News Release

PBBM nais buhayin ang Cebu railway at nangakong ipapatupad ang BRT


Kabilang sa mga proyektong uunahin ng administrasyong Marcos Jr. para sa Cebu ay ang rail way system at ang pagpapatupad ng Cebu Bus Rapid Transit o BRT system.

Naniniwala ang pangulo na napapanahon na para palawakin ang mga kasalukuyang railroad networks gayundin ang pagpapatayo ng mga bago at buhayin ang mga hindi pa naaalis sa pipe line partikular na sa mga lugar sa labas ng Metro Manila gaya ng Cebu.

Sa unang State of the Nation ni Marcos Jr. kahapon, sinabi nito na maglalaan ang pamahalaan ng lima hanggang anim na porsyento ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa para sa infrastructure projects (IBC News)