Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Binibining Maharlika / FB Live

 

MAHARLIKA:  All right. So magandang umaga po, Pilipinas at sa lahat po ng mga OFW natin from all over the world. Kasama po natin ngayon ang ating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque! Sir, kumusta po kayo?

SEC. ROQUE:  Magandang umaga sa iyo, Maharlika. At magandang umaga sa lahat ng mga nanunood sa atin sa Pilipinas, umaga, tanghali, gabi, kahit nasaan man kayo. Iyan po ang napakaganda sa internet, mabuhay po kayo. Magandang araw sa inyong lahat.

MAHARLIKA:  Ayan, so nabati n’yo na po ang ating mga kababayan. Sir matanong ko lang, since International Women Celebration – Women’s Day today – ang pag-uusapan po pala natin ngayon ay iyong mga inspiring women at saka expiring women po. So bago po natin sila pag-usapan, ilan na po iyong nabato ninyo hypothetically ng hollow blocks na kumukontra sa ating gobyerno?

SEC. ROQUE:  Well, marami-rami na po sila ‘no, hindi ko na nga po mabilang. Pero siyempre ang paborito natin diyan iyong nakakulong na. Ako naman sinasabi ko, nakakulong na siya, hindi ko na nga siya pinapansin, pero kapag siya ay bumabato pa rin, eh siyempre kinakailangan adobe ang kaniyang matikman.

So siyempre ang aking paboritong drug queen na nakakulong po ngayon ‘no. At siyempre  meron din po diyan, iyong nagpapanggap na imbestigador, pero hindi naman  po siya imbestigador, dahil siya po ay propagandanists na ang tawag sa kaniya Special Rapporteur, isa rin po iyan, hindi pupuwede iyan na ikaw  ay nais mag-imbestiga, pero ikaw ay meron ng konklusyon. Kung gusto mo talagang mag-imbestiga, honest to goodness iyan, wag naman iyong may konklusyon ka na at susuportahan mo ang konklusyon mo sa pamamagitan ng pag-iimbestiga.

At siyempre nandiyan din iyong mga purveyors of fake news. Naku, sinasabi nilang paglabag sa kanilang karapatan ng malayang pamamahayag, iyon pala fund raising scheme. Fund raising scheme na sabi ng gobyerno ay lumabag sa Saligang Batas at mga batas. Eh bakit nila ibabato sa Palasyo ang sisi, eh dapat hindi sila naghangad na magkaroon ng ganiyang kalaking halaga, tapos eh, hindi pala sila susunod sa Saligang Batas.

Tapos sila mismo eh, sinasabi nagbabantay sila sa mga namumuno para masigurado na hindi nalalabag ang Saligang Batas at mga batas, pero sila pala mismo ay lumalabag.

MAHARLIKA:  Tama po, sir, actually, sir doon sa unang binanggit ninyo na drug queen, ang tawag ko po doon ay [unclear] for sure, pareho po tayo ng nasa isip. Kasama po siya sa mga expiring women na pag-uusapan natin, si De Lima. Kasi po, over a year na po ano iyong kaniyang pagkakakulong, dahil nga po na-involved siya sa mga drug syndicates o iyong mga naging drug protector kaya po siya nakulong. So sir, ang pinapalabas po kasi ni De Lima,  until now, not  only De Lima iyong iba pang mga kaalyado niya, ay ito daw po ay bullying o pag-aatake sa kaniya ng Presidente.

SEC. ROQUE:  Well, hindi po totoo iyan. Dahil ako mismo narinig ko sa dalawa kong mga tainga, iyong testimonya, hindi lang naman ng mga convicted drug lords. Kung hindi, unang-una iyong kaniyang boyfriend. Kapag ikaw naman ay nagsama ng pitong taon ‘no, eh hindi naman siguro pupuwede na magsisinungaling na lamang iyong iyong lover of 7 years.

Eh ganun din po ang testimonya nung sarili niyang tinalaga na hepe ng Bureau of Corrections. Bakit naman magsasabi ng kasinungalingan ang isang tao na meron ng utang na loob sa iyo, dahil si De Lima mismo ang nagtalaga diyan, nagrekomenda na ma-appoint siya ng Presidenteng Noynoy Aquino bilang isang BuCor Director. At siyempre iyong isa pa na nagturo kay De Lima, bilang protector ng mga drug lords at dahilan kung bakit nagpatuloy ang drug trading sa Muntinlupa ay iyong isang Deputy Director na siya rin ang nag-handpicked. At siya rin ang nagrekomenda na matalaga.

So sa akin, hindi po totoo na puro  drug lords lang ang mga nagte-testify kay Leila De Lima, sarili niyang matataas na opisyales, siya ang nagtalaga, sarili niyang boyfriend ay nagsabi na talagang siya ay nakinabang  dito sa kalakalan ng pinagbabawal na droga.

At pagdating naman doon sa mga testimonya ng mga drug lords, ang testimonya naman eh, palagi silang pinapasok ni Leila De Lima sa kulungan nila, palagi silang   may mga pagkakataon, nagbigay sila mismo ng pera, Bakit naman natin pagtatakhan iyan eh, eh kalakalan nga ng pinagbabawal na gamot ang pinag-uusapan, siyempre alam nila kung sino ang mga pinagbibigyan nila.

Pero ang punto, sige, aminado tayo na in jurisprudence, eh parang iyong weight  o iyong bigat ng testimonya ng mga convicted drug felons  ay hindi masyadong  ganoong kabigat,  eh paano naman iyong mga hindi convicted drug felons, BuCor Director  at saka NBI Deputy Director  at iyong  boyfriend niya na hindi naman mga convicted drug felons!

So, ako talaga  malinaw sa akin, dahil ako ay nasa Kongreso pa nung narinig namin ang mga testimonya ng mga taong ito na talagang nakinabang at kasama sa  conspiracy na mangalakal ng pinagbabawal na droga itong si  Leila  De Lima.

MAHARLIKA:  Okay, so actually napanood na rin natin iyan, iyong hearing at saka hinangaan   ko po kayo doon eh, noong time na iyon. But anyway po ang nakakapagtaka lang po, halos po ng mga umaatake, actually sa Pangulong Duterte o nagpapakalat ng kasinungalingan, not only diyan sa Pilipinas, but sa international media ay puro mga— ang tawag ko po sa kanila mga expiring women.

So ngayon po, itong  Rappler naman, di ba alam naman natin, ito I think yesterday po diyan na kinasuhan na nga po  ng NBI para  doon sa kanilang tax evasion  case nga po. At saka pinapalabas po ng Rappler, si Maria Ressa at saka, you know iyong reporter nila na si Pia Rañada na ito daw po ay ang suppression of freedom of press. Kaya po ginagawa or behind daw po ang Pangulo dito sa mga kaso nila, dahil daw po ay –dahil kini-criticize nila ang ating Pangulo.

So ang nakakapagtaka po Spox, lahat sila halos, puro tama sila, mali ang Pangulong Duterte, inaatake sila dahil kini-criticize nila! So, ano po ang opinion ninyo dito sa Rappler, kay Pia Rañada at saka ngayon sa tax evasion case?

SEC. ROQUE:  Well alam n’yo po nasabi ko na iyong aking paninindigan pagdating doon sa Philippine Depositary Receipts iyan ng Rappler. Iyan po ay dahil nais nilang kumita, ayaw nilang sumunod sa Saligang Batas.  Eh alam na alam  naman nila – media  company sila – alam nila na hindi  dapat ma-control o magkaroon ng  control ang mga dayuhan  pagdating sa mga mass media company, kasi pupuwede silang maging tool of indoctrination.

Siyempre kapag ang dayuhan ay may hawak ng tool of indoctrination, puwedeng labanan, gamitin iyan laban sa halal na pamahalaan ng Pilipinas. At ang sa akin, malinaw po, walang kinalaman ang Presidente diyan. Kung may kinalaman po ang Presidente diyan, matagal nang sarado ang Rappler, hindi po. Bukas pa rin ang Rappler, hanggang ngayon walang mabuting sinusulat kay Presidente! Patunay po iyan na meron tayong kalayaan ng malayang pamamahayag. Kaya lang hindi natin kontrolado kung ano ang ginagawa ni Maria Ressa para siya ay kumita. Sa akin naman, sige karapatan pantao rin iyan na kumita, pero kumita ka galangin mo naman ang batas at Saligang Batas!

At pagdating naman dito sa tax evasion case, malinaw naman iyan, naging depensa nila doon sa desisyon ng SEC na donation daw iyong binigay sa kanila na 1.5 million dollars. Eh Maharlika, ikaw nasa America, kung ikaw siguro bibigyan ng 1.5 million dollars, talaga namang napakalaking bonanza iyan. Pero iyon naman, sila naman ang nagsabi eh! “O, hindi kami lumalabag, dahil donation na iyan, wala ng control”. Eh kung donation iyan, bakit hindi ka nagbayad ng donors at donee’s tax?

Alam mo, uulitin ko po, kung ikaw ay isang mamamahayag, hindi ka lang merong advocacy para sa katotohanan. May advocacy ka rin para itaguyod ang Saligang Batas at ang mga batas! Hindi pupuwede na ikaw mismo, hindi susunod sa Saligang Batas at batas at kapag ikaw ay nabuking at pinanagot sa hindi mo pagsusunod sa batas, eh sasabihin mo “freedom of the press”. That gives freedom of the press a very bad name. That actually trivializes a very important right. Ang sa akin lang, bayaran kung ano ang dapat bayaran sa gobyerno, dahil pati naman sa Bibliya nakasulat diyan, give to Cesar what is to Caesar and to God what is to God ‘no. Kahit saan mo tingnan iyan, pagdating naman sa mga kinikita, dapat binabayaran ang buwis.

MAHARLIKA: Pero, sir, sinabi po ni Maria Ressa na nagbayad daw po sila ng taxes nila. So malinaw po ito na ito ba’y kasinungalingan dahil sinabi niya doon sa isang article, kababasa ko lang before tayo nag-start, na nagbayad daw po sila ng tamang taxes.

SEC. ROQUE: Well, ang pinag-uusapan po ngayon iyong donor’s at donee’s tax siguro po. Bagama’t ako talaga hindi ko alam kung ano ang basehan ng reklamo ng BIR, hindi ko pa po nababasa. Pero iyan po kasi iyong sa kainitan ng kontrobersiya tungkol sa Philippine Depository Receipt ay parang may nabasa nga ako na donasyon daw iyon kaya hindi pupuwedeng maging basehan para makontrol sila.

So sabi ko kung donasyon, dapat nagbayad ng buwis. Eh iyon pala, lumalabas, mukhang hindi sila nagbayad.

MAHARLIKA: Actually, napakalaki po ng donasyon ‘di ba?

SEC. ROQUE: One point five million.

MAHARLIKA: One point five million dollars. Bongga naman nung nag-donate.

SEC. ROQUE: Uy, ano naman, Maharlika, baka may kilala ka rin diyan na puwedeng mag-donate sa atin ng 1.5 million! Pangako ko, maski kalahati noon, ibibigay ko na sa taumbayan.

MAHARLIKA: Oh ‘di ba, bongga.

SEC. ROQUE: Kalahati lang, akin iyong kalahati.

MAHARLIKA: So maghahanap po tayo. I hope may mag-donate sa atin.

SEC. ROQUE: Hindi naman ako gahaman gaya ng iba diyan ‘no, sinosolo, 1.5 million.

MAHARLIKA: Correct. Kausapin kaya natin si Loida Nicolas Lewis kasi po napakayaman po niya dito sa Amerika. At nag-donate po iyon ha, nag-donate po iyon sa Harvard ng – if I’m not mistaken – three million dollars. Oh ‘di ba, gusto ninyo kausapin po natin. Hindi, tsika lang po.

SEC. ROQUE: Well, Loida, kung nanunood ka, kapag ikaw ay magdo-donate sa akin, kalahati ay ibibigay ko sa mga mahihirap. Promise iyan.

MAHARLIKA: Oh ‘di ba, bongga. Kasama na po ako doon, Spox. Kaloka.

But anyway, another expiring woman: Si Sereno po. Okay, si Chief Justice Sereno ngayon ay iimbestigahan po sa Senado, tama po ba? Dahil base nga po doon sa voting noong nakaraang araw ay 38-2 ang bumoto sa House of Representatives.

So ito rin po, sabi ni Sereno kanina, ito daw—ang ginagawa sa kaniya ay pambu-bully. Ito daw ay threat, harassment sa kaniya ng gobyerno. So again, kung wala pong basehan ito, bakit po ganito kakapal ang mukha, especially itong si Sereno, na sinasabi niya na ito daw ay walang katotohanan. So, ano po ang inyong opinyon dito? At sa tingin ninyo, hanggang kailan ito maumpisahan, iyong kaniyang impeachment trial?

SEC. ROQUE: Alam mo, ayaw ko na sanang sagutin iyan kasi sabi ng psychologist na nagbigay ng test sa kaniya sa JBC ay medyo mayroong—

MAHARLIKA: Sapak.

SEC. ROQUE: Medyo may tama. Sa basehan …kung ang pagbabasehan ay mga kilala ng mga psychological testing ay medyo may tama nang konti itong si CJ. Kaya nga ang nakakapagtaka sa akin, iyong testimonya ng psychologist na iyon at saka iyong mga resulta ng mga psych exam na iyan, hindi naman natin pupuwedeng bale-walain iyan, eh sabi nga mayroon nang tama eh ‘no. Eh hindi ba kapag ikaw ay may tama at tinago mo iyan, iyan ay betrayal of public trust dahil—

MAHARLIKA: Spox, sorry to interrupt you. Iyong nag-ano po sa kaniya, iyong nag-appoint, di ba may tama din po iyon?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman (overlapping voices) … tingnan natin iyong test at tingnan natin kung isasapubliko iyan. Pero sa akin, bukod pa doon sa mga sinasabi ng mga psychological test na iyan, ang katotohanan, ang mga nagbigay ng ebidensiya sa kaniya, ang mga nagdidiin sa kaniya, ang mga humihingi na siya ay magbitiw ay sarili niyang kasama – mga kapwa mahistrado sa Korte Supreme.

So kung siya ay binu-bully, sino ang nambu-bully sa kaniya? Eh siya ang hepeng mahistrado, and yet, ni isang mahistrado ay walang kumakampi sa kaniya. Mag-isip-isip naman siya! Kung siya ay binu-bully, bakit naman walang ni isang mahistrado na kumampi sa kaniya? At ang pagkakaalam ko, pati iyong mga judges ng lower courts ay nanawagan na o mananawagan na siya ay bumaba sa puwesto.

So sa akin: naku, baka naman hindi ka biktima ng bully. Baka naman talaga hindi ka lang katanggap-tanggap kahit kanino!

MAHARLIKA: Baka nga po sumasapi na iyong kabaliwan niya.

SEC. ROQUE: Pero sa akin naman, pagdating naman sa Presidente, hinahayaan ng Presidente ang proseso na umusad kasi nga, nasa Saligang Batas naman iyang prosesong iyan.

Pero ang ayaw ko lang, iyong mga sinasabi niya lately na ang Presidente daw ang dahilan kung bakit siya pinatatalsik sa puwesto.

MAHARLIKA: Iyon nga po, sir, iyon nga po.

SEC. ROQUE: Eh bakit niya ituturo ang Presidente, eh ang pansinin niya iyong mga kasama niya sa korte dahil iyong mga co-justices niya mismo ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat diyan.

In other words, hindi na po siya kinakailangang i-bully ng Presidente, she has done a magnificent job at alienating her own colleagues. At iyong mga colleagues niya na mismo ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat diyan, hindi po ang Presidente. The President has been spared from doing that by her own colleagues.

MAHARLIKA: All right, so ayan. So actually po iyong mga itinatanong ko sa inyo na mga kababaihan, pare-pareho po sila, mayroon po silang common denominator. Nakita natin na may mga ebidensiya laban sa kanilang mga … mga ipinayl na kaso sa kanila. Pero, ang kanila pong common denominator ay sinisisi ang ating Pangulo!

At dahil diyan, dadako tayo kay ano naman, kay Ombudsman Conchita Morales! ‘Di po ba may naka-file na kaso sa kaniya noong December, tama po ba ako?

SEC. ROQUE: Mayroon pong nag-file pero wala po kasing nag-i-endorso na miyembro ng Kongreso. Kinakailangan po kasi ang impeachment complaint, bagama’t iyan ay naihain na, kinakailangang i-endorso ng at least isang miyembro ng Kamara. At wala naman pong nag-i-endorso dahil ang tingin ko, sa July kasi ay bababa na siya sa puwesto – mandatory retirement – dahil tapos na iyong termino niya. Siguro iniisip ng mga mambabatas bakit pa eh Marso na ngayon, apat na buwan na lang ay bababa na siya ‘no.

MAHARLIKA: Parang waste of money lang po iyan ano, ng pera ng gobyerno.

SEC. ROQUE: Oo. Ang problema naman dito kay Ombudsman Morales, ang sinasabi ng marami,  bagama’t siya ay tagapag-enforce ng law pagdating sa mga batas na umiiral sa public officers ay napakabigat ng kaniyang mga paa para habulin iyong mga dilawan na may pananagutan.

For instance, iyong license plate bill! Hanggang ngayon ay walang mga license plates sa mga Pilipino, wala namang nadedemanda na mga dilawan. Itong MRT 3, kami pa ngayon ang nag-iimbestiga matapos ang halos dalawang taon na. Eh matagal nang bulok ang MRT 3 dahil nga pinalitan nila iyong Sumitomo na katino-tino, pinalitan nila ng mga malalapit sa makapangyarihan noong panahon ng dilawan. Mga never heard company ‘no ang binigyan nila ng service contract dahilan para magkaloko-loko talaga iyong MRT 3. Bakit hindi napapanagot iyong mga ganiyan?

So iyan iyong dahilan kung bakit maraming nagagalit. Pero sa akin naman, well, tapos na ang termino, siguro hayaan na natin maging leksiyon ito na sa susunod siguro dapat ang i-appoint na Ombudsman ay iyong walang kinikilingan talaga. Dahil kapag mayroon talagang kinikilingan, ang nakakasuhan lang ay iyong mga kaaway ng mga puwersa ng nagtalaga ng Ombudsman.

MAHARLIKA: And I hope po, Spox, hindi na po maupo ang mga dilawan kasi sa lahat po ng mga nakikinig, isinusuka na po sila ng taumbayan, not only in the Philippines but all over the world. Nakita naman po natin kung gaano kalakas ang suporta ng mga Pilipino sa pagbabago, ‘di po ba?

So mayroon pa po isa tayo …actually, may dalawa pa tayong mga expiring ano dito, women. Si Judy Taguiwalo na dating DSWD. Ngayon po, napapansin ko po na nagsasalita siya against sa ating Pangulong Duterte. Tinatawag po niya iyong mga followers ni … o iyong mga bumoto kay Pangulong Duterte na “Dutertardism” tama po ba? Tapos, ang sinabi po niya, may statement po siya dito, babasahin ko po sa inyo, ito ay yesterday niya lang sinabi. Sabi niya: President, I keep faithful with you. Nalulungkot lang ako kasi I don’t think you keep faith with me at the end.

So ngayon po, nagsasalita po siya ng pangit o paninira nga sa Pangulong Duterte. So ano po sa tingin ninyo ang nangyari bakit biglang, you know, kaliwa, umayon sa gobyerno, kumaliwa ulit?

SEC. ROQUE: Well, malinaw po iyan ‘no. Unang-una, kung ang Presidente po ay hindi karapat-dapat na mamuno, bakit ka pumayag na maging parte ng kaniyang Gabinete? Kapag ikaw ay naging parte ng Gabinete kasi – alter ego ka – iisa lamang kayo ng Pangulo. So kung mayroong pagkakamali, may pagkukulang ang Presidente, eh dapat hindi ka sumapi sa kaniyang Gabinete.

Iyan din ang pula ko kay Leni Robredo kasi in the first place, kung talagang killer ang Presidente, kung talagang hindi naniniwala sa rule of law, dapat hindi kayo tumanggap ng kahit anong puwesto lalong-lalo na Gabinete dahil as Cabinet members, you’re alter egos; extension kayo ng Pangulo. Kung gaano kabulok ang sinasabi ninyo ang Pangulo, ganoon din kayo kabulok dahil naging bahagi kayo ng Gabinete.

Pero itong si Judy, kaibigan ko po iyan. Ang talagang naging istorya diyan ay noong sa simula naman talaga, nakikipag-alyado ang mga komunista sa ating gobyerno at ang Presidente naman ay hindi minamasama iyan dahil naniniwala rin naman ang Presidente na kinakailangan baguhin ang lipunan dahil masyado namang naghaharing-uri iyong mga mayayaman.

Pero ang ayaw lang ng Presidente, unang-una, eh gusto nilang magkaroon ng coalition government. Ang sabi naman ni Presidente, tama na iyan na binibigyan ko kayo ng boses sa aking Gabinete, na tinanggap ko kayo bilang alter ego, pero kayo ay hanggang alter ego lang. Kung gusto ninyo talagang mamuno, kumuha kayo ng mandato sa taumbayan dahil ganiyan naman talaga ang demokrasya – hindi pupuwede na nagkakaroon ng kapangyarihan na walang mandato.

Noong Gabinete sila, ang mandato nila ay galing doon sa mandatong binigay sa Presidente ng taumbayan. Pero ang gusto ngayon ng mga komunista, magkaroon ng kapangyarihan, wala namang pananagutan at walang mandato sa taumbayan.

SEC. ROQUE:  At siyempre noong mga panahon na iyon, dahil nga nagkaroon ng alyansa ang Presidente sa kanila, akala rin ng Presidente dahil magkakampi na tayo, ititigil n’yo na  ang paggamit ng dahas! Dahil ako naman nakaposisyon, binigyan ko na kayo ng mga posisyon na kinakailangan para magkaroon ng kalutasan iyong mga root causes of rebellion na tinatawag.

Pero bakit habang nakikipag-usap pa rin ng kapayapaan, walang tigil ang pagpatay ninyo sa mga kasundaluhan. Iyong isang beses nga eh 38 ang tama ang inabot nung isang pobreng sundalo! So talagang napika na ang Presidente, walang sinseridad, ang gusto lang talaga ng mga komunista, kapangyarihan din, kapangyarihan bagama’t sila po ay hindi nabigyan ng mandato ng taumbayan.

MAHARLIKA:  Tama po, since binanggit n’yo po si Robredo, ang tawag ko po sa kaniya, marami po akong   tawag sa kaniya “fake Vice President”, nagpanggap na basurera dito sa Amerika. At ito nga po recently iyong interview niya na – I think nasagot n’yo na rin ito – pero for the heck of this video. Sinabi po niya na open naman siya para sa panibagong puwesto sa Gabinete pag nag-offer ang Pangulong Duterte. So sa tingin n’yo po, bakit niya kaya nasabi ito? Ano kaya ang pumasok sa isip niya na parang open na naman siya ngayon sa kabila ng paninira niya sa ating Pangulo?

Dumayo pa iyan sa Amerika, Spox eh, na sinabi niya about the EJK, iyong mga palit-ulo scheme, di ba? Naggawa pa ng video iyan. Sa tingin n’yo po anong pumasok sa isip niya nung sinabi niya na open siya, di ba? Bukas ang kaniyang –open arms na tatanggapin niya ang  gabinete kung  sakaling bigyan siya ng puwesto nga.

SEC. ROQUE:  Eh alam n’yo naman talaga, it’s power, it’s the desire to wield power. At siguro gaya ng sinabi ko na nga kanina, hindi niya pupuwedeng pulaan ang Presidente, dahil tumanggap na rin siya ng posisyon ng gabinete. Iisa lang sila ng Presidente.

So siguro naisip niya, minsan tumanggap na ako, eh di bumalik na ako ‘no. Dahil estopped siya, ang tawag diyan sa batas ay estop.  Hindi mo pupuwedeng batikusin ang isang Presidente na pumayag ka na maging alter-ego, magpakatotoo tayo.

Kapag tumanggap ka ng Gabineteng position, iisa lang kayo, wala   ka nang personalidad, ikaw ay extension lamang ng Presidente. Paano mo ngayon babatikusin ngayong hindi ka na nasa gabinete! So, siguro niyan, iniisip niya eh, di kumuha na rin ako ng posisyon   sa gabinete muli. Pero sinagot ko na po iyan, ngayon po bagama’t may mga bakante—

MAHARLIKA:  At saka may kondisyon po siya na sinabi po niya na basta, may mga ilalatag siyang kondisyon sa Pangulo, just in case “magkaroon siya ng posisyon kung mabigyan siya”.

SEC. ROQUE:  Well umasa po siyang lumatag, hindi po mangyayari iyon, dahil hindi naman po ata siya bibigyan ng kahit anong puwesto ng Pangulo.

MAHARLAKI:  All right. So natapos na natin iyong mga expiring women. Doon naman po tayo sa tunay na inspiring women, pag-usapan naman po natin. Ang tanong ko po sa inyo, Spox. Sino po ang idol ninyo or nag-i-inspire sa inyo na woman o women, kung sinu-sino man po iyon.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po ang aking maybahay. Ang misis ko po ay astig na astig iyan pero sweet na sweet at talaga namang…

MAHARLIKA:  Para po palang ako iyan.

SEC. ROQUE: …Lovable. Iyang aking misis po, aktibista sa puso iyan, pero mahinahon sa kaniyang mga pang-araw-araw na actuation. So palagi niya akong pinaalalahanan, hinay-hinay lang, dahil hindi naman ito permanente, pero ang sa akin naman, wala naman akong masamang ginagawa at hindi naman ako nagbagong tuluyan. Ako pa rin ito, meron na nga lang akong titulo, pero hindi naman iyan pumapasok sa ating ulo, alam natin iyan na madali lang ito.

Pero ang misis ko kasi, ang tingin ko siya ay isang modelo.

MAHARLIKA:  Abogado rin po siya?

SEC. ROQUE:  Hindi siya model0, kung hindi, she is—she exemplifies the Filipina woman, independent siya, may sariling paninindigan. Ang feeling niya talaga ay ang aming tahanan, talagang siya ang namumuno sa tahanan namin na pinaka-importanteng institusyon sa atin. Kunwari lang iyan, iyong mga lalaki nagtatrabaho, kunwari lang iyang kami ang hepe de pamilya, pero talagang ang mga desisyon ay ginagawa ng ating kababaihan. At ito naman  ang dahilan kung bakit as we celebrate Women’s Day ay kinikilala ng mga  surveys na ang mga Filipina talaga, ang lipunan natin, isa sa  napaka-kaunting lipunan na tinitingala at binibigyan ng importansiya ang kababaihan.

Sa survey, mas mataas ang suweldo ng mga babae sa atin, mas  maraming mga senior positions  sa  pribadong sector  at siyempre  anthropologically speaking ay talagang kinikilala naman na  tayo po ay isang matriarchal society na sa  unang panahon pa talaga, iyong mga importanteng desisyon,  mga kababaihan ang gumagawa niyan.

Ako mismo, lumaki rin ako sa isang pamilya na dominated by women. So, iyong pagpili ko sa aking asawa siguro naimpluwensiyahan ako ng gusto ko malakas ang babae, may sariling diskarte, may sariling paninindigan.

So sino pa iyong mga babaeng naka-impluwensiya sa akin? Iyon, yung nanay ko, dahil astig din iyon. Nag-OFW iyon, at talagang siya talaga ang naging   breadwinner namin sa aming pamilya. Dahil iyong tatay ko naman halos walang kinikita, dahil siya ay isang pastor.  So ang pastor talaga wala iyan, mga abuloy lang iyan, hindi naman uso iyong malaking suweldo

MAHARLIKA:  Pero po iyong mga pari, maraming pera, iyong mga nag-o-oppose kay Pangulong Duterte at saka mga Madre.

SEC. ROQUE:  Ang tatay ko po pastor, hindi po siya pari. Kaya may asawa at may anak.

MAHARLIKA:  Anyway, sige proceed po tayo, Spox.  Isa sa mga inspiring women para sa akin si Madame Governor Imee Marcos. Actually nakita ko po kayo sa Paoay nung pumunta po ako, nahiya lang po akong batiin kayo.

SEC. ROQUE:  Bakit hindi mo ako binate?

MAHARLIKA:  Nahiya po ako. So anyway ano po iyong thought ninyo sa you know, senatorial bid ni –on 2019 alam ko, not alam, I feel na baka tumakbo po ang ating Imee Marcos, ano po iyong thought ninyo dito kay Madame Imee.

SEC. ROQUE: Well, ang feeling ko naman sure bet naman si Governor Imee para sa Senado. At alam mo si Governor Imee, sa ayaw mo at sa gusto  mo, eh magiging kaibigan mo, kasi down to earth, ang tawag nga namin sa kaniya ang babaeng bakla, pag ako kasama siya, walang tigil ang aking tawa, puro talaga  kasiyahan kapag kasama mo si Imee.

Pero siyempre pagdating sa mga naganap niyang –o mga nagawa na niya sa Ilocos, tingnan mo naman ngayon ang Ilocos ‘no, napakatagal nang nawala ang kaniyang Ama, mahigit 30 anyos na at dahil nga nangyari ay napaalis sila ng Pilipinas. Isipin mo na magkakaroon ang kakulangan nag Ilocos, pero napaka-progresibo ng Ilocos, diyan nagsimula iyong mga windmill as an alternative source of energy. Diyan iyong napauso iyong mga cruise liners na naging dahilan kung bakit napakataas ng tourist arrivals sa Ilocos.

At saka siya iyong nagsimula ng libreng sakay galing sa airport papunta sa mga hotel. Sa buong Pilipinas, diyan lang ang meron. Talagang napakalaking tulong iyan para sa turismo at alam naman natin na kapag malakas ang turismo nakikinabang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hanap-buhay ang napakaraming mga Ilokano.

MAHARLIKA:  Third, si Madame Mocha Uson. Ano naman ang opinyon mo sa kaniya? I believe friends na po kayo, di ba, after nung mga eksena.

SEC. ROQUE: Hindi kami ever naging not friends. We have always been friends. We have always been friends, so let me correct you there.

Si Mocha Uson kasi, suportado ko talaga iyan. Ang sabi ko talaga, hindi ko lang alam kung naniwala siya sa akin, na ang hinahangaan ko ay napakaraming naniniwala sa kaniya at sumusunod sa kaniya sa Facebook. At ang sabi ko nga, napakalaki ng potential na mayroon si Mocha Uson para magkaroon ng impact sa buhay ng napakaraming tao dahil ngayon pa lang ay sinusundan na siya.

In fact, bago pa siya pumasok ng gobyerno, pinaniniwalaan na siya ay sinusundan na siya. At ako naman talaga ay naniniwala ako na mas modelo talaga si Mocha Uson para sa ating kababaihan dahil si Mocha Uson ay nakikita natin, nagdesisyon siyang magbagong-buhay at talaga namang nagpupursige dito sa kaniyang bagong buhay.

So ang akin lang, nakikiusap ako sa mga bumabatikos kay Mocha Uson. Siguro naman kung ikaw ay namatayan ng tatay, kinakailangan mabuhay, kinakailangan magbigay ng sustento sa pamilya, gagawin mo ang dapat gawin. Pero iyong parte ng buhay noon ni Mocha Uson, tapos na. Ngayon, sabi niya, magbabago ako! At nakikita naman natin na wala naman kahit sinong sabihin na hindi pupuwedeng magkaroon ng pangalawang pagkakataon.

So iyan po ang dahilan kung bakit napakataas ng tingin ko kay Mocha Uson, dahil siya po ay nagbibigay ng pag-asa sa marami nating mga kababaihan na pupuwedeng magkaroon ng pangalawang pagkakataon.

MAHARLIKA: Exactly po kaya po na-inspire din ako sa kaniya. How about Representative Gwendolyn Garcia po?

SEC. ROQUE: Ay, BFF ko iyan, oh my goodness. Naku huwag mo na sa akin tanungin iyang BFF na iyan! Alam mo iyan, kahit anong mangyari, BFF ko iyan at talagang kami ay makikibaka na magkasama. Biro mo nangyari sa amin sa Kongreso noong impeachment ni Andy Bautista, palibhasa siguro maraming alam si Andy Bautista sa mga sikreto ng maraming mga pulitiko ‘no. Tatatlo lang kami na bumoto para sa impeachment ni Andy Bautista sa Committee on Justice. Dalawa lang kaming bumoto kasi si Bambol Tolentino, nadagdag-bawas pa. Wala pa lang boto si Bambol Tolentino ‘no.

At talagang—feeling ko nga kaya ako kinuha ni Presidente, naawa sa akin nung inaapi-api kami doon sa Committee on Justice. Pero naku, through thick and thin ang pagsasama namin diyan ni Gwendolyn Garcia. Tama po kay0, she is one of the women achievers in our society.

At alam mo pa, you know ang buhay rin niya ay very inspiring. Iyong kaniyang domestic situation, annulled ang kaniyang marriage. Dati-rati, typical woman siya, supportive lang sa asawa. Hindi nagtagal ang relasyon, nakipaghiwalay at gumawa ng pangalan para sa kaniyang sarili. Sa tingin ko ang mga kababaihan ay tingnan natin bilang modelo si Gwendolyn Garcia. Hindi po end of the world kapag nawala po ang inyong mga asawa, she went on. She became the first woman governor of Cebu. She is now deputy Speaker, the very first woman deputy Speaker from the Visayas. And she will, I suppose, return to her native Cebu for the old position that she had.

MAHARLIKA:  All right. What about Inday Sara?

SEC. ROQUE: Naku, Inday Sara po, talagang—alam mo, siguro isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi naman ako nagkakamali kapag tinatanong ako sa mga opinyon ng Presidente. Pero kami ni Presidente, ang gusto namin ay mga malalakas na kababaihan. Sa akin po, ideal—

MAHARLIKA: Kasama po ba ako doon? Malakas din ako eh.

SEC. ROQUE: Oo. Ideal na ideal sa akin si Inday Sara dahil mayroon ding paninindigan, may sariling, kumbaga, hindi umaasa kahit kanino. She speaks her mind. She’s very feisty. Iyan po ang gusto ko. Ayaw ko iyong mga pa-swee-sweet na wala namang nagagawa ‘no.

MAHARLIKA:  Pa-tweetums. Iyong mga arte-arte, katulad ng pekeng Vice President!

SEC. ROQUE: Oo. Hindi po. Talagang iyan ang ideal woman leader para sa akin – Inday Sara. Sapukin nang sapukin iyong mga clerk of court na lumalabag sa karapatang pantao ng ibang tao. Doon ko po siya unang hinangaan. Hindi ko po siya kilala noong mga panahon na iyon. Pero noong nakita kong inupakan talaga niya iyong lalakeng sheriff, sabi ko, “Good for you, girl.” “Show them, girl,” sabi ko ‘no. So I love Inday Sara.

MAHARLIKA: Yes. So iyon, napag-usapan po natin iyong inspiring women at saka expiring women, especially iyong mga dilawan ano, iyong mga mag-e-expire na.

Bago po tayo magpaalam sa ating mga kababayan, ano po iyong view ninyo doon sa nalalapit na recount ng Marcos vs. Robredo?

SEC. ROQUE: Well, alam mo kasi, ako ay naniniwala sa siyensya. At ang siyensya naman ay nagsasabi talaga na may posibilidad na mas maraming bilang ng boto na natanggap itong si Senator Bongbong Marcos. Ang sa akin lang, napakatagal ng proseso. So sana bilisan ang proseso dahil importante naman na dinggin natin ang mandato ng taumbayan.

MAHARLIKA: All right. So dahil diyan, maraming, maraming salamat po, Spox Harry Roque, sa inyong pagpaunlak ng interview na ito. Grabe, napaka-very cool po ng conversation na ito. At I hope, maraming natutunan iyong ating mga kababayan at ating mga OFW na nanunood ngayon na naghihintay sa ating interview na ito. Final message po para sa ating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, maraming salamat po, kapwa Pilipino, sa suportang pinapakita ninyo kay Presidente Rodrigo Roa Duterte. Hindi naman po kayo nagkamali sa suportang iyan. Ang Presidente Duterte po ay kauna-unahang Presidente na nagbigay ng libreng tuition sa lahat ng state universities and colleges. At iyong mga nag-aaral naman po sa mga pribadong mga eskuwelahan, mayroon po tayong educational subsidy para doon sa mga mahihirap na mga estudyante.

Si Pangulong Duterte po ang kauna-unahang Presidente na nagbigay ng libreng patubig sa ating mga magsasaka. Siya rin po ang kauna-unahang presidente na magbibigay ng libreng tanghalian para sa ating mga estudyante sa elementary at grade school. At alam na rin natin na ang Presidente Duterte ang tanging presidenteng nagbigay ng libreng Wi-Fi.

At bago po ako  umalis ng Kamara de Representantes, siniguro ko po na naipasa ko rin sa Kongreso iyong isang priority bill ng ating Pangulo, iyong Universal Health Care, pagbibigay ng libreng pagamot at  libreng gamot para sa lahat ng Pilipino. Ito po ay bukod pa doon sa pinangako niya na krusada laban sa korapsyon. At nakikita ninyo naman, walang pakialam ang Presidente sa kaibigan, kaklase, kabarilan. Kung ikaw ay corrupt, sibak, sibak, sibak!

At ngayon po, ang pinakaimportanteng pangako niya, mapayapang mga komunidad dahil tayo po ngayon ay nagwawagi dito sa nagaganap na giyera laban sa droga.

MAHARLIKA: All right. So, sir, may pahabol lang na question dito: Tatakbo po daw kayo sa 2019 for senator? Susuportahan daw po tayo ng ating mga kababayan!

SEC. ROQUE: Salamat po sa suporta. Ang katotohanan po niyan, lahat ng plano ko sa bahay ay nabago noong tinanggap ko po itong puwesto bilang tagapagsalita ni Presidente. So ako po ay focused ngayon sa aking trabaho. Napakahirap po nitong trabahong ito: Number one, it’s 24/7; number two, lahat po ng batikos ay sa akin nakatutok; at number three, importante rin siyempre na talagang minamasdan natin at pinag-aaralan ang pag-iisip ng Presidente na hindi magkakamali.

I am one mistake away from being fired that’s why I always have to be on top of things. So akin po, let me survive this job on a daily basis, and ako naman po—alam ninyo po ako, anak ng teacher, anak ng pastor, hindi ko akalaing magiging congressman ako. Hindi ko akalaing magiging spokesperson ako. I leave my faith to God. Thy will be done po ang aking motto. Bahala na po ang Panginoon. Pero salamat po sa inyong suporta.

MAHARLIKA: Wow, very well said po. Alam ninyo po, habang kinakausap ko kayo, habang nag-uusap pala tayo, nararamdaman ko iyong sincerity coming from here. So ako naman po bilang isang ordinaryong Pilipino, ako po ay sumusuporta sa lahat ng mga pulitiko na lumalaban or sumusuporta sa pagbabago.

Asahan po ninyo kung anuman po ang magiging desisyon ninyo later on, basta para sa bayan, kasama ninyo po ang Maharlikas. Thank you very much, Spox Roque, maraming, maraming salamat.

SEC. ROQUE: Salamat po. Mabuhay po ang Pilipinas, maraming salamat po…

MAHARLIKA: Mabuhay ang Pilipinas. Thank you for watching po sa lahat ng mga OFW and Filipinos all over the world. All right, thank you po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource