Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Deo Macalma (DZRH – Damdaming Bayan)

Event Media Interview

MACALMA: Secretary Panelo Sir, magandang umaga po sa inyo!

SEC. PANELO: Magandang umaga naman!

MACALMA: Ayan… Secretary Sir, ayan… Alam po ninyo ay—ano po ang gagawin ng pamahalaan dahil dito sa parang patuloy na hindi po pinapansin o kaya parang—hindi ho parang nang-aasar po ang China dahil hindi po inaabisuhan ang ating pamahalaan sa pagpasok ng kanilang warship dito po sa ating territorial waters, Secretary Sir?

SEC. PANELO: Eh, ang gagawin natin magbibibigay tayo ng diplomatic protest at titingnan natin kung anong magiging response ng Chinese government.

MACALMA: Ayan… Pang-ilang diplomatic protest na ito, Secretary? Ang dami na yata?

SEC. PANELO: Well, for every violation na nakikita natin, nagpa-file ng diplomatic protest ang ating DFA.

MACALMA: Ayan… At bukod diyan sa isyu ng mga warships na pagpasok dito sa ating territorial waters sa bandang Tawi-Tawi, Secretary, Sir, aba’y si Secretary Lorenzana ay medyo nababahala din po sa pagdami po ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO. Ano ho ang pananaw po natin dito, Secretary? Sir, textmate n’yo pala si Ambassador Zhao, Secretary, Sir?

SEC. PANELO: Ay, ano ‘yun? Ano ‘yun?

MACALMA: Ang sabi ko po ay textmate n’yo pala itong si—ayan… uminom ka, sir, ng ano… ng mainit na kape.

SEC. PANELO: ‘Pag mayroon siyang gustong ipa-alam sa atin nagte-text siya. Sinasagot naman natin.

MACALMA: Ayan, oho. At ang isyu nga rito dahil napagdudahan po ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO. Baka daw po sila nag-ii-spy. Pero ano po ang sagot ninyo sa text, Secretary, Sir? Parang ibinalik yata ‘yung question natin sa kanila?

SEC. PANELO: Hindi. Actually, yung text ni gusto niyang ipo-forward ko kay Secretary of National Defense. Tayo naman eh—alam mo, Deo, ang thinking ni Presidente diyan eh sa ngayon ay masyado ng high ang technology on intelligence information na hindi kailangang nasa tabi natin ang isang bansa para spy-an tayo, ‘di ba?

MACALMA: Opo.

SEC. PANELO: In fact, lahat ng mga bansa nag-ii-spyan sa isa’t-isa eh. But of course we can understand the concern of Secretary of National Defense, that’s a legitimate concern. Pero sabi nga ni Secretary Esperon, ang mahalaga alam natin kung nasaan sila.

MACALMA: Uhm. Ayan… Ang isyu nga dito, Secretary, Sir, ‘yun daw pong mga POGO… tawag nito? Spaces o kaya offices ay nasa malapit po sa mga military camps o kaya sa police headquarters. May mga panukala po, Secretary Panelo, Sir, na dapat po ay parang economic zone. Dapat daw po ay ilagay sila sa isang lugar para namo-monitor po ang mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO.

SEC. PANELO: Siguro, hayaan natin ang PAGCOR pati na ang ating mga security officials to discuss that; sila ang mas nakakaalam kung anong dapat gawin.

MACALMA: Uhm. Ayan… Kasi marami ang nagdududa na ‘yun daw pong mga nagtatrabaho sa POGO ay para hindi mga ordinary Chinese employees kundi ang hinala po ay parang mga Chinese military, Secretary Panelo, Sir?

SEC. PANELO: Well, ang mahalaga ‘yung ating security—sabi ni Presidente magaling daw ang ating intelligence…

MACALMA: Ayan… So, ano po ‘yung pag-uusap ni—palitan ng text messages ni Ambassador Zhao? Galit po ba siya nung sinabi na what if China suspects OFWs of spying too? Kasi marami rin pala tayong mga Filipino na nagtatrabaho sa—kababayang nagtatrabaho sa China?

SEC. PANELO: ‘Yun lang naman ang sinabi niya pa—na i—kung pupuwedeng i-share k0 ang kaniyang mensahe.

MACALMA: Ayan… So, ano po ang agenda ng Pangulong Digong, sir, sa kaniyang pakikipag-usap kay President Xi Jinping?

SEC. PANELO: Na kay Presidente kung anong gusto niyang sabihin. Sinabi niya sa kaniyang speech na he will raise the issue on arbitral ruling at kung ano pang mga irritants na kailangang mapag-usapan nila.

MACALMA: Ayan… So, alam n’yo po, Secretary, Sir, itong issue natin sa China parang issue rin ng Vietnam, huh. Ang Vietnam po may statement po sila na pinapaalis din ang mga Chinese vessels doon sa pagpasok sa kanilang Exclusive Economic Zone. Nagko-compare notes ba tayo sa Vietnam kasi pareho tayo ng problema, Secretary Panelo, Sir?

SEC. PANELO: Iyon ay nasa teritoryo na ni Secretary of Foreign Affairs Teddy Boy.

MACALMA: Ayan… At humingi na po ba tayo ng tulong sa Amerika, sir, para ma-monitor natin itong intrusion ng mga Chinese warships sa territorial waters ng Pilipinas?

SEC. PANELO: Hindi ko alam ‘yan. Na kina ano ‘yan eh… kina Secretary Esperon at saka Secretary Lorenzana.

MACALMA: Secretary Sir, yumao na po si dating DENR Secretary Gina Lopez. Ayan… Ano po ang inyong comment at ano ba ang statement ng Malacanang?

SEC. PANELO: Kami po ay nakikiramay sa pagpanaw ni—Nakikiramay po si Presidente at lahat kami sa Gabinete sa pagpanaw ni Gina Lopez. Siya po ay isang napakabait at napaka-generous na tao, palagi iniisip niya ‘yung kapakanan ng mahihirap at gumagawa siya ng mga hakbangin para itaas ang status ng kanilang buhay at siya ay isang fiercely protector ng environment. We will miss her.

MACALMA: Ayan… Oo. Ang Pangulong Duterte, Secretary, Sir—

SEC. PANELO: Deo, I have to go.

MACALMA: Ah okay, sir. Sorry po. Maraming salamat, Secretary Panelo.

—END—

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource