Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ali Sotto and Arnold Clavio (DZBB – Special Coverage)

Event Radio Interview

SOTTO:  Iyon bang recommendation ng IATF was adopted in full by the President? Wala po siyang pagbabago?

SEC. ROQUE:  Wala po, it was adopted in full po.

SOTTO:  Ang isa po sa nais kong itanong sa inyo at nais buksan na pag-usapan na isyu ay ito pong implementation ng National ID system na ipinag-utos po ng ating Pangulo ano po. Na originally iyong sa pagbabasa ko ng materials po doon sa implementation ay kukuhaning isa sa importante – bukod po sa iyong personal information like your name, gender, blood type, date and place of birth – ay iyong biometrics data na initially ikaw ang pupunta ‘no. Iyong kahalagahan ng pagkakaroon ng national ID natin, pupunta ka doon sa registration center, tapos kukuhanan ka ng biometrics data dahil may mga makina po, Secretary.

Eh ngayon ang intention dahil nga sinasabi ng Philippine Statistic Authority ay nakakuha na ng exemption ang mga tao ng PSA, sila po iyong lalakad, ganoon po ba? Sila po iyong pupunta sa tao para umpisahan na iyong implementation nitong national ID natin? Papaano po iyong kamukha po ‘no iyong aspeto ng biometrics data?

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo, basta talagang inutos ni Presidente kay bagong Kalihim na si Karl Chua na talagang i-fast track ang implementation ng National ID System dahil nakita natin sa pamamahagi po g SAP ay talagang napakahirap mag-verify ng walang National ID System. So, sa tingin ko po dahil matindi po iyong pangangailangan para dito dahil sa mga pangyayari recently ay lahat po ay gagawin iyan ng PSA. Kung kinakailangan na sila ay magbahay-bahay na mayroon silang portable machine na dala ay gagawin po nila iyan.

Pero sa akin po ang magiging istratihiya siguro ay multi prong, iyong lahat ng pupuwedeng magpunta, pumunta; at iyong mga pupuwedeng puntahan eh, pupuntahan ng PSA.

SOTTO:  Oo, at saka parang mayroong … iyong sa 4Ps po ba ang uunahin, hindi po muna lahat tayo?

SEC. ROQUE:  Opo, kasi mayroon naman po tayong data sa 4Ps. Iyon ang ikinaganda ng sitwasyon natin sa 4Ps. So, mayroon na tayong beginning na data base kumbaga and we just add on. Actually, marami na po tayong specific data base na pagtatagni-tagniin din ‘no, so we are not starting from scratch. Huwag po kayong mag-alala, kasi mayroon naman tayong SSS, mayroon naman tayong GSIS at mayroon pa tayong NBI. So, kapag yan po ay na-integrate lahat, tatanggalin lang natin iyong cross listing ay magkakaroon na po tayo ng napakalaking beginning point po pagdating sa ating data base for our National ID System.

CLAVIO:   Opo, balikan ko lang itong extended ECQ na mayroon ngayong GCQ para lang malinawan iyong ating nakikinig at nanunood. Anong pagkakaiba po ng dalawa, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, ang GCQ po is the new normal. Ibig sabihin iyong ilang mga industriya ay pupuwede ng mag-operate.

Siguro simulan natin doon sa anong hindi pa puwedeng mag-operate whether be it under GCQ or ECQ ‘no. At ang hindi pa po puwedeng mag-operate ay, sinabi na nga natin, lahat ng eskuwelahan – ang pinakamaaga na pupuwede silang magsimula ay sa Setyembre pa; iyong mga leisure, amusement, gaming and fitness. Ang hirap dito, Igan, naku, tataba na naman tayo. Kasi hindi tayo pumunta ng GCQ, sarado pa rin ang fitness; iyong mga kid industries na tinatawag, mga amusement park; tourism. Ito po mapait, iyong tourism ay talagang hindi pa rin po pupuwedeng magbukas. Lahat po ng gatherings including religious ang conferences, so wala pa rin pong mga simba at pagsamba. Ang mall po—

CLAVIO:  Iyong Ramadan ngayon, apektado rin ‘no?

SEC. ROQUE:  Opo. At saka iyong mga construction, limited pa rin po iyan.

Ang pupuwede lang mag-operate, simulan natin iyong 100% na pupuwede, ito po iyong mga nag-o-operate na even under ECQ: iyong agrikultura, fishery, forestry. Itong food manufacturing po, bago po ito kasi ngayon walang food manufacturing and its entire supply chain; iyong food retail — ito naman po bukas talaga ito ngayon — restaurant, market. Pero ngayon po iyong mga restaurant basta takeout and delivery ay pupuwede sa ECQ. Iyong healthcare po, bukas po naman talaga iyan; logistic, water, energy, internet, telecom and media, lahat naman po iyan bukas even under ECQ.

Ito po 50 to 100% opening: Iyong manufacturing kagaya ng electronics and exports; iyong e-commerce; and delivery for essential and non-essential items; iyong repair and maintenance services; housing and office services. Tapos mayroon pong mga industriya na pupuwedeng 50% on work, on site work and 50% from work: financial services, BPO, other non-leisure whole sale and retail trade and other non-leisure services.

CLAVIO:  Saan pasok iyong POGO diyan, wala?

SEC. ROQUE:  Ang POGO po ay pupuwede po sigurong pumasok ‘yan dito sa 50/50. BPO is a form online eh, basta 50% on site at 50% work from home. Pero sa sinasabi ko nga po sa GCQ areas lang iyan. So ngayon sa Metro Manila po bawal, unless mayroong desisyon, hindi pa rin pupuwede.

SOTTO:  Allowed ba iyong travel between an ECQ and a GCQ?

SEC. ROQUE:  Hindi po.

SOTTO Because kunwari sa isang ECQ ka nakatira, tapos magtatrabaho … kumbaga tatawid ka lang ng border, eh GCQ ka na, it will not be allowed.

SEC. ROQUE:  Pero alam po ninyo parang mababawasan ang problema natin diyan dahil ang problema lang naman talaga natin diyan ay Metro Manila at karatig na mga probinsya. Eh ngayon lahat ng karatig na probinsiya lahat tayo ECQ pa rin eh, Central Luzon at Calabarzon ay ECQ pa rin.

CLAVIO:  Check point pa rin ang dadaanan mo ano?

SEC. ROQUE:  Checkpoint pa rin po iyan.

SOTTO:  Paglilinaw lang, Secretary, dito sa … kayo na po ang IATF Spokesman, ito ay direktiba from the Office of the Executive Secretary na centralized na sa opisina ng Presidential Spokesman?

SEC. ROQUE:  Opo.

CLAVIO:  At si Cabsec Nograles ay abala po yata sa iba pa na pinatrabaho sa kanya.

SEC. ROQUE:  Opo, napakatindi din po ng trabaho ni CabSec Nograles. Siguro it’s a way also of keeping him more close.

CLAVIO:  Mayroon pa kayong nais linawin, Secretary, kasi iyong mga gustong umuwi ng probinsyang na-stranded simula pa noong Marso. Mayroon bang masasakyan kung papayagan na silang pauwiin?

SEC. ROQUE:   Well, iyong mga GCQ areas po kasi magbubukas na po ang public transportation pero ito po ay subject pa rin sa social distancing. So, depende siguro kung saan kayo uuwi eh, depende po iyan. Pag-aaralan po iyan ng DOTr.

CLAVIO:  Usually, probinsya po itong mga ito—

SOTTO: At saka iyong public transportation, ang ruta niya within the GCQ din?

SEC. ROQUE: Opo, doon lang po sa GCQ; hindi pa rin puwedeng pumasok sa ECQ. So that’s the nature of quarantine naman po talaga dahil ang iniiwasan nga natin ay iyong pagkalat ng sakit.

At alam ninyo, ang talagang bibigyan ko lang ng diin ay napakapait po itong desisyon na ginawa ng ating Presidente. Alam po naming mahirap, pero habang wala pa po kasing vaccine at walang gamot dito sa COVID-19, ang puwede lang nating gawin ay pababain o pabagalin iyong pagkalat niya habang tayo ay nag-i-improve ng ating kahandaan na magbigay ng serbiyo medikal doon sa posibleng magkakasakit.

So, dalawang bagay po iyong tinitingnan natin ‘no – iyong abilidad ng health sector na magbigay ng medical attention sa mga magkakasakit at saka iyong level of testing natin.

Kasi kung hindi pa rin mapalawak iyong ating mass testing ay hindi natin malo-locate; at kung hindi natin malo-locate ay hindi natin ma-isolate; at kung hindi ma-isolate ay hindi natin mabibigyan ng care—

CLAVIO:  Pero iyong desisyon, Secretary, ni Pangulo magandang aral sa mga taga-NCR. Ibig sabihin may pagasa kang maging GCQ. Anong ginawa ng mga naging GCQ na puwede nating gawin sa NCR para tayo after 15 days na naman eh maging GCQ na di ba?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po, siguro talagang kaunting tiis na lang po, wala pong nagnanais na lahat tayo ay mapasailalim sa ganitong ECQ. Alam nating mahirap po iyan.  Ang Presidente naman ay nakikiisa sa atin, hindi po talaga iyan umuwi ng Davao dahil ayaw rin siyang pauwiin ng kanyang anak habang naka-lockdown din ang Davao. Pero lahat po tayo ay nagsasakripisyo, pero kaunting sakripisyo na lang po ito dahil ng tingin ko naman po habang nagbubukas na tayo ng We Heal as One Centers, habang pinayagan na ni Presidente ang paggamit ng kaban ng bayan para bumili ng rapid testing kit at habang dumadami ang ating PCR testing capacity ay darating naman tayo sa punto na magkakaroon na tayo ng kumpiyansa na kaya na nating gamutin ang mga magkakasakit habang wala pang vaccine.

SOTTO:  Secretary, alam natin na may mga industriya, may mga kumpanya na talagang in the red na. Maiisip mo talaga ang laki talaga ng kawalan nila, nawala ang kita nila. Napag-usapan na po ba ang bailout ng kahit na anong kumpanya o industriya that will ask for it after, hopefully God willing, ma-lift itong quarantine natin?

SEC. ROQUE:  Mayroon na po tayong pagpaplano kung paano mangyayari kung tayo po ay… lahat ng Pilipinas ay magiging GCQ na. Ang GCQ po will be the new normal. Unfortunately po habang wala pa pong bakuna, we cannot go back to the life that we had bago po magkaroon ng COVID-19—

SOTTO:  Open po ba ang pamahalaan, napag-usapan po ba just in case for example tourism, iyong mga airlines po natin would ask for a bail out? Napag-usapan na po ba iyon?

CLAVIO:  Mga domestic flights.

SEC. ROQUE:  Mayroon po talaga tayong plano. Ang kasunduan lang kahapon, huwag munang isapubliko. Pero may plano na po tayo pagdating sa budget, may master plan na po tayo kung paano ire-restart ang economy. At siguro po matapos itong linggong ito … dahil itong linggong ito inanunsyo iyong extension iyong ng ECQ eh iyon naman po ang ita-tackle ko sa aking mga press briefing, iyong master plan kung ano ang plano ng gobyerno matapos nga na magkaroon tayo ng sapat na kahandaan para gamutin ang mga magkakasakit sa COVID-19.

CLAVIO:  Secretary, hindi na namin kayo abalahin, good luck po mamaya sa presscon ninyo.

SOTTO:  Tapos po in the coming days, babalik-balikan namin kayo dahil developing story po natin.

CLAVIO:  Parang GCQ – good morning community quarantine.

SOTTO:  Secretary, maraming salamat.

SEC. ROQUE:  Lagot tayo Igan.

SOTTO:  Lagot tayong lahat.

SEC. ROQUE:  Lagot tayo.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)