Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Maeanne Los Baños and Bruce Rivera/Boljak/TV5

RIVERA: Good morning po, Atty. Sal.

SEC. PANELO: Good morning Atty. Bruce.

RIVERA: Sir, of course this has been a very contentious issue tungkol dito kay former Representative Satur Ocampo and Congresswoman France Castro. What is the comment of Malacañang on this matter?

SEC. PANELO: I already issued a statement, in fact dalawa na ang statements yata ang nai—alam mo Bruce, it’s premature for any of the parties to make any conclusions.

Kaya nga tayo merong tinatawag na ‘rule of law’; kaya tayo may tinatawag na ‘presumption of innocence’; kaya tayo may tinatawag na’ legal mechanisms’; hayaan natin ang hukuman: may nagdemanda at merong karapatan na ipakita ng nai-demanda na siya ay walang kasalanan sa mata ng batas. So, since meron ng demanda, eh hayaan na natin umusad, lumakad ang proseso ng batas.

RIVERA: Sir, of course marami po—Miss Maeanne may tanong ka ba?

LOS BAÑOS: Secretary si Maeanne po ito. Sec, siyempre sinasabi nung mga oposisyon, nung kabilang grupo, eh pinag-iinitan ng Malacañang itong sila Ka Satur, itong sila Representative Castro. Siguro galing sa inyo, ano ho ba ang mapapala ninyo dito sa arestong ito na nangyari sa kanila?

SEC. PANELO: Alam mo hindi naman sa may mapapala ka o wala. Ang sinasabi ng batas, kung meron kang kasalanan, eh dapat ikaw ay managot at iyan ay tungkulin ng mga pulis na mag-enforce ng batas at tungkulin din ng piskalya na magsampa ng demanda kung merong nagdedemanda. So, meron tayong proseso at iyan ay obserbahan natin.

LOS BAÑOS: But just to be clear, Secretary Panelo. Meron ho bang hand ang Mala—para lang malinaw sa taongbayan. Meron ho bang hand ang Malacañang dito, nag-order ho ba na, oh, arestuhin ninyo itong mga ito?

SEC. PANELO: I’m even surprised you are asking that question. Ang Malacañang mula’t sapul ay hindi nakikialam sa mga sangay ng pamahalaan kung ano ang dapat nilang gawin, sapagkat malinawag ang Saligang Batas kung anu-ano ang kani-kanilang mga tungkulin sa ilalim ng batas. Kaya hindi nakiki-alam ang Malacañang, eh kung iyon ngang mga departamento sa executive department hindi pinapakialaman ng Presidente sa kanilang gawain, di ba?.

RIVERA: Totoo. At saka, Atty. Sal, si DFA Secretary Teddy “Boy” Locsin may iba siyang opinion, di ba? So, everybody has their own opinion. Pero ang question ko po dito, sir: Will this development affect our peace talks with Joma Sison and the CPP-NPA and the NDF?

LOS BAÑOS: Meron pa ba?

RIVERA: Iyon nga eh.

SEC. PANELO: Unang-una, sa ngayon walang peace talk; and even assuming na meron, kahit noon pa, may peace talks pero nagkakaroon pa rin ng mga demandahan. Kung merong ginawa na krimen, merong isang ginawang krimen, di natural may magdedemanda. Ganyan talaga eh. So sa ngayon, eh siguro sabi ko nga let your horses hold muna, hayaan muna natin na tumakbo iyong batas.

RIVERA: Sir, last question, of course this is not related to the issue. Pero will President Duterte be with Inday Sara and Mayor Erap in the joining forces of the HNP and Puwersa ng Masang Pilipino?

SEC. PANELO: Hindi ko alam ang schedule ni Presidente.

RIVERA: Okay. Salamat po on your clarification, good luck po ang God bless. Have a nice day po.

SEC. PANELO: Thank you.

Resource