Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the 2023 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines

Event 2023 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines
Location The Manila Hotel in the City of Manila

Thank you to Secretary Anton Lagdameo. [Please sit down.]

The Secretary of Finance Ben Diokno and the head of the DBM – magaling talaga ang LMP nandito lahat nung mga pagkukuhanan natin ng pondo. [laughter and applause] Nandito ‘yung Department of Finance at saka DBM. Talaga naman naunahan niyo na ako.

Ang ating kinikilala na talagang lider sa local government, ang ating LMP President Emeritus si Manong Chavit Singson; my fellow workers in government; other distinguished guests; ladies and gentlemen, good afternoon.

Maraming, maraming salamat na nabigyan ako ng pagkakataon na makasama kayo dito sa inyong kumperensya at inyong pagsasalo-salo dahil ito pa lang ‘yung pinaka-una for the last – this is the first one for three years. At dahil siguro doon binabalita sa akin ng inyong presidente na 94 percent ang nakarating dito sa Maynila. [applause]

Mabuti na lang at medyo nabawas-bawasan na ang problema natin sa COVID at tayo naman ay nakakapagbiyahe na dahil napakahalaga ng ganitong klaseng ugnayan. This kind of meetings and conferences are very, very important especially since we are just in the first year of our term, lahat tayo, of our term in office. And ibang-iba ang mundo ngayon. Ibang-iba ang mundo na ating hinaharap. Marami tayong kailangang baguhin sa ating paggagawa. Marami tayong kailangang isipin kung papaano pagandahin ang sistema sa Pilipinas.

At alam naman ninyo I have been – I always call myself eh doon – lumaki ako sa local government. Kaya’t para sa akin hindi ko kinakalimutan kung gaano kahalaga ang ginagawa ng ating mga LGU, ng ating mga local executives sa – lalong-lalo na sa mga municipalities and cities dahil ay talaga naman kailangan eh ipalapit. Kaya tama ‘yung naging inyong – ng inyong parang manifesto na sinasabi dapat ipaglapit ang national at saka local government.

Kaya’t para sa akin lalakihan talaga natin ang role ng local government sa lahat ng pagplano, sa lahat ng mga iniisip ng national government. [applause] Para sa akin kailangan na ‘yung mga ginagawa natin ay – kami sa national government ay kailangang makinig sa inyo. Dahil kayo’y nasa local, masasabi niyo, alam na alam ninyo – tingnan niyo kayong lahat mga mayor walang makakapagsabi sa inyo na may taong mas alam ang bayan ninyo kaysa sa inyo. You are the experts about your municipality. You are the most aware of the problems that you have. You are also the most aware of the possible solutions.

Kaya’t napakahalaga na kami dito sa national government ay nakikinig sa inyo. Asahan ninyo na dito sa administrasyong ito ay nakabukas lahat ng aking pandinig upang [applause] marinig kung ano ang pangangailangan ng ating mga local officials at kung anuman ang ating magagawa upang solusyonan ang mga problema na hinaharap ninyo.

One of the – ang pinakamalaking isyu siguro na hinaharap natin ngayon ay ‘yung pag-implement ng Mandanas ruling. I’m sure everybody is aware of that and iniisip kung ano ba ang talagang nangyayari. Ang nangyari dito is nagkaroon tayo ng executive order, ‘yung EO 138 that defines the different functions of government and local government. Dahil ang nasa likod niyan ay ang sinasabi lalaki ang pondo ng municipal government, ng provincial government, ng city government dahil nga nabago ‘yung interpretasyon doon sa sharing.

Ngunit dahil sa mga pangyayari tinitingnan nga natin ay maraming inilipat na function at inilagay sa local government. Iyong ibang lugar – hindi ‘yung mga mayayaman dito sa NCR pero ‘yung mga ibang lugar – kung kakalkulahin mo, lugi pa ang munisipyo doon sa [applause] naging EO.

Eh ang nasa likod niyang ‘yung kaso na ‘yan ay naalala ko I was with Governor Mandanas, we were congressmen together when we started talking about… Nagsimula ‘yan dahil mayroong proposal ang Senado noon na sinasa – noong sinusulat ‘yung budget na sabi isuspende muna ‘yung IRA dahil maraming babayaran ang national government sa — maraming babayaran ang national government na utang.

Kaya naman kami eh nasa local government kami ULAP ang nag-file ng kaso at sinabi namin hindi maaari ‘yan dahil pera ng LGU ‘yan, at ‘yung LGU walang utang. Hindi niyo kami pinababayaan mangutang eh kaya wala kaming utang. Bakit kami ang magbabayad ng utang ng national government?

Sa awa ng Diyos, the Supreme Court upheld our position kaya ngayon ang IRA is an automatic appropriation. Hindi na dumadaan sa budget process basta’t kung ano ‘yung sharing eh ‘yun ang ibinibigay.

Noong pinag-aaralan namin ‘yan ay nakita namin na sa Local Government Code ay nakalagay naman maliwanag na maliwanag ang salita, the words were very, very clear: “…all collections of the national government.” “A certain percentage of all the collections of national government.”

Ngunit ang interpretasyon hanggang noong panahon na ‘yun ang interpretasyon hindi kasama ang Customs, ‘yung VAT hindi nakakasama eh napakalaking halaga ‘yun.

Kaya’t ipinaglaban na dapat talaga ay sundan natin very strictly, we should follow very strictly the mandate of the Local Government Code that we will take the IRA share of the local government, ang kalkulasyon ay ‘yung buong koleksyon ng national government at hindi na exempted doon sa pagkalkula, hindi na mawawala ‘yung VAT, hindi na mawawala ‘yung Customs, hindi na mawawala ‘yung mga ibang koleksyon ng gobyerno.

Kaya’t ‘yan ang… But ang dahilan kung bakit naging mahalaga para sa amin, naging importante ‘yun ay para mabigyan ang local government ng mas malaking pondo dahil alam naman natin lahat — lalo siguro ‘yung mga first class, second class, kahit ‘yung mga third class naghihirap eh. Pero lahat-lahat ng LGU ay kulang ang pondo at maraming gustong gawin.

At sinasabi ko, dapat bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga local leaders, we have to give them a chance na magawa naman nila ang kanilang initiative. Maipakita naman nila na ‘yung, “Ito, gusto ko ‘yung project na ito, tingnan nga natin kung maganda talaga.” Para maipakita ng mga mayor, maipakita ng mga governor kung ano ‘yung magaganda nilang iniisip.

At kung ganito ang mangyayari na lugi pa ang local government dahil sa EO ay palagay ko, sabi ko, hindi — nabigo yata ‘yung ating hinahabol.  So that’s why we gave ourselves one year.

Kasi noong umupo ako, sabi ko: “Tingnan kaagad natin. Let us look at this. Let us study this well.”  Because sa papel, it looks okay pero ang net effect sa maraming lugar — hindi lang iba, sa maraming lugar — ang net effect ay nababawasan pa ang pondo na puwedeng gamitin ng chief executive ng local constituency.

So kaya’t binigyan namin ang sarili namin, noong tinitingnan namin, sabi ko, marami talagang kailangan tayong ayusin dahil nagbago rin, nagbago talaga ang panahon and we have to coordinate and to synchronize all that we are doing at the local level with what we are planning to do at the national level.

And again, the growth of our economy, the transformation of our economy will always start from the ground level. And if we do not give our local leaders the opportunity to show what it is that they feel are most important, pinakamahalagang proyekto, pinakamagandang iba’t ibang gagawin, mga initiative, programa, eh kung hindi naman nila maipakita ‘yun, hindi nila magagawa ‘yung hinihingi natin para sa transpormasyon, for the transformation of our economy. And that is why we went back to look at the EO 138 again, together with the mayors, the city mayors, the governors at sabi namin titingnan nga natin.

But we had to give ourselves dahil by that time it was already late last year. Sabi hindi naman natin basta’t puwedeng biglain ito. So pinabayaan namin because there’s no net effect for 2023 dahil ang pinagkukuhanan ng 2023 ay 2020, hindi naman nadagdagan ang takings ng ano.

So sabi can afford pa tayo mag-one year. Kaya’t ‘yan ang ginawa namin. Gagamitin ngayon namin itong one year na ito para pag-aralan nang mabuti ‘yung 138. Tingnan natin na siguro may mga function kasi na binibigay sa local, hindi naman dapat sa local talaga.

For two reasons — for many reasons, one reason, [applause] walang pondo; pangalawa, walang bagong item para makakuha ka ng tao; pangatlo, walang expertise.

Ngayon, kung tutulungan ng national government, pupuntahan kayo, halimbawa land use plan. ‘Di ba marami naman sa atin gustong gumawa ng land use plan, pero wala tayong expert doon sa ating mga empleyado, sa ating mga department head. Napupunta na lang sa ibang department head.

So those are the reasons — nakikita ko, sabi ko hindi naman dapat ‘yan. And some of the functions really belong to the national government. So we will try — we are going to rationalize the functions because para sa akin, for example ‘yung mga pinaplanong programa na national program, hindi naman maaari gagawa tayo… Halimbawa, we will do a housing. Sasabihin natin, ibigay mo na lang sa housing ng local government. O, ‘yung sa school building, repair and building of school building, ibibigay sa local government.

Sabi ko, bigyan mo – kayang-kaya ng local ‘yan magtayo ng eskuwelahan pero bigyan niyo ng pondo. Eh kung walang pondo, wala kayong magagawa, ‘di ba? [applause] Eh tayo naman lahat mas gusto natin by administration talaga ‘di ba. So ibigay nga natin pero kailangan may kasabay naman na pondo.

So these are the things that we are looking at, that what are the functions na puwede na nga ibigay sa local government na karapat-dapat na tama naman na maibigay sa local government, eh mayroon naman sa aking palagay ay really belongs to the national government.

And so that’s what we are examining, asahan ninyo as I said that we are taking very seriously the issues that have come out from the Mandanas ruling and how we will implement it because hopefully by next year, by ’24, mag-i-improve na ang ating koleksyon kasi sa 2021, medyo maganda-ganda na, medyo umaahon na ‘yung ekonomiya, baka mayroon naman talaga tayong makuha.

But we have to make sure that it is going to be — na magagamit ng ating mga local official. Kung masyadong maraming mandated appropriations sa local level, eh wala ng natira, ‘di ba? Wala ng naiiwan.

Pagka… We already have the 20 percent development fund, we already have the calamity fund, mayroon na tayong — marami na tayong mandated na appropriation. Kung dagdagan pa natin, eh wala ng matitira para sa – ‘pag nagbayad ka ng suweldo, wala ng matitira para sa mga initiative ng mga local leaders. At ‘yun ang ating gustong palabasin. Kaya’t we will do all our best. We are going through it right now.

And tamang-tama nga ‘yung inyong mga ginawa ninyong guest, ‘yung ating Secretary ng Finance at saka ‘yung ating Secretary ng DBM. [applause]

At sabihin natin sa kanila kung ano ba talaga ang puwedeng gawin upang mabigyan naman natin ng pagkakataon ang ating mga local leaders.

Kaya’t… And the other point that I made was that asahan ninyo at ako ay sa local din ako nanggaling kaya’t siguro kahit papaano marami akong nauunawaan sa mga hinaharap ninyong problema, sa mga hinaharap ninyong pag-adjust dito sa ating bagong ekonomiya.

Kaya’t magtulungan tayo at asahan ninyo na ang Malacañang ay nakikinig sa inyo. [applause]

Maraming salamat. Magandang hapon sa inyong lahat.

 

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)