Interview

Interview With Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)

 

ERWIN: Dito muna tayo, kambiyo muna tayo dito kay—lipat tayo dito kay Secretary Harry Roque, ang Tagapagsalita po ng Pangulo. Magandang umaga po Secretary Harry Roque, sir!

SEC. ROQUE: Magandang, magandang umaga Erwin at sa lahat ng nakikinig. Mabuhay po kayong lahat!

ERWIN: Alright, sir. Eh kanina pa ho ako naha-high blood dahil dito sa—iyong kay Filibeck, itong si Giacomo Filibeck, EU Socialist Party official na hinarang diyan sa Cebu ng BI. Eh tama lang naman dahil nagsalita-salita pa ito previously, against the Duterte government na may kinalaman daw sa EJK. Ngayon hinarang siya over the weekend, nagrereklamo: bakit daw siya hinarang? Eh I think tama lang sir hindi ba, na may karapatan ang gobyerno ng Pilipinas na mamili kung sinong papasukin sa ating bayan at hindi. Tama, sir?

SEC. ROQUE: Tama po. Napakatagal ko na pong nag-aaral/nagtuturo ng international law. Sa larangan po ng international law, walang karapatan ang kahit sinong dayuhan na makapasok sa kahit na kaninong bansa kung ayaw ng bansa na iyon na ito ay papasukin. At walang dahilan na kinakailangang sabihin ang gobyerno kung ayaw niyang papasukin ang isang dayuhan, iyan ay prerogative ng isang soberenyang estado.

Pero iyong kaso nitong socialist na ito, ang dahilan ay nanghihimasok hindi lang sa pulitika, sa partisan na pulitika pa. Pupunta sa Akbayan, alam naman natin na dilawan iyang ‘linsyak’ na partido na ‘yan ‘no. Bakit siya naghihimasok! Buti sana kung socialist movement ang pupuntahan niya, ideyolohiya – pero hindi, talagang dilawan na dilawan ang pupuntahan niya. Iyan ay ipinagbabawal din doon sa ating batas.

So lahat ng mga mamamayan, lahat ng taumbayan ay dapat sumusunod sa batas ng mga bansa. Sino ba siya para hindi sumunod sa batas natin, anak ba siya ng Diyos? Hindi! Kaya diyan… doon na lang siya sa isang lugar. Doon na lang siya sa—ewan ko ba kung saan siya papupuntahin. Sa Sudan o kaya sa Syria! Doon siya sa Syria. Doon, doon siya magsalita sa Syria at huwag dito sa ating bayan.

ERWIN: Iyon na nga ho eh, parang nakakainis sir na porke at kahit sino na lang na mga mambabatas na foreigner na lawmaker eh puwedeng magsalita-salita at lektyuran ang Pangulo natin. Nakakainsulto Sec. eh, hindi ho ba?

SEC. ROQUE: Well lektyuran natin siya ngayon: Hoy kung sino ka man! Doon ka, harangin mo iyong mga bomba sa Syria dahil ikaw ay socialist. Panindigan mo iyang mga paniniwala mo. Iyan doon ka, harangin mo iyong mga bomba doon at magiging hero ka pa.

ERWIN: Isa pa hong—sir, mukhang magandang balita ho ito. Sabi ni Pangulo kahapon na, “Simula ngayon, may NFA rice na sa mga palengke at suking tindahan.” Eh napakagaling ho talaga ng Pangulo, at mayroon na namang bigas. Kakayanin naman pala sir, pero ang tanong natin: Bakit kinailangan pa ang Pangulo na naman nagma-micro manage, eh dapat ito’y trabaho na ng NFA, ng NFA Council? ‘Ayun patay tayo diyan… [PHONE LINE CUT]

Anyway ang punto de vista ko lamang, bakit kailangan pa ang Pangulo kumilos? Eh Susmaryosep! Bakit, hindi ba ninyo kaya diyan sa NFA? Bakit hindi ninyo ba kaya sa NFA Council? Anak ng pusit! Sus, Panginoon ko! Kailangan ang Pangulo pa! Para kayong mga bata na Sipunin, “Inaway ako Pa, samahan mo ako Papa.” Eh putragis… ‘di na kayo nahiya. May mga problemang—mga maliliit na problema, hindi na kinakailangan ang Pangulo iyan. Kayo na dapat magkusa.

Secretary Harry Roque, iyon na nga ho sir eh… Eh kailangan ng Pangulo pumasok, imbes na trabaho nila, ang daming problema ng Pangulo na pangkalahatan, eh pati iyong mga—dahil sa bigas lang, manghihimasok pa ang Pangulo; naaantala iyong kaniyang ibang mga trabaho, iyong mga problema, dagdag pa sa problema na pangkalahatan ng Pangulong Duterte, Secretary.

SEC. ROQUE: Well kaya nga po sabi niya, hanggang maaari ayaw na niya na maraming ahensiya sa ilalim ng Office of the President. Kaya nga pinayagan na niya na bumalik sa Department of Agriculture ang tatlong ahensiya na iyon, kasama na diyan ang NFA, kasama din po diyan iyong Philippine Coconut Authority at saka iyong Fertilizer and Pesticide Administration – balik na po ‘yan sa Department of Agriculture.

ERWIN: Sir hingin ko lang po ang inyong reaksiyon, noong few days ago may kumalat po sa social media ng picture ni Vice President Leni Robredo kasama iyong mga kasamahan niya na nag-tour sa Germany. Nandoon sila sa Holocaust Memorial at patawa-tawa pa, pangisi-ngisi. Marami hong kababayan natin nag-react at nagalit, dahil iyon daw ay Holocaust memorial – hindi yata naintindihan ng Bise Presidente ang ibig sabihin noong memorial na iyon, iyong kinatutuntungan nila at patawa-tawa pa ho doon samantalang milyong Hudyo ang namatay o pinatay ni Hitler noong 2nd World War. Your reaction dito Sec?

SEC. ROQUE: Sa katotohanan Erwin, noong nakita ko iyon sa Facebook—[PHONE LINE CUT]

ERWIN: Nawala ulit. Tawag ulit! Mukhang mobile si Secretary Harry… Eh kasi hindi ho talaga magandang tingnan eh. Ala hong iniwan ‘yan sa puntod ng tatay mo o nanay mo, ang VP Leni magpapalitrato, magpapa-selfie kasama iyong mga bataan niya at patawa-tawa doon – eh hindi mo naman kamag-anak iyon! Bakit ka tatawa-tawa, ano magandang alaala! Tatawa ka lang kapag may magandang alaala. Bakit kilala mo ba iyan at tatawa-tawa ka, bakit may magandang alaala ka ba sa kanila? Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng pamilya niyan, iyong pagdurusa!

Secretary Roque your reaction sir.

SEC. ROQUE: Well akala ko fake news iyon, kasi hindi ako makapaniwala na pangalawang pinakamataas na opisyal sa ating bayan kasama pa ang mga congressman, kasama pa senador eh gagawin iyon. Eh ako talaga, nakarating na rin ako diyan at talagang kapag pupunta ka diyan, talagang maiiyak ka ‘no kasi iyong mga sculptures na iyon, kung titignan, talagang ipaalala iyong mga mapait na pangyayari. Twenty million na Jews ang namatay diyan, hindi lang isang milyon – 20 million po ang namatay diyan. So talagang akala ko fake news iyon. Kaya ang sabi ko, naku… given the benefit of the doubt, baka fake news—

ERWIN: Hindi sir, humingi siya ng kapatawaran eh. Oh…

SEC. ROQUE: Kaya nga po na-shock ako noong humingi siya ng kapatawaran—bagama’t humingi ng kapatawaran, hindi ko talaga maintindihan ano ang pumasok sa kanilang mga isipan. Alam mo kasi, hindi lang ordinaryong ngiti iyong ginawa nila – para silang mga fashion model sa—talaga kuntodo pose sila doon. Sabi ko ano ba iyan, hindi ba nila naintindihan kung ano iyong pinuntahan nila? Eh ako pumunta ako doon, alam ko kung ano iyon. Kaya nga sabi ko naku, ngayon ko lang po nalaman na totoo pala iyong larawan. Kaya nga ako mismo ay na-shock po…

ERWIN: Mayroon po ba tayong mga batas na sinusunod ho, for government officials like you Secretary ‘pag ika’y napunta sa mga ganito, naimbitahan ka, na iyong conduct mo should be—na susundan mo itong nakasaad sa batas natin as a government official?

SEC. ROQUE: Mayroon pong [CHOPPY LINE], mayroon rin po tayong tinatawag na code of conduct for public officials din among the law, na kinakailangan talagang hindi kapula-pula ang iyong mga aktuwasyon bilang isang public… [CHOPPY LINE]

ERWIN: Oo, oo… Naku… Alright. Anyway Secretary Harry Roque, sir, kung naririnig mo po kami, aba’y masama ang signal. Maraming salamat po, for your time with us this morning! Thank you Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Good morning po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource