Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Various Government Assistance

Event Media Interview
Location CWC – Kafuerte Sports in Pili, Camarines Sur

Q: Hi, ma’am. Hi, sir.

PRESIDENT MARCOS: Yes. Good afternoon.

Q: Good afternoon. Sir, how do we ensure the sustainability of the Kadiwa center, especially here in Bicol region?

PRESIDENT MARCOS: Production. Isa lang ang sagot diyan kasi kung hindi kaya ng production, mag-i-import tayo. And sa lahat ng iniiwasan natin ‘yung mag-import.

Kaya’t ang pinapatibay natin ‘yung production side na ‘yan. Kasi kung marami at may sistema tayong maganda na mapaparating sa palengke, sa market, ‘yung mga bilihin ay makokontrol natin ang presyo para…

Pero basta’t tumaas ang production, tumaas ang ating production, bababa ang production cost, bababa ang presyo ng bilihin tapos ‘yung pag-transport, ‘yung pag-process, lahat ‘yan kasama na ang gobyerno na tumutulong.

So ‘yun ang general system na ating ginagawa. Pero ang puno’t dulo niyan, para mawala na ‘yung importation, para patuloy – hindi na natin kailangan bayaran ‘yung inflation na nanggagaling sa ibang lugar dahil nag-i-import tayo roon. Basta’t nandito lang tayo kumukuha. Kaya’t ‘yun ang plano para maging sustainable.

Q: Thank you, sir.

PRESIDENT MARCOS: Thank you.

Q: Mr. President, good afternoon po.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Sir, regarding lang po doon sa ating food security, bale sa ngayon po kumusta po ‘yung ating programs din po, ‘yung progress of programs and ‘yung journey natin towards food security? Mayroon pa po bang major challenges na kailangan tayong ayusin?

PRESIDENT MARCOS: Marami pa, marami pa. Ang nangyayari talaga dito mula noong ako’y umupo, ang ginagawa natin ay, sa DA, ginagawa namin sa DA hinahabol namin ‘yung presyo ng bilihin. So parang puro emergency measures ang aming ginagawa.

Pero marami kaming pinaplano na hindi pa namin ma-implement dahil busy kami nga dito sa pababain ‘yung presyo ng sibuyas, pababain ang presyo ng bigas, ng asukal, lahat ng gulay, lahat ‘yan.

‘Yun ang iniintindi namin ngunit ngayon nagsisimula na kami at dahan-dahan ‘yung sistema, ‘yung lagi kong pinag-uusapan na value chain ay dahan-dahang binubuo na natin. At isa rin ‘yung kakatapos lang namin na gumawa ng nationwide plan para sa fisheries para hindi na tayo mag-import at para bumaba ang presyo, lumaki ang production natin, baka mag-export pa tayo. At ‘yung sa bigas, mukhang alam na natin ‘yung sistema at ‘yung timing. ‘Yung asukal, dahan-dahan nakikita natin. ‘Yung onion, ‘yung sibuyas bumaba na, at saka ‘yung mga ibang gulay bumababa na. So ‘yun ang inaasahan natin na habang mas maganda ang sistema na ginagamit natin ay bababa ang presyo.

So are there any major challenges? Yes, structural. We have to convert the Department of Agriculture into a high-tech operation dahil that’s the only way na ngayon to increase production. So we have to bring the technology. The technology exists, nandiyan naman eh. Magpaturo tayo sa iba-iba. Dati tayo ang nagtuturo sa kanila. Ngayon, tayo ang mag-aaral sa kanila. Pero matutunan natin ‘yung pinakamagagandang bagong technique at estratehiya para sa pagsasaka at ipapasa natin ‘yan sa mga farmer.

Ang pinakamalaki, ang pinaka-una na aming talagang tinutugunan ay ‘yung tinatawag na consolidation. Para tumaas ang production natin, para bumaba ang presyo ng produksyon, kailangan malalaki, malalawak ang mga pinag-aanihan, ang sinasaka. Dito sa Pilipinas maliliit lang, so we depend on cooperatives.

So ngayon ang ginagawa natin ay may coordination with the CDA para patibayin natin ang mga cooperative para mabilis ibaba ang polisiya para sa mga magsasaka. Kung ano ‘yung magandang hybrid, kung ano ‘yung magandang inbred, kung ano ‘yung bagay doon sa lugar na ‘yun, kung ano ‘yung mga bagong technique para – kung ano ‘yung mga bagong fertilizer na puwedeng gamitin. Lahat ‘yan kailangan nating ibaba. Kailangan natin pag-aralan tapos ibaba.

‘Yun ang – that’s the… Now the consolidation is the big first step. Hindi mangyayari lahat ng gusto nating mangyari kung hindi natin ma-consolidate ang mga pag-aari ng ating mga magsasaka.

Hindi lamang sa pagsasaka, pati ‘yung para labanan ‘yung swine flu kailangan i-isolate natin. So hindi na puwede ‘yung nasa backyard farming lang. Kailangan i-consolidate ulit ‘yan. Pati sa baboy ganoon din, kailangan i-consolidate, pati sa manok rather, kailangan i-consolidate ‘yan para ma-control ‘yung biosecurity doon sa area na ‘yun.

So yes, there are quite a few still major challenges that we have to face.

Q: Ihahabol ko lang po sana, you have mentioned po sir kanina na ‘yung P20 na bigas, per kilo na bigas. Kailan po kaya ‘yun i-e-expect natin na mare-realize? May ano po ba tayo? May timetable po tayo for this?

PRESIDENT MARCOS: Yesterday if not sooner. Lahat ng timetable ko, yesterday if not sooner. Lahat ‘yan ASAP. I don’t know, we’ll see. We’ll see. Kasi mayroon – minamalas din tayo sa weather eh kaya hindi mo matiyak kung ano ‘yung magiging production, ano ‘yung magiging supply. So tingnan natin, pababa na nang pababa. We’ll keep working on it.

Q: Thank you po.

Q: Mr. President, magandang hapon. So how do you feel about being here in Camarines Sur for the first time and the support of the residents to your projects?

PRESIDENT MARCOS: Well, of course, I’m happy to be here to be able to see that marami tayong ginagawa, that we are breaking ground on some – for the housing projects, that the Kadiwa is spreading. We are now going to go to a coconut processing center. So it’s good to be able to come out and actually see for yourself.

And what I was saying to the audience earlier, nakakausap ko ‘yung mga farmer, farmer mismo hindi ‘yung nagre-report lang sa akin, kung hindi nakakausap ko talaga sila, “Ano ‘yung ani mo? Ano ‘yung problema mo? Kumusta ‘yung patubig sa inyo? Magkano ang ayuda rito?” Lahat nung mga tanong na ‘yun maganda at nabibigyan…

Whenever I go outside of Manila, ‘yun ang ginagawa ko para naman malaman ko na tama naman ‘yung nirere – una, tama ‘yung nire-report sa akin. And ang nire-report sa akin is nationwide kaya’t we have to do it, we have to see dito sa Bicol iba, diyan sa Ilocos iba, doon sa Mindanao iba, sa Visayas iba. So we have to talk to the people. So I’m always very happy to come out here and…

I suppose that I can attribute that support that people are showing, the enthusiasm is because I hope that they can see  na kung ano man ang pinangako namin noong kampanya talagang sinusubukan namin itupad lahat ng aming sinasabi, pinag-usapan.

So we talked about housing, I talked about MSMEs, I talked about the internet, I talked about power. Lahat ‘yan tinatrabaho namin nang husto at nakikita naman ng tao kahit na hindi pa tapos ay talagang mayroon na tayong sinimulan na maganda.

All right. Thank you.

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)