Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Erwin Tulfo)

Event Radio Interview

TULFO: Magandang umaga po, Secretary Sal Panelo, sir.

SEC. PANELO: Good morning, Erwin.

TULFO: Araw-araw na tayong mag-uusap nito, Sec., dahil kayo na po ang opisyal na tagapagsalita po ng Palasyo. But nevertheless, Sec., tama iyong sinabi ninyo, iyong mga nagtanung-tanong ng mga nagdaang araw bakit nangingitim ang mukha ng Pangulo, baka grabe na. Sabi ninyo, kailangan lang sigurong pumunta ng Pangulo sa Derma. Ayun, pumunta nga sa derma. At nalaman niya, kagagamit niya pala ng mga cream, mga facial cream, mga sunblock, sunscreen ni Ma’am Honeylet na hindi naman pala tugma sa kaniyang balat. Iyon ang sabi ni Doktora Jean Marquez, Secretary Sal.

SEC. PANELO: Oo nga. [Distorted signal]

TULFO: Sir? Sandali lang, sir. Sandali lang at tatawagan ka namin, sir, at nawawala po.

Hindi ho ba, Secretary Sal, mukhang si Ma’am Honeylet ay oily ang skin, si Pangulo ay dry, eh ginamit ni Pangulo iyong for oily skin eh talagang hindi magma-match.

SEC. PANELO: Oo nga eh. Hindi lang nagma-match tapos naiinitan pa nang naiinitan.

TULFO: Pero nothing to worry about, sir, ano?

SEC. PANELO: Wala, iyon lang iyon. Kaya iyong mga concerned, genuinely or not, wala kang dapat alalahanin.

TULFO: All right, all right. Sir, kambyo ho tayo, ang Philippine Drug Enforcement Agency ay may mungkahi na magkaroon ng random drug testing para sa lahat ng mga kandidato na tatakbo ngayong midterm election – from senador all the way down to konsehal. Ano hong stand ng Palasyo rito, Sec?

SEC. PANELO: Well sa tingin ko, dapat voluntary. Kung ayaw [distorted signal] hindi naman pupuwedeng pupuwersahin mo.

TULFO: Pero kung … dapat ay kusa.

SEC. PANELO:  Kung wala naman talagang itinatago, magbu-volunteer talaga iyan—

TULFO: Eh papaano kung mukhang adik-adik na talaga, sir? Baka nasa order of battle pa ng Pangulo, ibig sabihin ay nasa narco list ng Pangulo.

SEC. PANELO: Hindi papayag iyon.

TULFO: Sir, panghuli na lamang. Iyong pagkakatalaga kay Secretary Teddy Boy Locsin sa DFA, sinabihan daw si Secretary Locsin ng “just be true” or truth, something like that –  anong ibig sabihin noon, Secretary?

SEC. PANELO: Ang ibig lang sabihin noon, kailangan iyong mga Cabinet members kagaya ni Secretary Locsin ay maging makatotohanan just like the President. Si Presidente ay napaka-truthful na tao ‘di ba – walang tinatago, walang paliguy-ligoy, diretso magsalita, walang cheche bureche. Ganoon lang iyon.

TULFO: Ayun, ayun, oo. Anyway, Secretary Salvador “Sal” Panelo, maraming salamat, sir. Have a nice weekend po. Magandang umaga.

SEC. PANELO: Salamat din. Salamat din, Erwin.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource