Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo by Henry Omaga Diaz (DZMM)

Event Media Interview

HENRY OMAGA–DIAZ: Ito pong pag-file ng OSG ng quo warranto petition ay may instruction po ba ang Malacañang o alam po ba ng Malacañang ito?

SEC. SALVADOR PANELO: Wala. Alam mo, trabaho ng Solicitor General na maghain ng anumang petisyon kapag mayroong paglabag sa batas.

HENRY OMAGA–DIAZ: So wala pong instruct—linawin ko lang po, Secretary, wala pong instruction ang Pangulo para kay OSG na mag-file ng quo warranto instead ito po ay nagmula lang mismo bilang trabaho ng OSG?

SEC. SALVADOR PANELO: Ganoon na nga sinabi ko, inulit mo lang.

HENRY OMAGA–DIAZ: Okay. So ano po ang balak ngayon ng Malacañang, so hahayaan ninyo na lang ang Korte Suprema?

SEC. SALVADOR PANELO: Ang Pangulo ay hindi nakikialam sa mga trabaho kaniyang heads ng department and offices. Palagi niyang sinabi, “Let the law takes its course.”

HENRY OMAGA–DIAZ: Kasi po kung aking natatandaan ano po, minsan ay nasabi ng Pangulo na io-oppose niya o sasalungatin niya ang anumang move para magbigay ng franchise. So wala po itong kinalaman?

SEC. SALVADOR PANELO: Walang kinalaman. Alam mo iyong mga salita ni Presidente iyon ay kaugnay sa kaniyang mga displeasure doon sa nangyari sa kaniya bilang nagbayad ng pera para sa pag-i-air ng kaniyang campaign material na hindi naman nailabas. Now, that’s part of freedom of expression, when you express your displeasure on something of which you are the subject of a fraud. You cannot deprive the President as a citizen of this country to express himself; kaya walang kaugnayan itong petisyon ni SolGen.

HENRY OMAGA–DIAZ: Iyong pong walang kaugnayan, Secretary, ang ibig sabihin po ba nito hindi sinusuportahan ng Presidente iyong pag-file ng OSG?

SEC. SALVADOR PANELO: Mali naman yata iyong logic mo. Alam mo, sabi ko na nga kanina, ang bawat head ng department ay may kaniya-kaniyang tungkulin at ang Pangulo ay hindi nakikialam doon. Kung ang tungkulin mo ay maghabla ka ng mga lumalabag sa batas eh gawin mo iyon at hayaan mo ang hukuman ang magdesisyon doon sa ifinile mo. Ganun din sa mga heads of department pinapabayaan niya lang; makikialam lang si Pangulo kapag may reklamo sa kanyang corruption o anomalya.

HENRY OMAGA–DIAZ: Okay. So ito bilang kinikilala rin, maaaring kinikilala ng Pangulo bilang bahagi ng trabaho ng OSG.

SEC. SALVADOR PANELO: Hindi lang kinikilala dahil gumanap siya ng tungkulin at iyan ay hinahayaan niyang gawin nila sapagkat iyan ang tungkulin nila; eh di otherwise, sila ang madedemanda kapag hindi nila ginawa ang kanilang tungkulin that would be a neglect of duty and dereliction of the task assign to him by law.

HENRY OMAGA–DIAZ: Okay. Maraming, marami salamat po, Secretary Salvador Panelo, Tagapagsalita po ng Malacañang.   

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource