Photos


Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging partisipasyon ng mga kabataang Pilipino sa mga hakbang ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng climate change. Sa kanyang pagdalo sa pag-uusap kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Youth, inilahad niya ang potensyal ng mga kabataan upang manguna sa pagsulong ng pagbabago sa rehiyon. Hinimok din niya ang ibang kasaping bansa sa ASEAN na sundan ang halimbawa ng mga kabataang Pilipino sa pangangalaga sa kalikasan. Isa sa inisyatibong kasalukuyang pinangungunahan ng sektor ay ang paggunita sa taunang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day tuwing ika-25 ng Nobyembre.
Sa kanyang pagdalo sa pulong kasama ang mga kinatawan mula sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), binigyang-pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papel ng AIPA sa pagtugon sa climate change at iba pang mga hamon sa rehiyon. Inihayag ni PBBM ang kahalagan ng kooperasyon upang magkaroon ng pagkakasundo sa mga batas at regulasyon sa lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.
Sa opening at plenary session ng 42nd ASEAN Summit, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kasulukuyang suliranin na kinakaharap ng rehiyon tulad ng tumatandang populasyon at ang seguridad sa enerhiya na matutugunan sa paggamit ng renewable energy. Binigyang-diin din ng Pangulo ang sama-samang pagkilos ng ASEAN upang himukin and mga mauunlad na bansa na tuparin ang kasunduan ukol sa isyu ng climate change sa ilalim ng Paris Agreement.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga heads of state sa pagbubukas ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia. Bago pormal na magsimula ang summit, nagkaroon muna ng isang family photo session ang mga ASEAN leaders.
President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Tuesday that he expects the leaders of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) to make an aggressive push to revitalize the region’s economy after being battered by multiple headwinds in the past few years.
Layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hikayatin ang pakikipagtulungan ng buong Timog-silangang Asya sa mga hamon sa rehiyon, partikular na sa larangan ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya at pagkain, at pagsugpo sa transnational crimes.
Nakibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa reception na inihanda para sa mga bisita nina King Charles III at Queen Consort Camilla sa Westminster Hall.
The Department of Energy Philippines' energy efficiency campaign, "You Have The Power!", launched its multiple-leg mall activity yesterday at SM Southmall in Las Piñas. The Presidential Communications Office takes pride in being one of the key partners of this campaign, which aims to promote energy conservation through energy-saving habits and encourage the public to take action towards a brighter future.
Nagkaroon ng executive meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si G. Bayo Ogunlesi, chairman ng Global Infrastructure Partners (GIP), upang pag-usapan ang pamumuhunan ng kumpanya sa sektor ng enerhiya, transportasyon, at digital ng Pilipinas. Isa sa mga nangungunang infrastructure fund manager sa mundo ang GIP na nakabase sa Estados Unidos.