Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Mike Enriquez (DZBB – Saksi sa Dobol B)

MIKE: Secretary magandang umaga po si Mike Enriquez po ito.

SEC. ROQUE: Mike magandang umaga po at magandang umaga sa lahat ng nakikinig.

MIKE: Sus maryosep nasa loob kayo ng eroplano. Maari bang makausap iyong piloto dyan?

SEC. ROQUE: Papunta po tayo ng Davao at I’m sure iyong itinatawag ninyo matutuloy na po, pero mas magandang gawin ko iyan mismo doon sa Davao para malapit kay Presidente.

MIKE: Ano ka ninyo? Paki-ulit nga dahan-dahan Secretary? Baka mamaya na naman aasa na naman kami ha, paki-ulit nga Secretary?

SEC. ROQUE: Kaya nga po doon sa Davao gagawin ang anunsyo. Para malapit kay Presidente.

MIKE: Para malapit niyang makumpirma o malapit kayong masisante, joke lang.

SEC. ROQUE: Hindi po, hindi po. Doon po natin sa Davao ia-anunsyo ng 1:30 today.

MIKE: Kelan?

SEC. ROQUE: Ngayong araw po.

MIKE: Ah ganoon. Ipinaalam n’yo na ba iyan doon sa Malacañang Press Corps?

SEC. ROQUE: Sa Davao po natin gagawin doon sa tinatawag na Panacañang. Kaya po nasa eroplano na tayo, patungo na tayo ng Davao.

MIKE: Anong oras gagawin iyong anunsyo?

SEC. ROQUE: 1:30 po iyong press briefing sa Panacañang.

MIKE: Baka mamaya sasabihin ninyo, meron na namang higher authority na nagsabi na—

SEC. ROQUE: Hindi po, hindi po. Well, alam n’yo naman po ako ay tagapagsalita lamang eh ‘no, ako po ay sumusunod lamang po sa utos.

MIKE: Naiintindihan po namin iyon, Secretary. Lahat tayo may bossing. Ganito po ang tanong Secretary. Bakit parang—hindi parang, sa tono ninyo parang ika nga sa wikang English and confidence level ninyo ngayong umaga 100% na talagang tuloy na ang anunsyo mamayang ala-una y media, Secretary?

SEC. ROQUE: Eh kasi meron na pong order na ituloy na. So, kaya po iyon, itutuloy na natin at ang press briefing po natin ngayon sa Davao.

MIKE: Okay. So ilang pangalan, isa lang ngayon, mamaya?

SEC. ROQUE: Isa lang po.

MIKE: Kelan iyong susunod?

SEC. ROQUE: Meron pa po. Meron pang susunod.

MIKE: Kaya nga, kelan, wala pa, wala pang petsa?

SEC. ROQUE: Wala pa po, wala pang petsa. At sa susunod po diretso na ako, wala nang warning, wala nang teaser, diretso na.

MIKE: Iyon. Oo hindi na kami makaka-scoop sa inyo sa susunod. Okay lang iyon, okay lang iyon. Matuloy lang.

Okay, Secretary isa pang tanong. Ano ba ang tamang katagang gagamitin – para lang tama iyong pagbabalita namin. Pagsibak ba ito o papano ba ito, pagtanggal sa puwesto. Papaano ba, anong klase ang galaw na ito?

SEC. ROQUE: Tama naman po sigurong sabihin na sinibak. Sibak po is tamang Tagalog word for that.

MIKE: Tanggal.

SEC. ROQUE: Opo, tanggal, opo.

MIKE: Oh sige po salamat po. Buti na lang nakontak pala namin kayo. Sige po aantaybayanan namin ang 1:30 mamayang hapon o tanghali iyong anunsyo ninyo mula sa Davao.

SEC. ROQUE: Opo.

MIKE: Sige po. Meron pa ba kayong ibang mga paksang tatalakayin pagharap ninyo sa mga miyembro ng media mamayang ala-una y media, Secretary, bukod doon sa pag-anunsyo?

SEC. ROQUE: Well, ito naman po ay regular press briefing, kaya lang ang press briefing ko po, minsan Manila, minsan sa Davao. At dahil medyo matagal po ngayon si Presidente sa Davao, minabuti natin doon sa Davao gawin at may mga iba pang mga pagpupulong kasi na ginagawa si Presidente dito sa Davao na kailangan din na mapagbigay-alam natin sa publiko.

MIKE: Sige po, aasahan namin ngayon at maraming salamat po sa patuloy na pagpapatuloy ninyo ng daloy ng impormasyon. Pasensiya na kayo at naabala namin kayo—

SEC. ROQUE: Hindi po, hindi po. Trabaho po talaga natin iyan ang magbigay ng impormasyon dahil karapatan ng taumbayan po iyan.

MIKE: Correct. Importante din po kasi na direkta galing sa inyo eh, iyon ang maganda sa broadcast kayo mismo ang napapakinggan. Hindi namin puwedeng pekehin eh, dahil kayo na mismo eh. Tingnan ninyo nung sinabi n’yong ia-anunsyo na hindi natuloy, kayo din ang—Salamat at mamayang 1:30.

SEC. ROQUE: Salamat po, 1:30. Good morning po.

###

Resource