Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri (DZRH – ACS Balita)

HENRY:  Sec. Martin, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Henry. Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig ng inyong programa.

HENRY:  Totoo ba iyon? Totoo ba iyon na pupuwede nilang maka-teleconference, makausap ang Pangulong Rodrigo Duterte ng direkta kapag nag-materialize itong programang ito?

SEC. ANDANAR:  Totoo iyan, Henry. At merong tatlong bagay ang Government Satellite Network na dapat malaman ng ating mga kababayan:Number one, ang Government Satellite Network, ang kailangan mo po ay isang government satellite receiver, iyon lang ho ang kailangan mo receiver para matanggap mo iyong signal mula sa Maynila, tapos pupunta sa satellite, ibabato sa iyo. Kahit nasaang lugar ka sa Pilipinas, kahit wala ho kayong cell site, wala po kayong cellphone signal, makakatanggap  po kayo ng signal mula sa Government Satellite Network.

Number two, kung gusto n’yo hong makapagpadala ng mensahe  sa  buong mundo, dahil ho ang Government  Satellite Network ay hindi lang po siya receiver ng TV or radio  signal, siya din po ay puwedeng mag-deliver ng signal sa pamamagitan po ng libreng internet. So meron pong libreng internet na maibibigay ang Government Satellite Network.

Number three, hindi mo na ho kailangang maghintay nung fiber optic na ilalatag sa iyo. So therefore, pag meron ho kayong receiver, meron po kayong maliit na satellite disc, i-orient niyo lang ho doon sa langit, kung saan ho iyong satellite at mare-receive na ho ang signal mula sa gobyerno ng ganoon ho kabilis.

So kahit ho bumabagyo, kahit po malakas iyong hangin pag nasira iyong mga poste, kawad ng kuryente, kawad ng komunikasyon ang gagawin lang ho ni Barangay Captain, itatago niya lang ho iyong maliit na na government satellite disc, antayin na matapos ang bagyo, ilabas iyong satellite disc, paandarin ang kanyang generator – kung walang kuryente – at automatic ho makakapag-broadcast na ho si Kapitan kahit saan niya gusto.

HENRY:  Ayon. At pupuwede siyang kumonekta sa tanggapan ng Pangulo at mga ahensiya ng gobyerno?

SEC. ANDANAR:  Iyon, iyon po talaga iyong target natin dahil…sapagkat mayroon po tayong napakalawak na archipelago, 7,100 islands, 42,000 barangays, hindi ho lahat ng barangay konektado ho ng telecommunication signal. So therefore iyong mga barangay ho nasa mga liblib na lugar na wala ho talagang mobile signal,  makakapag-communicate na ho dito sa kanilang mother unit na DILG dito po sa Maynila.

HENRY:  Oo, pero paano ang magiging sistema, para makausap nitong mga Barangay Chairman sa 42,000 mga barangay sa buong bansa ang ating Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Ganito lang ho kasimple iyan. Sinabi ko na po kay Presidente ito noong December during the Cabinet meeting na, “Mr. President, kung gusto n’yo ho na marating, halimbawa si Barangay Juan Dela Cruz na napakalayo at wala pong cellphone signal at kung gusto n’yo rin pong makausap si Juana Dela Cruz o si Mang Pedro o si Maria na sabay-sabay, sampung barangay na imposible ho kayong makapunta sa lahat ng 42,000 barangays, ang gagawin nyo lang ho ay mag-teleconferencing na ho kayo, dito sa opisina ninyo at papandarin natin iyong  Government Satellite Network at makakausap n’yo ho sila isa-isa on real time.” Ang gagawin lang ho si Barangay Captain ay i-gather niya lang ho lahat ng kanyang mga konsehal, mga Barangay Tanod, iyong kanyang mga purok leaders. Uupo lang po sila sa isang sala, tapos iharap lang iyong TV na may kamera at puwede na ho nilang makausap si Presidente in real time. Basta meron pong internet signal po, may internet protocol TV po iyong satellite network.

HENRY:  At puwede nilang idaing, puwede nilang ilapit ng tulong iyong mga kinakailangang aksyunan agad?

SEC. ANDANAR:  Tama po, tama po kayo.

HENRY:  Pero Barangay Chairman lang ang puwedeng makapag-coordinate sa Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Lahat po ng gustong kausapin si Presidente, puwede po ninyong makausap, dahil nga kung meron mang presensya ang Government Satellite Network sa bawat barangay, kahit sino pong gusto niyang kausapin ay puwede niya pong makausap.

So ito po ay magiging malaking programa talaga na nilalapit pa ho natin iyong national government to the barangay… to the basic unit of governance in our country.

HENRY:  Ayon.Paano ang pagse-set up nitong mga equipment na ito, lalo na sa mga barangay? Sino ang mga taong aasahan nating magse-set up nito para sa kanila?

SEC. ANDANAR:  Ang magse-set up po nito ay ang Presidential Communications Operations Office. Kami po ang magse-set up nito at i-o-orient po namin iyong Barangay Chairman… of course, katuwang po ang DILG, sapagkat sila po ang may network talaga. So madali lang po, parang nag-set up lang kayo ng Cignal na direkto hong satellite TV. Ganoon ho kadali, madlai lang ho kadali.

HENRY:  Ito may nagtanong na dito. Kung ako po ba ay ordinaryong mamamayan sa Barangay namin, puwede ko po bang makausap ng direkta ang Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Well, depende po sa problema. Kung halimbawa ang Presidente ay meron pong isang program na talking to the Barangay Chairman o kung meron ho siyang parang project at nandoon ho kayo sa lugar na iyon, ay puwede ho, kung gusto ninyo makikita ninyo ang Presidente. Pero I’m sure sa dami ho ng gustong kumausap sa Presidente ay kailangan mong kausapin muna si Barangay Chairman, para at least, mailista iyong mga tanong kay Presidente.

HENRY:  Sabagay ang mga binabanggit dito, papano po ika kung gusto naming isumbong si Barangay Chairman sa Pangulo, dahil hindi siya nagtatrabaho at siya ay tiwala? Iyan ang problema riyan.

SEC. ANDANAR:  Hindi ngayon, puwede ngayon  sa pamamagitan ng 8888. Dumiretso na kayo sa 8888 ngayon pa lang. Itong technology na ito ay ginawa natin ito na proyekto para ho lahat ho ng Barangay Hall magkaroon ng tool… communications tool sa pamamagitan ng advanced technology para makausap po nila ang national government.

Marami kasing problema, Henry, may problema tayo sa fake news, misinformation, disinformation, meron tayong problema sa mag-disseminate ng tamang impormasyon. Sa pamamagitan ng satellite network magagawa na ho natin ito, mas madali ho nating masawata ang fake news. Kung isipin mo lang, isang—halimbawa fake news, lumabas, tapos ito ay ika-counter ng isang Barangay Chairman. Now ilan ang magse-share niyan, kung siya lang, siguro mga 100, 200, 1,000, masuwerte sa 1,000.

Pero with an automatic information officers united, IOU, na merong 42,000 satellite receivers, automatically 42,000 ang magse-share ng kanyang counter—

HENRY:  At siguro po iyong pagsusumbong na rin ng direkta sa Pangulo ng mga Barangay Chairman na sangkot sa illegal na droga at iyong prisensiya ng possible process ng terrorists attack sa kanilang lugar, mas mabilis maiko-communicate, ano ho.

SEC. ANDANAR:  Ayon, maganda nabanggit mo iyong posibilidad ng terrorism, ng mga extremism na kumakalat sa internet. Sa pamamagitan ho nito ay napakalaking tulong. We are using the power of leverage sa dami po ng Barangay sa buong Pilipinas.

But hindi nila magagawa iyon, pag wala silang internet, wala silang technology. So, itong Government Satellite Network ang magso-solve ng problema na iyon

HENRY:  Anyway, Secretary, kailan magsisimula ito?

SEC. ANDANAR:  Ang atin pong plano na mag-roll out ay ngayong June, sisimulan natin sa lahat ng mga ahensiya sa ilalim ng PCOO, Philippine News Agency, PIA, PTV, Radyo Pilipinas nationwide. So doon muna tayo magsisimula and of course hanggang makarating tayo sa Barangay.

HENRY:  All right, Sec. maraming salamat po. Have a good morning.

SEC. ANDANAR:  Salamat po, good morning, Henry.

 

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource