Interview

Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Inspection of the Reinforced Concrete Riverwall Project in Baliuag, Bulacan


Event Media Statement
Location Purok 4 Barangay Piel, Baliuag, Bulacan

Good morning.

All right, we are here in – nandito naman tayo sa Baliuag dahil mayroong report na ibinigay sa atin na dumating doon sa website na itong kontrata para sa isang – a 50-million contract – 55-million contract for the construction of Reinforced Concrete Riverwall approved for Barangay Piel, Baliuag, Bulacan.

Contract cost is P55,730,911.60. Ang – as of last month, June, ang report dito, 100 percent complete at saka fully paid.

Wala kaming makita na kahit isang – isang hollow block, isang ano ng semento, walang equipment dito. Lahat itong project na ito ghost project. Walang ginawa na trabaho dito.

Ngayon, pinag-aaralan namin dahil dito naman sa kabila mayroon ring ginagawa na flood protection.

Eh parang nagtuturuan ngayon ‘yung dalawang kontratista at sinasabing hindi maituloy ito hangga’t magawa ito.

So, nakikiusap… Ewan ko basta’t mayroon daw silang usapan na itutuloy ngayon ito.

Ngayon, kung titingnan ninyo ‘yan, eh inabot na tayo ng tag-ulan. Kung titingnan ninyo, kung abutin ng baha ‘yan, laglag kaagad ‘yang pader na ‘yan. Hindi tatagal ‘yan. So, substandard pa rin.

Ang kataka-taka, hindi namin mahanap itong kontratang ito. So, hinahanap pa rin namin. Kaya hindi na namin malaman… Siguro sinubcontract (subcontract) nang husto.

Siguro I – naka-ilang layer ng subcontractor kaya hindi – wala ng record. ‘Yung record nasa contractor na may hawak ng – na may – nakakuha ng kontrata. Siguro ‘yung record ay nasa kanila at saka sa subcontractor. Eh ‘yun ang kailangan namin hanapin ngayon dahil napalitan lahat nung… Maraming napalitan na district engineer kaya ‘yung mga bago ay hinahanap pa ang mga records.

Pero ganito ang aming pinag-aalala. Itong ganitong – itong ghost project talaga ito. Wala talagang ginawa kahit isa, ni minsan.

Eh sinabihan daw si Chairman na umpisahan, tapos umatras din ano?

OFFICIAL: Opo

PRESIDENT MARCOS: Oo, sinabi nagpatulong daw sa barangay at sabi eh sisimulan na ito. Eh ngunit after a while… 220 meters?

OFFICIAL: 220, sir.

PRESIDENT MARCOS: O, 220 meters dapat ang ilalagay dito na flood protection.

Pagkatapos sinabi sa barangay na magpapatulong para ilalagay nila ‘yung project, tapos umatras din. Sinabi after a while hindi na matutuloy. So, siguro nabayaran na, kaya’t umalis na.

‘Di bale… Sige, Chairman, titingnan natin ‘to. At hindi natin papa… Titiyakin natin na ‘yung mga contractors eh hindi lang sa managot sila kundi gawin nila [inaudible] ang trabaho. Kawawa naman itong mga nababaha.

Alright, anyway, that’s another example of the kind of problems that we have been facing starting…

Since we put up the website, ang dami talagang sumusulat and this a perfect example of the abuse that is being done by some of these contractors. And this is not…

Unfortunately, hindi lang ito na project na ganito. Kailangan pa natin na tingnan nang mabuti lahat ng mga iba at mukhang nakakalungkot pero ang dami pang iba na sa aming palagay ay ganito rin.

Na ganitong kalaki na project 220 meters, 55 million ang kontrata, walang nagawa. Kahit ano, walang nagawa.

Hindi man… Hindi man nakapagpala kahit isa lang panel. Ay naku! Okay.

So, we will keep going. And very… Ongoing naman ‘yung ating mga investigation. Pinag-aaralan namin lahat. Tinitingnan namin lahat ng mga sinusumbong sa amin.

And we will not stop. We will keep going until ma-identify na mabuti at makasuhan nang mabuti lahat itong mga contractor at kung sinoman ang mga nakakuha ng kontrata.

At ang technique kasi ginagawa ngayon eh

‘yung contractor makakakuha, may award ng contract sa kanila. Tapos hindi nila ginagawa ‘yung trabaho. Pinagbibili nila ‘yung contract sa mga subcontractor. Bahala na kung ‘yung subcontractor kung itutuloy niya ‘yung project. Bahala na sila kung maganda, kung sub – kung nasa standard o substandard kaya napapabayaan. At ‘yung iba, hindi na lang itinutuloy.

Kaya… Anyway, we will keep going. Hahabulin natin silang lahat.

Sige, maraming salamat. Chairman, thank you.

 

 

— END —

 

 

Resource