LEGAZPI CITY – Farmers belonging to three (3) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) here can now dry their grains easier and faster after the Department of Agrarian Reform (DAR) and Department of Science and Technology (DOST) distributed portable solar (Portasol) dryers.
DAR-Albay Provincial Agrarian Reform Program Officer Patricia Rastrullo said one of the goals of Secretary Conrado Estrella III is to help boost the livelihood activities of the farmers and ARBs nationwide in partnership with other government agencies.
“The DAR assists ARBOs to get equipment like these from other government agencies. We in the government extend assistance through programs and projects that we can implement to help each other’s clients and stakeholders,” Rastrullo said.
The multipurpose solar dryers are stackable sets of grain thermal drying trays, clean, and space-efficient, and are specifically designed to reduce the moisture content of large volumes of produce. It can accommodate 150 kilos of palay per drying.
“The Portasol allows farmers to dry their grains easier and faster even during overcast days. By using it, farmers can avoid continuous wasteful drying every harvest season compared to the traditional way, which is drying on pavement and serves as a road hazard,” Rastrullo said.
Senestorio M. Apuli, President of SLUB Linksfarm Farmers Association, expressed her gratitude for the support they received, marking a significant step forward for innovation in local agriculture.
“We are blessed to have been chosen by the DAR and DOST as the recipient of this technology which we consider as a manifestation of the government’s unwavering support for the cause and welfare of the farmers,” Apuli said.
Fourteen (14) units of portasol were given to the Southern Legazpi Upland Barangays Linksfarm Farmers, Association, Inc. (SLUBFA, Inc.), Cagbacong Farmers Association (CFA), and Bariis Farmers Association (BFA). A memorandum of understanding was also signed by the representatives of the DAR, DOST, and the local government unit of Legazpi.
Under the agreement, the DOST will fund the initiative for ₱511,000.00 for the acquisition of the Sun Drying Trays. The DAR for its part, shall undertake the logistical support and aid with the training of the farmer-members of the 3 cooperatives. LGU-Legazpi on the other hand, shall formulate, together with the cooperatives, an operating policy and guidelines on the use, access, and overall operation of the Portasol.
The distribution of portable drying equipment is part of the DOST’s Community Empowerment through Science and Technology (CEST) program, which is specially designed to support initiatives aimed at improving the rural populace’s standard of living.
###
3 kooperatiba ng mga magsasaka sa Albay tumanggap ng portable dryers mula sa DAR, DOST
LEGAZPI CITY – Mapapadali at mas magiging mabilis nang mapatutuyo ng mga magsasaka na kabilang sa tatlong (3) Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) dito ang kanilang mga butil matapos na mamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Science and Technology (DOST) ng mga portable solar (Portasol) dryer.
Sinabi ni DAR-Albay Provincial Agrarian Reform Program Officer Patricia Rastrullo na isa sa mga layunin ni Secretary Conrado Estrella III ay tulungang palakasin ang mga aktibidad sa kabuhayan ng mga magsasaka at ARB sa buong bansa katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.
“Tinutulungan ng DAR ang mga ARBO na makakuha ng mga kagamitang tulad nito mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan. Kami sa gobyerno ay nagpapaabot ng tulong sa pamamagitan ng mga programa at proyekto na maaari naming ipatupad para makatulong sa bawat isang benepisyaryo,” ani Rastrullo.
Ang mga multipurpose solar dryer ay mga nakasalansang grain thermal drying tray, malinis, at matipid sa espasyo at partikular na idinisenyo upang bawasan ang pagkabasa ng malalaking bulto ng ani. Ito ay may kapasidad na 150 kilo ng palay kada pagpapatuyo.
“Ang Portasol ay makapagpapatuyo ng mga butil nang mas madali at mas mabilis kahit na sa mga araw na maulap. Sa paggamit nito, maiiwasan ng mga magsasaka ang tuluy-tuloy na aksayadong pagpapatuyo tuwing panahon ng pag-aani kumpara sa tradisyonal na paraan, na pagpapatuyo sa semento at nagsisilbing panganib sa kalsada,” ani Rastrullo.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Senestorio M. Apuli, Presidente ng SLUB Linksfarm Farmers Association, sa suportang kanilang natanggap, na minarkahan ang isang makabuluhang hakbang pasulong para sa pagbabago sa lokal na agrikultura.
“Mapalad kaming mga napili ng DAR at DOST bilang tatanggap ng teknolohiyang ito na itinuturing naming manipestasyon ng suporta ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga magsasaka,” ani Apuli.
Labing-apat (14) na unit ng portasol ang ibinigay sa Southern Legazpi Upland Barangays Linksfarm Farmers, Association, Inc. (SLUBFA, Inc.), Cagbacong Farmers Association (CFA), at Bariis Farmers Association (BFA). Isang memorandum of understanding din ang nilagdaan ng DAR, DOST, at ng lokal na pamahalaan ng Legazpi.
Sa ilalim ng kasunduan, popondohan ng DOST ang inisyatiba sa halagang ₱511,000.00 para sa pagbili ng Sun Drying Trays. Ang DAR naman ay magsasagawa ng logistical support at tulong sa pagsasanay ng mga magsasakang-miyembro ng 3 kooperatiba. Ang LGU-Legazpi sa kabilang banda, ay bubuo, kasama ng mga kooperatiba, ng isang patakaran sa pagpapatakbo at mga alituntunin sa paggamit, at pangkalahatang operasyon ng Porstasol.
Ang pamamahagi ng portable drying equipment ay bahagi ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) na programa ng DOST, na espesyal na idinisenyo upang suportahan ang mga hakbangin na naglalayong mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga rural na populasyon.
###