Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Willie Delgado & Jorge Bandola (Straight to the Point-DZXL)

Q:  Magandang umaga po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po at straight to the point tayo.

Q:  Ay salamat po. May binanggit po sa amin si Secretary Manny Piñol kanina, mukhang ia-announce n’yo raw, hindi ko lang alam kung inunahan kayo. Iginiit daw ng Pangulo at pinapaalis na iyong mga gumagawa ng research sa Benham Rise, tama ba iyon?

SEC. ROQUE:  Well, nagdesisyon po ang Pangulo na bibigyan ng prayoridad talaga ang mga Pilipino ano. So iyan po ay naging desisyon ng Presidente; pero ang usapan po namin, antayin muna naming umuwi itong is Secretary Alan Peter Cayetano ng Department of Foreign Affairs bago magkakaroon po ng mas malawakang deklarasyon tungkol dito.

Q:  Alin-aling mga bansa po ba ang kasama natin diyan sa pagre-research diyan sa Benham Rise?

SEC. ROQUE:  Amerika po, Japan, South Korea at saka ang China.

Q:  Ano po iyan, kanya-kanya po ba ng mga istilo ng research o combined itong mga bansa na ito?

SEC. ROQUE:  Kanya-kanya po iyan.

Q:  Pero meron po kayong unang pinayagan hindi po ba, iyong China?

SEC. ROQUE:  Hindi lang po China. Kasama nga po diyan iyong Amerika, iyong Australia, iyong Japan and South Korea. In fact ang pinaka-kaunti hong pinayagan ay China.

Q:  So sino po ang nauna na doon, na nakagawa na ng actual o physical research?

SEC. ROQUE:  Ang alam ko po Amerika po ay naroroon na rin, ang dami po kasi niyan, mahigit bente na po iyong binigyan natin ng prebelihiyo na mag-conduct ng mga scientific research.

Q:  Ano pong benepisyo nito sa atin kung ano ang magiging resulta ng research ng ibang mga bansang nandidiyan po sa Benham Rise?

SEC. ROQUE:  Well, kasi po dapat may Pilipinong kasama sa research at dapat sine-share sa atin iyong resulta ng research.

Q:  Nangyayari naman po kaya iyon, Attorney?

SEC. ROQUE:  Nangyayari po iyan.

Q:  Ano po ba ang naging dahilan ng Pangulo at mukhang inultok at pinalayas itong mga nagre-research diyan?

SEC. ROQUE:  Well ang sabi lang niya para matigil ang lahat ng ingay. Di wala pa naman tayong nakakalap diyan talaga sa Philippine Rise na iyan. So para tumigil ang mga nag-iingay, sige gawing Pilipino iyan, wala nang ibang pupuwede.

Q:  Oo, balita namin meron daw kasing nagsabi — ayaw lang banggitin ni Secretary Pinol kung anong bansa iyon. Ang sinasabi ay hindi naman daw talaga pag-aari ng Pilipinas ang Benham Rise. Parang doon mukhang nag-trigger iyong galit ng Pangulo eh.

SEC. ROQUE:  Well, ang sabi lang ng Pangulo, para matahimik na ang lahat, sige. Dahil wala pa naman tayong nakakalap diyan, for research lang yan, sa ngayon Pilipino ang may-ari.

Q:  Mabuti naman kung ganoon. Anyway,- sa kabilang panig naman po tayo, Secretary Roque. Ano raw po kayo, ipinagkibit-balikat lang daw po ng Malacanang iyong pagtatapos na ng konstruksiyon ng China sa pinagtatalunang mga isla?

SEC. ROQUE:  Kasi ang katotohanan naman po, naririyan na iyan. Dumating si Presidente, naririyan na iyan. Alam nating gagamiting base military iyan. So parang nagugulat kami na bakit ngayon ay napakalaking balita, dati na naman iyan. Ang sabi ng Presidente, wala akong magagawa sa mga nadatnan ko na. Pero ang aking pupuwedeng gawin ay kumuha ng pangako na walang bagong reclamation gagawin ang China at status quo. Pero naririyan na iyan, wala naman siyang naiisip na paraan para gawin para mapaalis ang China, hayaan na lang natin iyan na iyong China, iyong sa kanyang pangako na walang bago, eh iyon ang ating bantayan.

Q:  Para ho bang ganito iyan, bakit ko iso-solve iyong isang problemang hindi naman ako ang gumawa.

SEC. ROQUE:  At saka hindi po, hindi naman sa ganoon, kung hindi nandiyan na iyang bundok na iyan, ano ang gagawin mo,  ayaw naman nilang tanggalin iyong bundok na iyan. So pupuwede kang makipag-away ng makipag-away na hindi ka papansinin, na lalala ang relasyon mo na walang darating sa iyong Tsinong mga bisita, na walang papasok na capital sa iyo or naririyan na iyan,  isantabi muna natin iyong pag-aaway natin, hindi natin gini-give up ang ating territory pero tingnan muna natin kung anong benepisyong makukuha natin.

Uulitin ko po: Sa atin na po iyan. Hindi ko nga maintindihan bakit all of a sudden, parang si Presidente Duterte may kasalanan diyan. In the first place, iyong nakaraang administrasyon   ang mga gumawa ng hakbang na naging dahilan kaya nag-reclaim ang China ano—

Q:  Iyon nga po ang itatanong ko sana, Sec. With the recent developments, parang lumalabas na walang pinatunguhan pati iyong direct at iyong mga back talks na ginawa nung nakaraang administrasyon, di ba ginamit pa si Trillanes diyan.

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam kung ano talaga ang naging benepisyo noon. Pero ang katotohanan nakuha rin ng Tsina ang gusto niyang gawin at ang sa akin lang walang sisihan. Kami naman ay hindi naninisi, naririyan na iyan, reyalidad na iyan. Ang isyu is how do we move forward. So iyon lang po.

Q:  So how do we move forward kung nakagawa na sila? Titingnan na lang kung anong benepisyo puwedeng makuha natin.

SEC. ROQUE:  O0. Ang aming pinaninindigan ay iyong pangako ng Tsina na walang bagong islang gagawin, walang bagong reklamasyon, ang naririyan na, naririyan na. Hindi naman natin sila mapapaalis. So iyon ang ating hinahawakang pangako ng Tsina, na hindi sila gagawa ng mga bagong isla.

Q:  Iyon pong mga mangingisda natin pinapayagan bang makalapit sa mga lugar na iyon o hindi na?

SEC. ROQUE:  Ay pinapayagan naman po. Kasi linawin po natin, iyong mga isda kasi nasa Spratlys; iyong Scarborough ang importante sa atin sa pangingisda, na Pilipinas at Tsina lang ang nag-aangkin at iyong wala namang isyu na atin talaga ay iyong Benham Rise.

Q: Dito sa mga structures na ito, Secretary. Ano ang potential benefits natin dito in the future?

SEC. ROQUE:  Well, siyempre po ano ‘yan… karagatan. So merong mga isda at doon sa continental shelf  may posibleng may mga mineral at kasama na po langis.

Q:  Mukhang  kaysa daw po ma-isyu tayo doon sa ano pala doon sa pagbili pa ng barko ng ibang bansa, ang gusto ni Senator Gordon, bakit hindi  daw natin isulong iyong pagtatayo, iyong ship building sa Pilipinas?

SEC. ROQUE:  Sang-ayon din po ako diyan. Again po, iyong mga barko namang binili, binili na po iyan ng nakalipas na adminsitrasyon. Alam n’yo po talagang ang sabi natin napakalakas nilang mamula, hindi naman nila alam iyong pinupulaan nila ay sila rin ang gumawa. So iyong dalawang frigate po, iyong kontrobersiya na iyan ay talaga naman pong tapos na iyong bidding process diyan nang pumasok ang gobyerno noong Agosto, notice of award na lang po ang ibinigay natin at ang notice of award naman po ay ministerial iyan, walang  mga dahilan na hindi pupuwedeng mag-isyu ng notice of award, talagang dapat ini-isyu iyan.

Q:  Pag hindi n’yo pa pinatupad iyan, maba-blacklist pa tayo.

SEC. ROQUE:  Saka hindi lang po, kailangan naman natin iyan, dahil ito nga ay pinoprotektahan natin ang ating karagatan. Sabi nila kailangang protektahan, tapos ayan na naman kukuwestyunin nila, hindi ko maintindihan. Hindi pupuwede na questionable ito, para ma-kuwestyun lamang. At habang isla ay nanduduro, may apat na daliring bumabalik sa kanila.

Q:  Maiba po tayo, pupunta po ba kayo ng Customs ngayon?

SEC. ROQUE:  Meron po kasing mga schedule sa Malacanang, meron po akong press briefing. So susubukan ko po.

Q:  Eh ang Pangulo po kaya, sisilipin iyong mga –

SEC. ROQUE:  Sigurado pong pupunta.

Q:  Siguradong… ayun, confirmed. Titingnan natin kung talagang dudurugin. Marami pong nagsasabi kasi, bakit hindi na lang i-auction.

SEC. ROQUE:  Gusto po ng Presidente magparating ng mensahe na hindi pupuwede na iyong mga moro-morong mga negosasyon.

Q:  Salamat po Secretary.

SEC. ROQUE:  Salamat po at magandang umaga po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource