Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Joel Zobel (DZBB – Special Coverage)

Event Media Interview

REPORTER: Sir, ano po iyong inaasahan po natin ngayong araw na ito, gaano ka significant ito pong kaganapan ngayong araw na ito dito sa Camp Bagong Diwa?

SEC. ANDANAR: Hello, Sir Joel.

ZOBEL: Uy, Secretary.

SEC. ANDANAR: Napaka-significant itong araw na ito dahil, number one, sampung taon nating hinintay iyong promulgation ng Maguindanao massacre. At kung anuman ang magiging desisyon nito, lalung-lalo kapag naging favorable sa mga victims at sa pamilya ng mga biktima, ito rin ay magiging victory para sa media industry, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo because this is the single case that’s a … well, the bloodiest case of media killing in one day, sa buong mundo – kuwarenta y dos iyong namatay.

And dahil nga diyan sa nangyaring iyan ay nailagay iyong bansang Pilipinas sa isa sa lima na mga dangerous na bansa sa buong mundo para sa mga journalists. So itong desisyon na arrest at itong promulgation of the decision ay napakahalaga para maalis din tayo doon sa listahan na iyon.

Number two, para malaman din ng buong mundo na gumagana iyong ating judicial system.

At number three, talagang pinapahalagahan ng ating gobyerno ang press freedom. Kaya nga noong 2016 June 30, pasok ko rin sa gobyerno, ay inaprubahan agad ni Presidente iyong EO # 1, Presidential Task Force on Media Security, so from that time on ay nakatutok ako as co-chairman of PTFoMS at si Usec. Joel Egco, as the Executive Director, nakatutok kami sa kasong Maguindanao massacre.

ZOBEL: Actually, iyon din ang gusto kong tanungin, Secretary. Paki bigyan naman ng monitor si Secretary. Secretary, iyon po iyong gusto kong matanong po kasi tatlong administrasyon po ang dinaanan nito eh. At marami ngang nag-aakala na… well, sa mga paunang pahayag ng mga abogado na maaaring tumagal ito nang mahigit … iyong iba tinantiya pa na aabot ito sa isandaang taon eh, itong paglilitis pong ito eh – pero bumilis. May kinalaman ba ang administrasyong Duterte sa pag—o nagkataon lang na sa ilalim ng administrasyong ito ibababa ang hatol?

SEC. ANDANAR: Salamat, Joel. Well, tama ka ‘no, tayo mismo akala natin mga isandaang taon dahil sa dami ng mga suspects – hundred two. Akalain mo, mayroon pang posible na singkuwenta na makakasuhan at mayroon pang otsenta na at large.

Hindi ko masasabi kung dahil sa administrasyon kaya bumilis ito. Pero masasabi ko, iyong past [unclear] Joel, ay two years ago pumunta ang mga biktima ng Maguindanao massacre sa Malacañang, at pinangakuan sila ni Presidente na gagawin niya ang lahat para maging speedy iyong trial, hindi man sabay-sabay pero kahit papaano ay mayroong mahatulan. Ito na nga, ngayong araw na ito is a very auspicious day for everybody. Hindi lang tayo victorious dahil promulgation, victorious tayo dahil sabay-sabay itong one hundred and two. At panalangin natin na talagang mabigyan ng hustisya ang pamilya at ang mga biktima, sa pamilya ng mga biktima, Sir Joel.

ZOBEL: Well, maliban dito sa pagbababa ng hatol, mayroon bang naipagkaloob na tulong dito sa mga naulila ang kasalukuyang administrasyon – financial or whatever?

SEC. ANDANAR: Through the Presidential Task Force on Media Security ay nagbibigay ng ayuda si Executive Director o si Undersecretary Joel Egco, kaming dalawa, nagtutulungan kami para mabigyan ng ayuda ang mga biktima na lumalapit sa amin at lumalapit din sa National Press Club.

JOEL: Okay. Sige po, good luck sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Pero alam mo, Joel, kung maidagdag ko lang ‘no.

JOEL: Opo, sige po.

SEC. ANDANAR: Kung anuman ang magiging hatol ngayong araw na ito, lalo na kung ito ay paborable sa mga biktima, sa kanilang pamilya, we have to move forward in such a way na tingnan natin kung ano talaga iyong puno’t dulo sa mga media killing, ano iyong mga dahilan. Kasi marami iyan, Joel, iyong economic vulnerabilities ng ating mga kasamahan sa media, iyong mga nagba-block time sa probinsiya tapos may natatamaang pulitiko, nasasaktan dahil … iyon nga, umaasa sila sa sponsorship ng mga pulitiko, mga businessman. So suportahan natin itong media welfare act na naka-file na diyan sa Kongreso. Palagay ko that’s one of the ways to move forward para masolusyunan itong problema.

ZOBEL: Tama po iyan – tama po iyan, Secretary. Pero siguro sa pangkalahatan ay iyong mabawasan po iyong political violence.

SEC. ANDANAR: Tama po.

ZOBEL: Oo, iyon bang papatay po ng tao para po makakuha po ng puwesto o kapangyarihan o manatili sa kapangyarihan – iyon po ang dapat bawasan. Mayroon bang mga hakbang ang kasalukuyang administrasyon to … maremedyuhan iyong ganoong klase na pananaw at pagtingin ng mga pulitiko?

SEC. ANDANAR: Sa Presidential Task Force on Media Security iyon ang ginagawa nating lahat para ma-secure natin iyong mga media na nati-threatened; pangalawa, iyong mga napapatay ay umaaksyon kaagad PTFOMS para mahanap iyong suspect.

Mind you, Joel, this is the only presidential task force on media security in the world. Kaya nga natin inirekomenda kay Presidente ito lang 2016, gawa nga nitong Maguindanao massacre at iyong mga namamatay sa probinsiya. Ang pulis rin naman ay ginagawa rin nila ang kanilang magagawa para matapos na itong culture of impunity, lalung-lalo na doon sa Mindanao. Lahat naman ay ginagawa natin at kung makikita ninyo naman iyong violence o iyong tinatawag na crime volume ay bumaba na mula 2016, 2017, 2018 – 2017 nasa mga 520,000; 2018 nasa 470,000. Ngayong taong kasalukuyan ay nasa 300,000—

ZOBEL: At least nababawasan kada taon.

SEC. ANDANAR: Opo, Joel. Pati iyong families na nabibiktima ng common crimes, bumaba rin mula sa seven percent hanggang 5.4%. SO ito ay isang indikasyon na iyong ating war against criminality and war against hard drugs ay nagiging effective base na rin sa mga datos na binibigay sa atin ng Philippine National Police at sa surveys ng SWS.

ZOBEL: Okay. Unless may tanong pa si Manny eh salamat, Secretary, sa oras po ninyo.

SEC. ANDANAR: Thank you, sir.

 

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource