Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Bruce Rivera and Jess Falcis (Radyo 5 – Boljak)

Event Radio Interview

Q:  Good morning po, sir.

SEC. PANELO: Good morning.

Q:  Of course, well alam naman natin that the President is aligned or parang there is a perception that he is you know friends with the Marcoses, iyon ang sinasabi. But of course ano po iyong comment or ano ang reaksyon ng Malacañang regarding dito sa pagka-convict in former First Lady Imelda Romualdez Marcos po?

SEC. PANELO:  I already issued a statement on that Bruce. Ang sabi ko, ang Presidente eh hindi nakikialam sa Hudikatura. Ang alam niya bilang Presidente at abogado, kung ano iyong batas sundin natin. Kaya nga ang sabi ko iyong ganoong mga desisyon, kung ito ay magiging final na, eh maging reminder sa ating mga opisyales na ang opisina na hawak ng bawat opisyal sa gobyerno ay isang tungkulin kung saan ikaw ay accountable sa taumbayan. Kaya dapat manungkulan ka ng matapat, iyon ang aral doon.

Q:  Sir, of course, marami ding matataba ang utak, sir, na nagsasabi na parang, “oh wala naman iyan, kasi palalabasin din naman ni President Duterte iyan.” Ano po ang masasabi ninyo diyan?

Q:  Ipa-pardon daw, sir.

Q:  Oo, ipa-pardon daw, meron daw mga ganun-ganun—

Q:  Advance mag-isip.

Q:  Pangungunahan ba talaga, ganoon ba iyon?

SEC. PANELO:  Meron na rin akong statement diyan. Ang sabi ko, iyong mga ganoong pananalita o pag-aaral nila sa kanilang mga sarili, eh purely speculative and premature. Kasi unang-una, wala pang final conviction; ang pardon binibigay lang pag final na at matagal pang proseso iyan.

Pangalawa, ang Presidente, bago magbigay ng pardon eh nag-aantay ng rekomendasyon iyan sa Bureau of Pardons and Parole and after that pag-aaralan niya pa, iwe-weight in niya  lahat ng factors diyan, lahat ng mga konsiderasyon bago mag-grant ng pardon, upang malaman niya kung karapat-dapat at entitled iyong humihingi ng pardon.

Q:  Okay, wala na akong tanong, ang galing nung mga sagot eh.

Q:  Of course, sir ang akin is. What is your say or statement doon sa mga sinasabi ng iba na parang ang isa daw sa nagsulat ng ponente is appointee ni President Duterte. So parang what can you say about those people who are actually trying to blemish the reputations of the Sandiganbayan judges who ruled on the conviction. What is your say on that?

SEC. PANELO:  Sino ba ang ponente?

Q:  I think si Justice Corpuz Mañalac ata, parang sa 5th Division, iyon ang pagkaka-alam ko. But anyway, sir, iyon ang parang sinasabi nila—they are trying to parang see it as something na meron daw hokus-pokus doon sa desisyon.

SEC. PANELO:  Unang-una, eh 27 years na iyang trial na iyan eh. Sa madali’t-sabi marami nang dumaan na mga justices doon.

Q:  And I think nasa Supreme Court na iyan ng dalawang beses ata at ni-remand, so matagal na talaga.

SEC. PANELO: Pangalawa, alam ninyo… alam mo naman iyan Bruce. There are as many opinions as there are lawyers. Mga judges kanya-kanyang tingin iyan. Kung ang tingin nila iyan ang dapat, di iyan ang gagawin nila. Kaya nga tayo meron ding Appellate Court para kung sa tingin mo mali, oh di mag-apila ka; and then aantayin natin ang Korte Supreme, ang pinakamataas na hukuman na ang magbigay ng desisyon. At tatanggapin man natin o hindi, dapat talagang tanggapin wala na tayong magagawa. So, ganoon talaga iyon.

Q:  At saka collegiate din ito, tatlo din, kaya medyo mahirao magkutsabahan. Pero anyway po, salamat po sa inyong time, Presidential Legal Counsel and Spokesperson Atty. Sal Panelo. Salamat po sa inyong time and you know, wishing you well for the coming days of the week.

SEC. PANELO:  Salamat, salamat din sa inyo.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource