Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Susan Enriquez (GMA 7 – Unang Hirit)

Event Media interview

SEC. PANELO:  … he crack jokes ‘no, to make people laugh, to lighten a situation. Eh ang problema kasi iyong iba eh naghahanap na lang ng matapon ng… kahit na anong complaint o banat kay Presidente eh. Sabi niya nga eh, “nobody can stop me from my style.” Iyon ang style niya, doon nga siya nanalo eh, sa ganoong style.

ENRIQUEZ:  Okay. Pero Secretary, kailan ba malalaman ng tao na nagbibiro ang Pangulo? Kasi siyempre Presidente po siya eh, di ba, parang siyempre ang lahat ng sinasabi niya may national impact. So, kalian malalaman ng tao, ng publiko, ng mga nakikinig sa kanya na nagbibiro lang siya?

SEC. PANELO:  One, we use our common sense; number two, makikita mong nagbibiro siya pag tumatawa iyong taong nasa harap na niya. Kasi ang joke ay ginagawa iyan para tumawa tayo di ba, ngayon kapag hindi ka tumawa, meron kang sinabi na sa tingin mo joke, eh ibig sabihin offended ang mga nakikinig sa iyo. Like iyong marijuana, alam natin hindi naman stimulant iyon sa pag-gising. O the fact alone na hindi stimulant iyon, di walang logic sa sinasabi niya na iniinum niya iyon para siya magising, kaya nagtawanan ang mga tao.

ENRIQUEZ:  So, pag tumawa iyong tao, sa mga nasa harap niya habang siya ay nagsasalita posibleng joke ho iyon, ganun po iyon, Secretary?

SEC. PANELO:  Most likely. Like noong di ba sabi niyang… iyong mga tungkol sa mga santo na lasenggo, tawanan kasi hindi naman totoo iyon, kaya nga nagtatawanan.

ENRIQUEZ:  Secretary, sa ibang balita. May rekomendasyon po ang militar at polisya na palawigin ang martial law sa Mindanao. Aaprubahan po ba ito ng Pangulo at possible rin po bang isailalim sa batas military ang buong bansa, dahil parang ang military po ay parang sang-ayon sila na palawigin pa ang martial law?

SEC. PANELO:  Unang-una, sinabi nga ni Presidente noon na kung ano ang rekomendasyon nung mga military, PNP, na sila naman ang nasa ground, sila ang nakakaalam kung kailangan o hindi. Kaya every time na nagre-recommend sila, hindi ba pinag-aaralan ni Pangulo and eventually siya ay sumasang-ayon. Kaya dito sa rekomendasyon na bago, eh iyong mga tao naman sa Mindanao hindi naman kontra doon.

Pangalawa, may Obispo pang pumupuri sa martial law; at sang-ayon sa military eh naroroon pa rin ang panganib, ang banta sa seguridad ng lugar na iyon, kaya hindi ako nagtataka kung ganundin ang magiging kaisipan ni Presidente Duterte. Pero pagdating doon sa sinasabi mong nationwide, eh malabo iyon kasi paulit-ulit niya nang sinasabi iyon na hindi niya gagawin.

ENRIQUEZ:  Kasi iyong mga stakeholder diyan sa Mindanao at siyempre iyong military at PNP mukhang sang-ayon naman sila. So in all likelihood po ay baka mapalawig pa ang martial law sa Mindanao.

SEC. PANELO:  Well, iyon ang most likelihood. But then again, that’s the call of the President.

ENRIQUEZ:  Secretary, kaugnay po ng ikalawang—

SEC. PANELO:  Hindi lang iyon, kahit na gusto ni Presidente iyon, kung iyong Kongreso naman eh hindi papayag, o di hindi rin.

ENRIQUEZ:  Anyway, Secretary kaugnay ho naman ng ikalawang bugso ng pagtaas ng excise tax sa langis sa 2019. Aaprubahan ba ng Pangulo iyong rekomendasyon ng economic managers na ituloy ito?

SEC. PANELO:  Ano iyon, nawala ka, rekomendasyon ng?

ENRIQUEZ:  Iyong rekomendasyon ng economic managers na ituloy po itong ikalawang bugso ng pagtaas ng excise tax sa langis?

SEC. PANELO:  Pinag-aaralan ni Presidente iyong rekomendasyon nila; at iyong mga economic managers naman ang nakakaalam doon. But he will consider siyempre iyong requirement ng batas. Kaya pag-uusapan ho namin sa Gabinete sigurado mamaya iyan. That will be raised to the Cabinet meeting mamaya.

ENRIQUEZ:  Secretary, totoo ho ba na dinagdagan ni Pangulong Duterte ang matatanggap na Christmas bonus ng mga empleyado sa Malacañang? P50,000 na raw po matapos malaman ng Pangulo na ganito—

SEC. PANELO:  Wala pa yata akong impormasyon diyan.

ENRIQUEZ:  Kasi sinasabi dahil iyong ibibigay ng anak niyang si Mayor Sara sa mga empleyado ng Davao City Hall ganoon daw po.

SEC. PANELO:  I have not received any info on that, kaya hindi ko masasabi na confirmed.

ENRIQUEZ:  Ok, sige kapag nakatanggap ka, tatawagan ka na lang namin Secretary Panelo ha para makumpirma po namin.

SEC. PANELO:  Thank you.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource