Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jorge Bandola and Willie Delgado (Straight to the Point-RMN)

Q:  Magandang umaga po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Good morning Willie at Jorge.

Q:  Opo.

SEC. ANDANAR:   At sa lahat po ng nakikinig dito sa inyong himpilan.

Q:  Sec., iyong t-shirt namin size extra-large ha. [laughs]

SEC. ANDANAR:  Okay, no problem.

Q:  [laughs] Sec. Mart, kayo ba ang nagpasimula ng ‘Ready, Set, Go!’ movement?

SEC. ANDANAR:  Kami po, mga barkada ni SAP Bong. Actually, nagsimula talaga iyan after noong meeting namin doon sa Davao last week, last week lang. Naisip kasi namin na magkakaibigan na siguro panahon nang ma-convince natin si Bong na tumakbo sapagka’t ayaw niya eh. Ayaw ni SAP eh.

Q:  Ayaw pa rin ba niya?

SEC. ANDANAR:  Well after noong kaniyang statement kahapon doon sa Ilustrado via phone patch, mayroon siyang mga biro na puwede rin namang maging SAP or Senator and Assistant to the President.

Q:  [laughs]

SEC. ANDANAR:  Iyon yung mga biro niya, sabi ko. Eh siyempre di nabuhayan ng dugo lahat na nandoon, doon sa Ilustrado. But at night before yesterday, nagkaroon po ng pagpupulong sa opisina ni Pangulong Duterte at nandoon po ako at ang sinabi po ni Presidente noong mayroong nagtanong about sa mga tsismis na dapat si Bong ay tumakbo or si Bong Go, Go natin 2019, iyong mga ganoon ba.

Sabi ni Presidente that he also wants SAP Bong to run, level up, to shine, kasi matagal na nagserbisyo sa kaniya at extensive na ang karanasan ni Bong sa governance. So verbatim sinabi niya na, “I will support Bong Go to the hilt.” Oo, hanggang sa dulo—

Q:  Hanggang sa dulo?

SEC. ANDANAR:  Oo hanggang sa dulo, hanggang sa huli. So therefore since ang sinabi naman ni SAP Bong noon ay depende kay Presidente iyan, tapos two nights ago, sinabi na ni Presidente na susuportahan niya hanggang sa huli si SAP Bong sa oras na magdesisyon na tumakbo sa Senado. Then, I think wala ng problema. So na kay SAP Bong na talaga iyon kung gusto niyang tumakbo o hindi. Pero I think iyong panawagan nagsu-summon na eh.

Q:  Oo nga.

SEC. ANDANAR:  Marami ng…mayroon ngang mga building doon sa Mindanao na mayroon ng ‘SAP Bong namin’ na mga tarpaulin eh.

Q:  Medyo nagiging social media trend na eh. Obvious na obvious iyong ano… obvious na obvious, Sec. Martin, iyong suporta nila at kanilang pagnais na pumalaot sa pulitika itong si SAP Go. Pero hindi rin siyempre maiiwasan iyan, mayroong mga tataas ang kilay. Ano bang qualification mayroon iyang si Bong Go maliban na lamang sa lagi na lamang nasa likod at photo bomber ng Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR:  Alam mo kung titingnan mo talaga, Willie at Jorge, sa features ni Pangulong Duterte as a President of this country, malaking bahagi diyan iyong management ng back room office ni Presidente, iyong mula sa pag-schedule ng mga meeting, pagpili kung sino dapat ka-meeting, iyong pag sift through ng mga documents, noong mga batas, policies mga ganoon.  Malaking bahagi ng achievements ng administration na ito ay trabaho ni Bong.

Q:  So ibig sabihin nito, Sec. Martin, partner, binabale-wala nito iyong kasabihan na, ‘A man’s success—behind the man’s success is a woman.’ Ibig sabihin nito behind the Pangulong Duterte’s success is Bong Go? [laughs] Ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR:  Behind the man’s success is a man. [laughs]

Q:  Kung papalarin si—

SEC. ANDANAR:  At saka tingnan mo, iyong Presidential Management Staff under kay Bong iyan. Itong Office of the Special Assistant to the President, itong—kami sa PCOO under kami sa muster ni Bong.

Q:  Ah ganoon?

SEC. ANDANAR:  Ang daming under kay Bong. So hindi alam ng publiko iyan kasi nga very humble at tahimik lang pero talagang kapag nagma-manage sa amin at—madaling araw nakakatanggap ako ng mga message tapos mga paalala, dito iyon sa executive. And what does that translate? This contributed significantly to the 82 percent satisfaction rating ni Presidente.

Q:  Pero teka Sec. Martin, baka isipin ng taong-bayan—eh kung kayo mismo ang nagsusulong ng kandidatura ni Secretary Bong Go, baka isipin po ng mga taong-bayan especially ng mga kritiko na baka gamitin ninyo ang pondo ng bayan para lang maisulong ang kaniyang kandidatura?

SEC. ANDANAR:  Hindi mangyayari iyan sapagka’t lahat ho na nag-organize doon talagang mga barkada lang, mga kaibigan at tapos kaniya-kaniyang assignment, kaniya-kaniyang tarpaulin, t-shirt, iyong mga ganoong pagkain. So walang ni singkong duling na ginastos ang gobyerno para sa political activity na para ilunsad or para himukin si SAP Bong na tumakbo.

Pero balikan natin iyong isang question mo—iyong question mo kanina about background or the capability/capacity of SAP Bong. Siya ay nanilbihan kay Presidente noong Congressman si Presidente Duterte, okay? Doon sa Congress, sa legislature; tapos after that nag-Mayor so LGU; tapos nag-Vice Mayor, so doon ulit sa LGU pero this time as a Assistant to the Presiding Officer 0f Council; and then sa Senado—aah, sa Malacañang. So therefore lahat ng branches ng government, mula sa Executive—

Q:  Naikutan na niya ano?

SEC. ANDANAR:  LGU, except for sa judiciary, lahat alam mo naikutan niya. So pagdating sa experience ay talagang hindi matatawaran. He is a very, very-very experienced and very qualified person.

Q:  Alam mo Sec., mayroon akong idea ng gimik eh, pero off the air ko babanggitin sa iyo—

SEC. ANDANAR:  [laughs]

Q:  May naisip ako, mayroon akong wild ideas eh.

SEC. ANDANAR:  Mga wild ba? [laughs]

Q:  Sa banda-banda doon ay kapag nagkape tayo ay ibubulong ko sa iyo kung papaano, maganda iyon.

SEC. ANDANAR:  Kaya para sa akin, Jorge at Willie, para sa akin, a vote for Bong Go is a vote for the President.

Q:  Iyon. Kung sakaling papalarin, kung sakaling papalarin sa Senado. Ano sa tingin mo ang mas fit na hawakan ni Bong Go sa Senado?

SEC. ANDANAR:  Nasa kaniya na iyon, nasa kaniya, na kay Bong kung anong gusto niya. Pero I will be inclined to believe that kung ano iyong advocacies ni Pangulong Duterte against drugs, law and order at sa palagay ko kung ano iyong mga advocacies niya doon din iyong fitting ni SAP Bong. And alam naman na talagang very sports minded si SAP. So posible na puwede rin sa area ng sports.

So depende na rin iyan sa mga senador at Senate President kung saan siya ilalagay. But iyong nga since a vote for Bong is a vote for the President sa palagay ko nasa top 3 si Bong eh, 1,2,3 lang kalalagyan niya sa Senado.

Q:  Minsan nga maganda na ring mapasok sa pulitika si Bong Go para marinig naman natin iyong boses. [laughs]

SEC. ANDANAR:  Oo ‘di ba sa Senado nagsalita siya?

Q:   Oo nagsalita siya eh, nagsalita siya.

SEC. ANDANAR:  Actually doon talaga lumabas iyong personality niya tapos nag snowball na nga from there ay nag snowball na at marami ng nananawagan na siya ay sumabak sa pulitika.

Q:  Hindi kaya makuwestiyon kay Bong Go iyong kaniyang lifestyle? ‘Di ba noong mag-Senado iyan ay—noong masalang sa Senado ay naging kuwestiyon iyong kaniyang bracelet, mamahaling bracelet? [laughs]

SEC. ANDANAR:  [laughs] Iyong goma.

Q:  Ginto iyon, malambot lang. [laughs]

Q:  Ang ginto naman pag pure malambot eh. [laughs]

SEC. ANDANAR:  Oo. Kaya maraming puwedeng gimik kay Bong. ‘Bong goma,’ iyong mga ganoon—

Q:  Kaya natawag ‘Bong Goma’ eh.

SEC. ANDANAR:  [laughs]

Q:  Ay congratulations nga pala, Secretary ha. Bago nasalang ngayong umaga si Secretary Martin, binabasa ko kasi itong—iyong number one ang Pilipinas sa pinakamagandang bansang mag-invest. May paliwanag iyong isang geopolitical expert mula sa UK eh, kung—pinaliwanag niya kung bakit dapat mag-invest sa Pilipinas.

Unang una sabi dito, si Duterte daw ay nakagawa ng isang malinis ng pundasyon, unang una nilinis niya iyong kaniyang mismong bayan, iyang Davao mula sa korapsyon at sa mga undisciplined na mga mamamayan.

Ikalawa, ay siya iyong may pakana nitong kung tawagin ay ‘build, build, build’ project na kung saan nga daw ay in the near future would serve as infrastructure for businessmen and women across the globe and as a reason for Overseas Filipino to stay. ‘Di ba, isa naman ito sa layunin ng Pangulong Duterte.

Marami, marami siyang binanggit ditong mga kadahilanan at binigyang diin niya kung bakit kinakailangan talagang mag-invest dito sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR:  Oo at saka iyong—of course, iyong law and order, nandiyan din iyong—well nabanggit mo na iyong fight against corruption, tapos iyong skilled labor ng mga Filipinos, lahat ng ito na mga attributes na binanggit ng US News ay napaka… nakakataba ito ng puso para sa Pilipinas, sa bawat Pilipino. Akalain mo, we are no longer the sick man—

Q:  In Asia.

SEC. ANDANAR:  Oo. Correct.

Q:  Binansagan pa nga siyang ano rito eh great man theory.

SEC. ANDANAR:  So itong lahat ng ito, ito ay pinapangarap lang natin—

Q:  Dati, oo.

SEC. ANDANAR: Ito na nandiyan na, nakalagay na talaga ‘the best country to invest in 2018.’ Kaisa natin iyong iba pang mga South East Asia country. So kailangan lang talagang magtrababo lahat sa gobyerno, nakatutok lang si Presidente sa kaniyang anti-drugs campaign, anti-corruption campaign, nakatutok lang doon sa poverty alleviation, tapos iyong pagtutok niya dito sa peace and order.

Q:  Teka nabanggit mo iyong drugs, Secretary. Mukhang may drawback ngayon ang gobyerno dito sa desisyon ng prosecution panel sa kaso nitong sina Kerwin. Ano bang—

SEC. ANDANAR:  Pina-review ito ni Pangulong Duterte, nagalit siya eh. Nagalit dahil hindi katanggap-tanggap iyong nangyari. So ito ay pina-review ni Presidente and I’m sure itong desisyon na ito ay mare-reverse sa palagay ko kasi talagang hindi nagustuhan ng Pangulo iyong nangyari.

Q:  Oo at saka iyong ipapalo nila doon kay Bato iyong mga CIDG baka sakaling—kasi mukhang doon talaga sa finile nila eh. Anyway, Sec., ano ba itong ano—mayroon ditong meeting sa warning—

SEC. ANDANAR:  Early Warning Broadcast System.

Q:  ‘Di ba nai-launch na ito sa Davao? Kailan ba ito sa Metro Manila?

SEC. ANDANAR:  Inilunsad natin sa Davao iyan last week. Itong—para maliwanagan lang itong publiko. Simple lang ho iyan, iyong layman’s term, kung iyong TV ay mayroon pong receiver ng DTV digital or digital box tapos ito po ay mayroon pong feature ng Early Warning Broadcast System, kapag nakakasaksak po iyong TV ninyo pero nakapatay iyong TV basta nakasaksak at mayroong emergency, halimbawa mayroong storm surge na parating awtomatiko magbubukas iyong telebisyon ninyo tapos magkakaroon ng alarm and then mayroon pong notification na ‘you must evacuate now a storm surge is coming in 15 minutes.’

Ganoon din po kapag may lindol at hindi ka na sisigaw ng lindol… after shock. Ganoon din sa mga bagyo.

Q:  Same goes ho ba kapag ano—halimbawa, nanonood ka ng paborito mong Korean nobela, biglang mawawala at magba-black iyong screen at magkakaroon ng warning?

SEC. ANDANAR:  Magsu-super impose po doon iyong message tapos mayroon pong alarm. So madi-disrupt iyong pinapanood mo.

Q:  Uhum. Dapat.

SEC. ANDANAR:  And then you will be—you will be notified that a certain calamity will strike your neighborhood.

Q:  So mangangailangan iyan ng parang receiver, iyong black box parang ganoon?

SEC. ANDANAR:  Opo, opo.

Q:   Ano po iyan may bayad ba iyan? Papaano ang distribution niyan?

SEC. ANDANAR:  Depende ho. Depende po sa—kasi dini-discuss pa lang namin sapagka’t ito po ay Japanese project. Ito po ay katuwang ng Digital Broadcasting ng PTV. Kasi hindi ito gagana kung hindi digital iyong broadcast eh, kailangan digital broadcasting. Iyong ibang mga istasyon, mga pribadong istasyon ay digital na rin. Ang mangyayari lang po dito ay oobligahin lang sila ng National Telecommunications Commission na iyong kanilang mga boxes kailangang—

Q: Ah iyong mga digibox? Oo.

SEC. ANDANAR:  Kailangan iyong kanilang mga digibox ay EWBS ready, kasi iyong gobyerno ang magbibigay at magpa-process, ang gobyerno iyong magbibigay ng alarma – NDRRMC, iyong mga rescue 911. Kami iyong magpo-prompt sa neighborhood na may parating na bagyo, na sakuna. So ang kagandahan dito ay since digital broadcasting ang pinag-usapan natin, iyong mensahe puwedeng i-cater sa locality. Kasi halimbawa mayroong signal number 3, eh hindi naman buong Pilipinas signal number 3. So kung halimbawa Surigao lang ay Surigao lang iyong message.

Q:  Iyon nga, iyon ngang gusto kong itanong din kung may kaniya-kaniya bang lugar na ise-survey itong ganitong klase ng warning ‘di ba?

SEC. ANDANAR:   Ang target natin nationwide talaga.

Q:  Okay.

SEC. ANDANAR:  So—but then again may roll out kasi tayo, may roll out ang PTV ng digital broadcasting, by 2025dapat  naka-digital broadcast na iyong buong PTV nationwide. So—but sa ngayon mayroon po tayo sa Davao, sa Metro Manila within this month ay mayroon na po. And then there’s a question there is iyong digibox kung papaano ba mabibili ito. Pero sa palagay ko kailangan na bilhin ito at i-subsidize na lang ng gobyerno.

Q:  Oo puwede sa abot kaya ng ano, abot kaya ng mga households ‘no.

SEC. ANDANAR:  Opo. Kasi napakahalaga po talaga nito and of course para mas makatipid po ay kailangan obligahin ng NTC lahat ng mga private companies na EWBS natin iyong box nila. Kasi ang pinakamahalaga dito, Jorge at Willie, ay ang buhay ng Filipino, ng bawat mamamayan.

Q:  Okay. Kung sakali mang i-subsidize ng gobyerno, kailangang unahin dito iyong pag-i-install sa mga barangay hall dapat.

Q:  Iyan ang pinakaimportante.

SEC. ANDANAR:  Tama. Siguro sa barangay hall siguro baka puwedeng ilibre na, ‘di ba?

Q:  Tama po iyon, kasi laging iyan… mga napupuyat iyan mga iyan sa kanonood ng mga basketball, bente kuwatro oras eh. [laughs] Okay maraming salamat po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay kayong dalawa at sana magkita tayo.

Q:  Anytime. [laughs] Salamat po. Mabuhay po kayo.

                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource