Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Tutok Erwin Tulfo-Radyo Pilipinas)

 

TULFO: Secretary Roque, magandang umaga po, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin. At magandang umaga sa mga nakikinig sa atin ngayon.

TULFO: Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo, ng Pangulo na 60+ percent or 64 na mga babae ay hindi raw pabor na palitan ang ating Saligang Batas, which is kailangan kung tayo ay kakambyo na sa pederalismo. Lumalabas na ayaw din nila sa pederalismo, Sec. What can you say? Reaksiyon po ninyo dito sa bagong survey, Sec.?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, wala pa namang proposal na nabubuo ‘no. Patuloy pa rin iyong pag-aaral ng Consultative Committee na itinalaga ng Presidente na magbigay ng rekomendasyon sa Kongreso. So wala pa naman talagang papaburan o hindi papaburan ng ating taumbayan.

Pangalawa, talaga namang kinakailangan pa tayong gumawa ng mga hakbang para mapalawak iyong kaalaman ng taumbayan kung ano itong pederalismo at bakit ito nakakatulong sa ating bayan. So ito po ay tinatanggap natin bilang isang paghamon, at kinakailangan pa nang mas matinding mga hakbang ang gawin para magkaroon ng education at maipahayag sa taumbayan ang importansya ng pederalismo at kung paano ito makakatulong sa paglutas sa ating mga problema sa ating sambayanan.

TULFO: Do you think, sir, may pag-asa pa na ito ay tanggapin ng mga kababayan natin, itong federalism, itong Charter Change, kung ang susi lang dito ay ibayong edukasyon or kaalaman para sa kanila, Sec?

SEC. ROQUE: Opo. Kasi naguguluhan po kasi iyong mga iba kasing mga charter change ay nagkaroon ng proposal para mapahaba iyong termino ng nakaupong presidente. Ito lang naman ang Presidente na nagsasabing, ‘Gusto ko nga bumaba matapos ang charter change. Hindi ko gagamitin ang charter change para palawigin ang aking termino.’ So ito talaga ang dapat iparating na mensahe.

Kumbaga, nagkaroon ng negative PR itong Charter Change kasi nga ang suspetsa ng taumbayan ay pagpapalawak ng termino na hindi naman ganyan ang ninanais ni Presidente kung hindi tunay na pagbabago.

TULFO: Oo. So ano ho ang plano ngayon, Sec., if there is any, from the administration para mahikayat ang mga kababayan natin, to educate them further, more a campaign for Charter Change or federalism, Sec?

SEC. ROQUE: Darating at darating po tayo talaga diyan; at ngayon po ay pinapalawig. Ngayon po ay mga iba’t ibang grupo, iyong mga MRRT at saka PDP Laban na umiikot, nag-conduct ng mga seminars sa pederalismo. Alam ko po, mayroong natanggap na naman akong imbitasyon sa linggong itong darating na federalism diyan sa Siquijor. So kailangan pong paigtingin pa iyan at talagang magkaroon ng diskurso, debate, nang sa gayon makita ng kababayan natin ang importansya ng ganitong Charter Change patungong pederalismo.

TULFO: Mayroong din akong natanggap na impormasyon, sir, I think may rally po yata sometime next week. Isang grupo po sila na they would prefer federalism rather than BBL – mga Muslims po ito, sir. Papaano ho ito ngayon, mas gusto raw nila, iyong sinisigaw nila ay federalism rather than BBL, Sec?

SEC. ROQUE: Well, ang sa amin po, pareho po natin iyang isusulong ‘no. Kaya nga po ang marching order ng Presidente rin doon sa bumubuo ng pederalismo at saka iyong Consultative Committee, magkaroon ng ugnayan para hindi po magkaroon ng conflict doon sa dalawa; at sinunod naman po ito. Ang pagkakaintindi ko, iyong Consultative Committee ay ia-adopt na iyong BBL provision para wala nang pagbabago pagdating doon sa Charter Change.

TULFO: All right, sir. Panghuli na lamang, pero ibang isyu po ito. Iyong doon naman po ito, sir, sa endo, iyong end of contractualization. Sabi po ng ilang mambabatas, which is may punto naman po, ay talagang ang makakapagpatapos lang ng endo na ito ay ang isang batas na manggagaling sa Kongreso at sa Senado, Sec?

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Kasi alam naman natin sa ating Saligang Batas, ang Presidente ay tagapagpatupad ng batas; talaga po ang tagagawa ng polisiya ay Kongreso. Pero doon po sa pangako ni Presidente na itigil ang endo, iyan po iyong epekto ng Executive Order 51, dahil lahat po ng kontraktuwalisasyon na lumalabag sa karapatan ng security of tenure ay pinagbabawal at makukonsidera na ang direct employer ang talagang employer kapag napatunayan na ito po ang—ang contractualization ay lumalabag nga doon sa right of security of tenure.

TULFO: Panghuli na lamang po. Mayroon pong pahabol na text dito sa amin. Pakitanong daw po sa inyo: Please ask Secretary Roque kung maaayos pa ba ang gusot between Philippines and Kuwait? I heard na kasama siya sa lakad next week.

SEC. ROQUE: Tingin ko ay maaayos naman iyan. Wala pong gusot na hindi puwedeng maaayos. Konting pasensya lang, konting panahon, maaayos po iyan. Dahil tayo naman po ay matindi ang pagkakaibigan sa Kuwait. Iyong mga namatay na Pilipino na pinadala natin doon noong nilusob ng Iraq ang Kuwait, hindi po iyan makakalimutan naman ng Kuwait.

TULFO: Tapos, sir, iyong sinasabi … totoo ba ito na iyong tatlong diplomatic officials natin ay sinampahan ng kaso, sir, ng kidnapping? Is this true?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. Pero ang pagkakaalam ko po, at ako naman po ay nagturo ng international law, ang mga diplomats po have absolute immunity (unclear).

TULFO: Correct, that’s what I said nga, Sec. Anyway, maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource