Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Susan Enriquez (GMA 7 – Unang Balita / Unang Hirit)

(RECORDING CUT)

SUSAN:  …EO at dahil wala naman daw kasing bago, dahil inulit lang daw nito iyong dati nang nakasaad sa batas. Ano po ang reaksyon diyan ng Palasyo?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, eh ganiyan na po sinasabi nila, hindi pa nila nakikita iyong EO ‘no. So ibig sabihin kahit anong pirmahan ni Presidente, eh pupulaan at pupulaan po talaga nila ‘no. At iyong pruweba nga po, talaga namang right after signing, hindi pa nakikita… nabasa nga at narinig natin, pero hindi pa nakikita eh, wala na ‘no, talagang binato na.

Pangalawa po, balikan natin, ano ba ang pangako ni Presidente at hindi lang siguro si Presidente, iyong ibang presidentiable. Ang pangako nila iyong pagpigil at pagtigil sa endo. Ano ba iyong endo? End of contract, ito iyong 555, iyong hindi po pinapaabot ng anim na buwan para hindi maging regular ang isang empleyado.

So iyan po ngayon ang nakasaad sa EO ‘no, iyong contractualization na lumalabag sa karapatan ng security of tenure ay iyan po ay pinagbabawal at ang consequence po niyan, kapag nilabag mo iyan eh iyong employer po ang siyang matuturing talagang responsable doon sa empleyado. So iyan po talaga iyong pangako ng ating Presidente.

Eh balikan n’yo po lahat ng transcript, lahat po ng mga tapes noong eleksiyon, ang pinag-uusapan po noon ‘endo’ at hindi po ang lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon. Now, ang sabi naman ng Presidente, kung gusto ninyo na lahat ng klaseng contractualization ay illegal ay doon nga sa Kongreso pupunta. Dahil ang Presidente naman ang trabaho niya – ehekutibo ano – siya ang tagapagpatupad ng batas. Pero iyong paggagawa ng batas, paggagawa ng polisiya, pagbibigay ng bagong depinisyon kung ano ang ipinagbabawal ng batas, iyan po ay katungkulan ng Kongreso.

SUSAN:  So kung may bago diyan sa EO – para na rin ho sa kapakanan – sabi n’yo nga hindi pa naman nakikita noong karamihan, pero binabatikos na. Ano po ba iyong bago doon sa EO?

SEC. ROQUE:  Well, ito po iyong pangako ni Presidente na talagang ititigil na po iyan at talagang hahabulin niya. In fact, ang ginamit niyang salita kahapon, hahabulin niya iyong ulo nung mga kumpanya, iyong mga ‘cabo’ ano. Iyong cabo kasi iyan ang ipinagbabawal talaga sa Labor Code, iyan iyong labor only contracting, iyan iyong mga walang capital, na mga fly by night at ang kanilang ginagawa lang ay ang papel, eh para ngang kunwari sila ang employer nang hindi maging regular na empleyado iyang mga manggagawa na mga kumpanya.

Pero kung ikaw naman po ang malaking kumpanya na may sapat na capital at mapapakita mo na lahat ng empleyado mo ay may security of tenure at binibigay mo ang lahat nung mga terms and conditions ng employment, iyong minimum wage, iyong SSS, iyong Pag-Ibig, iyong PhilHealth ay hindi po iyan ipinagbabawal ng batas.

SUSAN:  Secretary, nananawagan po si Pangulong Duterte na amyendahan iyong Labor Code. Ano ba iyong pinapaamyendahan partikular ng Pangulo, isinusulong ba ng Pangulo iyong ganap nang pagbuwag talaga dito sa endo?

SEC. ROQUE:  Well, Susan uulitin ko. Talagang ang endo po – end of contract. So, ito na po iyon, ito na po iyong katuparan na iyon. Wala na pong gagawin para mapatigil ang endo, dahil tama po kayo, talaga namang bawal ang endo sa Labor Code. At kaya nga po noong kampanyahan, eh lahat ng kandidato eh ipinangako na ipapatigil ang endo, ibig pong sabihin nila, ipapatupad nila ang batas laban sa endo.

So sa akin po, kung meron pang ibang mga babaguhin na endo diyan eh tingnan natin kung ano pa po, kasi napakadami pong mga bagong industriya na hindi po nag-i-exist noong panahon na talagang binuo ang Labor Code.

SUSAN:  Kailan po ilalabas iyong kopya ng executive order na ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ngayon po. Kasi ang proseso lang naman po niyan—talagang ako rin po, alam ko iyan at ako mismo gusto kong ibigay sa media. Hindi ko lang magawa. Kinakailangan nina-numberan po iyan, dina-docket sa Malacañang. Eh nangyari po doon sa Cebu pinirmahan, piyesta opisyal kahapon, kaya po hindi nadala sa OES o iyong Office of the Executive Secretary kahapon.

SUSAN:  So hopefully makapaglabas within the week, Secretary?

SEC. ROQUE:  Ay within the day lang po iyan. Sisiguraduhin ko po.

SUSAN:  Secretary, punta tayo sa ibang isyu. Iyong usapin po sa Kuwait. Iyong ibang OFW ho na nakausap ng halimbawa ng GMA news eh sabi ho eh ayaw nilang umuwi at—sa kabila ho ito ng panawagan ni Pangulong Duterte. Paano naman daw kasi iyong kanilang kabuhayan. Ano ang masasabi ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE:  Eh, talaga naman pong boluntaryong sinabi ng Presidente, iyong mga gustong umuwi, umuwi na, kung pupuwede umuwi na ng mabawasan iyong ating… iyong danyos ba na meron na namang Pilipino na masasaktan sa Kuwait.

So, napansin n’yo naman ang tono ng Presidente, hindi nakikipag-away, humingi pa siya ng abiso kung hindi raw nila nagustuhan ang mga ginagawa ng ating mga kababayan. Pero at the same time, sabi nga ng ating Presidente, lahat ng gusto ng umuwi, umuwi na sila at ine-engganyo na niya na umuwi. Dahil totoo naman, Susan, nagkukulang na tayo ng tao dito sa build, build, build. Talagang baka nga tayo pa ang kumuha ng mga dayuhang mga manggagawa para dito sa build, build, build kung hindi umuwi iyong ating mga kababayan lalung-lalo na iyong mga skilled workers na construction workers galing sa Gitnang Silangan.

SUSAN:  Secretary, controversial din ngayon iyong 60 milyong pisong ad placement ng DOT sa media company ng kapatid ni Secretary Wanda Tulfo-Teo. Sabi po ng PTV, suportado naman daw ito ng dokumento. Pero ang sinasabi po dito ay iyong usapin daw ho ito ng delicadeza?

SEC. ROQUE:  Well, ang sinabi ko naman nung aking press briefing, iyan po ay pag-aaralan po ng Palasyo. Lahat po ng nakakalap na report galing sa media tungkol sa katiwalian, wala naman pong nakakalusot diyan at merong aksiyong ginagawa ang Presidente.

SUSAN:  Maraming salamat po, Presidential Spokesman Harry Roque.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po. Magandang umaga po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource