Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Tutok Erwin Tulfo-Radyo Pilipinas)

ERWIN:  At nasa linya po ng aming telepono ang Tagapagsalita po ng Pangulo, ang Tagapagsalita ng Palasyo, walang iba kundi si Secretary Harry Roque. Magandang umaga Secretary Harry Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga kasamang Erwin, at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin at nanonood ngayon sa teleradyo.

ERWIN:  Opo. Sir una salamat po ha, at nabuwag na rin itong sindikato ng mga smuggler ng mga alahas; at sabi nga ng PACC eh pakiramdam nila ito ay mga nagpi-finance sa mga terrorist groups sa ating bayan. So congratulations Secretary Roque, sa administrasyon na ito.

SEC. ROQUE:  Ay panimula pa lang po iyan, marami pa po iyan.

ERWIN:  Oho. Ikalawa sir, reaksiyon lamang po. Itong si… hindi ko alam, itong si Mrs. Sereno nag-iikot, hindi ko alam kung tatakbo ba ito, kakandidato at humihingi ng awa. Kung saan-saan ko na nakikita ang pagmumukha nito, at samahan pa niya ng isang nag-uulyaning retired Chief Justice; si Davide. Eh sinasabing impeachable iyong ginawa ng mga mahistrado, may pa-petisyon-petisyon pa na sixteen thousand, na i-review daw. Ewan ko… Ano ho reaksiyon ninyo rito Secretary bilang abogado rin, Attorney?

SEC. ROQUE:  Well ang Korte Suprema po ay nasa Saligang Batas, mayroon silang hurisdiksiyon sa mga petition for quo warranto, at ginampanan lang naman ng Korte Suprema ang kaniyang trabaho. Ang problema dito kay Chief Justice, palagi po niyang sinisisi si Pangulo sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto. Pero alam ninyo po may kasabihan tayong mga Pilipino, na kapag ikaw ay nanuro, apat na daliri ang nakatutok sa kaniya.

Madam Chief Justice, humarap lang po kayo sa salamin – iyan po ang talagang—ang nakikita ninyong imahe sa salamin, iyan po ang talagang responsable sa pagkakaalis ninyo. Kayo lang po ang lumabag sa Saligang Batas, dahil hindi kayo nagsampa ng SALN noong kayo po ay—magkakasama tayo sa UP, at kayo lang din ho ang siyang dahilan kung bakit tuluyang nagalit sa inyo iyong mga kasama ninyo at hindi kayo sinuportahan diyan sa petition na ito.

Sa akin po, wala na pong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili lang niya dahil wala naman pong ibang may kasalanan sa kaniyang pagpapatalsik kung hindi ang sarili niya.

ERWIN:  So alam niya from the very start sir, na talagang hindi siya qualified doon sa posisyon. Kasi may lumabas ba—is this correct sir, na itong si Chief Justice pala na ito ay hindi naman naging trial lawyer; hindi kagaya ninyo, na kayo ay nakipagbalitaktakan diyan sa mga korte. Eh kailangan daw isa sa mga requirement, dapat eh ikaw ay may experience as a trial lawyer. Is this correct, Sec?

SEC. ROQUE:  Well ang requirement naman po ikaw ay nag-practice—

ERWIN:  Oo, practice…

SEC. ROQUE:  At sabi doon sa kaso ng [unclear], pagbibigay ng legal advice, practice na iyan. Pero alam natin, talagang wala siyang eksperiyensiya pagdating sa trial kaya nga maraming naniwala na hindi siya iyong pinakamagaling na umupo bilang Chief Justice. Pero gayun pa man, ang pinag-uusapan, iyong dahilan kung bakit siya napatalsik, siya lang po ang may dahilan; siya lang po ang nagbigay ng dahilan kung bakit siya napatalsik, dahil siya lang ang lumabag sa Saligang Batas, siya lang po ang nambubuwisit sa kaniyang mga kasama.

Alam mo Erwin usually ang problema natin sa Pilipinas, iyong pakisamahan sa mga institusyon. Aba, eh dito sa Korte Suprema ibang klaseng pakisamahan ang nangyari, pakisamahan nila laban sa sarili nilang Chief Justice. Siguro naman mai-imagine mo na kung gaano kasama ang naging samahan ng Chief Justice sa kaniyang kasama, sisihin niya ang sarili niya at huwag ang Presidente.

ERWIN:  Sir, panghuli na lamang. Ano ho ang masasabi ninyo, kasi mayroon po akong mga sources na nagsasabi, ito, si dating Chief Justice Davide ha, eh pinapalabas niya na parang may conspiracy daw iyong walong mahistrado at ang Malacañang; nag-usap-usap para mapatalsik si Sereno – iyan po iyong sabi ng aking impormante, ng aking source sir. Ano po reaksiyon ninyo na pati itong dating Chief Justice eh nangingialam ngayon sir?

SEC. ROQUE:  Ay naku ewan ko nga ba. Eh alam ninyo naman po pulitiko rin talaga itong ating dating Chief Justice na ito. Siya po ay dating miyembro din ng Interim Batasang Pambansa at ama ng Gobernador ng Cebu, at alam naman natin na talagang ginawa niya. So hayaan na po natin iyan, let his background and let this relationship speak for themselves. Pinulitika daw, iyon pong pagpapatalsik kay Chief Justice Sereno, wala pong pulitika. Si Chief Justice lang talaga ang may kasalanan ng lahat.

ERWIN:  Sir sorry ha, I lied to you. Pero nais ko lamang pong i-congratulate din kayo ha, kayo at saka si Secretary Bello, mukhang may ginawa ho talaga kayong maganda roon, dahil finally iyong Kuwaiti government pinakawalan na po iyong mga detained Filipino Diplomats. Ano ho sinabi ninyo sir? Nakipag-bargain ba kayo, dahil alam kong nakakulong iyon, hindi makalabas iyong mga officials natin sa embahada? But sir, mukhang may sinabi kayong maganda roon nila Secretary Bello, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Ang nangyari lang po, nilinaw natin na talagang ang pakay lang po natin ay pangalagaan po ang karapatang mabuhay ng mga mamamayan at sinabi namin na magbibitiw na sa puwesto si Presidente Duterte kung papasamain nila iyong ninanais ni Presidente Duterte na bigyan ng protection ang mga OFWs sa ibang parte ng daigdig – naintindihan naman po iyan ng Kuwait kaya po naayos ang mga gusot. Parating na po mamayang alas tres iyong ating mga diplomats, at tuluy-tuloy na pong normal ang atin samahan, samahan ng Pilipinas at ng Kuwait.

ERWIN:  Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Magandang umaga, mabuhay po kayo Sec.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center

Resource