Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Salvador Panelo by Deo Macalma and Milky Rigonan (DZRH – Isyu)

Event Media Interview

MACALMA:  Atty. Panelo, sir. Magandang umaga po sa inyo Attorney, Secretary.

SEC. PANELO:  Good morning Deo.

MACALMA:  Yes sir, kasama natin sir, si Milky Rigonan, Attorney.

RIGONAN:  Magandang umaga, Secretary.

SEC. PANELO:  Good morning, Milky.

MACALMA:  Attorney, nakakagulat naman itong sinabi ng Pangulong Duterte kagabi sa Malabon, may assassination plot po sa kanya. Aware po ba kayo dito sa plot na ito laban sa President, Secretary sir?

SEC. PANELO:  Alam mo hindi na ordinaryo iyong ang Presidente gustong patayin kung sino ang may gusto. Alam mo naman ang Presidente natin eh, ang daming—

MACALMA:  Kalaban.

SEC. PANELO: Ang daming kalaban, because gusto niyang labanan lahat ng mga uri ng kasamaan dito sa ating bayan.

MACALMA: Sabagay si dating Pangulong Noynoy noong sinasabing may nakuha daw na mga Barrett iyong mga makakaliwa, takot na noong mag-speech ang dating Pangulong Noy in public ah, sa mga open.

RIGONAN:  Kaya binawasan iyong paglabas-labas niya noon, lakay.

MACALMA:  Pero first time lang kasi, Atty. Panelo, sir na gumamit ng Pangulong Duterte ng bullet proof glass kagabi. So, ibig sabihin ay matindi po iyong intelligence report na may tangka sa buhay ng ating Pangulo?

SEC. PANELO:  Siguro dahil din sa lugar, kasi iyong lugar maliit eh. Walang masyadong—hindi spacious, kumbaga.

MACALMA: Ito ba ang dahilan sir, kaya medyo na-delay yata iyong speech ng Pangulong Duterte, siguro sinuyod muna lahat, clear muna lahat ng PSG iyong suluk-sulok na pinagdausan ng rally kahapon?

SEC. PANELO:  Hindi naman, maraming trabaho si Presidente araw-araw, maraming trabaho. Palagi namang late iyon eh, sa dami ng trabaho niya. Never naman naging nasa oras dahil sa oras iyon, dahil nga masipag.

MACALMA:  Pero nagrereklamo na ang Presidente sa PSG. Kasi pati mga babaeng gustong lumapit sa kanya, yumakap sa kanya, humalik sa kanya eh pinagbabawalan na.

SEC. PANELO:  Oo nga, hindi niya tuloy maaamoy ang scent.

RIGONAN:  Pero, Secretary Panelo mayroon na po bang ideya ang PSG kung anong grupo po ito na mayroon umanong tangka sa buhay ng Pangulo?

SEC. PANELO:  Wala, wala. Hindi ko alam, wala akong information about that.

MACALMA:  Ah, hindi kayo privy sa mga intel report na ganyan, kung ito ba ay galing sa mga kaliwa o kaya mga drug lord, mga kalaban sa pulitika, mga ganyan.

SEC. PANELO:  Iyon na yun, kasama na lahat iyon siguro among others o kung sino man iyon.

MACALMA:  Paano ito, Attorney, mababawasan ba ang mga speaking engagement ng Pangulong Duterte dahil sa ganitong assassination plot laban sa kanya?

RIGONAN:  Puro sa Malacañang na lang po ba muna?

SEC. PANELO:  Not this President. Hindi ba sabi niya nga kahapon, hindi ako ang nasusunod dito, sila. Dahil kung nawawala, hindi pupuwede iyon. Tumatakas nga iyan eh, nagtataka nga iyong PSG, kaya lang after 10 minutes nalalaman na kung nasaan siya eh.

MACALMA:  Bakit tumatakas, saan nagpupunta?

SEC. PANELO:  Wala, parang sinusubukan niya lang kung masusundan siya.

MACALMA: Sabagay sabi ng Pangulo eh, kung oras mo na, oras mo na, walang magawa iyang bullet proof glass na iyan; parang alam na niya iyong mga ano ha, kumbaga anuman ang mangyari, parang handa ang Presidente.

SEC. PANELO:  Oo, definitely. Di ba sinabi niya doon sa, alam mo doon sa Cabinet meeting namin nung isang gabi, nung—he was curious, noong malaman niya iyong isang kontrata na ang nakalagay doon hindi puwedeng makialam ang gobyerno sa terms ng contract. Eh kaya nag-order siya na repasuhin lahat ng mga kontrata.

MACALMA: Actually iyan sana ang susunod na tanong ko, iyan. Nabanggit mo na rin lang, Atty. Panelo, sir. Secretary Sal, ano po ang gagawin ninyo.

SEC. PANELO: May direktiba iyan: lahat ng kontrata ay rerebyuhin ng SolGen, ng Department of Justice at lahat ng mga legal departments ng lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno para malaman kung may mga – or there’s a provision that will put the Filipino people into disadvantage o kaya in violation of the Constitution. Kasi nga iyong kontratang inaantay niya roon, doon sa Maynilad na nagbabayad tayo ng 3.5 billion dollars, nakialam daw iyong gobyerno doon sa kontrata eh, nasa kontrata hindi dapat makialam. Eh dahil sa pakikialam nung Presidente noon nagkaroon tuloy ng danyos.

MACALMA:  Gobyerno pa may utang.

SEC. PANELO: Kaya si Presidente eh, galit na galit nagmumura siya eh. Ang sabi niya hangga’t ako ang Presidente, hindi ako papayag. Patayin n’yo na ako sabi niya, mamatay na ako, ikulong n’yo na ako, I will never allow this to happen.

MACALMA: Kasi iyong ibang administrasyon eh, lalo na kapag mga oligarch iyong mga nagsalita eh, parang nate-threaten nila ang Presidente, pero ito hindi eh.

RIGONAN:  Iyon ang masusunod, iyong mga negosyante na iyon. Pero bukod po doon sa kontrata doon sa Maynilad.

MACALMA:  Maynilad ba o Manila Water, Atty. Panelo, sir?

SEC. PANELO: Maynilad iyong binasang ano eh. Basta lahat ng kontrata, any contract put/touch [unclear].

RIGONAN:  Siyempre kasama rin dito po iyong mga loans natin sa China?

MACALMA:  Oo, iyong Chico River.

SEC. PANELO:  Oo, lahat iyon titingnan.

MACALMA:  Chico River projects sa Mountain Province; so, ano ang gagawin dito, Attorney, katulad lamang nitong 62 million Chico River pump irrigation project, so, kaya po ba nating baguhin ito, Secretary Panelo, sir?

SEC. PANELO:  Bakit naman hindi, kung ito ay labag. Pero alam mo diyan sa parting Chico, ang mga economic managers natin pinaliwanag ng husto iyan at nakikita natin, mukhang wala namang paglabag.

MACALMA:  Sir, balikan natin iyong pagde-deploy ng China ng maraming barko diyan sa may Pag-asa Island. So, ano na po ang latest kasi dito, kasi iyong statement ng Pangulong Duterte naman kagabi ay sabi niya na ipinagtatwa ng Pangulo ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China?

SEC. PANELO:  Hindi. Ang ibig lang sabihin ni President, supposedly we are on a friendly relations but it doesn’t mean that the government we are friendly with, can do anything they want, especially if they are now intruding into our territorial sovereign, ibang usapan iyon. Pero magkaibigan tayo, iba iyong usapan doon sa arbitral ruling at iyong friendly relations na with respect to trade o kaya mga sharing ng intelligence information relative to the security of the state as against terrorism o kaya illegal drug, ibang usapan. Kaya nga nung nag-raised ng alarm iyong Western Command, eh mayroon tayong ginagawang, si Secretary Locsin nagpadala ng note verbale or you can call it protest.

MACALMA:  Diplomatic protest.

SEC. PANELO:  Sa gobyerno ng Tsina.

MACALMA: Attorney balikan ko lang iyong isyu ng mga kontrata na disadvantageous sa gobyerno. Kasi maraming—kinakabahan iyong marami sa ating mga kababayan, kasi baka mamaya pumalya tayo sa pagbabayad sa loan sa China, baka iyong mga project na iyon eh, i-take over ng China, iyong mga ganoong isyu po ba, Attorney. Isa ba ito sa titingnan, ng pinapa-review ng Pangulong Duterte?

SEC. PANELO: Iyong ano, alam mo iyong sinasabing patrimonial assets. Unang-una iyong mga natural resources, under the Constitution hindi pupuwedeng isanla iyon, hindi puwedeng ipagbili. But mayroong mga assets ang Pilipinas na magiging patrimonial assets or properties, ibig sabihin puwede nang ikalakal. Iyon yung sinasabi ni Justice Carpio doon sa loan agreement na para sa kanya eh labag sa Saligang Batas.  Sa aking pananaw doon, bilang isang abogado, ang labag sa batas iyong natural resources, pero ang patrimonial property, asset mo na nga iyan, puwede mo nang ikalakal iyan. Kaya doon sa risk, risk ba na sinasabi na supposed to be, just in case mag default tayo, hindi naman mangyayari kasi hindi naman tayo balasubas: Unang-una maganda ang ekonomiya natin; at alam mo iyong lender, hindi naman magpapahiram iyon kung nakikita niyang hindi panatag iyong ating ekonomiya.

Now, iyong sinasabi ni Justice Carpio, pareho kaming tama, kasi ang sagot ko doon, unang-una hindi mo naman pupuwedeng ikalakal iyong Reed Bank, hindi mo puwedeng i-insist iyan kung  in case of default, kasi hindi mo pupuwedeng maging patrimonial  asset iyan. Iyong gas saka oil na kukunin mo sa ilalim ng Reed Bank iyon ang puwede, iyon naman ang tinutukoy niya.

Eh sa akin naman, puwede iyon, sapagkat bakit ba tayo, kasi ordinarily hindi pupuwede iyon. But pumasok, mayroon na tayong batas na puwede, iyong oil at saka gas, na kukunin sa ilalim ng lupa, puwede mo nang ibenta – kaya nga mayroon tayong concessionaire para kunin iyon. Pag nakuha iyon, ibebenta mo iyon; ang profit noon ay magse-share ang gobyerno saka iyong concessionaire, iyon ang pupuwedeng kunin, kung naibenta mo na iyong share natin, puwedeng pambayad iyon. Kaya ang sabi ko, ano ba  ang kaibahan kung doon kinuha iyong pambayad sa utang natin kung nag-default at kinuha doon sa  Treasury, Eh di parehong pera din. That’s my point.

Para bang ang lumalabas: aba kukunin na iyong karapatan na hukayin lahat iyon, sa kanila na lang – hindi! We cannot be paying beyond our principal obligation and interest.

RIGONAN: At the same time, Secretary Panelo impossible naman daw pong hindi mabayaran natin kasi, every year sa budget po natin ay mayroong automatic appropriation for debt service, hindi po ba?

SEC. PANELO:  Yes, iyon nga ang naging defense ko na minamaliit nila, parang minamaliit nila ang kakayahan natin. Eh ‘ika ko kung iyong nuclear plant nabayaran natin in 26 years na 2.6 billion dollars yata iyon, ang mahal niyon, nabayaran natin iyon, kasi nga automatic iyong appropriation natin doon, ito pang 62 million dollars lang. Para ngang lumalabas kino-compute ko mga 13 million a year lang.

MACALMA:  Okay, so at least klaro, sir.

SEC. PANELO:  A month, rather a month, 13 million pesos a month.

MACALMA:  Okay, Secretary Panelo, sir Maraming salamat po sa mga paliwanag.

RIGONAN:  Sir, bakit naman pinili ng Pangulo ay sardinas doon sa Cabinet meeting di ba, hindi daw kinain iyong ano, sardinas daw ang in-order niya, hindi kinain iyong baby back ribs na niluto sa Palasyo?

SEC. PANELO:  Kung ako hindi ko rin iyong rib back, kinain ko lang iyong tinapay. Unang-una nasa lasa eh, iyong lasa ng pagkaluto parang hindi ko type, iyong soup na lang ang kinain ko saka kinuha ko iyong mga bread doon sa tabi.

MACALMA:  Secretary Panelo, sir. Maraming salamat, good morning, thank you very much po.

SEC. PANELO:  Good morning, Milky and Deo.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource