Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Jorge Bandola and Willie Delgado (RMN – Straight to the Point)

Event Radio Interview

Q: Pinababati ka rin ng Merry Christmas and a Happy New Year ng Makabayan bloc pala. [Laughs]

SEC. ANDANAR: Happy New Year sa mga kasamahan natin diyan sa Kongreso.

Q: Sila iyong maiinit ang ulo mula noong ano eh—kahapon kasi, kahapon ka namin pinapa-hunting eh kaso maiinit ang ulo nila dahil sinabihan ninyo raw na lahat ng mga sumusuportang grupo ng NPA, in time for their anniversary, ay paghuhulihin din at lilipulin. Tama ba iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko naman sinabi na paghuhulihin. Ang sinabi ko lang ay iyong mga legal fronts ng NPA, iyong mga legal fronts ng CPP-NPA-NDF. Ngayon, nagulat na lang ako, sumagot iyong Makabayan bloc, eh hindi ko naman binanggit kung sino eh.

Q: Guilty.

SEC. ANDANAR: Kahit i-check pa, kahit na bali-baliktarin iyong transcript. Kahit na i-check mo lahat from A to Z, wala akong binabanggit kung sino, anong pangalan na party list ang sangkot dito. Basta sinabi ko lang ay iyong mga legal fronts, kasama iyong party list, kasama iyong mga organisasyon, mga non-profit organization na pumupunta sa mga work places at kinakausap iyong mga trabahador na sumali. Iyong mga ganyan ba, pero wala akong binabanggit na anumang pangalan.

So kung aalma ka at sasabihin mo na ikaw iyon, ibig sabihin ay guilty. Hindi naman kita binabanggit eh…

Q: Oo. Hindi nila alam mahilig ka sa laro – ang unang umaray, talo. [Laughs]

 SEC. ANDANAR: Pero alam mo, kidding aside ‘no, 50 years of struggle—hindi nga struggle eh. Ang sabi, 50 years of struggle – S-T-R-U. Pero sa AFP ay straggle eh.

Q: Straggle – S-T-R-A.

SEC. ANDANAR: R-A, meaning iyong mga napag-iiwanan. Iyong kanilang pinaglalaban eh hindi naman nagtagumpay, napag-iwanan tuloy. Eh 50 years iyan, wala namang kinahinatnan, wala naman tayong napuntahan, wala tayong napala. Namatay iyong mga sundalo; namatay iyong mga rebelde; mga estudyante naapektuhan, imbes na maganda ang kinabukasan ay nalilinlang, napapasok sa movement and then nagiging rebelde, namamatay.  Iyong iba naman ay naiiwang mga anak, eh di nagiging ulila. Kawawa iyong mga bata ‘di ba.

Q: Sabi ko nga, habang ginagawa na ng gobyerno ngayon, ito nga nagtatayo ng mga iba’t ibang mga… inilalapit sa taumbayan iyong serbisyo. Iyong mga Malasakit Center, inilalapit sa taumbayan. Pero ito, ano po ba ang nirereklamo ng mga ito? Bakit hanggang ngayon gusto pa rin nilang mamundok? Hindi ba pulitika na ito at pinagkakaperahan na talaga?

SEC. ANDANAR: Obviously naman, ang pakay talaga is to change the entire government; iyong pabagsakin talaga iyong ating demokrasya at ang ipapalit ay iyong communism. Iyon naman talaga iyon. Napansin ninyo, mula noong panahon ni Tita Cory hanggang sa panahon ni FVR, panahon ni Erap, panahon ni GMA, panahon ni Noynoy ay gusto nilang pabagsakin. Wala naman silang hindi inaway, hanggang ngayon. So enough is enough.

Sabi nga ni Presidente, I already extended the olive branch. May mga kasamahan kayo na nilagay ko sa Gabinete, tapos tuluy-tuloy pa rin iyong pag-ambush sa mga sundalo, sa mga pulis; tuluy-tuloy pa rin iyong extortion; tuluy-tuloy pa rin iyong revolutionary taxes. Eh nagpi-peace talk tayo doon sa Europe pero pagdating dito, bakbakan pa rin eh pinagloloko ninyo na kami. Ganoon lang naman iyon.

Kaya naglabas ng Executive Order #70 ang ating mahal na Pangulo, ito iyong National Task Force Against Insurgency.

Q: At saka ibinalik sa kanila iyong taguring terorista ha.

SEC. ANDANAR: Oo, iyong CTG. Tawag sa kanila ay CTG. Dito sa mga meetings namin, sa aming mga official communications, CTG – Communist Terror Group – iyon ang tawag.

So iyon nga eh, parang ano ba talaga ang pinaglalaban nila? Simple lang: Iyong pabagsakin ang gobyerno. Ang tanong ko sa inyong dalawa: Gusto ninyo ba maging communism ang ating form of government, iyong porma na magpapatakbo ng ating bayan?

Q: Binanggit mo, Secretary, iyong mga nagdaang administrasyon ano, kasama na nga iyong kasalukuyang administrasyon natin. Pero comparatively, parang mas aggressive sila ngayon compared doon sa kampaniya nila before na pabagsakin din iyong ibang pamahalaan. Pero parang mas aggressive sila ngayon. Ano bang difference? Anong pinagkaiba?

SEC. ANDANAR: Well, sa palagay ko ay nakaipon ng lakas, nakaipon ng puwersa, nakaipon ng kanilang—what do you call this, kasi lumaki iyong samahan nila, lumaki iyong samahan gawa nga nung naging lenient lahat ng gobyerno na nagdaan. ‘Di ba iyong ni repeal iyong anti-subversion law ‘di ba. Tapos nagbukas iyong ating gobyerno sa kanilang kasamahan na puwedeng sumali sa pulitika, sa Kongreso. Tapos iyong sa information dissemination, of course nagkaroon tayo ng social media, napabayaan, kaya ganyan.

Tapos iyong ating buong gobyerno naman, Willie at Jorge, ang naging polisiya lamang ay iyong paano haharapin ito through armed conflict. Wala naman iyong civil government, iyong mga civil employees na tutulong para matapos iyong problema. Halimbawa, hindi naman involved iyong DSWD noon; hindi naman involved iyong DOH; hindi naman involved iyong DPWH; iyong Department of Finance; PCOO. Pero ngayon, under Executive Order # 70—

Q: In-involve na.

SEC. ANDANAR: Oo, lahat, civilian government ay involved – hindi lang iyong military; hindi lang iyong pulis.

Q: Hindi yata nila nakikita iyon eh. Mahirap tingnan iyong anggulong ganyan lalo na kung—

Q: Baka ayaw tingnan.

Q: Iyon, iyon ang sinasabi ko. Baka mayroon talagang pinakikinabangan doon sa ano, kung bakit … hindi naman napipilitan, kung bakit gustung-gusto nila.

Q: Eh kasi napakatagal nang panahon, walang ginawang kampaniya kung hindi ibagsak kung ano iyong kasulukuyang administrasyon.

Q: Lalo ngayon, Sec., mag-eeleksyon, kabi-kabilang pangongolekta ng campaign tax ah.

SEC. ANDANAR: Well, isa iyan sa problema. Kaya nga ang pakiusap nga ng ating administrasyon ay huwag nang makipag-cooperate sa ganiyan kasi we’re just glorifying, dignifying kung ano iyong kanilang ginagawa. So kailangan talaga, we should really stand as one government na pinu-protektahan iyong ating kasalukuyang porma, iyong ating demokrasya, iyong ating republika. Hindi iyong parang natatakot tayo dahil baka hindi tayo papasukin ng mga armed group dito sa mga barangay na ito. Pero kung wala namang susunod din sa gusto nila, hindi rin naman sila makakakuha ng pera.

Q: Unfortunately, may numbers din sila pagdating sa botohan eh. ‘Di ba, nananalo eh. Kumukuha pa nga ng numero sa Kongreso eh.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, kapag nalagay naman sa Comelec control iyong isang lugar ay malaking bagay naman iyan para at least ay hindi manaig iyong mga gawain na iligal.

Q: Anyway, maiba tayo. Bagama’t hindi literal na terorista, pero diyan sa Iloilo ay may naghahasik pala ng terror. [Laughs] Huwag muna kayong pupunta ng Iloilo, Sec., baka maduraan kayo.

SEC. ANDANAR: Kapag Iloilo, ang pinupuntahan ko doon ay iyong batchoy eh.

Q: Balita ko nagalit ang Pangulo doon sa nabalitaan niya kahapon doon sa binugbog na pulis.

SEC. ANDANAR: Hindi pa kami nag-uusap tungkol diyan. Pero alam mo, siyempre kailangan itong maimbistigahan nang husto sapagka’t kung babasahin mo sa mga pahayagan ay iyong pulis di-umano ay mayroon siyang hinuli o mayroon siyang iniimbestigahan na di-umano’y kamag-anak or kasama, kakampi, kaya nagalit daw si mayor at iyong anak ay di-umano’y pinosasan sa plaza.

Hindi maganda eh, hindi maganda sa—

Q: Hindi talaga maganda.

SEC. ANDANAR: Ang pangit eh kasi siyempre, number one, ikaw ay nasa katungkulan, dapat hindi inaabuso iyong katungkulan; hindi inaabuso iyong poder, iyong kapangyarihan. Number two, iyong pulis, siyempre may dignidad din iyan. ‘Di ba napag-usapan ninyo, sinabi ninyo ngayon na dignidad ‘di ba.

Q: Tama.

SEC. ANDANAR: Pulis iyan. Alam mo iyong mga bata, karamihan sa mga kabataan may mga iniidolo ay pulis, tapos nakita mo pinusasan iyong pulis. Diyos ko, parang… ano iyan, nagpulis siya para posasan sa plaza. Di ba nagpulis para hulihin iyong mga kriminal, para ipatupad ang batas, para masiguro ang seguridad nating lahat.

Q: Ang gusto ng taumbayan, Sec. Martin—ako, magsasalita na ako na taumbayan kasi dalawa lang kami dito, o maaaring tatlo tayo—pero abuse of authority, puwedeng kasuhan sa DILG itong mayor, masisibak agad sa puwesto; at sa Ethics Committee, kung sa Kongreso, matalino iyong mga … masisibak kaagad ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, dapat talaga ay maimbestigahan nang husto. At dapat ay walang sacred cow, at kailangan talaga kung nagkasala ay kailangan maparusahan. Basta patas lang na imbestigasyon ang kailangan dito.

Q: Kahit po mga—maiba lang nang konti—kahit po iyong mga pulitiko, local politicians na kaanib ng partido ng Pangulo, walang sasantuhin ba ang Pangulo kapag mga ganitong insidente?

SEC. ANDANAR: Hindi, walang sasantuhin. Alam mo, nobody is above the law. Iyon nga eh, the more power you have, the more responsibilities you have in government or in society dapat mas maging responsable ka. Kasi binigyan ka ng kapangyarihan, understood doon na kaya mong i-manage iyong kapangyarihan na iyon na hindi mo aabusuhin.

Alam mo kaya nga—alam mo, malungkot man ‘no, kaya nagkakaroon ng mga rebelde eh, mga NPA, nagkakaroon ng mga … sumasali diyan sa mga insurgency na iyan dahil nga mayroon ding mga ehemplo sa ating lipunan na nasa local government na talagang mapang-abuso.

 Q: Oo. Eh kaso iyong binabanggit mo kanina, Sec. Martin, na no one is above the law, iba kasi iyong interpretation nila ng no one is above the law eh. Iyong spelling kasi nila ng “the law” ay D-I-L-A-W – no one is above the DILAW pala.[Laughs]

SEC. ANDANAR: Happy New Year. [Laughter]

Q: Ano pa nga ba. [Laughs]

SEC. ANDANAR: Teka muna, Jorge at Willie, maghahatid lang ako sa airport. Salamat sa pagkakataong ito. Salamat sa objective reporting for the entire 2018. Ang PCOO ay tuloy-tuloy na makikipagtrabaho sa ating private media. At sa ngalan ng freedom of the press and, of course, iyong ating Administrative Order # 1, Presidential Task Force of Media Security, iyong ating freedom of information, ay tuloy-tuloy po kaming mag-iikot sa buong Pilipinas para po lalong mapalakas iyong ating freedom of the press at lalong mapalakas iyong ating access to public information, sa ngalan po ng right to information sa ating Konstitusyon.

At kung hindi po dahil sa inyo ay siguro hindi tayo maaalis doon sa listahan na pinakadelikadong—

Q: Uy, congratulations ha.

Q: Salamat po. Congratulations pala.

SEC. ANDANAR: Congratulations sa ating lahat, Willie at Jorge. Tayong lahat iyon, hindi lang Duterte administration at government attributed to the timing of the EO # 2 at AO # 1 ni Pangulong Duterte.  Salamat, maraming salamat sa pagkakataon. Happy New Year.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource