Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan, Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas

ASEC. ABLAN: So kausapin po natin ngayon, I think straight from the press conference, ang aking boss po, si Secretary Martin Andanar – magandang gabi po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Hello, good evening Kris. Magandang gabi sa lahat ng nakikinig at nanonood sa atin dito sa Radyo Pilipinas Uno.

ASEC. ABLAN: Yes Sec. Mart, I just interviewed Asec. Vergeire of the Department of Health and she was telling me na hindi pa nga napipirma. And then I saw on social media po na I think you announced na na napirmahan na po. Ano po iyong updates natin, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Yes mahaba iyong diskusyon, alas tres hanggang mga 5:50 ng hapon, so iyong presscon natin ay 30 or 35 minutes afterwards. Now, napag-usapan po doon tungkol nga dito sa pag-lift ng travel ban to and from Taiwan, papunta dito ng Pilipinas at papunta ng Taiwan. At talagang sinuri ng Interagency Task Force ang mga dahilan kung bakit ang isang bansa ay maaalisan ng travel ban patungkol dito sa nCorona or COVID-19.

So iyon nga, napagdesisyunan ng interagency na i-lift na iyong travel ban sa Taiwan, papuntang Taiwan at pabalik ng Pilipinas dahil mayroon naman silang mga protocol, number one, na sinusunod; number two, ay wala pang human-to-human transmission na nangyari doon sa Taiwan, mababa iyong kanilang level of COVID-19. At pangatlo rin ay kinonsider din iyong lugi ng turismo, sa dami ng mga turista na nanggagaling sa Taiwan.

But just the same, nakalagay din diyan sa Resolution No. 5 ng Interagency Task Force na ang mga bansa tulad ng Macau ay maaari ding ma-lift ang ban depending on the protocols na maipapadala nila or protocols na kanilang maisusulat para sa mga travelers ng Macau.

ASEC. ABLAN: Right. So very active po tayo diyan sa IATF ‘no Sec. Mart, so I think every so often the task force will be meeting to decide on whether to lift certain travel bans.

SEC. ANDANAR: Tama, tama. Tama iyong sinabi mo Kris, this is a developing issue at ito naman ay wala namang may gusto na magkaroon ng travel ban ang Pilipinas sa ibang bansa. So depending on the development also of all the rules and regulations, the procedures of other countries, for instance, ang hinahanap ng bansa natin ay iyong protocols ng ibang bansa pagdating sa mga travelers. So tayo’y naghihintay din na maglabas din na protocols ang bansang Macau at iba pang bansa na maari na ma-lift iyong travel ban.

Now isang konsiderasyon, ayon sa Department of Health, ay iyong transmission – iyong human-to-human transmission. So kung mayroong human-to-human transmission ay medyo minus points iyon para ma-lift iyong travel ban. But just the same, ang ating gobyerno po ay talagang nakatutok dito sa COVID-19. Ang PCOO ay kasama na sa Interagency Task Force at mayroon nga tayong twice a week na press conference at iba pang mga hakbang para mas lalo pang kumalat iyong mga impormasyon kung papaano iwasan itong COVID o kung papaano manatili sa containment stage tayo.

ASEC. ABLAN: Tama Sec., kasi I think mayroon tayong Laging Handa ‘no, iyon po iyong press briefing na twice a week, Laging Handa Press Briefing.

SEC. ANDANAR: Yes. Oo, kanina nga nag-press briefing tayo kaninang umaga kasama rin si Sec. Duque, tapos kanina magkasama na naman kami ng ala sais. But at the end of the day, it’s really about hoping for the best, praying na matapos na itong epidemya na ito dahil malaking dagok ito sa ekonomiya, hindi lang sa buhay kundi sa ekonomiya ng maraming bansa tulad ng China. Alam mo naman ang China is talagang napakalaking trading partner ng ating bansa at maging ng ibang bansa, so apektadong-apektado sila, apektadong-apektado tayo.

Mayroong mga more than one million tourists halimbawa na galing China, of course hindi sila makabiyahe sa atin so apektado iyong ating tourism industry. Pagdating sa trading din, kasi iyong mga kompanya doon sa China ay napilitang mag-scale down ng kanilang operasyon. Iyong mga trabahador ng iba’t ibang mga pabrika doon at iba’t ibang mga blue or white collar jobs doon ay sa bahay na lamang nagtatrabaho, so nag-scale down sila ng operasyon so apektado tayo lalong-lalo na China is the producer of 30% of manufactured goods in the entire world. So talagang may domino effect ito sa mga bansa o sa buong mundo, lalong-lalo na sa mga bansang malaki ang kalakalan na mayroon ang mga ito sa China.

ASEC. ABLAN: Right. At least the very important thing is the Duterte government po or the administration is on top of things and like you said, there is a very active interagency task force Sec. Mart, where PCOO is included, and so at least nagkakaroon po tayo ng whole of nation approach.

Sec. Mart maglalambing po ako sa inyo, I did not meet you yet ‘no. Today is February 14, so Happy Valentine’s po sa inyo ni Ma’am Aleli.

SEC. ANDANAR: Salamat at Happy Valentine’s din sa inyong dalawa, sa mag-asawa at sa lahat ng mga kasamahan natin diyan sa Radyo Pilipinas, Happy Valentine’s. Pero tulad noong sinulat mo sa iyong social media account ay iyong pag-ibig mo sa serbisyo para sa bayan ay nananaig. Kaya tayo kahit na Valentine’s ay nandito pa rin tayo sa ere nag-uusap, nagbabalita dahil para ito sa ating bayan, for the sake of public service ay ito ‘yung ginagawa natin. So, Happy Valentine’s sa lahat.

ASEC. ABLAN: How was your week po, Sec. Martin? Where did you go this week, sir?

SEC. ANDANAR: This week, dito lang ako sa Manila dahil maraming trabaho. So for the first time this year, ito lang iyong linggo na wala ako sa probinsiya, nandito lang sa Maynila. At ano nga, busy tayo dito sa COVID-19, so nagkaroon tayo ng… iyong Laging Handa noong Lunes tapos Laging Handa kanina, tapos nagkaroon tayo ng late na Interagency Task Force meeting with Secretary Duque ng Interagency Task Force. Busy, busy… sa sobrang daming nangyari parang you don’t know where to start.

ASEC. ABLAN: Opo. Sec. you know, you’re sounding a little bit under the weather and then alam ko po may news na lumabas na medyo nagkasakit din si Sec. Duque – are you guys okay na po? I mean, you guys have to drink a lot of fluids and vitamins para mataas iyong resistensiya Sec., because you guys are our leaders.

SEC. ANDANAR: Well, oo. Well it goes for everyone na kailangan ano tayo, kailangan ay malakas iyong ating resistensiya. So kailangan uminom ng maraming tubig – gaya ng binanggit mo, kailangang uminom ng vitamin C at kumain ng mga masustansiyang gulay, at of course iyong lifestyle kailangan healthy rin, iwasan iyong mapuyat. Pero ganoon pa rin, kailangan lang talaga balansehin iyong trabaho…

ASEC. ABLAN: Kamusta po si Secretary Duque, Sec. Martin? Okay na po siya?

SEC. ANDANAR: Nagkaroon siya ng problema, nagkaroon siya ng laryngitis, so nawalan siya ng boses pero ngayon okay na. Marami sa Cabinet din iyong may ubo, pero ganoon nga, I’m okay na. Si Secretary Esperon ay may ubo iyon, pero nandoon siya sa Interagency Task Force, kailangan pumasok. Ganoon talaga Kris eh, so kailangan nating magtrabaho pero kailangan lang sa mga kababayan natin, paalala iyon nga, iyong vitamins kailangan talaga madalas tayong mag-load up ng vitamin C at matulong nang mahaba; kung kayang 8 hours, mas maganda 8 hours.

Of course huwag nating kalimutan na panatilihin ang hygiene sa katawan, maghugas ng kamay, iwasan na umubo na may tao; kung uubo tayo, gamitin iyong dito sa kamay, malapit sa siko. Huwag nating gamitin iyong kamay natin kasi baka makahawa pa tayo, makahawak tayo ng ibang kamay at ma-transmit pa natin iyong ating sipon, ating ubo, ating lagnat. So kailangan maging responsible tayong mamamayan!

ASEC. ABLAN: Oo nga Sec. Mart, bawal po magkasakit ‘di ba, so hopefully wala pong mangyari. Anyway Sec. Mart, magbi-break po tayo nang sandal, so magkita-kita po tayo mamaya after a word from our supporters!

SEC. ANDANAR: Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource