Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Launching of Student Beep Cards


Event Launch of Student Beep Cards
Location LRT-2 Legarda Station in Sampaloc, City of Manila

Good morning, everyone.

Ang ating mga kaibigan sa media at saka lahat ng mga…

Napuno ‘yung ating istasyon ng mga estudyante dahil ngayong araw na ito ni-launch na natin, inilunsad na natin, inilabas na natin ‘yung ating bagong sistema para magkaroon ng Beep card.

Iyong Beep card para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na sumakay ng tren na kalahati lang ang — 50 percent ang discount. Kalahati lang sa pamasahe ang binabayaran.

What was the calculation for the 25? 25 pesos…? Cubao to Recto is 25 pesos na normal. Para sa estudyante, 12.50 na lang. Kaya napakalaking tulong ‘yan dahil alam naman natin students are on a very, very tight budget.

That’s why we are very happy to be able to launch this new system to give the Beep card to our students. Unang-una, ang processing talagang pinabilis na natin nang mabuti. Maka-acquire ka na ng…

Dati ang Beep card, bago mo makuha ‘yung Beep card, seven to 10 days ang processing. Ngayon, three minutes na lang. Dahil pagpunta nila riyan, basta’t maipakita nila na talagang student sila, na they are attending school, dadalhin ngayon doon mag-imprenta sila ng Beep card, load-an lang nila. At saka ‘yung pag-load hindi dito. Kahit anong klaseng pagbayad: puwede GCash, pwede PayPal, puwede lahat.

So, hindi na sila kailangan bumalik dito para mag-load. Tapos after the three minutes, iyon magagamit na nila ‘yan. Every time na papasok sila dito sa istasyon, pagpasok nila diyan sa mga platform ay iyan na lang ang gagamitin nila para mas mabilis pa.

Kaya’t sinasabi ko — tinutukso ko nga ‘yung mga estudyante rito, wala na kayong excuse maging late. Kailangan talaga… Sasabihin, “Sir, kasi ang dami — ang haba ng pila doon sa ano sa LRT.” Ay wala na, wala na ‘yung excuse na ‘yun. Kailangan na ng excuse slip galing sa mga magulang ninyo.

But anyway, we are very happy to be able to do this dahil together with the discounts… Well, actually it’s free for the PWDs and for the senior citizens, isinunod na natin ito for the students.

But most even — more importantly ay ang nagawa natin pinabilis natin. We made much more convenient na ngayon para sa ating mga estudyante na makapag-avail dito sa programang ito na 50 percent discount para sa mga students.

So, congratulations sa ating DOTr. [applause] Congratulations sa mga manager ng LRT. [applause] And this is our — patuloy na pag-modernize natin sa ating sistema ng transportasyon para naman ang ating — hindi lamang estudyante, mga manggagawa, lahat ng sumasakay ng tren, lahat ng sumasakay ng public transport ay maging mas magaan naman dahil napakahirap kung minsan ang dinadaanan bago makasakay, bago makarating doon sa kanilang pupuntahan.

So, we are launching this today. And we will watch and see kung ano pa ang kailangang gawin. Titingnan natin siyempre baka mayroon tayong kailangan i-fine tune diyan, pero patuloy nating pinag-aaralan.

Pero ngayon, ngayon pa lang dito sa sistemang inilagay na natin napakalaking bagay na. Fifty percent discount para sa students. Napakabilis ang pagproseso para makatanggap ng Beep card. Napakadali ang mag-load doon sa Beep card.

Kaya ito na po. At congratulations nga sa ating mga nagbuo nitong sistemang ito. And we look forward to the advantages that it will bring to our students — our young people, our most important asset.

Kaya thank you very much. Good morning. [applause]

— END —