyon sa mga nagsasabi na, naku… itong Piston at itong nationwide strike ay isang form po ng destabilization para po sa—against our government?

SEC. ANDANAR: Wala naman akong na-receive na report that they are part of a group na gustong i-destabilize ang ating gobyerno. And I would like to think that hindi ganoon ang sitwasyon, kaya nga sa gobyerno, kami sa gobyerno ay we give them the right to peaceably assemble by giving the public this no work day at no school day. Sana, walang ganiyang klaseng destabilization na mangyayari sapagka’t it will not really sit well with the overwhelming… 80 million Filipinos who trust and who believe in the leadership of President Rodrigo Roa Duterte.

DEO: Secretary Andanar, sir, aba’y sa ngayon po alas nuwebe kuwarenta na. Simula kaninang umaga hanggang sa ngayon po, ano po ang monitoring ng Malacañang? Wala po bang gulo, peaceful pa rin po ba nationwide, kasi nationwide po itong tigil-pasada, sir?

SEC. ANDANAR: So far po ay peaceful naman ang ating bansa. Wala namang gulo between the strikers and wala namang gulo between them and the government at sa ngayon ay we just ano… just stay in your homes, mag-relax muna kayo kasi wala namang pasok (laughs).

KAREN: Oo nga, ang sarap ng buhay ng mga estudyante…

SEC. ANDANAR: (Laughs) Oo, pero tayo wala… (laughs)

KAREN: May pasok tayo… Pero Secretary Martin Andanar, itong—sa TVs, reports sa mga interviews natin na with, itong mga grupo po na ito, particularly ang Piston, sinasabi po nila na itong modernization ng ating mga jeep ay hindi makamasa, hindi po para sa kanila at ang makikinabang po dito ay ang mga malalaking kumpanya rin po, mga pribadong malalaking korporasyon. Ano pong reaksiyon ninyo po dito?

SEC. ANDANAR: Eh sa palagay ko naman Karen, ang project ni Secretary Art Tugade… and I think matagal na ‘tong proyekto na ito na to modernize jeepney because of the inefficiency nga ng mga lumang makina, ‘di ba? And the jeepney per se is not, the idea of the jeepney, is still there as a mode of transportation, iyong pagiging efficient nito eh. So for example, mayroon namang mga bagong mga jeepney ‘di ba na kuryente na iyong kanilang makina ‘di ba…

KAREN: Iyong e-jeep….

SEC. ANDANAR: Iyong e-jeep, e-jeep… Oh tapos mayroon [unclear] etc., they really have to level up ika nga. And the government through the DOTr is willing to assist them, to give them the loans para sila’y maka-cope dito sa demand nga ng gobyerno. And I think the public also, the riding public also deserves this new type of jeepney that the innovators are thinking about – e-jeepney with aircon, etc…

DEO: Secretary, sir sa ibang issue. Aba’y may report po na napatay na po noong mga sundalo natin sa Marawi City si Omar Maute at si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf ngayong umaga. Totoo ba ito Secretary Andanar, sir? Napanood ninyo ba itong report na ito?

SEC. ANDANAR: Kino-confirm pa rin natin ito Lakay, I am now in Mindanao and…

DEO: Ah, ganun po ba…

SEC. ANDANAR: Yeah, I’m supposed to go to Marawi today. So kino-confirm pa natin itong balita na ito. Ang sa akin lang, ay sana matapos na ito, iyong gulo sa Marawi dahil 147 days na eh… it’s a 147 days, oh matagal na rin. At nakausap ko nga iyong mga home ano, doon sa Marawi, noong Biyernes tayo’y nagpunta doon and for the first time ay pinayagan tayong mapuntahan iyong ground zero mismo. So nakita sa video ito lahat, pero makikita rin natin Lakay at Karen na ang ating mga kapatid na Maranao doon ay very impatient na para bumalik doon sa dati nilang gawi, dating buhay nila. In fact iyong iba nagbukas na ng mga tindahan eh, tuloy na iyong kalakalan. MSU is already operating na—

DEO: Normal na ang klase…

SEC. ANDANAR: Oo, normal na iyong klase simula noong August 21 at unti-unti nang nagbubukas ang mga establishments doon.

DEO: Secretary Andanar, sir, maraming salamat at mamaya tatawagan po namin kayo ulit kung confirm itong report na napatay na itong si Omar Maute at si Isnilon Hapilon. Thank you very much po.

KAREN: Thank you, sir.

SEC. ANDANAR: Salamat, Lakay. Salamat, Karen. Mabuhay kayo sa DZRH.

DEO: Mabuhay po kayo, Secretary Martin Andanar na nadoon sa Mindanao at patungo po sa Marawi City…

###

Resource