Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo by Atty. Jess Falcis, Atty. Bruce Rivera and Maeanne Los Baños (DWFM – Boljak)

Event Radio Interview

Q:  Good morning, sir.

SEC. PANELO:  Good morning sa inyo.

Q:  Sir, of course, we are asking about the comment of NYC Chairman Cardema. Both of us lawyers naman, we kinda agreed with the statement of Malacañang pertaining to iyong kanyang statement.

Again, sir, can you reiterate po, kasi akala kasi ng iba the statement of NYC Cardema is Malacañang’s statement. So, can you clarify for everybody to hear?

SEC. PANELO:  Nung tinanong ako sa news briefing kahapon ng mga reporters, sabi sa akin sabi nga daw nung Chairman na iyan eh on the basis of suspicion tatanggalin. Sabi ko we are a government of laws and not of suspicions, speculative. Hindi pupuwede iyan. Kailangan meron kang ebidensiya na talagang gumagawa sila ng acts inimical to the interest of the state; kung parally-rally lang sila to express their dissent, eh kasama sa karapatan ng mga mamamayan iyan.

Q:   Secretary, of course marami po ang mga tao ngayon na talagang nagtatawag na tanggalin or mag-resign itong si Cardema, kasi first of all—iyong kakulangan sa kaalaman niya sa Constitution ay nakakabahala in making those statements. What is your say on that, sir?

SEC. PANELO:  Iyong call for resignation nasa kanya, if he feels na he is still adequate, alam niya na kung ano ang dapat niyang gawin. Kung sa tingin niya nakakabigat siya sa administrasyon dahil doon sa kanyang mga katataga, eh alam niya rin ang gagawin niya.

Q: Secretary Sal, si President Duterte po ba masaya sa mga naging comments ni NYC Chair Cardema or meron ba siyang reaksiyon – si President?

SEC. PANELO:  Di ba i-interview siya kahapon, sinabi niya—sabi ko na kung dissent lang, membership lang eh di puwede—di ba siya nga ang nag-e-encourage ng mga tao, mag-rally kayo. Ano ang gusto ninyo ipahayag sa gobyerno, karapatan ninyo iyon.

Q:  Tama, mas malawak pa utak ni President kaysa kay NYC Chair Cardema, kahit siya iyong pinipikon ng mga raliyista, di ba.

Q:  Ako naman, Secretary Panelo ang question ko is that: Can the Palace also remind Cardema na ang trabaho naman talaga ng security at saka iyong… alamin kung sino iyong mga reds diyan, eh trabaho iyan ng military, trabaho ng PNP. Ang trabaho po niya iyong isyu ng ating kabataan – marami pong bata ang nagpapakamatay ngayon; maraming bata ang nabu-bully; marami pong bata ang nagkaroon ng HIV. Sir, natutugunan ba po iyan ng NYC?

SEC. PANELO:  Siguro magpaturo siya kay Aiza Seguerra.

Q:  Ayun! Ang galing nung banat ni Sec. I love you talaga Secretary Sal.

LOS BAÑOS:  Secretary, ano ang possible na maging action ng Malacañang po kay NYC Chairman Cardema? Kasi parang medyo hindi yata biro iyong naging statement niya.

SEC. PANELO:  The fact alone that the President has made his statement on the matter, I think that person should know what to do.

Q: Signal.

Q:   Kung sa Bisaya pa pregnant with implication.

Q:  Parang nakakausap ka namin last year, Sec. Panelo na may mga ganyan ding pahiwatig na… may issues tayong pinag-uusapan, isang tao dapat mag-resign ba o hindi. Parang may pahiwatig na si President. Tapos may nangyari later.

Q:  Sir, ano ngayon iyung—of course, its Catriona Day today, di ba; may mga parade. Itatanong ko lang, ano ang feelings ni Secretary Sal, regarding that?

SEC. PANELO: Sa mga parade?

Q: Sa pagbabalik ni Queen Catriona Gray, Miss Universe 2018. Magko-courtesy call ba siya kay President?

SEC. PANELO:  Siyempre masaya tayo, she’s a pride of the Filipino nation.

Q:  Pupunta ba siya ng Malacañang, sir?

SEC. PANELO:  Wala pa akong alam na ano.

Q:  Thank you, sir salamat po sa time.

SEC. PANELO:  Salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource