Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III – Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas

LEO:  Nasa linya natin ang heartthrob ng Gabinete, hayan ang aking partner – Secretary Martin Marfori Andanar, kumpleto [laughs]. Sec. good afternoon.

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga. Pero bago ako mag-magandang umaga sa inyong lahat, Happy Birthday muna kay Director Vinci. 

DIR. BELTRAN:  Maraming salamat po, Sec. Martin.

LEO:  Anyway Sec., dahil pitong minuto pa tayo… Bigyan ninyo naman kami ng input, kumusta ang PCOO ngayon at the same time mukhang nabalitaan ko, nanggaling ka raw sa China at iprinisinta ang ating bansa doon sa Build, Build, Build natin. 

SEC. ANDANAR:  Well, mayroon kasing anniversary iyong Belt and Road Initiative, ito po iyong major infrastructure project ng China kung saan dinadala nila sa iba’t-ibang bansa iyong kanilang kapital para tulungan; halimbawa Pilipinas, iyong bansang Laos… ay nandoon din sila.

So ngayong October 4 if I’m not mistaken—3 or 4, ito po iyong kanilang anniversary ng Belt and Road, 5th anniversary, kaya in-invite po ang Pilipinas para po mag-host ng PTV. At ako po ay na-invite, na-invite din po iyong Lao National Television. So tayo po ay nag-host doon sa CCTV kasama po natin iyong kanilang ‘Noli De Castro’ doon na babae, so napakabigat. So anyhow, nandoon po tayo at dinala natin iyong ating Build, Build, Build doon; ipinagmayabang natin iyong mga infrastructure projects ni Pangulong Duterte.

Pero bukod diyan, of course… alam mo mabilis lang iyong biyahe na iyon dahil disi-otso oras lang iyon eh, balikan kasi mayroon ngang mga importanteng bagay na dapat na asikasuhin dito. Last week napaka-busy po, nagkaroon po tayo ng—iyong ating The Presser, nagkaroon po tayo ng ating… iyong tête-à-tête ni Pangulong Duterte at ni Sal Panelo; at nandoon din po iyong NDRRMC na naging—this was two weeks ago, sorry. Iyong NDRRMC na command conference ni Presidente, sunud-sunod kasi may bagyo eh – bagyong Ompong. And then of course iyong this week lang, kahapon nandoon po si Presidente sa Naga, sa may Cebu para bisitahin niya iyong mga na-landslide doon at iyong mga biktima.

So it’s been a very, very tough… very, very busy week for everybody in the Cabinet and the Executive Branch. But so far naman okay naman. So far ay nagagawa naman ng mga ahensiya, nagagawa naman ng mga departamento: DPWH; nagagawa ng DOTr; sina Secretary Tolentino ay nagagampanan nila iyong assignment na binigay po ni Presidente para asikasuhin iyong mga nasalanta ng bagyo. At sina Secretary Año kahapon din doon sa Naga, para asikasuhin iyong mga naging biktima nitong landslide sa may quarrying site sa may Naga. Kaya busy po talaga, busy po iyong buong Gabinete. 

LEO:  Well congratulations din sa iyo dahil hindi biro ang maging representante ng pamahalaan diyan sa… prestigious actually iyan Pare. Imagine mo tayo ay makilala at makita naman ang ginagawa—iyong totoong ginagawa, hindi iyong puro fake news lang.  

Sec., thank you so much for your time ha.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat. Gusto ko lang pong i-congratulate iyong PCOO Team, sina Pebbles Duque, kahapon ay nandoon po sila sa DSWD nagre-repack… Habang iyong iba nagra-rally, si Pebbles naman ay nagre-repack para maitulong doon sa ating mga kababayang nasalanta. 

Ito pa ha, from the repacking ay dumiretso siya sa Iloilo dahil nga mamaya—ah bukas ay mayroon kaming Dismiss Disinformation na campaign. Abangan ninyo po kami diyan sa Iloilo, abangan ninyo po kami. 

LEO:  Well Sec., thank you so much for your time… 

SEC. ANDANAR:  Salamat, mabuhay kayo.   

LEO:  Mabuhay kayo diyan.

Ang heartthrob ng Gabinete ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Secretary Mart Andanar. 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource