Other Government Release

Mensahe sa Ika-82 Taong Paggunita ng Araw ng Kagitingan



Buong-pusong nagpupugay ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa mga Beteranong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, kasarinlan at kapayapaan ng
ating bayan.

Sa pagdiriwang ng ika-82 na Araw ng Kagitingan, ang paggunita natin sa katapangan, serbisyo, at sakripisyo ng ating mga beterano, ay akma sa temang, “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan ng Nagkakaisang Pilipino.”

Magsilbi nawang inspirasyon ang kanilang kagitingan sa pagkakaisa ng sambay anan at sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, tungo sa mapayapa, matatag, at maunlad
na Bagong Pilipinas.

Mabuhay ang beteranong Pilipino!

Gilberto C. Teodoro, Jr.
Kalihim ng Tanggulang Pambansa
# # # #