Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Willie Delgado Jr. and Jorge Bandola (Straight to the Point-RMN)

Q:  Magandang umaga po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Jorge and Willie. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin dito sa inyong programa sa DZXL. 

Q:  Salamat po. Sec. Martin, ano po ang marching order ng Pangulo kaugnay ng Sulu bombing?

SEC. ANDANAR:  Mayroon pong lockdown diyan sa Jolo, Sulu ngayon, at pinaigting po iyong mga checkpoints diyan. At, of course, naka-high alert ang mga operatiba natin diyan – AFP, PNP – and ine-expect po na dumating ang ating security cluster diyan sa Jolo, Sulu. In fact, kaninang alas-sais ng umaga ay nagtungo sila diyan. And there are reports na darating po si Presidente. 

Q:  Anong oras ang tulak ng Presidente sa Sulu?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa matiyak iyan kasi siyempre nasa ano iyan eh, PSG, at iyong seguridad ng Pangulo ang mahalaga. Pero but I’ve heard that pupunta doon iyong security cluster because I was invited to join them. Pero unfortunately ay mayroon akong ibang activity dito, iyong DuterteNomics 2.0 Results ngayong umaga, alas-10, dito sa may PICC. Kasama ko rin po iyong infrastructure cluster, DPWH, iyong NEDA. Kasama po ang DBM, Department of Finance, para po ipakita sa publiko, sa media ang mga resulta ng DuterteNomics 2.0—

Q:  Pupuntahan ka ng DZXL diyan sigurado.

SEC. ANDANAR:  Yes, thank you so much.  But again, going back to the Jolo, Sulu mass murder, we condemn in all angles, at the high heaven. Alam mo, wala talagang puwang ang mga ganitong terrorism or criminal acts— 

Q:  Anong naging initial reaction kahapon ng Pangulo nung mabalitaan?

SEC. ANDANAR:  Well, alam mo, ipinadala kaagad sa amin sa Cabinet thread iyong balita. Si Secretary Esperon ay nagbigay siya kaagad ng initial report.  At iyong unang sumagi sa isipan ko is that napaka-timing naman, kakapasa lang ng BOL sa plebiscite, na-ratify, and ganito kaagad. Para bang mayroong mensahe iyong mga against sa BOL. Parang ganoon iyong dating sa akin.

Q:  Pero (unclear) iyon ng AFP at PNP sa BOL iyong pagsabog kahapon.  Kayo ba diyan sa Malacañang mayroon ba kayong ibang anggulo na nakikita, tinitingnan?

SEC. ANDANAR:  Well, of course, we all wait  for the official report ng PNP, AFP, berepikahin nila kung sino iyong mga suspects nito. Mayroon silang mga tinitingnang suspects, may mga anggulo na sila. But the timing is really suspect ‘di ba, kaka-ratify lang tapos ganoon agad. You know, the Bangsamoro Organic Law is for peace and (unclear)  in Mindanao. Kumbaga, ito nga iyong light at the end of the tunnel eh tapos nangyari  ito ngayon. But rest assured that the entire government and its force will run after the perpetrators.

Q:  Ang sabi ni Secretary Panelo ay kinu-consider daw ito ng Malacañang na isang paghahamon dahil right after ng plebisito sa BOL ay  nagkaroon ng pagsabog at sa loob ng simbahan habang nagsasagawa ng misa. So, iyan ay hindi ito pangkaraniwang pagpapasabog eh, talagang parang may gustong mensaheng ibigay itong insidente na ito, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Alam naman natin na natalo ang BOL diyan sa Jolo, Sulu. Alam naman natin na by a slim margin ay nanalo iyong ‘No’  diyan. Pero iyong ating hamon sa local government units diyan sa Jolo, Sulu, lahat sila hanggang barangay, to condemn it, number one; and number two, to hunt the criminals who did this … at talagang tigilan na. And just because nanalo ang ‘Yes’ sa pangkabuuang plebesito ay kailangan na nating maghamon sa gobyerno. Hindi dapat iyon eh.

You know, in our Republic, it’s a democratic republic, the voice of the majority, the voice of the people is the voice of God. ‘Di ba, eh kung ang  majority ang nagsabi na,  halos 1 to 7 na sabi ni Secretary Esperon, the ratio is 1 to 7 in favor of BOL eh wala na tayong magagawa. We should respect the voice of the majority. Ganoon naman iyon eh.

Q: Sa ganitong insidente, specifically itong nangyari sa Jolo, Sulu, ano kaya ang pinakamatigas na word na maririnig natin sa bibig ng Pangulong Duterte? 

SEC. ANDANAR:  Pasensiya na hindi ko masyadong marinig kasi nandito ako sa Skyway. Pero ang alam ko lang galit na galit ang Presidente. Galit na galit si Presidente sa nangyari sa Jolo, Sulu noong linggo.

Q:  May hinuha kaya na magkaroon ng all out war at pinagpi-prepare na niya ang Cabinet para sa mass evacuation ng mga maaapektuhan kung sakali?

SEC. ANDANAR:  Mahirap kasing mag-speculate eh. Once na magpunta doon ang security cluster at once ma-assess ng ating mahal na Pangulo ay  siguro magbibigay iyan ng kaniyang pahayag; antayin na lang po natin.

Q:  Kung magbibigay ng pahayag ang Pangulo, natanong mo ba kung mga ilang kilong mura kaya ang dadalhin ngayon ng Pangulo doon?

Q: Galit na galit siya eh.

SEC. ANDANAR:  Oo, galit na galit. Talagang  magkakaalaman kapag siya nga ay dumating sa Jolo, Sulu.

Q:  May schedule ba siya ngayong Monday na kinansela niya para lang puntahan niya iyong site?

SEC. ANDANAR:  Hindi  ko alam  ang  schedule ng Presidente ngayong Lunes; hindi ko pa natse-check. Pero I can find out for you.

Q:  Okay. Salamat po, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Willie at Jorge.  I think this is our first conversation for the year.

Q:  More to come.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat at mabuhay kayong dalawa.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource