Interview

Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

USEC. ABELLA:                              Good afternoon po. How are you?

ERWIN:                                              I’m okay sir. This is Erwin Tulfo, live po tayo dito sa Erwin Tulfo Live over Radyo Pilipinas and sa Facebook.

Usec., sir, diretsahan na pong tanong ito para mabilisan na. Ano ho ang activities ng Pangulo ngayon? Ang Pangulo po ba ay magtutungo dito sa rally naman sa Plaza Miranda, kasi ang sabi niya maging siya ay may protesta din po noong siya po ay na-interview ko noong isang araw?

USEC. ABELLA:                              Hindi ko pa ho masasabi kung—hindi ko masisigurado iyan. Ang schedule po niya ngayon ay labeled private. Hindi natin alam iyong galaw niya, but I’m sure na kung saan man po siya and he maybe…hindi ko po—kung nasaan po siya ngayon, ang kaniya pong simpatiya ay para sa protestang araw na ito.

ERWIN:                                              Alright. Isa pa hong katanungan, sir. Iyong PNP may instruction siya at saka AFP na huwag lumutang, lalabas na lang sila sa mga kampo kapag kinakailangan na, kapag magulo na, standing po yata iyang order na iyan kay General Bato at kay AFP Chief of Staff, sir?

USEC. ABELLA:                              Ano po pakiulit, pakiulit nawala po?

ERWIN                :                                               Iyong order niya hindi ho ba noong isang araw na dineklara niyang National Day of Protest po ito. Ang sabi niya, ‘kayong mga pulis, kayong mga sundalo, diyan lang kayo sa kampo, lumabas na lang kayo kapag kinakailangan pero for now diyan lang kayo, huwag kayong gumalaw, hayaan ninyo iyong mga taong magprotesta.’ Standing ho ba iyan sir?

USEC. ABELLA:                              Standing po iyan, sigurado po iyan. Alam naman po natin na ang Presidente is a very allowing person at wala po siyang takot na mag-express ang taong kani-kanilangmga…iyong niloloob ng kanilang puso na dapat—gusto niya ma-express talaga eh, kaya lang within the bounds lamang po.

ERWIN:                                              Alright. Sir, maibatayo, last question. May mga nagtatanong daw bakit daw po ang Pangulo tila tahimik daw po at wala po siyang reaksiyon dito sa nangyari dito sa law student sa UST nanapatay dahil sa hazing. Nagtatanong po ang ilan, well, siguro itong mga kalaban. Bakit daw ayaw magkomento ng Pangulo rito?

USEC. ABELLA:                              Hinahayaan po niya na ang ano, ang imbestigasyon…alam naman po natin na ang stand lagi ng Presidente ay hindi siya…hindi siya mag-i-interfere. Hindi siya—he will not try to influence in any manner possible. Ina-allow na po niya, alam naman natin na under investigation na iyan.

ERWIN:                                              Alright, Undersecretary Ernesto Abella, Presidential Spokesperson. Sir, maraming salamat, magandang umaga. Mabuhay po kayo, Usec., Sir.

USEC. ABELLA:                              Likewise po.

ERWIN:                                              Thank you.

###

Resource