Interview

Interview with PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil by Noli de Castro (Teleradyo – Kabayan)

DE CASTRO: Secretary Cheloy, good morning po.

PCO SEC. GARAFIL: Hello, good morning Kabayan. Good morning po sa lahat na nakikinig.

DE CASTRO: Ano ba ang napag-usapan at tinapos na ng PISTON AT MANIBELA ang kanilang kilos protesta, tigil-pasada?

PCO SEC. GARAFIL: Opo. Nagkaroon lang po kami ng kasunduan na makikinig ang pamahalaan ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang mga hinaing, so ang naging problema yata Kabayan ay ang problema nila, sinabi nila kagabi, mukhang naputol ang komunikasyon at nagkaroon ng mga haka-haka kaya medyo naguluhan sila, so nagkaroon sila ng tigil-pasada noong nakaraan.

Pero noong in-assure naman natin sila na ang pamahalaan ni President Marcos ay magtuluy-tuloy ang kaniyang pakikinig sa kanilang mga hinaing. Kaya sinabi na rin naman ni President Marcos ito before, Kabayan, na mari-review iyong implementasyon ng PUV Modernization.

DE CASTRO: Iyon ang ipinangako ninyo, na rirebyuhin iyong PUV Modernization Program, ganoon?

PCO SEC. GARAFIL: With respect po sa implementation, kasi aminado naman po pareho ang PISTON at ang MANIBELA na kailangan talagang i-modernize naman ang ating mga PUV, pero ang naging problema lang, Kabayan ay ang implementasyon nito na kailangan na rebyuhin para hindi naman po mahirapan ang hanay ng mga transportasyon.

DE CASTRO: Nangako ba si Pangulong Marcos na walang phase out?

PCO SEC. GARAFIL: Wala po tayong ganoong usapan; ang naging commitment lamang Kabayan ay mapapakinggan po ang kanilang panig at ang kanilang mga suhestiyon.

DE CASTRO: Ayon, okay. Saan po nagtapos ang usapan?

PCO SEC. GARAFIL: Ay natapos po kami sa isang statement, nakita po naman natin kagabi na ititigil na po nila ang kanilang tigil-pasada at magsisimula ulit ang konsultasyon tungkol sa PUV Modernization.

DE CASTRO: Binabanggit po ng ilang mga drivers na dapat daw si Pangulong Marcos ang humarap. Bakit daw po hindi si Pangulong Marcos?

PCO SEC. GARAFIL: Nakita naman natin kahapon, Kabayan, na medyo marami pong ginawa kahapon si Pangulo. Nagkaroon po siya ng sectoral meeting noong umaga, tapos noong hapon ay nagkaroon po siya ng event naman sa Clark. So, under his guidance, ang humarap po sa kanila ay si Executive Secretary Lucas Bersamin.

DE CASTRO: So, sino ang makakaharap ngayon ng mga drivers para sa patuloy na pag-uusap?

PCO SEC. GARAFIL: Ang napag-usapan kahapon, Kabayan ay i-oversee pa rin ng DOTr ang usapan, pero may assurance kami na kung sila ay mayroon pang dagdag na mga kuwestiyon na feeling nila hindi naman napapakinggan, puwede po silang dumiretso kay Secretary Lucas Bersamin  para si Presidente Marcos na po ang tumingin nito.

DE CASTRO: Okay, maraming salamat po Secretary. Anong oras natapos ang meeting ninyo?

PCO SEC. GARAFIL: Naku mga 11, before midnight, Kabayan.

DE CASTRO: Sorry napuyat namin kayo.

PCO SEC. GARAFIL: Okay lang, Kabayan.

DE CASTRO: Thank you, Secretary.

PCO SEC. GARAFIL: Thank you, Kabayan.

 

###

News and Information Bureau – Transcription Section